《Zeno's Sapphire》Chapter 17

Advertisement

Nakangiti kong sinalubong ang guard ng mapagpasyahan kong dalawin ang Art Gallery na hanggang ngayon hindi ko pa rin inaayos ang schedule for opening.

Zeno until now, know nothing about this. One month since I confessed and we became official, wala akong nabanggit sa kanya about rito.

Should I? Part of me is still hesitant... I just don't want him to expect a lot from me. Lalo na at sinasabi ko sa kanya na hindi na nga ako iyong tulad noon.

So far, okay naman kami. He's still strict at ang kaartehan minsan sa galaw niya ay nandoon pa rin naman. Wala naman gaano nagbago sa amin, or maybe I became more attached to him.

My family already talked about our relationship. Napag-usapan na naming lahat, Dad and Kuya Duke still warned Zeno about things but I told them not to worry.

About Zeno's side... They still didn't know about us, maski si Lea ay hindi alam. Hindi ko na rin naman siya muli nakita.

"You can take a break na po. I can handle here," sabi ko sa guard matapos niya akong pagbuksan.

"Salamat po, Ma'am." natutuwang sagot naman nito at saka nagpaalam na iwan ako.

Napangiti ako bago muling pinasadahan ang lugar. This is more than ready, I am decided na bubuksan ko na ito next week.

I wonder what will Zeno's reaction is. Siguro sasabihin ko na lang sa kanya sa mismong araw na ng opening. Even If I want to share this about him now, wala kasi siya rito.

Noong isang araw ay muli siyang lumipad sa Europe para mag-asikaso ng ilang property nila roon and even their international deals kaya naman baka daw abutin siya ng isang linggo o higit pa.

Nakakainis, namimiss ko na agad siya kahit tatlong araw pa lang nakakalipas.

Napagpasyahan kong tawagan si Duchess na agad naman nitong sinagot. "Yes? Anong kailangan ng friend kong may jowa na?"

Advertisement

Namula ako bungad niya sa akin pero tumikhim na lang ako, "Duchess naman e, nasaan ka?"

"Nako, alam ko na 'yan! Magyaya ka lumabas tapos ice cream hanap mo dahil hindi around ang bebe mo? Nako, nako!" Ito nanaman siya sa walang prenong pagsasabi niya.

"Ikaw din naman ah? Kuya went to Visayas for an event," asik ko.

"Kaya nga kako, tara na!" I just laughed at what she answered.

--

Napag-usapan naming dalawa na dito na lang malapit sa Art gallery ang kitaan namin, marami rin kasing kainan around na wala sa loob ng mall. Madadaanan lang ng mga sasakyan.

Maya-maya pa ay narating ko na ang lugar, ilang minuto ang nakalipas ng dumating na rin si Duchess kaya agad din kaming umorder.

"Alam mo ikaw, madalas kang magyaya kapag wala si Zeno. Ano ako option?" asik niya sa akin ng magsimula kaming kumain.

I giggled but suddenly stop ng sumakit ang ulo ko. Saglit ding nagbago ang lagay ng tiyan ko pero hindi ko na muna inintindi.

"Ikaw din naman ah... Pag wala si kuya, tsaka ka lang nagpapasama.." I pouted.

"Oh, edi quits. At least, legal na family ko na kayo soon!" She jokingly said.

I gave her a teasing smile. "Don't tell me engage na kayo?" I laughed.

Umirap siya. "Joke lang, Sap! Atat lang? Basta wag mo kami uunahan ah?"

Nag-init ang pisngi kong umiwas ng tingin. I laughed awkwardly, bakit naman napunta sa akin?

Tatayo sana ako para umorder ng inumin pa ng bigla manlabo ang mga mata ko. Hilong-hilo na ako ng bigla na lang sumigaw si Duchess.

"Uy, Sap! What happened?" Hindi ko na tuluyang narinig iyon dahil bigla na lang dumilim ang lahat.

--

Marahan kong iminulat ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag kaya't agad rin akong napapikit bago muling nagmulat.

