《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 17
Advertisement
"AKEEM, ano'ng ginagawa natin dito?" puno ng pagtatakang tanong ni Demi sa binata.
Tiningnan siya nito na may nakapaskil na ngiti sa labi habang nagmamaneho ng kotse. Iginala niya ang paningin sa paligid. Minasdan niya ang magandang tanawin na dinaraanan nila. It has been three years since she went at San Diego Compound. Suddenly, those happy memories flashed in her mind.
Kagaya pa rin ng dati ang compound. Maganda at ramdam na ramdam ang nakaka-relax na pakiramdam. Na-miss niya ang lugar na iyon na nagpapaalala sa kanya ng masasayang sandali nila ni Akeem.
At lalo siyang natigilan nang huminto sila sa parking lot ng isang unit. Hinding-hindi niya makakalimutan ang unit 1-F. Bumaba ito at ipinagbukas siya ng pinto. Napangiti siya. He's such a real gentleman.
"Halika na, pumasok na tayo sa unit 1-F," nakangiti pa ring inilahad nito ang kamay sa kanya.
Nakikita niya ang saya sa mukha nito. Walang pagsidhan ang saya nila kapag magkasama. Hindi niya alam kung bakit dinala siya nito roon. Pero ang sigurado siya ay kahit saan siya dalhin ng binata, basta kasama niya ito ay panatag siya.
Tinanggap niya ang kamay nito at magkahawak-kamay na nakarating sila sa tapat ng pinto ng unit. Saglit na binitawan nito ang kamay niya at may dinukot sa bulsa. Isang susi at binuksan ang pinto.
May susi ito ng unit. Ibig bang sabihin ay....
Muling naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang kamay at tumingin sa kanya. "Pasok na tayo sa unit na tinutuluyan ko."
Sumunod siya at pumasok sila sa loob. Hinaplos ang kanyang puso nang sinalubong siya ng magandang pagkakaayos ng unit. May mga lobo na nakaayos sa gitna. Mga petals na nagkalat sa sahig. May mga pagkaing nakahanda. At may isang tarpaulin na may nakasulat na you're my home, Demi. Namasa ang mga mata niya sa lahat ng nakita. Ang mga magagandang alaala nila noon sa lugar na iyon ay lalo pang naging espesyal.
Hinarap niya si Akeem. "Ang daya mo talaga," pinalo niya ang dibdib nito pero sobrang saya niya. "Palagi mo na lang akong sino-sorpresa," abot-abot ang sayang sambit niya.
Walang ibang ipinakita at ipinaramdam sa kanya ang binata kundi ang saya sa bawat araw na kasama niya ito.
Ngumiti ito ng matamis at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Gusto ko kasi na maging espesyal ang pagpunta mo ulit rito. Kagaya noong unang nagbakasyon tayo rito. Pwede ka pa rin namang dumalaw rito sa unit. Pwedeng-pwede mo akong dalawin rito," kinindatan pa siya nito. Tinampal niya ang braso nito sa kapilyuhan. "Gusto ko na ang lahat ng ginagawa ko ay espesyal para sa nag-iisang babaeng espesyal sa buhay ko."
"At naging espesyal nga... dahil sa'yo. Dahil ikaw ang kasama ko," masayang tugon niya. "Akeem..." pinisil niya ang mga kamay nito. "Bakit dito ka nakatira?" Iyon ang kanina pa niya gustong itanong.
He smiled sweetly and looked at her intently. She can see so much love in his eyes.
"Dahil ang lugar na ito..." iginala nito ang paningin sa kabuuan ng unit. Pagkatapos ay huminto ang tingin sa kanya. Nangingislap ang mga mata nito... na napakagandang pagmasdan. "Ang tanging alaala ko sa'yo... mga magagandang alaala ko sa'yo," masuyong sambit nito. Napuno ng saya ang puso niya sa sinabi nito. "Hindi ko nakalimutan kahit-kailan ang lugar na ito na nagpapaalala sa akin ng masasayang araw natin. Nang dumating ako galing America ay dito ko naisipang tumira kasi espesyal sa akin ang lugar na ito. Gusto ko kasi na kapag umuuwi ako galing sa opisina ay ang mga alaala mo ang sasalubong sa akin," ngumiti ito ng matamis. "Ang magandang ngiti mo ang yayakap sa akin. At sa pamamagitan no'n pakiramdam ko ay hindi ka nawala sa akin. Na nandito la lang sa tabi ko at masayang-masaya tayo."
