《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 18

Advertisement

HUMUGOT ng malalim na hininga si Demi. Kinakabahan siya nang araw na iyon.

Naramdaman niya ang masuyong pagpisil ni Akeem sa kamay niya. Tumingin siya rito at huminto sila sa paglalakad.

"Alam ko na kinakabahan ka." Lalo niyang naramdaman ang masuyong pagpisil sa kamay niya. "Pero habang nandito ako sa tabi mo... hindi ka dapat matakot dahil hindi kita pababayaan."

Ngumiti siya ng matamis sa mga sinabi ng binata. "Ramdam 'yan ng puso ko Akeem."

Kahit na kilala na niya ang mga magulang nito ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Lalo na at ipapakilala siya ulit ni Akeem bilang girlfriend nito. Masaya siya para sa pamilya ng binata nang sabihin nito sa kanya na dito na pipirmi ang mga magulang para makasama ito. Mas makabubuti iyon kay Akeem dahil kasama nito ang pamilya.

"Halika na at naghihintay na sina mommy."

Tumango siya at magkahawak-kamay na pumasok sila sa loob ng mansion.

"Akeem, anak!"

Ang tinig na iyon ng daddy nito ang sumalubong sa kanila. Lumapit ito sa kanila at nakita niya ang pagkatigil sa mukha nito nang makita siya. Gulat na gulat ito. At 'di siya maaring magkamali sa nakitang takot na dumaan sa mga mata nito. Biglang binundol ng kaba ang dibdib niya sa 'di maipaliwanag na dahilan.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Akeem sa kamay niya. Nakatulong iyon para kahit papaano ay mabawan ang kakaibang kaba na nararamdaman niya.

"Nandito ka na pala Akeem," ang mommy nito na palapit sa kanila. "Siya na ba ang girl---"

Naudlot ang sasabihin ni tita Agatha nang makita siya. Kitang-kita niya ang pagkagulat na nasa mga mata nito habang nakatingin siya. Kagaya ng daddy ni Akeem ay ganoon rin ang reaksyon. At lalo siyang kinabahan nang makita ang paniningkit ng mga mata nito sa kanya. Tama ba ang galit na nakikita niya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya? Ano ba'ng nangyayari? Bakit ganito ang nararamdaman niya? Kinakabahan siya nang sobra.

"Akeem..." Nakita rin niya ang pagkuyom ng mga kamay ng mommy nito. "Ano'ng ibig sabihin nito?" puno ng diin ang bawat salita nito.

"Mom, dad," matatag ang tinig ng binata habang mariing hawak ang kanyang kamay. "Si Demi po... girlfriend ko."

"What?" marahas na sigaw ng mommy nito. Dumilim ang mukha nito. "Nababaliw ka na ba Akeem?" mariing tinuro nito ang anak.

Abot-abot ang kaba sa dibdib niya sa mga nangyayari.

"Mom, mahal ko si Demi. Mula noon hanggang ngayon ay si Demi lang ang minahal ko," matatag na sabi ng binata.

Tumawa ng pagak ang mommy nito. "Ano'ng pinakain sa'yo ng babaeng 'yan at ganyan na lang ang pagkagusto mo sa kanya?" Naniningkit ang mga matang dinuro siya ng mommy nito. Damang-dama niya ang matinding galit sa mga mata nito.

Bumikig ang kanyang lalamunan sa sinabi nito. Nasaktan siya sa narinig. Bakit ganoon na lang ang disgusto ng mommy nito sa kanya? Dati ay botong-boto ito sa relasyon nilang dalawa ni Akeem. Pero bakit ngayon... naguguluhan siya.

"T-Tita..." garalgal ang tinig na bumitiw siya kay Akeem. Sinubukan niyang lumapit rito pero natigilan siya sa galit na nasa mga mata nito.

"Don't call me tita, you daughter of a slut!" marahas at puno ng galit na sigaw nito. Nagtatagis ang mga bagang habang nakatingin sa kanya.

Napaurong siya sa sinabi nito. Parang pinagpira-piraso ang puso niya sa sinabi nito.

Kinalma niya ang sarili at walang emosyong tiningnan ito. "Wala ho kayong karapatang sabihin sa akin 'yan."

"Of course I have all the right, Demi" matalim ang mga matang saad nito.

"Mom, tama na!" ang malakas na sigaw ni Akeem ang narinig niya. Lumapit ito sa mommy nito at hinawakan ang mga balikat. "Mom... nakikiusap ako sa'yo, tama na please?" nagmamakaawang sambit ng binata.

