《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 19

Advertisement

"DEMI! Anak, nandito ka na pala."

Ikinuyom ni Demi ang mga kamay at napahinto sa akmang pag-akyat sa hagdan sa loob ng kanilang bahay. Gusto niyang magkulong sa kwarto niya at ibuhos lahat ng sakit at hirap na nararamdaman niya.

Dahan-dahang lumingon siya sa mommy niya. Nakita niya ang masuyong ngiti nito sa kanya. Bumikig ang kanyang lalamunan. Hindi niya lubos-maisip na ang pinakamamahal niyang ina ay siyang dahilan ng katotohanang nalaman niya.

"M-Ma..." garalgal ang tinig na sambit niya. "Ma alam ko na..." nahihirapang umpisa niya. Hindi na niya kaya pang pigilan ang emosyon. "A-Alam ko na kung para saan lahat ng paghingi mo ng tawad sa akin noon. A-Alam ko na ang kung ano ang naging problema niyo. A-Alam ko na ang lahat ma." Sa pagkakataong iyon ay naglandas ang mga luha niya sa sakit na nararamdaman.

"D-Demi..." sa nanlalabong mga mata ay nakita rin niya ang pagluha nito.

"I-Ikaw pala ang dahilan ma..." pumiyok ang kanyang tinig. "Ikaw pala ang dahilan kung bakit pinili akong iwan noon ni Akeem. Ma bakit?" puno ng hinanakit na tanong niya. "B-Bakit nagawa mo iyon ma?" abot-abot ang paghihirap na nararamdaman niya. Sumikip ang kanyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga. "Minahal kayo ni Akeem! Itinuring niya kayong pangalawa niyang ina. Paano niyo nagawang sirain ang pamilya niya? Paano niyo nagawang pagtaksilan ang mommy niya?" puno ng luhang sumbat niya. "Bakit ma? Bakit? Sabihin niyo sa akin kung bakit!" lumakas ang kanyang tinig kasabay ng paghikbi.

Nanghihina ang kanyang buong katawan at hindi napigilan ang paghagulgol.

Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Pumiksi siya. Nakita niya ang sakit na lumarawan sa mga mata nito.

"P-Patawarin mo ako anak," puno ng luhang sambit nito. "Pinagsisisihan ko na ang kasalanang nagawa ko. Alam ko na maling-mali ako. Mali ako na minahal ko si Ricardo," kitang-kita niya ang paghihirap na nasa mga mata nito. "Totoong minahal ko siya noong mga panahong magkasama kami. Ako ang naging sandalan niya sa mga problema niya kay Agatha. Hindi ko siya iniwan at ipinaramdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa. Hanggang sa namalayan na lang namin na nahulog na ang loob namin sa isa't-isa. Pinigilan ko ang sarili ko... maniwala ka anak," nagsusumamong patuloy nito. "Pero naging mahina ako... dahil mahal ko na si Ricardo. Alam kong mali pero nagawa ko pa ring sundin ang puso ko. At huli na ang lahat ng makita kami ni Akeem at malaman ang ugnayan namin. Pinagsisihan ko ang lahat... maniwala ka anak na sising-sisi ako sa nagawa ko. Pero huli na... dahil napakarami kong nasaktan."

Napapikit siya ng mariin sa sinabi nito. Humagulgol ito habang sapo ang mukha. Hindi niya alam kung kaya niyang tanggapin ang lahat.

Advertisement

"Si Akeem ang sumalo ng lahat. Tatlong taon ang lumipas pero wala akong kaalam-alam sa mga nangyari! Itinago niyong lahat sa akin ang totoo. Sana sinabi niyo na lang sa akin ang lahat. Para hindi na si Akeem ang nahirapan." Sa isiping iyon ay hindi na niya kaya pa. "W-Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya," iiling-iling na patuloy niya. "Ngayon... nawala na naman si Akeem sa akin." Ang isiping iyon ang lalong dumudurog sa puso niya.

"Mahal na mahal ka ni Akeem... anak," naramdaman niyang sinapo nito ang kanyang mukha na puno ng luha. Hinayaan lang niya ito. "Nang makita ko siya ulit na kasama ka ay alam ko na pagmamahal ang dahilan no'n. Na sa kabila ng lahat ng nangyari... hindi nagbago ang pagmamahal niya para sa'yo. Kagaya noon na mas pinili niyang iwan ka dahil ayaw ka niyang masaktan. Ayaw niyang malaman mo ang kasalanang nagawa ko," puno ng sakit ang mga mata nito.

