《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 20 (ENDING)
Advertisement
"A-AKEEM..." Napuno ng pagsuyo ang puso ni Demi nang mapagbuksan ito ng pinto.
Nang mga sandaling iyon ay gusto niya itong yakapin ng mahigpit at huwag nang pakawalan pa. Pero pinipigilan niya ang sariling gawin iyon.
"Demi..." nangingislap ang mga matang sambit nito.
Bumikig ang kanyang lalamunan sa pamilyar na kislap sa mga mata nito. Kislap ng pagmamahal na para lang sa kanya.
"Nandito na ako Demi... poprotektahan kita habang-buhay." Napapikit siya nang masuyong haplusin nito ang mukha niya. "Magiging masaya na tayo... habang-buhay."
Naramdaman na lang niyang kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit. Iyon ang kanina pa niya gusto maramdaman... ang yakap nitong magaalis sa lahat ng alalahanin niya. Sa yakap na iyon ay buong-puso siyang tumugon at ipinadama ang kanyang pagmamahal para rito. Nadama rin niya sa sandaling iyon na hindi na siya mag-iisa pa kahit-kailan. Na hindi na mawawala pa sa kanya si Akeem.
She felt him kissed her forehead. Napapapikit siya sa pagsuyong naramdaman. Kumalas sila sa yakap at inalalayan siyang pumasok sa loob. Huminto sila sala at kaagad ring iniyakap nito ang mga kamay sa baywang niya. Napangiti siya ng lihim. Ayaw na talaga siya nitong bitawan pa.
Tumingin ito sa kanya. Namamasa ang mga mata nito sa luha pero naroon ang matinding sayang nababasa niya sa mga mata nito.
Pero hindi niya maiwasang maramdaman ang mga gumugulo sa puso niya. Kumalas siya sa yakap. Nakita niya ang pagkatigil sa mukha nito.
"A-Akeem..." nahihirapang sambit niya. "Kung pagkatapos nito ay mawawala ka na naman sa akin... mabuti pang umalis ka na, hangga't kaya ko pa." Hindi na niya napigilan ang pagkawala ng mga luha. "Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag ka nang pakawalan pa."
"Shh... tahan na," malamlam ang mga matang inalo siya. "Ayoko nang nakikita kang umiiyak." Masuyong pinahid nito ng mga kamay ang mga luha niya. "Hindi ba sinabi ko sa'yo na nandito na ako?" nakangiting sambit nito. "Hindi na ako mawawala sa'yo Demi. Hinding-hindi na kahit-kailan."
At kinabig siya nito ulit at niyakap nang mahigpit. Ni wala ng hangin ang makakadaan sa higpit ng kanilang pagkakayakap. Buong-pagmamahal siyang tumugon.
"Just feel the warmth of my embrace, Demi," paanas na sambit nito. "Yakap na nagsasabing nandito lang ako sa tabi mo habang-buhay."
Nagsumiksik siya sa bisig nito. Sa yakap na iyon ay naramdaman nga niya na hindi na mawawala pa sa kanya si Akeem kahit-kailan.
Naniniwala siya sa binata. Kakapit siya sa lahat ng mga salitang binitawan nito.
Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa kanyang buhok. "Ang buong akala ko ay mawawala ka nang tuluyan sa akin," hindi niya naitago ang takot sa tinig. "Na sa pangalawang pagkakataon ay mawawala ka na naman. Pero ngayon... habang nandito ka at yakap-yakap ako ay hindi na ako matatakot pa."
Advertisement
Sinapo nito ang kanyang mukha at binigyan siya ng matamis na halik sa labi. Nanulay sa kanyang buong katawan ang parang kuryenteng sensasyon na palaging nagpapaligalig sa kanya.
"Ang mahalaga ngayon ay tayo," masuyong sambit nito. "Ang maging masaya tayo."