Advertisement
Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang pinsgi nito. Napakasaya ng nararamdaman niya sa mga sinabi nito. Totoong mahalaga rito ang lugar na iyon.
"Mahalaga rin sa akin ang lugar na ito," sambit niya. "Tama ka... masasayang araw lang dapat ang inaalala natin dito. Dahil totoo na naging masaya tayo nang tumira tayo dito sa compound." Hinuli nito ang kanyang kamay at masuyong hinalikan iyon. Pagsuyo ang naramdaman niya. "Kahit na minsan akong naniwala sa sumpa na meron sa lugar na ito. Naniwala ako roon nang mawala ka sa akin pagkatapos nating tumira rito." Hindi niya maiwasang maalala iyon.
Ang sabi niya sa sarili ay hindi na siya tutuntong pa sa lugar na iyon. Pero ngayong si Akeem ang kasama niya ay wala na siyang pakialam pa sa sumpang iyon.
"Demi..." sinapo nito ang kanyang mukha. "Hindi totoo ang sumpa," mariin nitong sabi. "Ni minsan ay hindi ako naniwala roon. Dahil naniniwala ako na babalik ka sa akin. Na ang pagmamahal na nandito sa mga puso natin ang magbabalik sa atin sa piling ng isa't-isa," masuyong sambit nito. "Patunay na nandito ka ngayon sa tabi ko... minamahal natin ang isa't-isa."
Ngumiti siya. "Tama ka... hindi iyon totoo." Ngayon ay higit niyang napatunayan na hindi iyon totoo dahil nandito ngayon ang pinakamamahal niya. Bumalik ito para sa kanya. "Ngayon na nandito ka at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo para sa akin ay hindi na ako matatakot pa."
"And I will never let you feel alone again," mariin nitong sambit. "Hindi na kita bibitawan kahit-kailan. Magkasama nating haharapin ang lahat."
And she felt the warmth of his embrace when he held her. Wala siyang ibang maramdaman kundi ang pagmamahal. Ang mabilis na tibok ng puso nito ay damang-dama niya. Alam niyang walang 'di makakaya ang pagmamahalan nila.
"At walang sumpa o kahit ano pa man ang makakahadlang sa pagmamahalan natin," masuyong sambit niya habang nagsumiksik siya sa bisig nito. Naramdaman niyang niyakap pa siya nito nang mahigpit.
Napapikit siya sa suyong nararamdaman.
"Hindi na ako papayag na mawala ka pa Demi. Mahal na mahal kita... hindi ko na kakayanin kung mawawala ka pa sa akin," paanas na sambit nito.
Damang-dama niya na hindi siya nag-iisa. Si Akeem ang magiging kasama niya habang-buhay.
"Mahal na mahal kita Akeem," buong-pusong sambit niya.
Naramdaman niya ang lalong paghigpit ng yakap sa kanya. Damang-dama niya ang pagmamahal nito para sa kanya.
"Mahal na mahal din kita Demi. Ikaw lang sa puso ko habang-buhay," masuyong ganti nito.
"AKEEM, bitawan mo na ang kamay ko, nakakahiya," naiilang na sabi ni Demi sa binata.
Tumingin lang sa kanya ang binata habang naglalakad sila. Ngumiti ito ng matamis. Napakaganda talaga ng ngiti nito na nagpapatunaw ng puso niya.
"Bakit ka naman mahihiya? Eh girlfriend naman kita," nakangiting sabi nito.
Pagpasok kasi nila sa building ng Universal Perfumes ay pinagtitinginan sila ng lahat ng taong nadaraanan nila.
