《Zeno's Sapphire》Chapter 7

Advertisement

One thing that I am most grateful of today is his students or the whole class. They are so focused that I almost forgot I am with a lot of people.

Lahat ngayon sila ay gumagawa ng activity, medyo may mga pintura na nga sa sahig...itinuon ko lang ang pansin ko sa pagpapalit palit ng mga tingin sa kanya-kanya nilang gawa. Good thing that I sit here at the back kaya naman hindi ko na kailangan tumayo para makita ang gawa ng iilan.

"What made you sit-in?" A baritone voice caught my attention.

Napaangat ako ng tingin mula sa panonood at sinalubong ang tingin niya na agad ko ring iniwasan. His gray eyes will always be one of the most beautiful scene I get to see in this country.

Umiling ako. "Na..curious...lang," sagot ko atsaka ngumiti.

He raised his one eyebrow at me, hindi niya na ako inimik. Nagpatuloy na lamang siya sa pagmasid sa mga estudyante niya at paminsan-minsan ay may sinasabi sa mga ito.

--

"Huy! Pasalubong kako," asik ni Duchess sa akin.

She's sitting beside me in our sofa while her one arm is extended, nakabukas ang palad sa harapan ko.

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. "W-wala..." Hindi ko siguradong sagot sa kanya. Ano.. anong sinabi niya ba?

Sinimulan kong buksan ang box na dala namin pauwi rito. Kuya bought something for her pero ang sasabihin ko na lang ay ako ang nagbigay, like always.

"Wala? Sure ka, Sap? Lagi naman meron kapag umuuwi ka ah? Ganyanan na ba? For 3 years, Sap..." sunod-sunod na litanya niya.

Inosente kong pinagmasdan ang pagrereklamo niya sa akin. Gusto kong mapa- face palm, ano bang isinagot ko? "Joke... meron pala.." sabi ko na lang. Hindi pa rin sigurado.

Her eyebrows arched, "Hala! lutang ka ba? Jetlag pa rin?" sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa remote para buksan ang tv.

I just smiled at her. I started searching the gift inside the box, this one is picked by kuya for her. I have one for her too na inilagay ko naman sa paper bag.

"Here.." tawag ko sa kanya nang mapansin na nakatutok siya sa tv.

We have two weeks left before resuming of classes. Kahapon lang kami dumating ng umaga, kaya siguro nga ay naroon pa rin ang utak ko.

Advertisement

"Wow! Dalawa pasalubong mo?" nagtatakang tanong niya. Nabawasan ng kaunti ang excitement sa boses niya, I don't know how to describe it.

I glanced at the televisiom first, thinking of a reason to say. I bit my lip and sighed, "Uh..oo, kasi.. hindi ako makapili sa dalawa... I bought two na lang.." Iwas ang tingin kong ipinapaliwanag iyon.

I'm sorry Duch, I have to lie...

Normally, Clane is the one to give the gifts tuwing may ibibigay si kuya but this time I told kuya ako na lang ang magbibigay. He didn't reminded me of making a lie, I mean baka hindi tanggapin ni Duch pag nalaman niya.

She nodded atsaka pinatay ang tv, "Thank you, Sap. Sweet mo talaga," She chuckled. "Kwentuhan mo na lang ako tungkol sa naging bakasyon niyo this year!"

I sighed. Buti na lang at naniwala siya roon, kahit nagbago ang boses niya. It's weird that she doesn't want to watch anymore but it's weirder na nagpapakwento siya sa akin.

Sa amin kasing dalawa, siya ang madaldal. She never asked about our vacation and I understand that because she knew we are with kuya and that he'll be involved with the stories.

Nakangiti siya sa akin ngayon at naghihintay ng kwento ko. She still hasn't opened the gifts, itinabi niya lang ito sa gilid.

"A-ano... are you sure?" I asked.

She giggled at me. "Of course, kung ano istura ng europe, ano mga tinry mo. By continent tayo!"

Europe? Masyado namang general 'yung info. Anyway, hindi niya rin naman gustong alamin pa kung saan talaga kaya hindi ko na sinabi ang bansa.

"Uh.. ano.. I painted there too," nakangiting sabi ko.

Binigyan niya ako ng asiwang ekspresyon,

"Paint? Nanaman? Wala bang iba, puro drawing ka na nga rito pati there?"

Tumayo siya sabay humalukipkip. "Wala ako alam sa painting, kaya pakainin mo na lang ako luto ni Tita Yaleyna!"