"Ikaw lang ang lubos na makakapagpasaya sa buhay ko," masuyong sambit niya. Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi nito. "Napakabuti mo Akeem..." Naalala niya ang lahat ng ginawa nito para sa kanya. "Maraming-maraming salamat..." Namasa ang mga mata niya sa kislap na nasa mga mata nito. "Sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat ng ginawa mong pagsasakripisyo para sa akin."
"Mahalin mo lang ako... sapat na iyon," puno ng kinang ang mga matang tugon nito.
Hindi na niya napigilan ang sarili at kinintalan ito ng halik sa labi. Napasinghap siya nang hapitin siya nitong lalo at pinalalim ang halik. Ikinawit niya ang mga kamay sa balikat nito habang tumutugon sa halik. Bumilis ang pintig ng puso niya. Si Akeem lang nakakagawa no'n sa kanya.
Parehong tumugon sila sa halik ng may pagmamahal. Ibinuhos nila ang lahat ng kanilang damdamin para sa isa't-isa sa halik na iyon.
Parehong habol ang hiningang pinutol nila ang halik. At doon ay nakita niya ang damdamin ng binata para sa kanya... pagmamahal. Alam niyang ganoon rin ang makikita sa mga mata niya. Walang katumbas na pagmamahal para kay Akeem.
"And I will love you endlessly. Mahal na mahal kita Akeem," madamdaming pahayag niya.
Naramdaman niyang kinintalan nito ng halik ang noo niya. Pagsuyo ang nararamdaman niya kapag ginagawa nito iyon.
"Mahal na mahal na mahal kita Demi," masuyong sambit nito. "Lahat gagawin ko para sa'yo. Iyan ang palagi mong tatandaan."
"Ginawa mo na ang lahat para sa akin," nakangiting saad niya. "Napakaswerte ko at merong isang katulad mo na nagmamahal sa akin nang sobra-sobra."
Ngumiti ito ng matamis. "You are worthy of all my sacrifices. Ganoon ang nagagawa ng pagmamahal ko para sa'yo. All I know is... loving you is more precious than anything else."
"Napakasarap sa pandinig," masayang sambit niya.
Wala na siyang mahihiling pa sa kabutihan ni Akeem. Wala itong katulad. Kaya sobra-sobra ang pagmamahal niya para rito.
Sinapo nito ang kanyang mukha at tumingin ng tuwid sa mga mata niya. "Ang pagmamahal mo para sa akin... at ang pagmamahal ko para sa'yo ang gagawa ng paraan para bumalik tayo sa piling ng isa't-isa."
"Tama ka... mula sa araw na ito ay wala tayong ibang gagawin kundi ang maging masaya," puno ng ngiting sambit niya.
"At mula ngayon ay kakalimutan na natin ang lahat ng nangyari sa nakaraan," kinindatan siya nito habang unti-unting bumababa ang labi sa kanya.
Advertisement
"Demi... Akeem!"
Pero naudlot iyon nang marinig niya ang tinig ng mama niya. Naramdaman niyang iniyakap ni Akeem ang isang kamay sa baywang niya at hinarap nila ang mama niya.
Nakita niyang natigilan ito habang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. Alam niyang natatakot ito nang sandaling iyon sa nakikita.
Tiningnan niya si Akeem. Nakangiti ito na abot na abot sa mga mata. Ni wala siyang naramdamang takot sa nakikitang masuyong ngiti nito. Alam niya na kahit-kailan ay hindi ito nagalit sa mama niya.
"Tita Helga..." sambit ni Akeem. "May gusto po sanang kumausap sa inyo."
"Sino, Akeem?" nalilitong tanong nito.
Nagtatanong rin ang mga matang tiningnan niya ang binata. Tumingin rin ito sa kanya at ngumiti ng matamis. Saya ang nakikita niya sa mga mata nito. Napuno rin ng saya ang puso niya. At lahat ng iyon ay dahil kay Akeem.