Binabati ng mga ito si Akeem na tinutugunan naman ng binata ng masiglang pagbati. Nakita pa niya ang inggit na nasa mga mata ng ilang mga babae. Pakiramdam niya ay napakaswerte niya.
"Kanina pa kasi tayo pinagtitinginan ng mga tao."
Tumawa ito at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. "Hayaan mo sila," bale-walang tugon nito. Saglit silang huminto at pinakatitigan siya. His eyes are glowing with love. Alam niyang ganoon din ang makikita sa mga mata niya. "Isa pa... gusto kong malaman ng buong mundo na ikaw ang babaeng pinakamamahal ko. Ipagsisigawan ko pa 'yun sa lahat." Nangingislap ang mga matang sambit nito. Sinapo pa ang kanyang mukha at kintalan ng halik sa noo.
Advertisement
Pinalo niya ang braso nito. Pero sa kanyang kaibuturan ay gustung-gusto niya ang ginawa nito. "Ano ka ba Akeem." Iginala pa niya ang paningin sa paligid. Baka may makakita sa kanila na hinalikan siya nito. Mabuti na lang at walang masyadong taong dumaraan.
"Doon na lang natin sa opisina ituloy ito..." tumaas-baba pa ang kilay nito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Magtigil ka Akeem!" mariing saway niya.
Humalakhak ito. Dinig yata sa buong building ang masiglang tawa nito. Napakasarap sa pandinig ang masayang tawa nito.
Pinisil nito ang ilong niya. "Biro lang, ikaw talaga. Halika na nga!"
Muling hinawakan nito ang kanyang kamay at parehong may ngiting nagtungo sila sa opisina. Sinundo siya nito mula trabaho niya kahit na may isa pa itong meeting na pupuntahan. Kahit sinabi niyang huwag na siya nitong sunduin at uuwi na lang siyang mag-isa ay hindi ito pumayag. Naglambing pa ito na gusto raw nitong makasama siya kaya nakiusap na hintayin niya itong matapos sa meeting. Napaka-sweet talaga ng boyfriend niya.
Alam niyang hindi biro ang responsibilidad nito at nandito siya palagi sa tabi nito para suportahan ito. Naging maayos ang kanilang deal. Inaayos na lang ang ilang mga papeles para maging ganap na silang distributor ng kumpanya nito. At malapit na rin niyang i-take-over ang posisyon bilang vice-president. Natatandaan niya na tuwang-tuwa ang kanyang boss ng ibalita niya ang tungkol sa deal. Proud na proud ito sa kanya at nangako siyang lalong pagbubutihin ang kanyang trabaho.
Nang makarating sa loob ng opisina nito ay inalalayan siyang maupo sa couch at tumabi sa kanya.
"Sige na, punta ka na sa meeting at hihintayin kita dito," nakangiting sabi niya.
"Mamaya na, maaga pa naman. Sigurado ka bang okay lang na iwan kita dito?" alanganing tanong nito.
Ngumiti siya ng matamis. "Oo naman," masiglang tugon niya. "Huwag mo na akong intindihin... okay lang ako dito."
"Kung i-cancel ko na lang kaya ang meeting?"
Kumunot ang kanyang noo. "Hindi," mariin niyang kontra. "Akeem trabaho 'yan. Alam ko ang malaking responsibilidad mo sa kumpanya kaya dapat lang na gawin mo iyon ng mabuti. Isa pa, dito lang naman ako at palaging nakasuporta sa'yo."
Sumilay ang magandang ngiti sa mukha nito. "Salamat at naiintindihan mo ang trabaho ko."
"Mahal kasi kita at palagi kitang uunawain," matamis na sambit niya.
"Ang sarap sa pandinig... pwede bang ulitin mo?" ungot pa nito.
"Ang alin?" nangingiting sabi niya.
Nahigit niya ang hininga nang ilapit nito ang mukha sa kanya at kabigin ang baywang niya. She can feel the fast beating of her heart. He always managed to make her feel that way.
"Na sabihin mong mahal na mahal mo ako," nangingislap ang matang sambit nito.