"P-Pinagtakpan niya ang kasalanan mo 'ma," puno ng sakit na sambit niya.

Dumaan ang matinding sakit sa mga mata nito. "Tama ka anak... kaya nangako ako kay Akeem na hindi kita pababayaan. Na mamahalin kita at hindi iiwan kahit-kailan. Iyon ang hiniling niya sa akin bago siya umalis papuntang America. Ni minsan ay hindi siya nagtanim ng galit sa akin. Bagkus ay nakiusap pa siya sa akin na mahalin kita. Napakabuti ni Akeem."

Sobra-sobra ang ginawa ni Akeem para sa kanya.

"Ang mahalin ka anak... ang tanging alam kong paraan para kahit paano ay makabawi ako sa kasalanang nagawa ko. Makabawi ako kay Akeem... sa lalaking walang ibang inisip kundi ang kapakanan mo. Sana... sana sapat na dahilan iyon para patawarin mo ako anak."

Hinuli niya ang mga kamay nito at pinisil ang mga iyon. Damang-dama niya ang sinseridad sa mga mata nito.

"Gusto kong magalit sa'yo ma," puno ng luhang sambit niya. "Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko para kay Akeem. Kung nagawa ni Akeem na hindi bumitiw sa pagmamahal niya para sa akin sa kabila ng lahat. Kung nagawa niyang magpatawad... ay kaya ko rin ma. Kaya ko ring kalimutan ang lahat para kay Akeem. Para sa pagmamahal ko para sa kanya."

Naramdaman niya ang pagkabig nito sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Parehong umiiyak sila.

"Maraming-maraming salamat anak," masuyong sambit nito.

Yumakap siya nang mahigpit rito. At dinama ang pagmamahal ng isang ina.

ANG MALAMIG na ihip ng hangin na damang-dama ng balat niya ay pumupuno ng kalungkutan sa dibdib ni Akeem habang nakaupo siya sa kanilang garden.

Ilang araw na siyang ganoon. Damang-dama pa rin ang sakit at paghihirap na nasa puso niya. Sa kanilang mansion na siya umuuwi. Nagdesisyon siyang umalis na sa unit 1-F. Dahil alam niyang lalo lang siyang masasaktan sa mga alaala nila ni Demi roon.

Advertisement

Tanging ito lang naman ang dahilan kung bakit nahihirapan siya. Dahil alam niyang wala ng pag-asa pang maging masaya siya kasama ito.

"Akeem..."

Pinuno ni Akeem ng hangin ang dibdib sa narinig niyang pagtawag na iyon ng daddy niya.

Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang balikat. Pagkatapos ay naupo sa kaibayo.

Ngumiti ito na hindi aabot sa mga mata. "Alam ko kung gaano ka nasasaktan anak," umpisa nito. "Na kung pwede lang na akuin ko ang lahat ng sakit na nararamdaman mo... ay gagawin ko." Nakita niya ang pamamasa ng mga mata nito. "P-Para kahit paano ay makabawi ako sa kasalanang nagawa ko sa'yo. Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat-lahat ng ito."

Alam niyang kagaya niya ay nahihirapan ito.

"Dad..." damang-dama niya ang sinseridad nito. "Nagalit man ako sa inyo noon pero kaagad rin iyong nawala nang patunayan niyo sa amin ni mommy na nagsisisi kayo sa nagawa niyo. Na binuo niyong muli ang pamilya natin." Naramdaman niya iyon ng mga panahong nasa America sila. Nagbago ang daddy niya at walang ibang ginawa kundi ang mahalin sila ng mommy niya. Tinanggap nila ito at namuhay silang masaya. "Kahit-kailan ay hindi ko kayo sinisi sa nangyari," ngumiti siya na hindi aabot sa mga mata. "Alam ko na lahat tayo ay nagkakamali. Ang mahalaga roon ay natuto tayong magbago. At iyon ang ginawa mo dad... nagbago ka para sa amin ni mommy."

