《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 15
Advertisement
"DEMI, sandali lang!"
Natigilan Si Demi sa akmang pagbubukas ng pinto sa loob ng opisina ni Akeem nang maramdaman ang paghawak nito sa kanyang braso.
Nagpunta siya roon para ipakita rito ang mga produktong ibinebenta nila at i-discuss rito ang lahat ng iyon. Tapos na siya sa pakay at aalis na nang pigilan siya nito.
Dahan-dahan siyang lumingon. Binitawan nito ang kanyang kamay.
"Pwede ba kitang makausap ng personal?" seryosong tanong nito.
The last time they talked it just turned out to an argument. Kinalma niya ang sarili. Gusto na rin naman niyang matapos ang lahat. At tatapusin niya iyon sa sandaling ito.
Dahan-dahan siyang tumango. "Okay."
"Seryoso ako nang sabihin ko sa'yo na gusto ko ng pangalawang pagkakataon. Gusto kong ibalik ang dati... ang lahat sa atin," puno ng kaseryosohan ang tinig nito.
"Akeem bakit? Bakit mo ginagawa sa akin ito?" nahihirapang tanong niya.
Dahil naguguluhan siya at hindi alam kung ano ang gagawin sa mga sinasabi ni Akeem sa kanya.
Ngumiti ito na hindi aabot sa mga mata. "Tama ka nang sabihin mo na bumalik ako para sa kumpanya. Dahil iyon naman ang dahilan kung bakit iniwan kita," mapait itong ngumiti. "Pero sana ay maniwala ka sa akin na... na bumalik rin ako para sa'yo. K-Kasi kahit ano'ng gawin ko ikaw lang Demi," garalgal ang tinig nito. Hinayaan niyang hawakan nito ang kanyang mag kamay at naramdaman niya ang maingat na pagpisil sa mga iyon. "Kahit malayo ako ikaw lang ang iniisip ko. Hindi ka nawala sa isip ko kahit-kailan. Nangako ako sa sarili ko na sa pagbalik ko... babalikan kita. Kaya nandito ako at nagmamakaawa sa'yo para sa isang pagkakataon."
Damang-dama niyan ang sinseridad sa tinig nito.
"Akeem... pagod na pagod na ako," hindi na niya napigilan ang pamamasa ng kanyang mga mata. "A-Ayoko nang masaktan pa." Nahihirapang dugtong niya. Habang narito ngayon ang binata sa harap niya ay punung-puno ng agam-agam ang puso niya. Hindi niya alam kung kaya pa niyang dalhin ang bigat na nararamdaman ng puso niya. "Kasi natatakot ako Akeem... natatakot ako na kapag hinayaan kitang papasukin ulit sa buhay ko ay iwan mo na naman ako." Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang pagkawala ng kanyang mga luha.
Iyon ang malaking pader na pumipigil sa kanya... ang matinding takot.
"Demi...." Paanas na sambit nito.
Hinayaan niyang hawakan nito nang mahigpit ang kanyang mga kamay.
"Akeem iniwan mo ako noon," nasasaktang sambit niya. "Natatandaan mo pa ba kung gaano ako halos magmakaawa na huwag kang umalis?" mapait niyang tanong. "Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo. Alam mo naman na hindi ko kayang mawala ka hindi ba? Pero ano'ng ginawa mo? Iniwan mo pa rin akong mag-isa. Akeem ang sakit-sakit," puno ng luhang sambit niya. "I-Ikaw ang kahuli-hulihang taong iisipin kong sasaktan ako. Pero ikaw pala ang unang lalaking mananakit sa akin," puno ng hinanakit na patuloy niya. "Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang sakit... hindi iyon nawala."
"Shh... tahan na Demi," masuyong pag-alo nito sa kanya. Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang butil ng luhang naglandas sa mukha nito. Naramdaman niya ang pagpahid ng mga kamay nito sa kanyang mga luha. "Patawarin mo ako," nagusumamong sambit nito. "Kung araw-araw na hihingi ako ng tawad sa'yo ay gagawin ko mapatawad mo lang ako. Dahil ayoko nang maramdaman ang galit mo kasi tumatagos iyon dito," mariin nitong itinuro ang dibdib. Punung-puno ng sakit ang mga mata. "Ang sakit-sakit Demi. Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang makita ang galit sa mga mata mo."
