《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 14
Advertisement
"PWEDE ba'ng huminto muna tayo dito?"
Nilingon ni Demi si Akeem habang nagmamaneho ito ng kotse. Naabutan niya ito kanina sa tapat ng kanilang building nang pauwi na siya. Nagprisinta itong ihatid siya. Ayaw na niyang magdiskusyon pa sila kaya pumayag na siya.
Tiningnan niya ang dinadaanan nila. Naroon sila sa baywalk. Maaliwalas ang kalangitan ng gabing iyon at nakita niyang may ilan din na mga taong nakatambay roon.
"Okay," pagpayag niya. Hindi niya alam kung bakit ginagawa iyon ni Akeem. Gusto niyang umiwas pero hindi pwede dahil may kailangan siya rito.
Huminto ang sasakyan. Kaagad itong bumaba. Ganoon din siya. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto na palagi nitong ginagawa noon. Sinaway niya ang sarili. Bakit ba palagi na lang niyang binabalik ang dati?
Tumingin siya sa kalangitan. Napakagandang pagmasdan ng mga bituin.
Napangiti siya habang nakatingin roon.
"Ang ganda-ganda ng ngiti mo."
Nabura ang ngiti niya sa boses ni Akeem na nasa tabi na niya. Nilingon niya ito. Nakangiti ito sa kanya. Kaagad niyang iniiwas ang tingin. Hindi niya kayang tagalan ang nakikitang kislap sa mga mata nito.
"Iyon naman dapat ang gawin 'di ba? Ang ngumiti at maging masaya," saad niya.
"Tama ka..." Narinig niyang sabi nito. Naramdaman niyang tumingin rin ito sa maaliwalas na kalangitan. "Dapat lang na maging masaya ka Demi." Tumingin siya rito at nagtama ang kanilang mga mata. Dama niya ang malakas na pintig ng puso niya habang ang mga mata ni Akeem ay may kislap. "Because you deserve to be happy."
"Naging masaya ang buhay ko Akeem," seryoso niyang tugon. "Kahit na maraming pagsubok ang pinagdaanan ko ay naging masaya pa rin ako. Dahil walang puwang ang lungkot sa mundong ito. Na kung may mga bagay man na naging dahilan kung bakit nalungkot ako... ay kinalimutan ko na ang mga iyon at hindi na dapat pang balikan," mariin niyang patuloy.
"Demi..." naging malamlam ang mga mata nito at hindi naitago ang dumaang sakit roon.
Huminga siya ng malalim. Hindi niya alam kung kaya pa niyang pigilan ang emosyong biglang umahon sa dibdib niya.
Advertisement
"Hindi ba ganoon naman iyon Akeem?" mariin niyang saad. "Kinakalimutan na dapat at hindi na inaalala pa ang mga taong naging dahilan ng lungkot mo noon. Iyong taong nanakit at nang-iwan sa'yo," hindi na niya napigilan ang magbuhos ng damdamin.
"Hindi ko gustong saktan ka noon Demi," malungkot ang mga matang sambit nito. "I'm so sorry."
Tumawa siya ng pagak. "Huwag mong pagsisihan ang isang bagay na sinadya mong gawin Akeem," walang emosyong saad niya.
Humugot ito ng malalim na hininga. "Alam ko at ramdam ko ang galit mo sa akin. Demi..." hindi siya nakakilos nang hawakan nito ang kanyang mga balikat. Nakatingin ito sa kanya na puno ng pagsamo ang mga mata. "Kung may magagawa lang ako para piliin na huwag kang masaktan ay ginawa ko," mariing sambit nito.
"But you chose to hurt me," nasasaktang sambit niya. Hindi na nga niya naitago ang nararamdaman ng puso niya. "Akeem kinaya kong mabuhay kahit na alam kong mahirap," pinuno niya ng hangin ang dibdib sa matinding emosyon na lumulukob sa kanya. "K-Kinaya kong mag-isa... nang wala ka. Kaya hindi kita kailangan sa buhay ko," matatag na patuloy niya.
Dahan-dahang binitawan nito ang hawak sa kanya. "Sabihin mo sa akin kung ano'ng dapat kong gawin para patawarin mo ako?" nagmamakaawa ang tinig nito. "Oo alam ko nasaktan kita pero sana mapatawad mo ako Demi." Humugot ito ng malalim na hininga. Kita rin niya ang paghihirap sa mga mata nito. "Dahil nasasaktan akong nakikita ang galit sa mga mata mo habang nakatingin ka sa akin."