"Napakabuti mo anak. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa'yo... at sa mommy mo dahil tinanggap niyo ako ulit kabila ng kasalanan ko. Mahal na mahal kita Akeem... mahal na mahal ko kayo ng mommy mo," madamdaming sambit nito habang ang mga luha ay naglandas.

Hinawakan niya ang kamay nitong nasa ibabaw ng mesa at pinisil iyon.

"Mahal na mahal din kita 'dad," tugon niya.

"Akeem... Ricardo."

Nasa ganoon silang pag-uusap nang marinig ang tinig ng mommy niya. Lumingon siya. Lumapit ito sa kanya. Inilahad ang isang kamay sa kanya.

Takang tiningnan niya ito. Ngumiti ito sa kanya. Ngiting puno ng lungkot. Tinanggap niya ang kamay nito at tumayo.

Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang pisngi. Namamasa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Ramdam rin niya ang paghihirap na nasa mga mata nito. Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang.

Namasa ang kanyang mga mata sa nakikitang pagmamahal ng mommy niya sa kanya.

"You don't deserved this pain, son," nahihirapang sambit nito at hinaplos ang ilalim ng kanyang mga mata. "K-Kung may nasaktan man dito nang sobra-sobra... ikaw iyon." At nalaglag ang mga luha mula sa mga mata nito. "At kung may dapat mang maging masaya... ikaw iyon anak."

"M-Mom..." garalgal ang tinig na sambit niya.

"Hindi ko kayang nakikita kang ganito Akeem... nasasaktan at nahihirapan." Dama rin niya ang paghihirap sa tinig nito. "M-Mahal na mahal kita at wala akong ibang ginusto kundi ang maging masaya ka." Nabasag ang tinig habang puno ng luha ang mga mata. Hindi na rin niya napigilan ang pagkawala ng kanyang mga luha. "Napakarami mong isinakripisyo anak... ang sarili mong kaligayahan para lang sa akin... sa amin ng daddy mo."

Ngumiti siya habang puno ng luha. "L-Lahat gagawin ko para sa mga taong mahal ko."

Ngumiti ito. Isang matamis na ngiting aabot sa mga mata nito. "Kaya... hindi ko na kayang ipagdamot pa sa'yo ang kaligayahang alam kong nandoon lang sa babaeng pinakamamahal mo. Kay Demi... na mahal na mahal mo."

Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa narinig. Napalitan ng saya ang nararamdaman ng puso niya. Hinuli niya ang mga kamay nito at tinitigan ito. Ngumiti ito ng masuyo at tumango.

"Tama ang narinig mo anak," masayang sambit nito. "Hindi na ako hahadlang pa... dahil gusto kong maging masaya ka. Para sa'yo..." masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. Napapikit siya sa pagsuyo at sayang naramdaman. "Ay handa akong kalimutan ang lahat... at magpatawad."

"T-Talaga mommy?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Masayang tumango ito. "Oo. Dahil ayoko nang makita ka pang nasasaktan."

Sa sobrang saya niya ay niyakap niya ito nang mahigpit. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sayang nararamdaman ng puso.

Naramdaman niya ang pagtugon nito ng yakap sa kanya.

"Bumalik lang sa akin ang lahat ng makita ko si Demi. Bumalik sa akin ang nakaraan at sa kanya ko naibunton ang lahat ng galit ko. Alam ko na pagkatapos no'n ay mawawala na ang sakit. Ayoko na ring maramdaman pa ang sakit at galit. Kaya para sa'yo..." Kumalas ito sa yakap at ngumiti sa kanya. "Handa akong kalimutan ang lahat anak. Gusto kong maging masaya tayong lahat."

"Maraming-maraming salamat mommy," masuyong sambit niya.

She smiled sweetly and kissed his forehead. "Mahal na mahal kita anak."

Niyakap niya ito ulit nang mahigpit. "Mahal na mahal din kita mommy," masuyong sambit niya.

"Mahal na mahal ko kayo... ang pamilya ko."

Kumalas sila sa yakap nang marinig ang boses ng daddy niya. Nakita niyang puno ng luha ang mga amta nito habang nakatingin sa kanila. Pero naroon ang kakaibang saya sa mga matang iyon.

Lumapit sila ng mommy niya rito at nagyakapan silang tatlo. Buong-buo na siya.

Hindi na siya makapaghintay pa na puntahan si Demi.

    people are reading<The Present Series 5: If Only (COMPLETED)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click