Advertisement
Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Gusto niyang haplusin ang mukha nitong puno ng paghihirap. Pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.
"Akeem sinaktan mo ako," nahihirapang sambit niya. "Masisisi mo ba ako ngayon kung nahihirapan akong paniwalaan ka?"
Dahil nagtatalo ang isip at puso niya nang sandaling iyon. Sinasabi ng puso niya na yakapin at tanggapin ito pero mariing sinasabi ng isip niya na tama na ang sakit na idinulot nito sa kanya.
"Can't you feel me?" nasasaktang sambit nito. "Hindi mo ba nararamdaman na nandito ako at hindi na kita pababayaan kahit-kailan?" Humugot ito ng malalim na hininga tanda ng paghihirap. "Hindi na ako aalis Demi... hindi na kita iiwan." Masuyong sinapo nito ang kanyang mukha at puno ng luhang tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata. Ang pamilyar na kislap ng mga mata nito ang nabasa niya roon. Puno ng damdamin. "K-Kasi mahal na mahal kita. Ikaw lang sa puso ko mula noon hanggang ngayon," madamdaming pahayag nito. "Wala akong ibang gagawin kundi ang mahalin ka habang-buhay."
Napuno ng pagsuyo ang kanyang puso sa mga salitang iyon. Habang nakatingin siya sa mga mata ni Akeem ay pagmamahal ang tanging mabasasa niya. Pagmamahal na para lang sa kanya.
Dahan-dahang bumitiw siya rito at tumalikod. He can see and feel the pain in his eyes... nang gawin niya iyon. Sinapo niya ang bibig ng kanyang mga kamay. Nahihirapan siyang magdesisyon.
Mahal na mahal din kita Akeem. Impit niyang bulong sa sarili. Ito lang ang laman ng puso niya mula noon hanggang ngayon. Pero ang pagmamahal na iyon ay katumbas rin ng napakaraming takot sa puso niya.
"Hindi ako susuko Demi... hanggang sa mahalin mo rin ako ulit." Ang matatag na tinig na iyon ni Akeem ang narinig niya.
Kinalma niya ang sarili bago binuksan ang pinto at naglakad palabas. Alam niya sa kanyang sarili na mahina ang kanyang puso at hindi alam kung kailan bibigay iyon para sa pagmamahal niya kay Akeem
"MUKHANG abala ka sa ginagawa mo."
Hindi na kailangan pang lumigon ni Demi para kilalanin ang magmamay-ari ng tinig na iyon. Sapat na ang mabilis na pagtibok ng puso niya para malaman na si Akeem iyon. Ito lang ang nakakagawa no'n sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasang papeles sa loob ng kanyang opisina. At sinalubong siya ng nakangiting mga mata ni Akeem. Hinaplos ang kanyang puso sa suyo ng ngiti nito sa kanya. Ang ngiting iyon ang nagpapaligalig sa puso niya.
Pero hindi niya dapat ipakitang apektado siya. Nakita niya ang isang bungkos ng bulaklak na hawak nito. Mula nang sabihin sa kanya ng binata na gusto nito ng pangalawang pagkakataon para sa kanilang relasyon ay palagi siya nitong pinapadalhan ng bulaklak at kung ano-ano sa opisina. Tinotoo nga nito ang sinabing hindi susuko mahalin lang niya ito ulit.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" kalmanteng tanong niya.
Lumapit ito sa kanya at iniabot ang bulaklak at may hawak na isang paper bag. Ipinatong nito ang mga iyon sa mesa.
"Nandito ako para ibigay sa'yo ang mga iyan," hindi mawala-wala ang magandang ngiti sa labi nito at itinuro ang mga dala. "Dinalhan kita ng lunch. Ako mismo ang nagluto ng kare-kare... paborito mo. At meron ding chocolate cookies."
Wala sa sariling napatingin siya sa paper bag na nasa mesa. Talagang ipinagluto pa siya nito. Bumalik ang tingin niya rito.
"Hindi ka na dapat nag-abala pa," aniya.
