《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 16
Advertisement
NAPUNO ng pagmamahal ang puso ni Demi nang maramdaman ang masuyong pagyakap sa kanyang likod ni Akeem. Dama niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Napakalakas ng epekto nito sa kanya.
"Nagustuhan mo ba?"
Abot-abot ang ngiting tumango siya. "Sobrang nagustuhan ko," masayang tugon niya. "Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang ganito ka-romantikong dinner?" nangingiting sabi pa niya.
Minasdan niya ang pagkakaayos ng mesa. Maraming mga pagkain ang nakahanda at nagkalat ang petals ng mga pulang bulaklak sa damuhan. Naaamoy tuloy niya ang mabangong petals ng mga rosas.
Naroon sila sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay. Napakaganda ng tanawin roon at masarap mag-over looking. Iyon ang sorpresa ni Akeem sa kanya nang sabihing dadalhin siya sa isang magandang lugar para sa kanilang date. Nagustuhan naman niya roon pagdating nila sa lugar.
Walang pagsidhan ang sayang nararamdaman niya mula nang tanggapin niya ulit sa buhay niya si Akeem. Tunay na ipinakita at ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal. Na hindi na siya matatakot kahit-kailan. Dahil alam niyang hindi siya pababayaan ni Akeem.
Dama niya ang malamig na ihip hangin pero habang yakap-yakap siya ng binata ay pagsuyo ang nararamdaman niya. Tumingala siya sa maaliwalas na kalangitan. The stars in the sky seems like rejoicing to what she's feeling inside... happiness.
"I'm glad you like it here," nakangiting sabi nito. "Inihanda ko talaga ang lahat ng ito para sa'yo. Gusto ko kasi na maging espesyal ang gabing ito para sa atin."
Naramdaman niya ang pagpatong ng ulo nito sa kanyang balikat. Hinawakan niya ang mga kamay nitong nakapalibot sa kanyang baywang. Nilingon niya ito at ngumiti siya ng matamis.
Iginaya siya nito at inalalayang umupo. Umupo naman ito sa kaibayo. Hindi maalis-alis ang ngiti sa kanilang mga labi.
"Kahit saan mo naman ako dalhin ay magiging espesyal pa rin iyon... kasi ikaw ang kasama ko."
He smiled sweetly. "Talaga?"
"Oo naman," masiglang sagot niya.
"At dahil diyan sa sinabi mo... you deserve this!"
Tumayo ito at lumapit sa kanya. Nahigit niya ang hininga nang lumuhod ito. Nagpantay ang kanilang paningin. Napalunok siya sa kakaibang tingin nito sa kanya. Napaigtad siya ng hapitin nito ang kanyang baywang. Naging doble na yata ang tibok ng kanyang puso sa ginawa nitong iyon. At pamilyar na sensasyon ay nanunulay sa kanyang buong katawan.
"A-Anong gagawin mo?" kanda-utal na tanong niya.
Nakita niya ang naglalarong ngiti sa mga labi nito.
"Ito!"
Hinaplos ang kanyang puso ng madama ang pagkintal ng halik sa kanyang noo. Napapikit siya sa masuyong pakiramdam. She really loves that kiss of respect.
Nagmulat siya ng mga mata. Sinalubong siya ng pagmamahal na nasa mga mata ng binata. Napakagandang tingnan no'n.
Pilyang ikinawit niya ang mga kamay sa balikat nito. "Akala mo ba hindi ako gaganti?" Nakangiting sabi niya at walang babalang hinalikan ito ng mabilis sa labi.
Nakita niyang umawang ang bibig nito sa kanyang ginawa. Gusto niyang matawa sa hitsura nito na bahagyang nanlaki ang mga mata. Ang cute-cute nito.
Mabilis na kumawala siya rito. Tumayo siya at lumayo.
"You stole a kiss from me!" malakas na sabi nito nang makabawi. "Come back here Demi. Gaganti ako!" masiglang sabi nito.