Pilyang ikinawit niya ang mga kamay sa balikat nito. Nakita niya ang paglunok nito ng mariin. Napangiti siya ng lihim.
"Mahal na mahal kita Akeem," puno ng pagsuyong sambit niya.
Naging mapungay ang mga mata nito sa kanya pero naroon ang matinding pagmamahal. "Mahal na mahal din kita Demi," madamdaming pahayag nito. "Hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam sa'yo 'yan."
"You always made me feel loved Akeem," masayang saad niya.
Hinaplos nito ang kanyang buhok at naramdaman niya ang pagkintal ng halik sa kanyang noo. Napakasarap sa pakiramdam kapag ginagawa nito iyon.
"It's you I want to spend the rest of my lives," nangingislap ang matang sambit nito. "Gusto kong magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ka. Ikaw lang ang gusto kong maging mommy ng mga anak ko," Nakita niya ang pamamasa ng mga mata nito. Hinaplos ang kanyang puso. "Ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo kapag nangyari iyon."
Hindi na rin siya makapaghintay na magkaroon sila ng sariling pamilya.
"Basta ako... ikaw lang din ang gusto kong maging asawa at daddy ng mga magiging anak natin," masayang tugon niya.
"Then let's get married," seryosong pahayag nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. His eyes are looking at her seriously.
"A-Akeem..." sambit niya.
Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at masuyong pinisil ang mga iyon. "Wala akong dalang singsing ngayon," ngumiwi ito. "Pero makapaghihintay naman iyon. Ako... siguradong-sigurado ako na ikaw ang gusto kong makasama habang-buhay. I want to hear your answer now, Demi." Lumunok ito ng mariin na parang kinakabahan. "W-Will you marry me?"
Napuno ng saya ang puso niya sa pagmamahal na nasa mga mata nito. Sinapo niya ang mukha nito at hinalikan ng matunog ang labi.
"Of course I'll marry you," abot-abot ang sayang tugon niya.
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi nito. "And with that... let's seal it with this..."
Kinabig siya nito at hinalikan ng matamis. Buong-puso siyang tumugon at ipinadama sa isa't-isa ang kanilang pagmamahal. Hindi na siya makapaghintay na lumakad sa altar habang naghihintay ang kanyang pinakamamahal na lalaki.
Parehong habol ang hiningang kumalas sila sa isa't-isa. Puno ng kislap ang mga mata nito sa kanya.
"Let's plan our wedding up to honeymoon. Ilan ba ang gusto mong maging anak natin?" nangingiting tanong nito.
Natawa siya sa sinabi nito. "Hindi halatang excited ka ha?"
"Siyempre hindi," natatawang sabi nito at niyakap siya. "Kung ano ang gusto mo sa kasal natin... doon ako."
"I just want a simple wedding with our family and friends," tugon niya.
"Then you'll have what you want my Demi," niyakap siya nitp at tumugon siya.
Nanatili silang magkayakap nag bigla siyang may maalala.
"Akeem ang meeting mo!" bulalas niya.
Kumalas sila sa yakap at tumingin ito sa wrist watch nito. "May fiteen minutes pa ako. Pwede bang pag-usapan na lang natin ang tungkol sa kasal?" ungot nito ay iniyakap ang mga kamay sa baywang niya.
Tinanggal niya ang mga iyon. "Mamaya na natin pag-usapan pagkatapos ng meeting mo okay? Huwag nang makulit."
"Okay..." pagpayag nito. "I'll go ahead. Wait for me here okay... my future wife," panaas na sambit nito habang puno ng ngiti ang mukha.
"Okay... my future husband," masayang ganti niya.
Tumawa ito at bago umalis ay muli siyang hinalikan ng mabilis sa labi. Ang kulit talaga nito. Sa kanyang kaibuturan ay masayang-masaya siya.
"WHAT? Nandito kayo ngayon sa bansa? At nasa bahay na kayo ni daddy?" gulat na gulat na sabi ni Akeem habang kausap ang mommy niya sa kabilang linya.
Biglang binundol ng kaba ang dibdib niya sa narinig. Hindi siya makapaniwalang nandito muli ang mga magulang.