Bumikig ang kanyang lalamunan nang makita ang pamamasa ng mga mata nito. Lumunok siya ng mariin at sinisikap na papatagin ang sarili.
"Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan Akeem?" puno ng hinanakit ang tinig niya. "Kung may isang higit na nasaktan dito... ako iyon," mariing tinuro niya ang sarili. "D-Dahil iniwan ako ng isang taong hindi ko akalaing iiwan ako." Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang paggaralgal ng tinig. "Tapos ngayon ay bumalik ka at muli mo na namang pinaalala sa akin ang mga bagay na ayoko nang maalala pa."
Advertisement
"Demi!" lumapit ito sa kanya at sinapo ang kanyang mukha. Nagpumiglas siya pero hindi siya nito hinayaaan. "Demi please... makinig ka sa akin."
"Ayoko nang makinig sa'yo!" malakas na sigaw niya.
"Bumalik ako para sa'yo," mariing sabi nito na nagpatigil sa kanya. Tumingin siya rito na puno ng pagsamo ang mga mata. "Gusto kong ibalik ang dati," puno ng diing saad nito. "Gusto kong hingin ang kapatawaran mo. Please... give me another chance," nagmamakaawang hiling nito.
"Pagkatapos ano?" mapait niyang turan. "Iiwan mo ako ulit?"
Naramdaman niya ang masuyong paghaplos sa kanyang mukha. "Hindi," mariin nitong tugon. "Hindi na kita iiwan kahit-kailan," masuyong sambit nito.
Napakasarap sanang marinig ang mga salitang iyon. Pero ayaw na niyang umasa pa sa mga salitang iyon na siya ring nanakit sa kanya.
"Tama na Akeem!" tumaas ang kanyang tinig at kumawala rito. "Huwag ka nang magsinungaling pa dahil alam natin pareho na bumalik ka para sa kumpanya niyo," malamig na sabi niya bago iniwan ito at sumakay siya sa kotse.
How dare him to say that to her? Naikuyom niya ang mga kamay sa magkahalong sakit at pait na nasa puso niya.
PABAGSAK na umupo si Akeem sa couch. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at dinama ang sakit na nararamdaman ng puso niya.
Parang unti-unti siyang pinapatay nang makita sa kanyang isip ang galit na mga mata ni Demi sa kanya. Walang katumbas na sakit para sa kanya ang galit nito na alam niyang para sa kanya. Gusto niya itong yakapin at alisin ang lahat ng sakit na nararamdaman nito. Pero alam niyang hindi sapat iyon.
Mula nang magkita sila ulit ay napakasaya niya. Hindi niya akalain na ito ang nagrepresenta sa kumpanyang pinagtatrabahuan nito na gustong maging distributor ng kanilang kumpanya. Nang malaman niya iyon mula sa sekretarya niya ay labis ang naramdamang saya ng puso niya. Dahil hinintay niya ang sandaling iyon... ang muling makita ang kaisa-isang babaeng minahal niya.
Bumikig ang kanyang lalamunan sa matinding emosyong nararamdaman. Wala siyang ibang minahal kundi si Demi lang. Ang mga panahong wala ito sa tabi niya ay napakasakit para sa kanya. Kahit ano'ng gawin niya ay ito lang ang isinisigaw ng puso niya. Dahil mahal niya ang dalaga mula noon hanggang ngayon. Nang yakapin niya ito ay ayaw na niyang bitawan pa ito. Gusto na lang niya itong ikulong sa mga bisig niya.
Tama ito, bumalik siya para sa kumpanya. Pero sa likod ng dahilang iyon ay bumalik siya para kay Demi. Iyon ang ipinangako niya sa sarili. Nangako siya na kapag bumalik siya ay babalikan rin niya ang pinakamamahal. Na gagawin niya ang lahat maging kanya lang ulit si Demi. Dahil hindi niya kayang mawala pa ito sa kanya sa pagkakataong iyon.
Mahal na mahal niya ito at ipaglalaban kahit ano'ng mangyari. Gusto niyang makasama ito ulit. Mayakap at mahagkan. At wala siyang ibang gagawin kundi ang mahalin ito.