"It's okay Demi. Kung para naman sa taong mahal ko ay kaya kong gawin ang lahat," puno ng ngiting sambit nito.
Natutunaw ang kanyang puso sa mga ginagawa at sinasabi nito sa kanya. Dahil alam niya sa kanyang puso na totoo ang sinseridad ni Akeem para sa kanya. Ang tanging pumipigil lang sa kanya ay ang matinding takot. Takot na muling sumubok at tanggapin ito sa kanyang buhay.
Advertisement
"Ang mabuti pa kumain ka na. Masama ang magpalipas ng gutom," masigla ang tinig nito. "Here!" Kinuha nito ang paper bag at binuksan ang laman no'n. Naamoy niya ang masarap na ulam.
"Hindi ako nagugutom," walang emosyong sabi niya. "Dalhin mo na lang ulit ang mga 'yan at umalis ka na." Hindi tumitinging sabi niya at inabala ang sarili sa pagbabasa ng papeles. Kahit na wala roon ang atensyon niya.
Natigilan siya nang kunin nito ang folder na binabasa niya at itabi iyon.
Kunot-noong tiningnan niya ito. "Akeem ano ba?" mariin niyang saway.
Ngumiti lang ito. "Mamaya mo na gawin 'yan. Kumain ka muna." Pamimilit nito at inabot sa kanya ang ulam. "Masarap ito. Kumain ka na."
Napapikit siya ng mariin sa pangungulit nito. "Sinabi nang hindi ako nagugutom!" malakas na sabi niya at tinabig ang kamay nito.
Na dahilan kung bakit nabitawan nito at natapon ang hawak na ulam. Natigilan siya nang magkalat iyon sa sahig. Nakonsensya naman siya nang masayang ang pagkaing dala nito.
Lumipat ang tingin niya kay Akeem. Natigilan rin ito at naroon ang lungkot na dumaan sa mga mata.
"Ayos lang na matapon lahat ng pinaghirapan ko," mahinang sambit nito. "Kaya ko namamg ipagluto ka ulit ng lahat ng paborito mo. Hindi ako magsasawang gawin iyon para sa'yo," nakangiting sambit nito. Pero ang ngiting iyon ay hindi aabot sa mga mata.
Bumikig ang kanyang lalamunan sa nakikitang lungkot sa mga mata nito.
Huminga siya ng malalim. "Itigil mo na ito Akeem," walang emosyong saad niya. "Huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon sa akin."
"Hindi Demi," mariin nitong sabi. "Hindi ako titigil sa pagsuyo sa'yo. Hindi ako titigil na patunayan sa'yo na malinis ang hangarin ko. Hindi ako titigil hanggang sa bumalik ka ulit sa buhay ko. Kahit paulit-ulit mo pa akong itaboy ay hindi ako aalis Demi." Mariin ang bawat salita nito. Humugot ito ng malalim na hininga at dama niya ang paghihirap nito. "Magpapatawag na lang ako ng maglilinis rito," anitong nakatingin sa natapon na kare-kare. Ibinalik ang tingin sa kanya. "Kumain ka nang mabuti ha? Huwag kang magpalipas ng gutom," nakangiting sabi nito. "Aalis na ako."
Nakatingin lang siya rito nang unti-unti itong tumalikod sa kanya. Nag-uumapaw sa damdamin ang kanyang puso. Nandito si Akeem at hindi tumitigil para suyuin siya. Alam niya sa kanyang puso na gagawin nito ang lahat tanggapin lang niya itong muli sa buhay niya. At napakahina ng kanyang puso dahil unti-unti iyong bumibigay para sa binata. Dahil mahal na mahal rin niya ito.
"A-Akeem..." hindi na niya napigilan ang sariling tawagin ito. Pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa matinding emosyon.
Unti-unti itong lumingon at sinalubong siya ng kislap sa mga mata nito. Kislap ng pagmamahal na para lang sa kanya. Parang nawasak ang malaking pader na hinarang niya sa kanyang sarili. At napalitan iyon ng pagmamahal para kay Akeem. Sa mga panahong lumipas ay inasam niya ang pagkakataong iyon... ang bumalik ito sa buhay niya.
