《Chasing Rainbows》3: Pet shop

Advertisement

“I'll help you make a move on Timothee.”

With that, I was stunned and dumbfounded.

Pusang gala.

Ano daw?

I blinked rapidly. My mouth agapes as I gave him a confused look. Seryoso ba siya? I mean, did I even heard it right? Him? Helping me with the gay I like? Is he being serious? He's got to be kidding me.

“Oh? Ayaw mo? Tutulungan na nga kita eh.” He crossed his arms, and guess what he did— he rolled his eyes again for the nth time already. Kainis.

“Baks, my god.” I burst out laughing. Ngayon ko lang na-realize ang ginagawa niya.

He's playing cupid now dahil iniisip niyang isa akong hamak na hopeless stalker sa lagay na 'to. He's pitying me for the muffin's sake. Napahawak na din ako sa tiyan ko kakatawa. I'm fine with this situation. Besides, 'di pa ako prepared maghabol 'no!

Chasing gays was never on my plan.

“Pusang gala, Connor! You helping me with Timothee, would be pure chaos.” Umiling iling pa ako, to emphasize my disbelief. “Rainbow-colored chaos, may I add.”

“Kaloka. If I know, one of these days you'd be begging me to help you with that gay crush of yours.” Umiiling pang sabi nito. I annoyingly mock him earning a deathtifying glare from his chinito eyes.

“Yeah, yeah. Whatever. Umuwi kana nga, shoo!” Tinulak ko pa siya at sumunod naman ito sa akin. “Bye baks! Ingat baka ma-rape ka sa kanto.” Pahabol ko pa. Nandidiri lang ako nitong inirapan bago naglakad palayo.

Napailing ako saka naglakad na papuntang dorm. Connor's crazy suggestion lingering on my mind. I still can't believe that he would suggest that. For all I know galit siya kay Timothee kasi inaagaw niya daw mga fafa sa university. Asus ang daming alam.

Never pa naman nagkaroon ng boyfriend si Tim. May mga bali balitang may ka-mu siya o may mga nanliligaw sa kanya pero wala siyang sinasagot. It's odd but hindi na ako magrereklamo since pabor naman sa akin.

But come to think of it, Connor is gay and maybe may mga alam siyang tricks para magustuhan ako ni Timothee. Tsaka pwede ko rin siyang kasangga kapag may maisip akong kabaliwan.

Well, maybe his offer would come in handy one of these days.

• • • •

Labag man sa kalooban ko ay marahan kong binuksan ang aking mga mata. Hindi dahil sa alarm ng cellphone ko, hindi din dahil sa sinag ng araw cause for muffin's sake, pakiramdam ko nga hindi pa sumisilip ang araw!

It's just that, a loud freaking music is playing in the speaker kahit madaling araw palang. Idagdag pa na sabado palang!

“What are you doing?”

Kunot-noo kong tanong nang makita ang roomate ko na hinahawakan ang boobs niya habang nakatayo sa harap ng full lenght mirror.

“Omg!” She jumped out of surprised at napahawak pa sa dibdib niya. She's wearing a pink satin spaghetti top and a soft pink short shorts. Hindi rin nakawala ang cute niyang pink na headband.

Advertisement

“Why are you playing some lame music early in the morning? And why are you...” Binigyan ko siya ng nandidiring tingin which she immediately replied with a multiple shakes of her head. Namumula na din siya sa hiya.

“First of all, hindi baduy ang mga kanta ni madonna. Your music taste is just ugly duh.” Pinatay niya ang music saka nakangusong naupo sa dulo ng higaan niya. Naupo narin ako saka siya tiningnan.

“Tsaka... ” She blushed again. “It's weird.” Bumuntong hininga ito saka sinulyapan ang boobs niya. Napangiwi ako ng wala sa oras at pasimple ding tiningnan ang boobs ko. What a weird fetish?

“Anong weird? Lahat naman ng tao may boobs.”

“I know pero kasi...” Tiningnan niya ako saka medyo lumapit. “May mga times na ang confident ko kasi you know it's like my boobies are big. Then there's this time kung saan... err.... parang lumiit boobies ko.”

Napanganga ako. Pusang gala, ano daw?