"Yes son, we're here," masiglang sabi nito. "Bakit parang 'di ka masaya na nandito kami ng daddy mo?" nahimigan niya ang pagtatampo sa tinig nito.
Napahigpit ang hawak niya sa kanyang cell phone na nasa tainga. Huminga siya ng malalim.
"Hindi naman sa ganoon mom," tugon niya. "Nagulat lang po ako sa sinabi niyo. Sana ay sinabi niyo sa akin na darating kayo ni daddy para nasundo ko kayo sa airport."
"It's okay son," malambing na sabi nito. "Ayaw na namin ng daddy mo na istorbohin ka sa kumpanya. Alam naman namin na marami kang inaasikaso riyan. Isa pa, gusto ka naming sorpresahin ng daddy mo."
"I'm really surprise mom," tugon niya.
Sa loob niya ay abot-abot ang kabang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa mga magulang ang gumugulo sa isip niya. Hindi naman niya nakalimutan ang bagay na gumugulo sa kanya. Saglit lang na nawala iyon dahil sa sayang pumupuno sa dibdib niya. Pero naroon pa rin ang matinding pangamba niya lalo na sa mga sandaling iyon.
Tumikhim siya para alisin ang bara sa lalamunan. "Pupuntahan ko kayo ni daddy sa bahay ngayon mom," pinasigla niya ang tinig.
"Okay, son," masiglang sabi nito at pinutol na nila ang tawag.
Ibinulsa niya ang cell phone at humugot ng malalim na hininga. Kinuha niya ang kanyang coat na nasa swivel chair sa loob ng opisina at kaagad na umalis patungo sa mansion. Kailangan na niyang masabi sa mga magulang ang gumugulo sa isip niya.
Ilang sandali lang at nakarating siya sa kanilang mansion. Paminsan-minsan ay bumibisita siya roon kahit na sa San Diego Compound niya piniling tumira.
"Akeem, anak!" Sinalubong siya ng matamis na ngiti ng mommy niya.
"Mom!" Lumapit siya rito. Humalik siya sa pisngi at yumakap.
"Kumusta ka naman dito anak?"
Kumalas siya sa yakap ng nang marinig ang tinig na iyon ng daddy niya.
Lumapit siya rito at yumakap. "Okay naman po 'dad," tugon niya.
Hinarap niya ang mga magulang. Inakbayan ng daddy niya ang kanyang mommy. Nakikita niya ang saya sa mga mata ng kanyang mga magulang. Masaya siya dahil bumalik ang dating kulay ng pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Nakatulong rin ang paghawak niya sa kanilang kumpanya. Dahil nagkaroon ng maraming panahon ang mommy niya sa daddy niya.
"Huwag niyo na po akong intindihin. Maayos ako rito at maayos rin po ang kumpanya," nakangiting sabi niya.
"We're glad to hear that, son," nakangiti ring tugon ng mommy niya. "Alam ko naman na 'di mo ako bibiguin kaya sa'yo ko lang ipinagkatiwala ang kumpanya."
"Makakaasa po kayo mom," buong-igting na sabi niya.
"And we're happy to say that..." ibinitin pa nito ang sasabihin at tumingin sa daddy niya na kaagad na ngumiti. She looked at him. "We're staying here for good," masiglang sabi nito.
Natigilan siya sa sinabi ng nito. Lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib niya.
"Tama ang mommy mo, anak," anang daddy niya. "Napagpasyahan namin na dumito na kami para naman sama-sama tayong pamilya. Ayaw kasi ng mommy mo na mahiwalay ka sa amin. Dito ay maalagaan ka namin ng mommy mo."
"That's good to hear," ang nasabi niya. "Masaya po ako at magkakasama-sama na tayo ulit."
Lumapit siya sa mga ito at yumakap nang mahigpit. Ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng mga magulang.
Kumalas siya sa yakap at tiningnan ang mga ito. Kailangan na niyang masabi ang nasa isip.
"Mom, dad," tiningnan niya ang mga ito. "May... may gusto po sana akong ipakilala sa inyo."