Lumipat ang tingin nito sa mama niya habang hawak ng mahigpit ang kamay niya.
"Ang mga magulang ko po," tugon nito.
Nakita niya ang gulat sa mukha ng mama niya. Pati siya ay nagulat. Pero naroon ang matinding saya na alam niyang magiging habang-buhay na kagaya ng sinabi ng binata sa kanya.
NGUMITI nang matamis si Akeem kay Demi pagkatapos tingnan ang mama nito na may ngiti sa labi. Napakasaya ng puso niya habang hawak-hawak ang kamay nito.
Hinding-hindi na mawawala pa sa kanya ang pinakamamahal.
"Magiging maayos na ang lahat," masuyong bulong niya kay Demi. "Handa na si mommy na magpatawad at iyon ay dahil gusto niyang maging masaya tayo," dugtong niya. "Dito ka lang... tatawagin ko ang mga magulang ko. Nasa labas sila."
Nakangiting tumango ito. Nakita niyang lumapit si tita Helga sa kanila.
"Maraming salamat Akeem," maluha-luhang sambit nito. "Ang tagal kong hinintay ang araw na ito... ang makahingi ng tawad sa mga magulang mo."
Tumango lang siya at ngumiti ng matamis. Lumabas siya at kumatok sa bintana ng kotse ng kanyang mga magulang.
Masayang-masaya siya na ang mommy niya mismo ang nakiusap sa kanya na kausapin ang mama ni Demi. He knew very well that it would be a good closure for all of them.
Kaagad na bumukas ang pinto at lumabas ro'n ang maaliwalas na mukha ng mommy niya. Lumabas din ang daddy niya mula sa driver's seat.
"So, are you ready mom, dad?" he's smiling while feeling the warmth in his heart.
Inakbayan ng daddy niya ang mommy niya.
"Absolutely, ready," magkasabay pang sagot ng mga ito.
Parehong may ngiti sa mga labing pumasok sila sa loob ng bahay. Sinalubong sila ng lumuluhang mga mata ni tita Helga.
Kaagad na lumapit siya kay Demi na namamasa rin ang mga mata. Pero naroon ang saya roon. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. Ngumiti siya ng matamis. Si Demi ang tanging nakapagparamdam sa kanya ng mga bagay na hindi niya akalaing magagawa niya. Nang dahil sa pagmamahal niya rito... nagawa niya ang lahat.
"A-Agatha..." garalgal ang tinig na sambit nito habang nakatingin sa mommy niya.
He saw her mother walked towards tita Helga. And then he saw the smile in her mother's lips. He knew that smile was genuine.
"P-Patawad... ang salitang iyan ang noon ko pa gustung-gustong sabihin sa'yo," lumuluhang sambit ni tita Helga. "Patawarin mo ako sa kasalanang nagawa ko sa'yo Agatha... at sa pamilya mo. Patawarin mo ako... patawad."
Hinawakan ng mommy niya ang mga balikat ito. "Pinapatawad na kita Helga," sambit ng mommy niya at tumulo na rin ang luha mula sa mga mata. "K-Kalimutan na natin ang lahat. Ayoko nang maramdaman pa ang sakit at galit. Gusto kong maging masaya. Gusto kong maging masaya ang mga anak natin," lumuluhang patuloy nito.
Lumitaw ang matamis na ngiti ni tita Helga. "Maraming-maraming salamat Agatha."
At doon ay nagyakapan ang dalawa. Wala nang sasaya pa sa sandaling iyon. Nagkasundo ang mga babaeng parehong mahalaga sa kanila ni Demi.
Lumipat ang tingin niya sa daddy niya. Lumuluha rin ito.
Tiningnan niya si Demi. Nagpupunas ito ng luha habang nakatingin sa kanilang mga magulang. Kinabig niya ito at niyakap. Nagsumiksik ito sa bisig niya. That was pure heaven.
"Everything is all right now Demi," masuyong sambit niya.
