《Chasing Rainbows》1: Timothee

Advertisement

“You? Like? Connor?”

Nakangiti ako ng malawak habang tumatango tango sa tanong ng kaibigan ko. Sam casually nodded bago tiningnan si Connor na busy sa pakikipag-chika sa isa naming kaklaseng babae.

“Connor's gay, Connie. Bakit siya?” Tanong niya pa. She still can't believe na si Connor ang gusto ko.

“Last year ko lang na-realize. Noong junior prom natin. Ang gwapo niya kasi tsaka ang sarap niyang kasama. And I think I'm in love with him.” I giggled sabay sulyap ulit kay Connor. Samantha grabbed both of my shoulders saka ako tinitigan ng mabuti.

“Connie, listen to me and listen to yourself. Connor is gay. Bakla, beki, bading, homosapie—”

“Homosexual.” Pangcocorrect ko.

“—Homosexual nga, Oo nga. Kahit ano pang term, bakla si Connor beh. Hindi naman natin masasabing bisexual siya kasi beh mas malambot pa siya sa pinakuluang cotton candy.” She stated exasperatedly. Nakunot nalang ang noo ko saka sumulyap ulit kay Connor na ngayon ay tumitili tili habang may pinapanood silang something sa phone.

Is there something wrong with that?

“But I should listen to my own heart, right?” Seryoso kong sabi habang nakatitig padin kay Connor. Connor has been my bestest friend simula grade seven. Kahit na binubully niya ako nung una dahil daw ang oldies ng pangalan ko but in the end, naging close friend naman kami.

“Coco, 'wag si Connor. I don't want you getting hurt, you know that right?” Sam gave me a sad smile sabay yakap sa akin. For a moment, my chest tightened na para bang pinipiga ito. Her embrace comforted me somehow.

“Wag siya okay?” She kissed my forehead saka humiwalay na sa akin.

Sam warned me. Sam told me na sakit lang ang aabutin ko kay Connor. She told me na hindi lahat ng nababasa ko sa libro ay nangyayari sa totoong buhay. She told me to stop my fantasies about a gay liking me. She told me to stop my feelings for Connor.

But I was too dumb back then.

Patuloy akong nagkagusto kay Connor.

We became even closer. So close to the point na he'll let me kiss his cheeks. Magkatabi kaming matulog minsan. It's just like what I imagined. For the first time, akala ko mutual ang nararamdaman namin.

I thought that what we had was something special. It was just like the stories I've read. Nararamdaman ko namang nagsiselos siya minsan, nararamdaman ko namang gusto niya din ako. So I made a letter meant for him.

Tsaka, anong masama kung sumubok diba?

“Baks anong ginagawa natin dito?” Kunot-noo niyang tanong. It was our senior promenade. Dinala ko siya sa field ng school kung saan madilim at tahimik ang buong paligid.

Naupo kami sa grand stand sa tabi ng soccer field. May dala siyang plato ng pagkain at coke samantalang ako ay walang ibang dala kundi ang letter ko para sa kanya. Last year naman na namin sa highschool kaya susubok na ako.

Advertisement

“Connor, we've been friends since grade 7 right?” I started, supressing a smile. Kumagat ito sa kinakain niya saka tumatango akong tiningnan, medyo nagtataka.

“Anong trip mo?”

“Shh quiet ka lang. May sasabihin ako.” Pagpupumilit ko. Buti nalang tumahimik din siya.

“Connor,” I heaved a sigh. “I like you.”

Katahimikan.

Bumalot ang katahimikan sa amin for about 5 minutes. Napatigil pa siya sa pagkain saka ako tiningnan. Taas kilay niya akong tinititigan animo'y tinatantsa kung nagbibiro ba ako o hindi. But jokes on him, cause I'm not.

“Nakahithit ka girl?” Nandidiri nitong biro kaya tumawa nalang ako.

“Hindi. Seryoso ako, Connor. Gusto kitang bakla ka kahit na mas kinikilig ka pa sa akin tuwing may nakikita tayong fafa. Gusto kita kahit na nagsusuot ka ng makukulay na damit at nagtataasang boots. Gusto kita Connor, and this time hindi na 'to charot charot lang.” I held his hands.

“Connor, I like you. Your eyes, your smile, your laugh. I like all of you.” Nakangiti ko paring sabi. I saw a flicker of sadness in his eyes. Kumikinang ito dagdagan pa ng mga bituin sa taas. He's looking so handsome as ever with his black tuxedo with a light blue polo underneath and a rose tucked in the small pocket in his chest.

My dream gay.

“Coco...” Marahan niyang sabi bago dahan dahang tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kamay niya. Is he rejecting me?

“I like you too...”

My whole world stopped dahil sa sinabi niya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Tears brimming from my eyes but I stopped it. If this is a dream, parang ayoko nang magising pa. Connor, likes me too!

“I like you, but not in a way you like me Coco.”

Tama ba ang narinig ko?

Napatigil ako at napatulala. He gently caressed my back para pagaanin ang loob ko but it's not working. Mas lalong bumibigat ang dibdib ko.

“Coco, I'm sorry if I gave you false hopes.”

“But you get jealous tuwing may nanliligaw sa akin!” Maagap kong sagot. Connor sighed bago hinimas ulit ang likod ko.

“I just don't like the guys na lumalapit sa'yo. You deserve better.”

“But you don't want me to like anyone!” I spat out again hoping that maybe one of my reason is reasonable enough to convince him na gusto niya din ako.

But the more I tried dugging for more motives that he showed me, the more I realize how assuming and delusional I am to think of those as 'motives'

“Kasi 'di pa ako handang maiwan mo. Baka di mo na ako pansinin. Ayoko mawalan ng friend, Coco.”