There he said it with so much worry in his heart.
Nakita niyang nagkatinginan ang kanyang mga magulang.
"Sino anak?" seryosong tanong ng mommy niya.
Lumunok siya ng mariin. "My girlfriend, mom, dad," abot-abot ang kabang tugon niya.
Natigilan ang mommy niya sa kanyang sinabi. Pero kaagad ring ngumiti. "Oh! You have a girlfriend. Kaya naman pala kakaiba ang kislap ng mga mata mo anak," natatawang sabi nito. "Who's the lucky girl?"
"Bukas po ay dadalhin ko siya rito at ipapakilala sa inyo."
"I can't wait to see her," excited na sabi ng nito. "I'm pretty sure na magugustuhan ko ang girlfriend nitong anak natin, 'di ba Ricardo?"
"Of course honey," tugon ng daddy niya.
Huminga siya ng malalim. Sa nakikita niyang saya sa mga mata ng mga magulang ay hindi dapat siya matakot. Isa pa, matagal na silang tapos at kinalimutan ang nakaraang iyon.
Advertisement
A Good Man
Book 1: A Good Man All are to be ordained. All ordained are to be registered. Those who stray from the path become obsolete. These are the tenants the grand Mercian Bureaucracy lives by. None can escape their destined path, lest they become obsolete. The obsolete are hunted down by the ordained assassins, supported by the Mercian government. Follow ordained assassin 2500116, Eli de Winter, as he performs his duties in the grand city of Victoria. Fifteen years ago Eli suddenly found himself in a world unlike his own. Within the maze of the many layered streets of the industrial city he was forced to make a new home, performing acts that would have seen him convicted on Earth. Gangsters, revolutionaries, kings and princes, all are playing a game with the highest stakes. The winds of change are blowing and everybody wants to be on the right side of history. While the powers that might be are making moves in the shadow there is only one question that haunts Eli's mind. Is he a good man, or is he obsolete?
8 216✓ Ethereal: The Goddess's Blood (READ FULL STORY IN DREAME)
WATTYS2020 WINNER | ZEIDEN was literally dropped from the heavens by a magical phoenix inside her adoptive parents' house without any idea about her real parents' identity and her origin.In search to find her real family, she decided to enroll in Mystique University. However, things didn't go the way they were planned. Inside this school, the unexpected secrets of her life started to uncover. Could she accept them?Fantasy 2019-2020#3 in fantasy #2 in adventure Cover by @eurybia-
8 93Elements Rising
Emily Rhodes, a seventeen-year-old girl, discovers she has the ability to control fire. One day, a stranger comes to her front door and invites her to attend an academy for people just like her. Ultimately, Emily decides to attend the academy and is thrust into a world of action, fantasy, and romance. While at the academy, she meets three other girls, Grey, who controls earth, Finn, who controls air, and Aurora, who controls water. The four girls must learn to get along, hone their powers, and protect the school from a dark evil threatening to destroy it, everyone, and everything in its path.
8 92The greater universe
Welcome to the greater universe..... In the wide galaxie there exist endless possibilities. This story covers what happens to a mister Edward hobbitz.. . This tale will have many magical and scientific phenomenon. I hope you enjoy.
8 75Dark-Sides of the Dark-Sides | Sanders Sides Fan-Fiction
A seven year old Thomas Sanders gets out of control, but once the event is over the world stays the same - but his mind doesn't.NOTICES:- This is the Prequel for the book 'Logically Not-Okay' that explains the backstory to the events that occurs in said book - it is suggested that you read it first before hand.The majority of the characters belong to Thomas Sanders, any thing else is either straight from me or inspired by others.- { • } -Check These Out:My 'Conversations' Tab (Wattpad account) | Milestones & AnnouncementsMy Instagram (crazycookiecat31) | Updates, Drawings & Random Stuff (which I don't post on Wattpad)
8 278rosekook prompts.
Short drabbles and/one shots about Park Chaeyoung and Jeon Jungkook as themselves coming from real life theories/moments.
8 125