I just giggled at her. As always, hindi ko naman sinadya na ayun ang sabihin para mawalan siya ng gana. It's just that, 'yun talaga ang highlight ng bakasyon ko roon e.

Nauna na siyang pumunta sa kusina namin kaya naman ay sumunod na lamang ako. My parents are at work while our siblings are playing basketball with some of our neighbors.

Advertisement

--(year 3)⤵

"That's not how you do it," He said.

Napatigil ako sa pagsawsaw ng paint brush sa loob ng fabric paint. Napakagat ako ng labi bago bumaling sa kanya, pangatlong taon ko ng bakasyon rito pero may epekto pa rin talaga sa akin ang pagiging strikto niya.

He sighed and leave his table bago ako nilapitan. Nakatayo siya ngayon sa harap ko habang ang isang kamay ay nasa bewang.

"You should have designated the colors first for that initial design," He said strictly na para akong estudyante na hindi nakikinig sa iniutos ng guro.

Itinuro niya ang mga gamit na ipinahiram niya sa akin. "You should have known the purpose of those, you paint, right?"

"Minsan.." sagot ko. I paint but I don't work on planning colors, whenever I tried painting it's either I just copy the reference or I'll directly pick colors. Sa art club naman, laging may naka-plan na color kapag may activity kami for school events.

I never really worked on expanding my knowledge about colors and mediums.

"Uhuh," tanging tugon niya. "It's a different fabric, not like a normal canvas. You cannot just directly mix color in it, for a beginner you'll be disappointed to how you initially vision it." He stated professionally.

Napayuko ako. I suddenly felt shy again, kung bakit hindi ako nagtanong sa kanya noong una. He looks busy, kung alam ko lang na ganito ang gawain niya hindi na ako nagsabi na sasama ako sa kanya muli rito.

His table is full of different fabrics. Nakalatag ito na parang ineeksamina niya habang nagcocomputer siya at nagdo-drawing roon. May mga parang sinulid o yarn rin sa gilid na ipinapagkumapara niya at paminsan-minsang itinatahi sa tela. I wonder what exactly is his expertise.

Narinig ko ang biglang pagbuntong-hininga niya. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakayuko lamang.

"Little girl, are you really a sister of Duke?" pagtatanong niya sa hindi ko mapangalanang tono. I just hope that it isn't a disappointment.

Biglaang kumalabog ang puso ko at kinabahan. Ang kaninang hiya ko ay parang lalong tumindi at hindi ko mapigilan maluha. I feel like I'm being questioned with what I can do, I didn't expect to hear it the first time and from him.

"Oh gosh," Ang narinig ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-upo niya at pinaharap ako sa kanya.

Kagat labi kong inangat ang ulo ko habang tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. Nakaharap na ako kanya pero ang mata ko ay nananatiling nakatingin sa baba.

He wiped my tears, "Tara na, let me take you home."

Umiling ako. "A-ayaw k-ko..I wanted to continue painting,"

Napapikit siya sa sinabi ko but I wanted tl continue, nasimulan ko na ito e...

"Fine, little girl. Stop crying already," sabi niya sa emosyon na hindi ko kayang basahin.

Tumango na lamang ako at pinunasan muli ang luha ko. Huminga muna ako ng malalim.

He suddenly got up and went in front of me again to hand me a water. Tinanggap ko iyon. I remember that there's always a reserved water here inside his office.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng hawak sa buhok ko, I don't know but my pulse is like in a sudden race. 'Yung pintig ng puso ko parang nararamdaman kung lumalakas sa isiping ang kamay niya ay nasa buhok ko.

"Do you have a hair tie?" He suddenly asked.

Marahan kong itinaas ang kamay ko na bahagyang nanginginig. Hindi ko ata kakayanin magsalita dahil sa biglaan kong nararamdaman na hindi ko maintindihan. Parang may kung ano sa tiyan ko habang patuloy niyang inaayos ang buhok ko.

Palagi akong may tali sa sa pulsuhan dahil mahaba ang buhok ko, mom always remind me to tie my hair na hindi ko gaano nasusunod, tulad ngayon.

He get the tie from my wrist at itinali ang buhok ko. "Are you okay, now?" tanong niya matapos akong talian.

Hindi pa rin bumabalik sa dati ang kung ano sa loob ko. Saglit pa akong hindi umimik at nang bahagya akong mahimasmasan ay nagsalita na ako, "Uh..I-I'm not... a little girl.. anymore,"

    people are reading<Zeno's Sapphire>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click