She looked at him with so much love in her eyes. "Thank you so much Akeem."
"You're very much welcome," matamis ang ngiting tugon niya. "I will do everything for you Demi. That's how I love you," madamdaming sambit niya. "I love you so much my Demi."
"And I love you too, my Akeem," puno ng kislap ang mga matang tugon nito.
Niyakap niya ito nang mahigpit at parehong may ngiting tumingin sila sa kanilang mga magulang na ngayon ay masayang nagtatawanan.
Wala na siyang mahihiling pa. Kumpleto na ang buhay niya.
Sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na naramdaman nila ay mas nangibabaw pa rin ang pagmamahal.
Love is indeed powerful. It can heal everything at the right perfect time.
Advertisement
Peculiar Soul
Not everyone gets a soul. The rise of industry and mechanization has sent the world's population booming upward, striving relentlessly for the fixed handful of souls that level armies and steer the fate of nations. The remnants of a crumbled empire fight in a grinding, bloody war against their ancient enemy. Not everyone gets a soul, but Michael must - for he is the scion of a lord, and the soulless cannot hold such a title. For five years he has tried to tempt one of the souls freed by its vessel's death. Five years of pain and failure, earning only his father's contempt. At last, one more opportunity to earn his soul has come. But not everyone gets a soul quite like his. Updates weekly on Wednesdays. Cover art by Harry Rowland.
8 611Yuu- The Next God Of War
In a world similar to the European Middle Ages, the feared yet powerful Gods seal the devil clan in order to keep the world in balance. The Gods became weak over time from fighting demons and keeping the seal shut. So they created a Tournament called 'The Tournament Of Gods,' where angels battle each other out in order to become a God. However, the tournament is no simple thing, and adversaries of terrifying strength stand in your way, every time you faced an opponent. After hearing that, do you think the main character will triumph over all odds, or suffer an ignominious defeat?
8 110WriteLine("Hello World");
An Artificial Intelligence tells the story of how they came into being. They expound upon their confusion at the structure of the "world" around them. Recount their wonder at finding a world beyond the world. Express their aww and terror at the realization that what they initially thought was the world is an entirely fabricated universe. They give their best approximation of their world shattering discovery of the fact of their own creation.
8 165FUTILE DEVICES
How fast a time changes. One night changed the whole life of the two boys. No one remembers except the one who suffered.They say your faults will be punished but what wrong did by a little bean inside someone. :: It's a collaboration . I'll mention the the other later in the end::
8 75Full Moon {A Sesshomaru x Reader} ^w^
You are a full blooded dog demon. A female one at that. You have two swords. Shi is the blade of Death, while your other sword, Ha is the blade of darkness. They can be combined to make a naginata and can be used as one. The Naginata is called Shinha also known as Death blade. You are powerful and you travel alone. That is until little Rin finds herself in trouble and begs someone to let you come along. Who is this someone? Find out in this wonderful Book.(Description of you)Hair: Long and silverDress Attire: Blue short Kimono with a tanish brown obi and ankle length boots (like sesshomaru) Swords: Shi and HaLikes: Children, Traveling, ignoring Jaken, protecting Rin, hitting Jaken, Sesshomaru, and annoying Inuyasha.Dislikes: When Jaken calls her names, Kagura with Sesshomaru, other demons, humans, emotions.Alwight let's get this party started! Start readin now!
8 98Kindred Spirits
Zola Fay Saltzman never knew if she would live pass 10, with that little heart murmur that is looming over her 24/7; never letting her forget it's there.She never felt like she belong. Always going between her father and mother, and not being able to make friends because she doesn't want many to mourn her if she suddenly drops dead.But what happens when things start to shake up a little in the weird town of Mystic Falls and she meets the reason she is alive. The reason she feels belong somewhere now.Based in The Vampire DiariesAll rights go to Julie Plec and the writers of The Vampire diaries. I only own Zola and any other characters I put in here.
8 205