Natawa siya sa sinabi nito. Alam na alam niya kung ano ang igaganti nito. "Ano ka? Sinuswerte?" ganting sigaw niya.
Napatakbo siya ng makitang patakbong lumapit ito sa kinaroroonan niya. Ang nangyari tuloy ay para silang mga batang naghabulan sa gitna ng magandang tanawing iyon. Naghahabulan sila habang parehong tumatawa.
Napatili siya nang mahabol siya nito. Hinuli ang kanyang baywang at kaagad siyang niyakap ng mahigpit.
Advertisement
"Huli ka ngayon. Hindi na kita pakakawalan pa," nakangiting sabi nito habang humihingil pa. Napatili siya nang pupugin nito ng halik ang kanyang mukha. Napakasarap sa pakiramdam ng ginagawa ni Akeem sa kanya.
"Akeem tama na!" saway niya pero gustung-gusto niya ang mumunting mga halik nito sa mukha niya.
"Ayoko nga," parang batang sabi nito. "Yan ang parusa ko sa'yo sa pagnanakaw mo ng halik sa akin." Tumawa pa ito ng malakas sa sinabing iyon.
Mayamaya lang ay tumigil ito at pinakatitigan siya. Bakas na bakas ang matinding saya sa mga mata nito. Alam niyang ganoon rin ang makikita sa mga mata niya.
Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya at inipit sa kanyang tainga. He looked at her with so much love in his eyes.
"Masaya ka ba Demi?" masuyong tanong nito.
"Sobrang saya," puno ng saya ang puso na tugon niya.
Gumanti ito ng walang katumbas na ngiti. "Ako... kung may hihigit pa sa salitang saya, iyon ang nararamdaman ko," puno ng ngiting sambit nito. "At dahil iyon sa babaeng ito..." gigil na pinisil nito ang ilong niya. Paborito talaga nitong gawin iyon.
Hinuli niya ang kamay nito at hinawakan nang mahigpit. "Sana hindi na matapos pa ang ganitong sandali. Na wala tayong ibang mararamdaman kundi ang saya."
Masuyong hinaplos nito ang kanyang mukha. Dama niya ang malambot na kamay nito. "Pinili nating maging masaya sa piling ng isa't-isa. At alam ko... na sapat ang pagmamahal para maging masaya ang pagsasama natin. Ito ang palagi mong tatandaan Demi..." nangingislap ang mga matang sambit nito. "Na kahit ano'ng mangyari ay mamahalin kita. Na kahit dumating man ang mga pagsubok sa relasyon natin... palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. At walang hindi kayang gawin ang pagmamahal," madamdaming sambit nito.
"Mahal na mahal din kita Akeem," buong-pagmamahal na tugon niya. "Ang pagmamahal ko sa'yo ang sobra-sobrang nagpapasaya sa buhay ko."
"Hindi ako magsasawang magpasalamat sa pagtanggap mo ulit sa akin Demi," naging seryoso ang mga mata nito. "Sa nagdaan na mga taon... ngayon ko lang ulit naramdaman kung paano maging masaya sa buhay." Hindi maitatago ang saya sa mukha nito. "At wala akong ibang gagawin kundi ang pasayahin ka."
Ngumiti siya ng matamis. "Naniniwala ako sa'yo Akeem."
Kinabig siya nito at niyakap. Payapang isinandal niya ang ulo sa malapad nitong dibdib. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang mabilis na pintig ng puso nito.
"Wala na akong mahihiling pa sa buhay. Nandito ka na... nandito na ang kaligayahan ko."
Ang mga salitang iyon ang higit na nagpapasaya sa buhay niya.
"I HAVE something important to tell you Miss Robles."
Hindi alam ni Demi kung matatawa ba siya o kakabahan sa seryosong mukha ni Akeem. Tinawagan siya nito kanina at seryosong-seryoso ang boses at sinabing magpunta siya sa opisina nito.
Naisip niya ang tungkol sa deal. Hindi nila pinag-uusapan iyon kapag magkasama sila. Alam naman niya na labas ang personal nilang relasyon at ang tungkol sa trabaho. Abot-abot ang dalangin niyang makuha ang deal.