Advertisement

Marahan akong umusod para subukan makaupo ng may umalalay sa akin. Gulat akong napatingin kay Clane na nakasuot pa ng uniporme.

"Are you okay, ate?" He asked.

Tumango ako. Bago bumaling ang atensyon sa pagbukas ng pintuan, iniluwa nito si Duchess at ang mga magulang ko.

"Gising ka na!" agad na sabi ni Duchess at lumapit sa akin.

"Kanina pa ba ako tulog?" I asked.

Umiling sila. "Is there anything that still hurts?" Dad asked nang makalapit sila ni Mom.

Parehas silang halatang bagong ayos, siguro ay pupunta pa lang sa kompanya. Saglit kong inilibot ang kwarto bago umiling sa kanila, "I'm totally fine, Mom and Dad."

"Uhuh," Mom interjected. "Watch out for your health, anak. Kahapon ka pa tulog, bakit kasi puro matamis ang kinakain mo?"

Kahapon pa? Akala ko ba...

Napakunot lang ako ng noo. "Yesterday? Huh? Edi ba nasa ice cre—"

Naputol ang sasabihin ko ng muling magsalita si Mom. Her face is already showing disappointment dahil sa babanggitin ko pa lang, "Ayan, puro ka pala ice cream. Then that's what happen, your blood sugar is increasing!" sermon niya.

Ngumuso ako kay Dad, umiling ito. "Your mom is right. Don't forget to take care of yourself from now on, okay?"

Bumuntong hininga ako at tumango na lang. Gaano ba ako kahilig kumain ng matamis at tumataas na pala ang blood sugar ko ng hindi nalalaman. Kuya Duke will surely be disappointed too.

"Ate, I'm going. I still have class," paalam naman ni Clane kaya napatango na lang ako.

Pinagmasdan ko lang ang paglabas niya ng pinto bago ako napatingin sa gilid ko kung saan nakaupo si Duchess at nakahalukipkip na rin.

"Hindi ko na dadagdagan sinabi nila Tita, pati ako pinagalitan ni Duke noong tumawag ako! Banned na daw sa ice cream," nakangusong kuwento nito sa akin habang ang mga magulang ko naman ay inilalapag na ang mga pagkain sa lamesa.

I shrugged at her. As expected... Nakakahiya pala para akong batang hinimatay kakain ng ice cream? What am I thinking that I forgot my health?

Nagpakawala ako ng hangin. Hindi naman kami madalas kumain ni Zeno ng matamis ah kasi— Shocks, si Zeno...

"I hope Zeno still didn't know about this?" baling ko agad kay Duchess.

Ngumiti siya ng matamis sa akin,"Well, you're wrong. Masyado mo nga ata namiss e at pinauwi mo agad," nang-aasar na sagot naman niya.

Nanlalaki ang mata kong tinitigan siya. What does she mean umuwi e dapat—

Don't tell me....

"Guilty?" natatawang tanong niya naman sa akin kaya't napatango ako ng wala sa oras. Lalo lamang siyang tumawa, napatigil lang siya nang magbukas muli ang pintuan.

Lahat kami ay napatingin roon, and there Zeno entered with his presence suddenly changing the ambience of the room. Hindi niya ako tinignan, dumeretso siya sa magulang ko para batiin ito.

"Oh, Zeno. Nakabalik ka na?" Mom said.

"Went here straight from the airport, Tita." sagot naman nito na ikinatawa ng mga magulang ko.

"Then we'll be going, please take care of her. Parang ngayon pa ata titigas ang ulo," sabi ni Dad na parang wala ako rito. Napasimangot na lang ako bago sila nagpaalam sa akin na umalis.

"Bye, Sap! I have work pa," pamamaalam din ni Duchess kaya't kami na lang ang naiwan sa kwarto.

He's looking at me with tired eyes. Nakahalukipkip siya ngayon na para bang hindi niya alam ang gagawin niya sa akin. I bit my lip and bowed my head when guilt continues to creep on me.

Baka may jetlag pa siya...

    people are reading<Zeno's Sapphire>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click