Advertisement

Ramdam niya ang sakit sa tinig ng binata. Ganoon din siya, nasasaktan siya sa pinapakitang disgusto ng mommy nito sa kanya. Bakit pakiramdam niya ay may malalim na dahilan ang pagkagalit nito sa kanya? Nalilito siya... hindi niya maintindihan.

Tigas itong umiling. "Hindi... hindi ako papayag Akeem," mariin nitong sabi. "Hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng iyan! Bakit sa dinarami-rami ng babae sa mundo bakit siya pa?" puno ng hinanakit ang tinig nito. Nagtatagis ang mga bagang. "Bakit ang babae na 'yan pa na anak ng babaeng sumira sa pamilya natin!" malakas na hiyaw nito kasabay ng mga luhang naglandas sa pisngi. Galit ang tanging nakikita niya sa mga mata nito na puno ng luha. "Bakit siya pa! Bakit! Bakit!" paulit-ulit na sigaw nito habang umiiyak.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"M-Mom... akala ko ba nakalimutan niyo na ang lahat?" Nahihirapang sambit ni Akeem at inalo ang mommy nito.

"Hell no!" marahas na tinabig nito ang kamay ng anak. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa sa akin ng nanay ng babaeng 'yan!"

Akmang susugurin siya nito nang pigilin ni Akeem ang mga kamay nito.

Parang umikot ang paningin niya sa narinig. Kasabay rin ng mga salitang iyon ay ang sakit at paghihirap na naramdaman ng puso niya. Totoo ba ang narinig niya? Nadama niya ang panginginig ng buong katawan niya. Habang nakatingin siya kay tita Agatha ay nasasaktan siya sa galit na nasa mga mata nito. Walang katumbas na sakit para sa kanya ang galit nito.

"Agatha tama na!" malakas na sigaw ni tito Ricardo at lumapit sa asawa.

"No! Don't tell me to stop! Ikaw!" marahas na dinuro nito nito ang asawa. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito Ricardo!" Umiiyak na pinagbabayo nito ang dibdib ng asawa.

Lumapit sa kanya si Akeem. Kitang-kita niya ang sakit na nasa mga mata nito.

"Halika na Demi... iuuwi na kita," nasasaktang sambit nito.

"A-Akeem..." puno ng luhang sambit niya. "A-Ano'ng sinasabi ng mommy mo?" abot-abot ang dalangin niyang sana ay nagkamali lang siya sa lahat ng narinig.

Tiningnan lang siya ni Akeem na puno ng sakit ang mga mata. Dama niya ang paghihirap nito.

"Do you really wanted to know the truth?"

Lumingon siya sa mommy nito na siyang nagsalita. Nagtatagis ang mga bagang nito habang nakatingin sa kanya. Tumatagos iyon sa buong pagkatao niya.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. Dahan-dahan siyang tumango.

"M-Mom... huwag. Parang-awa mo na 'mom, tama na..." nagmamakaawang sambit ni Akeem. Tiningnan niya ito. Lumuluha na rin ito sa paghihirap.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. "G-Gusto kong malaman ang lahat!" Malakas na saad niya sa garalgal na tinig. "K-Kaya... kaya sabihin niyo na sa akin ang dapat kong malaman."

"You heard it right," walang emosyong umpisa nito. "A-Ang nanay mo ang sumira sa pamilya namin!" garalgal ang tinig nito habang ang masaganang luha ay naglalandas sa pisngi. "Ang malandi mong nanay ang dahilan kung bakit pinili naming umalis dito sa bansa! Siya ang dahilan ng lahat ng sakit at hirap na dinanas namin ng anak ko!" Malakas na sigaw nito sa nahihirapang tinig. "Dahil ang nanay mo! Ang nanay mo ang minsang naging kabit ng asawa ko!" Malakas na hiyaw nito kasabay ng paghagulgol.

Nanginig ang buong katawan niya sa lahat ng narinig. Kasabay no'n ay ang pagdaloy ng masaganang luha sa kanyang pisngi. Para siyang mahihimatay sa lahat ng narinig. Sinasabi ng isip niya na nagkamali lang siya sa lahat ng narinig. Pero habang nakikita niya ang paghagulgol at sakit na nasa mga mata ng mommy ni Akeem ay dobleng sakit ang naramdaman niya.

Advertisement

Parang bombang sumabog sa kanya ang katotohanang iyon. Nanginginig ang mga kamay na sinapo niya ang bibig. Pinipigilan niya ang paghikbi. Dahil walang kasing-sakit sa kanya ang marinig lahat ng iyon.