“Ha?” was all I can utter. Her blush intensified bago niya sinundot ang boobs niya.

“Maybe it's just me. Pero kasi may time na ang big ng boobies ko and then may times na feel ko lumiit.” Esther, sighed. “Maybe my boobies are flexible?”

Tulala padin akong nakatingin sa kanya. Sabadong sabado tapos 'yan ang prinoproblema niya? Ginulo ko ang buhok ko saka tumayo nalang. Hinayaan siyang gawin ang gusto niyang gawin sa boobs niya o kung saan man.

“Alis muna ako.” Lumapit ako sa cabinet ko at kumuha ng susuotin ko. Esther glanced at me at taas kilay akong tiningnan.

“Going on a date?” She teased.

I rolled my eyes. “You wish.”

“Still caught up with that gay crush of yours?”

“May iba pa ba?” Natawa ako ng bahagya saka naglakad papuntang cr. Hindi paman din ako nakakapasok ay humabol na agad si Esther.

“Connor's cute.” Nanunukso niyang tinaas baba ang kilay niya. I can only roll my eyes before entering the bathroom.

Oh Esther, if only you knew.

It took me almost an hour to get ready and prepare. Pagkalabas ko ay busy na si Esther sa pagsuklay ng mahaba niyang buhok habang sinisipat ang sarili sa vanity mirror niya. I also checked myself on the mirror. Sinuklay ko pang muli ang maikli kong buhok.

“I have some stylish clothes that you can always borrow, you know? Why stick to your same old tshirt and pants?”

Taas kilay kong nilingon si Esther. She's staring at me from her mirror. “Are you insulting my style?” Pabiro kong sabi. She snorted before shaking her head.

“Just saying. Either way, mas cute padin ako sa'yo kahit anong gawin mo.”

Holy muffins, Esther's confidence would always be off the roof.

“Yeah, whatever.”

Nagpaalam na ako sa kanya saka umalis na. May iilang estudyante akong nakasalubong sa baba. Lahat sila pauwi na sa kani-kanilang bahay and some of them are just hanging out on the lobby.

Advertisement

Nag-abang ako ng bus sa tapat ng uni. It almost took me ten minutes sa paghihintay. Hindi rin nakatulong ang sobrang init ng panahon. Pakiramdam ko nilelechon ako!

After some time ay nakarating din ako sa isang local shopping center na malapit lang. I admit, it kinda feel awkward going there alone. Sa susunod talaga hihilain ko na si Esther na samahan ako. Skin-concious kasi ang gaga. Kung may ganun mang word.

Basta ayaw niyang umitim. Not that she's being racist, she just feel anxious kapag umiitim siya. Well, yun ang sabi niya.

Nakarating ako sa second floor at hinanap ang pinakamalapit na pet shop. Nang mahagip ay agad akong pumunta doon para hanapin ang pakay ko.

Sumalubong agad sa akin ang cute na mga pusa at aso na nasa kulungan. Some of the dogs are free from their cage tho, the tame once was scattered on the floor same as the cat. Ang cute nila tingnan holy muffins.

I was even more overwhelmed when a cute hairy cat approached me. Parang nagmamakaawang kargahin ko siya so I did. Kinarga ko ang pusa at autonatic itong nag-purr sa akin. Pusang gala, ang cute!

“Hi ma'am, how may I help you?” A guy in a cute brown apron and a cute cocktail hat greeted me. Pakiramdam ko mas matanda lang siya ng ilang taon sa akin.

“Uhm, do you have some fishes here?” Nakangiti kong tanong. Bahagya itong nag-isip bago bumalik sa counter at may in-scan sa computer.

“Yes!”

Dahil sa tuwa ay inilapag ko muna ang pusa sa baba na nag-complain pa bago ako lumapit sa counter. “How much?”

“What do you want ma'am? We have some Koi fish growth green food at the moment. A must have if you want your fish to grow healthy.” Nakangiti paring sabi nito. Agad na nawala ang ngiti ko. Akala ko pa naman legit na isda.

“No, uhm, I meant real fishes. Like guppy fish sana or gold fish?” Tanong ko pa muli. Mukang nalungkot din ang lalaki dahil umiling ito sa akin.

