《Zeno's Sapphire》Chapter 13

Advertisement

Nagpaalam muna kami kay Mom bago kami umalis. Hindi na kami nagpaalam kila kuya dahil mukhang may sarili naman silang mundo.

We are now inside his car, sa totoo lang sobrang kinakabahan ako. Wala kasi akong ideya kung sino ang pamilya niya, ni hindi ko nga alam kung bakit siya kasali sa collaboration ng kompanya ni Kuya at nila Duchess.

Sa tuwing magkasama kasi kami wala naman kinalaman sa trabaho ang mga pinaguusapan namin, palaging tungkol sa France at kamustahan. Mga bagay na hindi mare-relate sa business.

"Are you alright? Why do you look so tense?" biglang tanong ni Zeno sa akin. Saglit niya akong tinapunan ng nagtatakang tingin bago ibinalik muli sa daan ang atensyon.

Napailing ako. Hindi ko rin alam e, "Uh.. a-ano kasi... diba pamilya mo 'yun.. baka kasi—"

I heard him sigh, "Relax, baby girl. Hindi ka naman aapihin ng pamilya ko, I just want you to know them too and they know the Davids family,"

Napapikit naman ako nagpatango-tango. Hindi na ako nagsalita pa dahil mauutal lang ako sa hindi na maipaliwanag na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi dumoble lalo ngayon.

Nang makarating kami sa kanila ay hindi ko maiwasan mamangha, this looks more of a mansion than villa. It looks grandeur compare to where I live.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya lalo kaya napabaling siya sa akin. "Don't worry, girl." Muli niyang pang-alo pero napasimangot ako.

Bakit hindi ko gusto pag ganito lang ang tawag niya?

Nang makarating kami sa harapan ng mansion ay pinagbuksan kami ng katulong na agad naman nagsabi na nasa dining table na ang pamilya niya.

Habang palapit kami ng palapit, patindi rin ng patindi ang kaba ko! Bakit ba ako pumayag na sumama pa? Nakakahiya naman, paano kung ayaw nila sa akin? Pag hindi ako makapagsalita ng maayos, kapag—

Advertisement

"We're here.." biglaang bulong naman nito na nagpatigil sa pag-iisip ko ng kung ano. Marahan akong tumingala sa kanya at inilipat ang tingin sa harapan namin.

"Oh, we have a visitor." Nakangiting paanyaya ng isang matandang babae na sa palagay ko ay mas nakakatanda pa iyon kay Mom. She has gray eyes like Zeno's.

Nakatitig sa akin ito kaya naman gumawad din ako ng nahihiyang ngiti habang papalapit kami roon.

I don't know where will I set my eyes, ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin. Sa gitna ng mahabang lamesa ay mayroong matandang lalaking naka-upo roon. Sinusubukan kong alalahanin ang mukha niya.... Mr. Lawton?

Ibig sabihin...

Napalipat ako nang paningin sa iba pang naroroon, ang isang babaeng sa palagay ko ay kaedad ko o di kaya'y mas matanda ng isa o dalawang taon ngayon ay bahagyang nakaawang ang labi. Ang katabi niya ay isang matandang lalaki at babae na hindi nalalayo sa edad ng mga magulang ko.

Tumikhim ang katabi ko. "By the way, Sapphire.. They are my parents," tukoy niya sa mga ito. Napatayo sila kaya nahihiyang lumapit pa ako at nakipagbeso.

"You're so pretty, iha..." bati naman sa akin ni Mrs. Imperial. She is too, nahihiya lamang akong magsalita pa kaya ngumiti na lamang ako.

"Nice to see you here, Ms. Davids." pormal ngunit may bahid na ngiti sa mga nang magsalita naman si Mr. Lawton.

"Salamat h-ho..." pigil hiningang tugon ko. Mababakasan kasi ng awtoridad ang presensiya niya. Palagi ko siyang nakikita sa mga business gatherings at madalas ding makausap ng mga magulang ko ngunit ang ginang na nagsalita kanina ay hindi ko maalala.

"These are my Uncle Louis and Aunt Charice," bumati rin ako sa kanila at binigyan nila ako ng magaang ngiti. "This is Lea, their daughter, my cousin." tukoy niya roon sa babaeng hindi nalalayo ang edad sa akin.

Advertisement

Nakaawang ang labi nito nang ngitian ko siya kaya naman mabilid ding nag-iba ang ekspresyon niya at mabilis akong yinakap. "Oh my gosh! Hello, Sapphire! You're so beautiful!" She giggled.

"T-thank y-you.. a-ano ikaw rin naman," nauutal na sagot ko. Medyo kinakabahan pa rin ako, hindi pa rin ako masanay sa ganito lalo na at pamilya niya.

"Lea," Zeno called his cousin. "Stop that," aniya nito sa istriktong boses. Napatawa lamang ito at tinigilan na ako.

Pinaghila ako ng upuan na ni Zeno, agad naman akong nagpasalamat pero ganoon na lamang ang pagpula ng pisngi ko nang lahat sila ay nakamasid sa amin na para bang may kakaiba.

A-ano bang meron? Napatingala ako kay Zeno pero maarte lang nito iniayos muli ang buhok niya at tinaasan ako ng kilay nang mapansin niya ako.

Umiling na lamang ako at sinalubong ang tingin ng mga taong nasa lamesa. Nagpalitan pa ito ng mga tingin, nahihiya tuloy lalo ako...

T-teka.. Dahil ba iyon sa ginawa ni Zeno? Parang dumoble ang init ng pisngi ko ng marealize ko iyon, kahit naman bakla si Zeno.. He's always like this.. sigurado naman akong hindi lang sa akin... o baka ano.. ilan lang ang babaeng malapit sa kanya kaya hindi sila sanay.

Later on, we started to eat.. again. Hindi ko gaano magalaw ang pagkain ko dahil nga nakakain din naman ako kanina kahit paano. Pinagpatuloy ko ang paunti-unting pagnguya hanggang sa magsimula na silang mag-usap.

"As you can see, Zeno. We are not getting any younger you need to inherit the company as soon as possible," panimula ng papa niya.

"I agree, son. When are you planning to settle?" dagdag ng mama niya.

I suddenly feel a lump in my throat. I wanted to cough but I manage to keep it to myself... If he need to settle, does that mean 'yung boyfriend niya...

Erase nga muna. We never had a conversation about his boyfriend. Gusto kong isipin na wala pero bumabalik sa alaala ko ung picture nilang dalawa.

"Dad, Mom. Why are we suddenly bringing this up? Is my dedication in our company not enough?" malamig na sagot ni Zeno.

I don't know if this is a normal ambience for them. I glanced at Lea and she seems unworried and just casually looking at Zeno and his parents. Am I the only one feeling awkward? Feeling ko ay masyadong personal ito, kaya bakit ako nandidito?

"We didn't mean that, ang sa amin lang ikaw at ikaw na ang mamahala sa kompanya. Bakit pa natin patatagalin? Besides...you're already 28," mahinahong saad ni Mrs. Imperial.

"Can we talk about this later? I didn't bring Sapphire here for this," Zeno said. Mahihimigan ang bakas ng pagpipigil na iritasyon sa boses niya.

Napakagat na lamang ako ng labi dahil hindi ko mapigilan kabahan sa usapan nila. Bakit nga ba kasi nandito ako e...

    people are reading<Zeno's Sapphire>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click