Tatlong taon... umalis ang mga ito. Iniwan siya ni Akeem sa pag-aakala niyang pinili nito ang kumpanya. Pinagtagni-tagni niya ang mga pangyayari. Kasabay din no'n ay ang panahong nagkaroon ng problema ang mama niya. Halos ma-depress ito sa dahilang ayaw nitong sabihin sa kanya. Natatandaan niya kung paano humingi ng tawad sa kanya ang mama niya. Ang dahilan pala ng lahat ng pangyayaring iyon ay... gusto niyang sumigaw sa katotohanang wala siyang kaalam-alam.

Lumipat ang tingin niya kay tito Ricardo, nakayuko ito habang pulang-pula ang mukha. Hindi siya makapaniwala sa katotohanang nalaman niya. Ganoon katagal na panahong wala siyang kaalam-alam sa katotohanang iyon? Sa isiping iyon ay para siyang mabubuwal.

"H-hindi... hindi," nahihirapang sambit niya. Hinawakan niya ang dibdib dahil sumisikip iyon. "H-hindi 'yan magagawa ng mama ko." Puno ng luhang sambit niya habang umiiling-iling. "Hindi niya magagawa 'yang sinasabi niyo. Hindi... hindi," paulit-ulit na sambit niya.

"Nagawa na niya," nasasaktang sabi ni tita Agatha. "Nagawa niyang sirain ang pamilya ko," mariin ang bawat salita nito. "Tatlong-taon na ang lumipas pero nandito pa rin ang sakit, Demi" marahas na tinuro nito ang dibdib. "Hinding-hindi ko makakalimutan kahit-kailan ang ginawa niya sa pamilya ko. At ikaw!" marahas na dinuro siya nito. "Lalong hindi ako papayag na maging parte ka ng pamilya ko! Hinding-hindi ko matatanggap ang anak ng babaeng sumira sa pamilya ko! Hindi ang katulad mo ang nababagay sa anak ko!"

Wala nang kasing-sakit pa sa kanya ang katotohanang iyon. Tama ito... hindi siya ang nararapat para kay Akeem. Puno ng luhang tiningnan niya ang binata. Wala siyang ibang makita kundi ang sakit at hirap na nasa mga mata nito habang puno rin luha ang mga mata at kuyom ang mga kamay.

Naramdaman niya ang pagkawasak ng puso niya. Parang sasabog na ang dibdib niya sa paghihirap na nararamdaman. Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. Hindi na siya nagdalawang-isip at tumakbo siya palabas. Ang tanging gusto lang niya ay magpakalayo-layo.

"DEMI! DEMI!"

Hindi pinansin ni Demi ang pagtawag sa kanya ni Akeem. Gusto niyang mapag-isa sa sakit at hirap na nararamdaman.

"Demi!"

Akmang bubuksan na niya ang gate nang maabutan siya ng binata at hinawakan ang kanyang braso.

Nagpumiglas siya pero hinawakan nito nang mahigpit ang balikat niya. Puno ng luha ang g mga matang tiningnan niya ito.

"A-Akeem... pabayaan mo na ako," nahihirapang sambit niya. "P-Pangako... hindi na kita guguluhin pa at ang pamilya mo. P-Pakiusap hayaan mo na ako... hayaan mo na akong l-layuan ka," hiling niya kahit na pinagpira-piraso ang puso niya habang sinasabi ang mga iyon.

"S-Sa tingin mo ba papayag akong gawin mo iyon?" puno ng luha ang mga mata nito. Naramdaman niya ang mariing paghawak sa kanyang balikat. "Demi... hindi ako papayag," mariin nitong sambit.

Umiling-iling siya. "Sinaktan ka ng mama ko Akeem!" malakas na hiyaw niya. "Sinaktan niya ang pamilya mo! Sinira niya ang pamilya mo!" puno ng sakit na hiyaw niya. "At ako..." nahihirapang tinuro niya ang sarili. "A-Anak ako ng babaeng nanakit at sumira sa pamilya mo." Sa isiping iyon ay para siyang mamamatay. "Sa napakaraming araw na dumaan wala akong kaalam-alam sa nangyari. Bakit?" pinuno niya ng hangin ang dibdib sa matinding paghihirap. "Bakit inilihim niyo sa akin ang katotohanang ito? Bakit Akeem? Bakit itinago mo sa akin ang totoong dahilan ng pag-alis mo?"

Naramdaman niyang sinapo nito ang kanyang mukha. Masuyong pinahid ang mga luha niyang 'di mapigilan sa pagdaloy. Puno rin ng luha ang mga mata nito sa paghihirap.