Minasdan niya ito, walang kangiti-ngiti ang mukha nito habang nakatayo. Sanay na siya sa ganoong hitsura nito.
Tumikhim siya at seryoso ring tumingin rito. "And what is it Mister Claveria?"
Tumikhim rin ito. Talagang pinanindigan ang kaseryosohan. "I just want to say that... I have decided that My Lady's Cosmetics will be the new distributor of Universal Perfumes." At unti-unting sumilay ang magandang ngiti sa labi nito.
Umawang ang bibig niya sa narinig. Pero naroon ang sayang naramdaman niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Advertisement
"Talaga?" 'di pa rin makapaniwalang sabi niya. "Ang kumpanya namin ang napili mo?"
"Yes..." masayang tugon nito.
Hindi na niya napigilan ang sarili. Patakbong lumapit siya rito at yumakap nang mahigpit sa sobrang saya. Napakaimportante ng deal na iyon sa kanya.
"What are you doing Demi? Ganito ka rin ba kapag nakakapagsara ka ng deal sa iba?" mariing tanong nito.
Kumalas siya sa binata at tumingin rito. Salubong ang mga kilay nito at hindi maipinta ang mukha. "Niyayakap mo rin ba sila nang mahigpit?" may himig ng selos ang tono nito.
Nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin. Natawa siya at hinaplos ang mga kilay nitong salubong.
"Ano'ng nakakatawa?" pagalit na sita nito.
Umiling siya at sinapo ang mukha nito. Nakalabi ito na parang bata. Ang cute-cute nitong tingnan.
"Wala pa akong niyakap nang ganito kahigpit kundi ikaw lang," masuyong sambit niya. "At ikaw lang din ang kauna-unahang lalaking niyakap ko dahil nakapagsara ako ng deal. Kasi masaya ako dahil napili mo ang kumpanya namin."
Sa pagkakataong iyon ay ngumiti na ito. "Mabuti naman kung ganoon." Parang nakahinga ito nang maluwang. "Hindi yata ako papayag na may yumakap na iba sa'yo," mariin nitong sabi. Napaigtad siya nang hapitin nito ang baywang niya at ilapit ang mukha sa kanya. Nadama niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Ang lakas talaga ng epekto ni Akeem sa kanya... nagwawala pa rin ang puso niya kapag malapit na malapit ito sa kanya. "Dahil ako lang ang lalaking may karapatang yakapin ka Demi," paanas na sambit nito.
Tumayo na yata lahat ng balahibo niya sa katawan sa paanas na boses nito. Kinalma niya ang sarili at ngumiti ng matamis. She loves the way he's being possessive to her.
"Ibinibigay ko sa'yo lahat ng karapatan na yakapin ako Akeem."
Gumanti ito ng ngiti. "Masaya akong nakikita kang masaya. Dahil ro'n ay kuntento na ako basta makita lang kitang nakangiti."
"Ikaw lang naman ang nagpapangiti sa akin eh," masayang tugon niya at kinindatan ito. Natawa ito sa ginawa niya. "Gusto kong magpasalamat sa'yo dahil napili mo ang kumpanya namin."
"Ang kumpanya niyo ang napili ko dahil ito lang ang nakitaan ko ng mga qualities na kailangan ng kumpanya namin para maging distributor. It's the best among others. And our company is very glad to work with your company."
Natutuwa siyang marinig iyon. "Makakaasa ka na magiging maganda ang samahan ng mga kumpanya natin," paga-aasure niya. "Alam mo Akeem... ito ang pinakamalaking deal na naisara ko sa buong career ko."
"Talaga?"
Tumango siya. "Oo, dahil kapag naisara ko ang deal na ito sa kumpanya niyo ay mapo-promote ako bilang vice-president ng kumpanya namin," masayang sabi niya. Hindi na siya makapaghintay na sabihin sa boss niya ang magandang balitang iyon.
Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Akeem. "Wala kang binanggit sa akin tungkol sa bagay na iyan."