“Sorry ma'am but we don't have any fishes here in our branch.”

“Ah ganun ba.” I sadly glance at the cat who's purring on my feet. Sadly, hindi pa ako prepared para mag-alaga ng pusa.

“But there's a local pet shop down the street. May malaking fish tank sa harap tapos katabi nun ay isang lugawan. Sikat na lugawan.” Nag-thumbs up pa ito sa akin and it lifted my mood instantly.

“Pusang gala, salamat ah?” Sinulyapan ko saglit ang nameplate niya bago ngumiti ulit. “Thanks, Casper.” Saka ako naglakad paalis.

I followed what he told me. Tinanong ko yung guard ng shopping center kung saan may sikat na lugawan at tinuro niya sa akin ang direksyon.

When I arrived, the place where crowded. Akala ko mukang karinderia ito but it actually looks like a fancy restaurant pero lugawan. Bago pa ako magutom ay dumako na ang mata ko sa katabi nitong shop.

“Ano ba? Sinabi kong linisan niyo 'to diba? Jusko!” A guy with a huge belly and a face mustache and apron kept shouting at some guy na nililinis ang malaking aquarium ng isda na naka-display sa labas gamit ang hose.

Alanganin pa akong lumapit dahil first of all, baka mapagalitan ako ni kuya and second of all, baka mabasa ako ng hose at nang tubig na umaagos pababa sa daanan.

“Uhm excuse me po?” Marahan kong sabi. The guy glanced at me, mula sa pagkakakunot noo ay ngumiti ito sa akin ng marahan.

“Ano iyong kailangan hija?” May pagka-chinese accent na tanong nito. Nahihiya akong tumawa saka nagkamot ng ulo. Baka mahirapan pa akong bumili.

“May guppy fish po kayo? o kahit gold fish?” Sana meron.

“Ah meron. Come here. Come here.” Niyaya niya ako papasok sa pet shop niya. It's full of kinda exotic animals. May mga ahas, iguana, tuko (ew) some frogs and lastly may aquarium ng iba't ibang isda ang naka-display.

“1 pair of male and female guppy fish costs 1,260 pesos.” Nakangiti nitong sabi habang tinuturo ang dalawang cute na isda na may pulang buntot. “I'll give you free one month supply of fish food. If you pay in cash.”

Pusang gala! Gusto ko kaagad bilhin!

“I'll take it po.” Maagap kong sabi. This is gonna be great. I'll name him Tim and the girl would be me. Pusang gala kinikilig ako.

“Hi Timothee.” Parang hibang kong tinutusok tusok ang plastic kung saan nandoon si Tim at si Coco, yup I named them after me and Timothee. Walang titibag.

“Ikaw ingat, Hija!” Nakangiting habol ng mama kaya nginitian ko ito bago tuluyang lumabas ng shop niya, nginingitian padin ang mga isda ko. Holly muffins, they're really cute.

“Theo no!”

I was about to see kung sino ang sumigaw nang may biglang bumangga sa akin. It wasn't much of an impact para mapaupo ako lalo pa't isang maliit na bata lang ang bumangga sa akin but—

“Tim and Coco!” Halos mangiyak ngiyak kong tinabig ang bata at nilapitan ang plastic kung saan wala nang tubig at tumatalon talon na sa kalsada ang dalawa kong maliliit na isda. Pusang gala naman eh!

“Theo, I told you to be careful! Ayan tuloy!”

Halos lumuha na ako habang pilit silang sinasalo pero dahil madulas ay hindi ko sila masalo. Pusang gala ayaw pa nilang makisama! “Tim and Coco makisama naman kayo!” Thankfully, nakisama si Coco kaya napasok ko siya sa plastic kung saan may kaunti pang tubig.

“Tim makisama ka naman.” Inis kong sabi habang pilit hinuhuli ang isang pasaway. I was so near on frying him nang may kamay na nakahuli dito. Buti nalang talaga. “Salamat—”

“Eto isda mo girl. Ang cute, magkapangalan kami.”

Pusang gala.

• • • •

unedited again hehe

    people are reading<Chasing Rainbows>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click