"N-Nang araw na iyon..." ang sakit sa mga mata nito ay damang-dama niya. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang mga kamay na parang doon humuhugot ng lakas. "Pagkagaling natin sa pagbabakasyon. Sa mansion... halos mabaliw ako nang matuklasan ko... at makita mismo ng mga mata ko ang pagtataksil ng daddy ko sa mommy ko." Nabasag ang boses nito. "Nang sabihin ko iyon kay mommy ay galit na galit siya. She's cursing your mother at susugurin na niya noon ang mama mo. Pero nakiusap ako kay mommy..." huminga ito ng malalim sa paghihirap. "Nagmakaawa ako kay mommy na huwag nang gawin iyon. Dahil natatakot akong malaman mo ang totoo. D-Dahil ayokong masaktan ka kapag nalaman mo ang lahat," nanginginig ang tinig nito. "Alam ko kung gaano mo kamahal ang mama mo at kung gaano kataas ang respeto mo sa kanya. Ayokong masira iyon Demi. Ayokong kamuhian mo ang sarili mong ina." Nakikita niya ang sakit na nasa mga mata nito.

"Pumayag si mommy... pero ang kapalit no'n ay aalis kami at pupuntang America. Lalayo kami at magsisimula ulit. Mag-aaral ako at pagkatapos ay hahawakan ko ang kumpanya niya. Ginawa niya iyon dahil ayaw niyang magkaroon pa kami ng ugnayan ng daddy ko sa pamilya mo. Pumayag ako sa gusto niya," nasasaktang sambit nito. "Dahil wala akong ibang inisip noon kundi ang kapakanan mo. Dahil nangako ako sa'yo hindi ba?" puno ng luha ang mga matang sinapo nito ang mukha niya. Nadama niya ang panginginig ng mga kamay nito. "N-Na poprotektahan kita. Na hindi ako papayag na masaktan ka kahit-kailan. Pinili kong iwan ka... dahil gusto kong protektahan ka."

Hindi niya napigilan ang pagkawala ng hikbi sa kanyang lalamunan sa paghihirap na nasa mga mata ni Akeem. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Akeem did everything for her.

"K-Kahit na ang kapalit no'n ay galit ko sa'yo?" nasasaktang sambit niya. "Akeem all this time! Ang buong-akala ko iniwan mo ako at sinaktan! Pero sa likod no'n... ako ang totoong nanakit sa'yo. Mas pinili mong magalit ako sa'yo kaysa mamuhi ako sa sarili kong ina."

Ngumiti ito na hindi aabot sa mga mata. "Handa akong maging manhid Demi. Handa akong kalimutan ang galit at sakit na ibinigay ng mama mo sa akin at sa pamilya ko. Handa akong tanggapin ang galit mo. Kasi wala akong ibang iniisip kundi ikaw. Dahil sobrang mahalaga ka sa akin," malamlam ang mga mata nito. "A-Ang buong akala ko nakalimutan na ni mommy ang lahat. Kaya napakalakas ng loob kong ipakilala ka sa kanila ulit. Pero nagkamali pala ako... I'm so sorry kung nasasaktan ka ngayon. Hindi ko gustong malaman mo ang katotohanang ito... dahil ayokong masaktan ka," nagsusumamo ang mga mata nito. "Demi... ipaglalaban kita," buo ang tinig nito. "Ikaw lang naman ang minahal ko nang sobra-sobra."

Hindi maampat ang mga luha niya sa pagdaloy. "B-Bakit ba ganyan ka Akeem? Nagalit ako sa'yo nang sobra-sobra sa pag-aakala ko na iniwan mo ako at ipinagpalit sa pangarap mo," nahihirapang umpisa niya. "Sa pangarap mong..." huminga siya ng malalim sa paghihirap. "Sa pangarap mong magkaroon ng isang auto company," garalgal ang tinig na patuloy niya. "Tinalikuran mo ang totoong pangarap mo para sa akin." Sa isiping iyon ay pinagpira-piraso ang puso niya. "Akeem... ikaw ang sumalo ng lahat ng galit na para sana sa sarili kong ina." Wala nang sasakit pa sa katotohanang iyon na dumudurog sa puso niya. "Ako dapat ang nahirapan at hindi ikaw," mariin niyang patuloy. "Ako dapat ang nasaktan at hindi ikaw. I'm so sorry Akeem... I'm sorry. Patawarin mo ako kung ikaw ang sumalo ng lahat-lahat na dapat sana ay para sa akin. Patawad Akeem. Patawad," paulit-ulit na sambit niya hanggang sa hindi na niya napigilan ang paghagulgol.

Kinabig siya ng binata at niyakap nang mahigpit. Inalo siya nito at damang-dama ang pagmamahal nito para sa kanya.