Dahan-dahan siyang tumayo habang magkahinang ang kanilang mga mata.
"P-Pwede ba'ng huwag ka munang umalis?" nagsusumamong sambit niya. Hindi na niya kaya pang pigilin ang tunay na naramdaman.
Doon ay nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya hanggang sa magpantay ang kanilang mga paningin. Namasa ang kanyang mga mata sa damdaming kitang-kita niya sa mga mata nito. Ang pagmamahal na napakatagal niyang hinintay na muling bumalik.
"H-Hindi na ako aalis kahit-kailan Demi," garalgal ang tinig na sambit nito. "Hindi na kita iiwan. Dahil hindi ko na kaya pang mawala ka sa buhay ko."
"A-Akeem... natatakot ako," puno ng pag-aalinlangang sambit niya.
Masuyong ngumiti ito at kinabig siya. Naramdaman niya ang masuyong pagyakap nito sa kanya. At iyon lang ang kailangan niya para tuluyang mawala lahat ng agam-agam sa kanyang puso. At napalitan iyon ng walang kapantay na pagmamahal para sa binata.
Naramdaman niyang hinapit siya nito at hinaplos ang kanyang buhok. Pagsuyo ang kanyang naramdaman. Nagsumiksik siya sa mga bisig nito at doon ay ibinuhos lahat ng laman ng damdamin niya. Wala ng mahalaga pa sa kanya ngayon kundi si Akeem na lang. Pipiliin niyang maging masaya... at iyon ay sa piling ni Akeem.
"Sana ay sapat ang yakap na ito para maipadama ko sa'yo ang buong-pusong pagmamahal ko," masuyong sambit nito habang yakap-yakap siya. "Na mawala ang lahat ng takot sa puso mo." Lalong hinigpitan nito ang yakap sa kanya na parang ayaw na siyang bitawan pa kahit-kailan. "Handa akong maghintay Demi... hanggang sa tanggapin at mahalin mo ako ulit."
Kumalas siya sa yakap pero nanatiling magkalapit ang kanilang mga katawan. Hindi na niya napigilan ang masuyong ngiti rito. Nag-uumpaw sa saya ang puso niya sa kislap ng pagmamahal na nasa mga mata ni Akeem.
Namasa ang kanyang mga mata habang magkahinang ang kanilang mga paningin. "Nandito na ako Akeem," masuyong sambit niya. "Handa na akong tanggapin ka at papasuking muli sa buhay ko. Pwede bang kalimutan na lang natin ang lahat? At maging masaya? Dahil ikaw lang Akeem... ikaw lang ang alam kong makakapagpasaya sa akin. Ikaw lang ang minahal ko sa buong-buhay ko. Na kahit ano'ng pagpipigil ang gawin ko ay nagsusumigaw ang totoo kong nararamdaman. Na mahal kita. Mahal na mahal kita." Madamdaming sambit niya kasabay ng paglandas ng kanyang mga luha. Luha ng kaligayahan.
Lalo siyang napaiyak nang makita ang mga luha nitong kumawala mula sa mata. Sa mga luhang iyon ay hindi maitatago ang walang katumbas na saya.
"M-Mahal na mahal din kita Demi," madamdaming sambit nito. Masuyong hinaplos ang kanyang mukha at pinahid ang mga luha. "Can you please say you love me again?" puno ng luhang hiling nito na parang 'di makapaniwala.
Ngumiti siya ng matamis. "Mahal na mahal kita Akeem."
Muling kinabig siya nito at sa pagkakataong iyon ay hinalikan siya ng buong pagsuyo at tamis. Parehong ibinuhos nila ang kanilang pagmamahal sa halik na iyon. God, she missed him so much. Ang halik na iyon ang tanging nagparamdam sa kanya ng kakaibang sensasyon na umaabot sa buong katawan niya.
May pananabik ang paraan ng halik nito pero naroon ang pagmamahal na damang-dama ng puso niya. Parehong habol ang hiningang kumalas sila sa isa't-isa. Sinapo nito ang kanyang mukha. Ngumiti siya ng matamis. Nangingislap ang mga mata nito sa kanya. Hindi maitatago ang saya.