Iminulat niya ang mga mata at iginala ang paningin sa kabuan ng bahay. Hindi na niya napigilan ang pagkawala ng mga luha nang maalala ang lahat ng masasayang alaala nila ni Demi sa unit na iyon.
Naroon siya San Diego Compound, sa dating unit na ginamit nila ni Demi, ang unit 1-F. Doon niya piniling tumira mula nang bumalik sa bansa. Kahit na pwede naman siyang tumira sa kanilang mansion ay doon pa rin siya tumira. Dahil gustung-gusto niyang balikan ang mga magagandang alaala nila ni Demi roon. Ang lugar na iyon na lang ang naiwan sa masasayang alaala nila.
Pagkatapos ng pagtira nila roon ay naghiwalay rin sila ng dalaga. Naalala niya ang sumpa. Hindi siya naniniwala roon kahit na naghiwalay sila ni Demi pagkatapos tumira roon. Naniniwala siya na ang pagkakataon ang dahilan ng paghihiwalay nila at ang pagkakataon rin ang gagawa ng paraan para bumalik sila sa piling isa't-isa. At gagawin niya ang lahat maging kanya lang ulit si Demi.
Pinahid niya ang mga luha at huminga ng malalim. Kung alam lang ni Demi kung gaano kasakit para sa kanya ang iwan ito. If only he could tell her everything....
Advertisement
Re;Blade
Tetsuko was a blacksmith. Ever since she could remember, her life revolved around swords. And when she died, she became one.Update every Tuesday
8 134Brujas de la Noche
***Spanish Edition*** Pocos lo saben, pero, debajo de nuestras ciudades, en medio de los bosques y montañas y hasta bajo el océano, hay otro mundo, un mundo lleno de magia, lugares fantásticos y criaturas mitológicas e imaginarias. Por casualidad, me enteré de él, y mi curiosidad me llevó a explorarlo. Hoy, me arrepiento de no haberme controlado, de no haber ignorado ese conocimiento y continuado con mi vida normal. Porque, aunque haya visto cosas increíbles más allá de la imaginación de la mayoría de las personas, conocí también a las Brujas de la Noche y las terribles verdades sobre la condición humana y el lugar de la humanidad en el universo que trajeron con ellas. ¿Cómo volver a una vida normal después de todo lo que vi? No sé si es posible, pero este relato es un intento de paliar los terribles efectos de este conocimiento, un primer paso en dirección a la normalidad. Tal vez compartir todo lo que descubrí, la simple idea de que este conocimiento no es sólo mío, me pueda ayudar.
8 112Hornless
Adarra is a land ruled by a cruel minotaur empire. Kreet, the mountain kingdom, prevents vile lycan from spreading to the human cities beyond its walls. As humans and half breeds rebel, the wolf plague spreads mysteriously across the land causing chaos to run rampant. Anula survives an attack on her city, but is captured. Her people are dead or enslaved and she must survive the horror and cruelty of her captors. As a dark stain on his royal blood for his primal, blood thirsty urges, Draxz is denied the minotaur throne in favor of his younger brother Rurak. Giving in to his anger, he continues down his path of bloodshed. Aύok’s land is a wasteland, his ancient people starved of food and culture. As king of the druid elves, Aύok decides its long past time that his people claim back their land. If he fails, he and his people will perish. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ I try to update at least one chapter a week.
8 200Rogue (Rogue #1)
In 2056, SCOPE is a legendary VRMMPORG game played all over the world in underground arenas. And one of these devoted gamers is Eniola Adeyemi, a clever San Francisco teen keeping her gaming career with her SCOPE team Rogue an enormous secret. When the chance comes to prove herself and her gaming career to her Nigerian parents and the gaming world, she leaps at the chance to go to Los Angeles to compete with her friends in the SCOPE Championships, a 10-day competition inside the massive and immersive VR universe. However, something deep lurks inside the SCOPE and the mysterious hacker and vigilant Paradox might be behind it. When they further investigate and get pulled deeper by new daunting discoveries, Eniola and her teammates are now reluctantly held down with a new challenge to fight and take them down.
8 175Sweet as Venom
Gabriella left home to find freedom. But ended up finding something completely different; and that was Saxon.
8 157exchange student (cevans)
in which Y/n González, mexican exchange college student, is taken in by Lisa Evans, mother to the one and only Chris Evans.
8 314