“But your eyes tells me that.... you love me too.” That's it. Tuluyan nang tumulo ang luha ko. I am now a crying mess in the arms of the gay I love. It was freaking painful.

Advertisement

Was I that delusional? Was I that assuming?

Was I too in love with him to the point that I end up fantasizing stories about him and me even though I already knew it's too impossible to happen?

Was I that.... stupid?

“I do love you, but not romantically Coco.” Hinaplos niya ang buhok ko so I hugged him tighter. This is not what I expected. Akala ko magiging ayos ako kahit na ireject niya ako pero pucha bakit ang sakit?

“But Connor... I love you.”

“I don't love you that way, Coco.” Pagkasabi niya nun ay saktong biglang umulan.

Maybe they were right.

Sabi nila, alam daw ng ulan kapag malungkot ka. Nararamdaman ng langit kapag malungkot ang isang tao. Contradicting the law of science, maybe they were right. Dahil pagkahiwalay ko kay Connor, hindi niya napansin ang luhang umaagos na sa mata ko.

The tears are camouflaging with the rain. Kahit na ayaw kong humiwalay mula sa pagkakayakap ni Connor, alam kong kailangan. The more he holds me, the more I'd be broken.

“Y-You hurt me, Connor.” Humihikbi kong sabi as I fake a smile. I saw pure sadness on his eyes bago hinawakan ang kamay ko.

“Sorry talaga, Coco. I'm so sorry bakla talaga ako eh.”

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka tumayo. Tinanggal ko din ang heels ko at inabot ito sa kanya na naguguluhan niya namang tinanggap.

“Anong gagawin ko dito?”

“Hold it, bumalik kana. Umuulan na at nababasa na ang pagkain mo.” Nagsimula akong humakbang pababa habang siya ay nakaupo lang doon.

“Coco, sorry.” Paumahin niya ulit. Nasa huling baitang na ako nang lingunin ko siya. I hid all my pain with a smile. I gave the gay that broke me a smile. A reassuring one.

“Ayos lang ako baks. Balik ka nalang muna, mag-eemote muna ako saglit may paulan effect pa oh.” I giggled saka nagsimulang maglakad palayo. I heard him call out my name pero hindi na ako lumingon dahil mas mabilis pa sa ulan na nagsi-patakan ang mga luha ko.

Every steps I take ay pabigat nang pabigat ang sakit na nararamdaman ko. Nasa gitna ako ng soccer field, mag-isa, nakagown, make-up running down, broken, at umuulan pa. What a perfect combination. Pakiramdam ko nasa isa akong palabas o music video. Kulang nalang camera eh.

Kaya lang hindi happy ending.

Namalayan ko nalang na nasa labas na ako ng school. Nakaupo sa isang bus stop habang pinagmamasdan ang mga sasakyan na dumadaan.

Wala nang naglalakad dahil gabi na at tsaka maulan. Kung meron man ay kunot-noo lang nila akong titingnan. Some tried taking pictures of me pero sinasamaan ko sila ng tingin o kaya naman sinisigawan kaya umaalis din sila.

I look like a bride na hindi sinipot because of my prom dress.

Kung nakinig lang siguro ako kay Sam, buo pa sana ang puso ko.

It was painful. I thought I'd never want to love again. My first love turned into my first heartbreak.

Nakasandal lang ako habang walang emosyon nakatingin sa harap. I was in pain that time nang may matanaw akong lalaki. May hawak itong clear na payong at plastic, mukang galing siya sa convenience store na nasa tapat lang ng school.

Akala ko maghihintay lang siya ng bus pero bigla itong lumapit sa akin. He's wearing a simple pink shirt and a short na white na hanggang tuhod at pambahay. Kunot-noo niya akong inabutan ng panyo.

For the first time, someone showed concern on me.

Nakatitig lang ako sa kanya. Pareho silang singkit ni Connor, halatang mapanakit. But unlike Connor, this guy is wearing an eyeliner, a pink lip gloss and a blush on.

“Break-up?” Tanong niya pa. Nang hindi ko tanggapin ang panyo ay siya na mismo ang nagpunas ng muka kong basang basa ng ulan at luha.

“Girl I don't know you pero kung break-up man 'yan malalampasan mo din 'yan. Di ka diyan mamatay girl.” Malungkot niyang sabi saka ako marahang nginitian.

“Lalaki lang 'yan girl or babae. Marami pa diyang iba jusko sa dami ng tao sa mundo for sure kahit sa kanto may mahahanap ka diyan. May mga trasngender pa kung trip mo.” Sabi niya pa habang patuloy sa pagpunas ng luha ko. All I could do is just stare at him habang parang sirang gripo na nagsisitulo ang mga luha ko.

At that time tho, I let out a laugh.

“Ayan natawa ka din. So anyare?” He smiled saka naupo sa tabi ko. Napayuko nalang ako at napailing iling.

“Rejection.” Sagot ko.

That night, my heart was broken.

That night, I thought I'd hate the idea of love because of Connor.

But that night, that night gave me hope.

“Ay na-reject ka?”

That night,

“Keribells lang 'yan beh. Mas mabuti na ang ma-reject dahil sinubukan mo kesa sa hayaan mong mawala ang taong yun nang hindi mo sinusubukan.” He let out a sigh kaya napataas ang kilay ko. Experience niya ba?

That night, I met him.

“Don't be sad because you got rejected, be happy cause you tried.” Patuloy pa nito, and in that moment, I saw sparks flying everywhere. My heart slowed down for a moment as I stare at him. He's like, Connor. They both deserve a genuine love.

“I'm Timothee pala, how about you?”

Who could've guess that, that night...

I'd be meeting him,

Timothee.

• • •

    people are reading<Chasing Rainbows>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click