Ngumiti siya. "Ayoko kasing ibigay mo sa akin ang deal dahil sa promotion na naghihintay para sa akin. Gusto ko na makuha ang deal na dumaan sa tamang proseso."
Sumilay ang magandang ngiti sa labi nito. "You really amazed me. Alam ko naman na noon pa man ay magiging maganda na ang takbo ng career mo. Kasi magaling ka at matalino. I'm really proud of you," humahangang pahayag nito. "Gusto ko rin sabihin sa'yo na walang kinalaman sa atin ang pagpili ko sa kumpanya niyo. It's all about business."
Natutuwa naman siya na wala silang problema pagdating sa bagay na iyon.
"Proud na proud din ako sa'yo Akeem," masayang saad niya. "Look at you now... you are the president of this company. Alam ko na marami kang responsibilidad na nakaatang rito. Pero gusto kong sabihin sa'yo na..." hinawakan niya ang mga kamay nito at ngumiti. "Nandito ako at susuportahan kita sa lahat ng pangarap mo."
"Demi..." nagkaroon ng kislap ang mga mata nito.
Iyon ang tanging magagawa niya para sa kanyang pinakamamahal. Ang tanggpin ito nang buong-buo.
"Naniniwala ako na magiging successful pa ang kumpanya niyo sa pamumuno mo. Kasi alam ko kung gaano ka kagaling humawak ng negosyo," dugtong niya.
Ngumiti ito ng matamis at sinapo ang kanyang mukha. "Kakayanin ko ang lahat dahil alam kong nandito ka lang sa tabi ko."
Walang kasing-tamis na ngiti ang isinukli niya rito.
"ANO'NG ginagawa mo rito?"
Hindi nakaligtas kay Akeem ang gulat na nakita niya sa mga mata ng mama ni Demi nang mapagbuksan siya nito ng pinto.
Naroon rin ang takot na biglang rumehistro sa mga mata nito. Pero kaagad rin iyong napalitan ng walang emosyong tingin.
Tumikhim siya. "Magandang umaga po tita Helga," magalang na bati niya.
"B-Bakit nandito ka Akeem?" mariing tanong nito.
Sinalubong niya ang tingin nito. Masisisi ba niya ito kung magkaroon ng takot ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya? Sinaktan niya ang anak nito noon. Mapait niyang inalis ang isiping iyon.
"Nandito po ako dahil kay Demi," tugon niya.
"Bakit? Ano'ng kailangan mo sa anak ko?" puno ng diin ang tinig nito.
Tumingin siya rito. "Mahal ko po si Demi, tita... nagmamahalan po kami."
Niyaya siya ni Demi na magpunta sa bahay ng mga ito nang araw na iyon. Gusto nitong sabihin nila sa mama nito ang tungkol sa kanilang relasyon. Pumayag naman siya dahil mas mabuting malaman ng mama nito ang tungkol sa masayang pagsasama nila.
Nasabi na rin niya sa dalaga na nasa America ang kanyang mga magulang nang minsang magtanong ito tungkol roon.
Lumarawan sa mga mata nito ang takot habang nakatingin sa kanya.
"Huwag po kayong mag-alala tita. Hinding-hindi ko po hahayaang masaktan si Demi," mariing niyang sabi. "Hinding-hindi po ako gagawa ng isang bagay na alam kong ikasasakit niya."
Naging malamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
"Ma! Akeem!"
Ang tinig na iyon ni Demi ang pumukaw sa kanila. Awtomatikong sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi nang makita ang babaeng pinakamamahal. Mula nang papasukin siya ulit ng dalaga sa buhay nito ay napakasaya ng buhay niya.
Naging makulay at nagkaroon ng sigla ang buhay niya. Nahahanap niya ang sariling ngumingiti at punung-puno ng saya ang puso niya. Hindi niya makakalimutan ang araw kung kailan ulit niya narinig na sabihin ni Demi ang mga salitang nagpatunaw sa puso niya. Ramdam niya na mahal na mahal din siya nito. At hindi nawala ang pagmamahal na iyon sa nakalipas na taon.