"Ang tagal kong inasam na marinig ulit sa'yo ang mga salitang iyan," abot-abot ang saya sa mga mata nito. "Mula ngayon ay hindi na ako mangangako nang kahit ano sa'yo. Basta ang gagawin ko ay mahalin ka nang buong-buhay ko." Masuyong sambit nito. "Mahal na mahal kita Demi. Maraming salamat sa pagtanggap mo ulit sa akin."
Ngumiti siya ng walang kasing-tamis. "Ang mahalaga ngayon ay tayo... na mahal na mahal natin ang isa't-isa. Alam ko na habang nandito ka sa tabi ko ay hindi na ako matatakot pa kahit-kailan. Dahil mas matimbang ang pagmamahal kaysa sa takot."
Gumanti ito ng masuong ngiti. "Napakasaya ng nararamdaman ko ngayon at ikaw ang dahilan nito. Mahal na mahal kita Demi."
He grabbed her again and held her tight. Buong-puso siyang tumugon sa yakap. Yakap na punung-puno ng pagmamahal.
Advertisement
Tensei Kenja no Isekai Raifu ~Daini no Shokugyo wo Ete, Sekai Saikyou ni Narimashita~
Sano Yuji, a black company employee, is summoned to another world while finishing his work at home. His profession in the other world, a Monster Tamer, is considered a job that makes it difficult to become an adventurer. However, thanks to some slimes he met, which read several magical books, he gained magical powers and the second profession, Sage. Yuji acquired overwhelming power, but is he conscious of his strength? Blindly becoming unparalleled and strongest in the world!
8 1209How to Survive a Summoning 101
Do you dare visit Sangraal? Death was supposed to be the end for Rigel. Unfortunately, he caught the interest of a vile god. Ripped away from his world and all that he held dear, Rigel is thrust into the ruthless world of Sangraal, where gods walk amongst mortals. Rigel must gather all his wits and dirty tricks to survive this brutal and unforgiving world. Meanwhile, his inner darkness threatens to twist him into something he doesn’t want to be. To navigate the quagmires of lies and betrayal, Rigel needs power. But power comes at a price. For Rigel, that price might be too high. Rated 'D' for Dark! ( Cover Art: Sleeping Soul In The Sky)
8 206Mara - The Lady Grief (Completed)
Mature Content including violence, sex, and languageThe gods are fighting. Mortal creatures worship and pray, scheme and plot, all in the name of their chosen deity. It is a silent war, but every war has casualties.I am one of those casualties. I have no beast in me. I am just a simple Acera girl, born into the Fifth House, under the Love goddess.My Fated is not a simple male. Thane of the First House is a Lord, a powerful Tasuri warrior and his love for me was not enough to stop the war from creeping into his heart. He rejected me. He murdered me.But that was not my end. One god took pity on me. The one god who has no House, no children, just a temple filled with thousands upon thousands of souls. Nateos, the Lord of the Underworld, Death himself. He claimed me as his daughter and gave me a name: Mara, Grief come to life.But... there is war. And, I am now a part of the battle.My new father gave me life. A home. A family. What else does a father give his only living child? I was not ready for him. But I want him.
8 174Phoenix Rising: A New Age
This is a continuation of the original Phoenix Rising story, taking place 16 years later as a new legend begins to rise in a new age of heroes and legends.
8 86The Earth after the Reset.
The one who can afford to board the Colony ships and go to space for interstellar travel already left the earth. The one who cannot afford it, are left behind to die with this world. The end of the world is near, but we stayed here to continue the research to preserve the remaining human life who is currently living with us inside the bunker located in the center of the Amazon Forest. Natural Disaster is continuously occurring such as a strong earthquake, The non-stopping rainfall, Tornados, even possibility of a tsunami. The earth's temperature reached the point that human can die because of the heat. We want to finish it before the world ends. The successful cold-sleep technology that can preserve human life even billions of years pass. We love this planet, our home, it's the one and only place for us and we want to see what will happen to this planet after everything calmed down.
8 632Case Walker meeting Jonas Bridges
Case Walker is new to town and it is his first day at a new school. He meets a kid named Jonas Bridges in math class. He think it's all going to be okay then something changes..... Read To Find Out.....
8 110