"Kaya kong saluhin ang lahat para sa'yo Demi," puno ng pagsamo ang mga mata nito nang kumalas sa kanya at hawakan ang mga kamay niya. "Kahit masakit at mahirap ay kaya kong magsakripisyo dahil mahal na mahal kita. Dahil ang pagsasakripisyo para sa taong mahal mo ang tunay na kahulugan ng pag-ibig," dumaan ang kislap ng pagmamahal sa mga mata nito. "Ganoon kita kamahal Demi. Na handa akong mahirapan at masaktan huwag lang ikaw."

Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga pangako nitong iyon noong mga bata pa sila. At totoong tinupad ni Akeem ang lahat ng iyon.

"You don't deserved all these Akeem," nasasaktang sambit niya. "Tama na... ayoko nang dagdagan pa ang sakit at hirap na naranasan mo. Hindi mo dapat naramdaman ang lahat ng sakit at paghihirap na ito. You don't deserved me Akeem. Hindi ako ang babaeng nararapat para sa'yo."

Tama ang mommy nito... hindi siya ang nararapat para sa anak nito. Wala nang sasakit pa nang kusa siyang unti-unting bumitiw rito. Ikinuyom niya ang mga kamay sa pagpipigil na yakapin ito at huwag nang umalis pa sa tabi nito.

Pero alam niyang hindi iyon pwede. Ayaw na niyang dagdagan pa ang paghihirap ni Akeem. Dahil ginawa na nito ang lahat para sa kanya.

She saw nothing but pain in his eyes. At hindi niya kayang habang-buhay na makitang nasasaktan ang lalaking kaisa-isang minahal niya. Puno ng luhang tumalikod siya at umalis sa lugar na iyon na punung-puno ng sakit at paghihirap ang puso niya.

AKEEM strongly balled his hand into fist. Hindi niya napigilan ang sarili at malakas na sinuntok ang pader sa loob ng kanyang kwarto sa mansion.

Ni hindi niya pinansin ang sakit na naramdaman roon. Mas nangingibabaw ang sakit at hirap na nararamdaman ng puso niya. Tumaas-baba ang dibdib niya sa matinding emosyong lumulukob sa kanya. Hindi na niya kaya pang pigilin ang sarili. Malakas na sumigaw siya kasabay ng mga masaganang luha.

Nanginginig ang mga kamay na hinilamos niya ang mukha. Ang sakit-sakit na parang dinudurog ang puso niya. Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang hikbi sa kanyang lalamunan. Ang buong akala niya ay tapos na siya sa mapait na nakaraang iyon. Pero heto siya ngayon... nararamdaman ang walang katumbas na sakit tatlong taon na ang nakakalipas.

May ngiti sa labing ipinarada ni Akeem ang kotse niya sa parking lot ng mansion. He can't help himself from smiling because of Demi. Natapos man ang pagbabakasyon nila sa compound ay masaya siya dahil nakasama niya ang pinakamamahal.

Pumasok siya sa loob ng mansion. Pero natigilan siya ng wala ang kanilang mga kasambahay. Baka pinag-day-off ng mommy niya. Matagal namang ginagawa ng mommy niya iyon. Iginala niya ang paningin sa buong bahay. As usual, his parents are not here. Abalang-abala talaga ang mga ito sa negosyo. Kaya hindi na siya nagpasabi na ngayon siya uuwi. Ganoon din naman, wala namang sasalubong sa kanya pag-uwi.

Umakyat siya sa hagdan papunta sa kanyang kwarto. Magpapahinga na lang siya. Pero natigilan siya nang mapadaan sa silid ng kanyang mga magulang, may marinig siyang nag-uusap. Nandito pala ang mga magulang niya!

Napangiti siya. Mabuti naman at nasa bahay ang mga ito ngayon. Lumapit siya sa pinto, gusto niyang batiin ang mga ito para ipaalam na dumating na siya. Pinihit niya ang seradura, hindi iyon naka-lock.

Nang bumukas ang pinto ay nawala ang matamis na ngiti niya at napalitan iyon ng mabilis na tibok ng puso. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang kasama at kausap ng daddy niya sa loob ng kwarto. Nakaupo ang mga ito sa gilid ng kama habang nag-uusap at magkayakap.

"A-Akeem!" bakas ang gulat sa mukha ng daddy niya nang makita siya.

Parang umikot ang paningin niya at nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at kay tita Helga. Nakita niya rin ang panlalaki ng mga mata nito at biglang yumuko.

    people are reading<The Present Series 5: If Only (COMPLETED)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click