Natakpan lang iyon ng matinding takot. At babasagin niya ang lahat ng takot at pangamba sa puso ni Demi. Ipapadama niya rito ang walang katumbas na pagmamahal para rito. Siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo nang tanggapin siya nito nang buong-buo. At ngayon ay wala siyang ibang gagawin kundi ang mahalin ito.
Pinapasok siya ng dalaga sa loob at tumabi sa kanya. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti. Gumanti ito. Napakaganda talaga nito.
"Ma..." Hinarap nila ang mama nito. "Si Akeem po... boyfriend ko," nakangiting pagpapakilala ng dalaga sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon. Napakapayapa niya kapag hawak niya ang malambot nitong kamay.
Nakita niyang ngumiti ang mama nito sa kanila. "Hindi na ako magtatanong kung paano at kailan kayo nagkabalikan. Basta nakikita ko kayong masaya... magiging masaya na rin ako para sa inyong dalawa."
Nakita niya ang pagsilay ng masayang ngiti sa mukha ni Demi. Sandaling kumawala ito sa kanya at yumakap sa mama nito.
"Maraming salamat ma," anito.
Tumugon nang mahigpit na yakap ang mama nito. Minasdan niya ang mga ito. Tunay na mahal na mahal ni Demi ang mama nito.
Kumalas sa yakap ang mga ito. Tumingin sa kanya si tita Helga. "Akeem... ingatan mo ang anak ko," nakikiusap ang tinig nito.
"Buong-puso ko pong iingatan si Demi, tita," matatag niyang tugon.
Tumango ito at tumingin kay Demi. "Bueno, dito muna kayong dalawa at ipaghahanda ko kayo ng merienda."
Tumango si Demi at nagpasalamat siya kay tita Helga bago ito umalis at tumuloy sa kusina.
Tumingin siya kay Demi. Nakikita niya ang kakaibang saya sa mga mata nitong nangingislap. Kapag nakikita niyang masaya ito ay nagiging masaya na rin siya.
Hinawakan niya ang kamay nito at iginayang maupo sa mahababang sofa. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay nito. Wala siyang ibang hahawakan nang ganoon kahigpit kundi si Demi lang.
"Natutuwa ako at masaya si mama para sa atin," puno ng ngiting saad nito.
Gumanti siya ng matamis na ngiti. "Ako din ay masaya... kasi masaya ka. Alam mo naman na ikaw ang kaligayahan ko," paglalambing niya.
Bumungisngis ito. Gusto tuloy niyang yakapin ito at halikan. "Payakap nga." Hindi na nga niya napigilan ang sarili at niyakap ito. "Kulang ang araw ko kapag 'di ko 'to nagagawa eh."
Narinig niya ang pagtawa nito. Nakukuntento ang buhay niya kapag nandito lang ito malapit sa kanya.
Napuno ng pagsuyo ang puso niya nang tumugon ito sa kanyang yakap. May ngiti sa labing inihilig niya ang ulo nito sa kanyang dibdib. Dama niya ang malakas na pintig ng puso niya. Si Demi lang ang may kayang palakasin ang kabog ng dibdib niya.
"Para namang napakatagal mo akong 'di nayakap ha?" narinig niyang biro nito.
Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap rito. "Iyon naman ang gusto kong maramdaman mo kapag yayakapin kita... na parang napakatagal kitang 'di nayakap. Kung pwede nga lang na yakapin na lang kita buong-araw ay gagawin ko. Kasi ayoko nang mawala ka pa sa akin Demi," hindi niya naitago ang takot sa isiping iyon.
Tumingin ito sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. Napakasuyo ng naramdaman niya sa ginawa nitong iyon.
"Sino'ng nagsabi sa'yo na mawawala pa ako sa'yo? Nandito lang ako Akeem."
"Hindi ko kakayanin kapag nawala ka ulit sa buhay ko Demi," puno ng pangambang sambit niya.
Naramdaman niyang hinawakan nito ang isang kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon. Hinigpitan niya ang hawak roon, ganoon din ito.
Ngumiti ito sa kanya. "Sa tingin mo ba ay maghihiwalay pa tayo sa higpit ng pagkakahawak natin sa isa't-isa? Hindi kahit-kailan," mariing sambit nito.
Napangiti siya sa sinabi nito at nawala lahat ng pangamba niya. Kinabig niya ang ulo nito at masuyong kinintalan ng halik sa noo. Kuntento na ang buhay niya.
Advertisement
A Friendly Shadow
***** NOTICE ***** I'm currently putting this story on hold For all my reader, thanks so much for any comments or just readin in general. But when I was writing his I noticed that my two main characters were starting to act and talk similar in the chapters I haven't posted so I've been taking a break to stop that. Sadly it kept happening and so I've decided to place the story on hold and work on other ones for the time being. ********************************************** Growing up as a fox with the common sense of a human can be hard sometimes, but Aria is determined make it through life. Meeting various people along the way and eventually finding one that will stick with her through thick and thin. Watch as our protagonist walks through a magical world with nothing but four furry paws! Author's Note: Just a heads up! I don't have a regular release schedule for this story. I'm just putting this up so I can see what other's think of my storytelling ability, plus the obvious spelling and grammar. Also if anyone can think of another vague synopsis then don't hesitate post it in the comment section! Other Stories that I have been developing are on my wordpress: https://karounight.wordpress.com/
8 167Kanu
Kanu is a heroic fantasy in the shadows of legendary warriors such as Conan and Imaro. A young man hurled away from the safety and protection of his tribe into a world he never imagined. Haunted by nightmares that have plagued his mind since Birth Kanu travels the world searching for the voice inside his head hoping that he may one day know peace. As we know him now, he is an orphan bathed in blood barely escaping the grasp of madness but one day his name shall be spoken in timeless classics and sang of wherever libations may be had. [This is part of the June 2022 Community Magazine]
8 129Trollhunters: Journey To NewHeartstone! DISCONTINUED
it's set after the end of season 3.
8 140The Marked Ones
One morning, a boy appears on top of a hill. He has no memories of his past, nor does he know who he is. All he knows is that on his hand is a Mark that makes everyone around him view him with suspicion or hate. Soon, he will meet someone like him, and they must survive in a hostile world. The Marked Ones are enigmatic entities; they appear from nowhere, and some groups seek to exterminate them, and others seek to protect them. In the continent of Aeton, the boy will not be alone, and his main objective will be to reach the city of Adhaz, thus having to cross half a continent full of dangers. His story, and that of the groups that hunt or protect him, will bring a huge change to Aeton. Weekly updates on Monday, Wednesday, and Friday here and on Patreon. Due to various personal issues, updates will only be on Mondays.
8 117Horror King
-slice of life -school life -unsaid abilities -lack of plot armor -? hes just strong Hmm a ghost girl haunts their school and they have to find a way out.
8 118Dying to be thin
This is based on a true story about a young girl battling an eating disorder. The book follows her journey as she gets worse and worse and the illness takes over her as a person. If you're reading this and have or do suffer from an eating disorder, I hope you recover and don't take a turn for the worst. You are beautiful inside and out and the one thing you may think is doing good for you is actually destroying you. I'm not saying it will be easy but you will get there, stay strong. Text copyright © Jordan Devine ™ 2014The moral right of the author has been asserted. All rights reserved. This story is published subject to the condition that it shall not be reproduced or retransmitted in whole or in part, in any manner, without the written consent of the copyright holder, and any infringement of this is a violation of copyright law.A single copy of the materials available in this story may be made solely for personal, non-commercial use. Individuals must preserve any copyright or other notices contained in or associated with them. Users may not distribute said copies to others, whether or not in electronic form or in hard copy, without prior written consent of the copyright holder of the materials. Contact information for requests for permission to reproduce or distribute materials available through this course are listed below.[email protected]All rights reserved ®
8 91