《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 13
Advertisement
BUONG-KUMPIYANSANG pumasok si Demi sa loob ng restaurant. Makikipagkita siya sa vice-president ng Universal Perfumes. Napag-alaman niyang ang vice-president rin ang kasalukuyang namamahala ng kumpanya. Kagaya ng dati ay maganda pa rin ang takbo ng kumpanya. Isa sa mga matagumpay na kumpanya sa bansa.
Kaya hindi na siya magtataka kung bakit maraming gustung maging distributor ng mga produkto nito. Tinatangkilik at sikat na sikat ang lahat ng produkto nito. At ang goal niya ngayong araw ay ang maisara ang deal sa mga ito. Para sa kanyang promotion at para na rin sa kanilang kumpanya.
She had contacted Universal Perfumes and set an appointment with Mister Jayson Santos, ang vice-president para mailahad niya ang deal sa mga ito. At doon sa restaurant na iyon sila mag-uusap.
Iginaya siya ng receptionist ng restaurant sa mesang ipina-reserved niya. Maaga siya ng labing-limang minuto sa oras na pinag-usapan nila. Ayaw niyang ma-late dahil mahalaga ang kanyang pakay.
Pero natigilan siya ng isang malaking bulto ang naabutan niyang nakaupo sa pina-reserved niyang mesa. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bumilis ang pintig ng kanyang puso nang makita ang bultong iyon. Parang pamilyar sa kanya iyon. Pero hindi iyon maaari.
Isinantabi niya ang nasa isip at inihanda ang kanyang matamis na ngiti.
Tumikhim siya. "Mister Jayson Santos?" nakangiting sabi niya.
Unti-unti itong tumalikod. At ganoon na lang ang bilis ng pintig ng kanyang puso nang makita ang lalaking nasa harapan niya. Alam niyang gulat na gulat ang hitsura niya ng sandaling iyon. She can never forget that face, particularly that familiar glint in his eyes. Naging triple na yata ang pintig ng puso niya nang magtama ang kanilang mga mata. Ito lang ang tanging lalaking nagawang pabilisin ang puso niya nang ganoon.
Minasdan niya ito. Hindi maipagkakaila ang napakaraming pagbabago sa ayos nito. He looks so decent and professional in his suit. Lalong kumisig ang katawan nito at gumwapo. Nang mga sandaling iyon ay naroon ang kagustuhan ng puso niya na yakapin ito nang mahigpit. Haplusin ang pisngi nito. Tells him how much she missed him. Deep inside her heart, she wanted to do those things. Her heart wasn't prepared for this kind of situation. Ang muli nilang pagkikita ng lalaking tanging minahal niya.
Pero para rin siyang binuhusan ng malamig na tubig pagkaalala sa mga mapapait na alaalang iyon tatlong taon na ang nakakalipas. This man infront of her is none other than the man who also broke her heart... Akeem Claveria.
"Demi..."
Napalunok siya sa pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Tama ba ang nakita niyang parang pangungulila sa tinig nito? Hindi, nagkakamali lang siya.
Pilit na kinalma niya ang sarili kahit na gusto niyang kumaripas ng takbo nang mga oras na iyon.
Tumikhim siya. "I-I'm sorry but I was looking for Mister Santos." Kahit ano'ng pigil niya ay nautal pa rin siya.
Ngumiti ito. Ang ngiting iyon, hindi niya nakalimutan.
Tumayo ito at tumingin sa kanya. "Are you not informed that I'm now the one who's handling our company and no longer Mister Santos?"
Natigilan siya sa sinabi nito. Kailan pa ito dumating para pamahalaan ang kumpanya ng mga ito? Pero teka... matagal na niyang alam na ito ang mamamahala sa kumpanya ng mommy nito. Iyon nga ang dahilan kung bakit siya nito iniwan. Mapait niyang sabi sa sarili.
But she was still surprised to know na ito pala ang imi-meet niya nang araw na iyon.
"Ang sabi mo sa sekretarya ko ay gusto mong makipagkita sa namamahala ng kumpanya. It is me... ako na ang namamahala ng kumpanya ngayon. At ako ang nakikipag-usap sa lahat ng gustung maging distributor ng kumpanya."
Advertisement
Saka lang niya napagtanto ang lahat. Tama ang sinabi nito, nang makausap niya ang sekretarya ay in-assume niyang sekretarya ito ni Mister Santos. Hindi na siya nagtanong pa sa pag-aakalang si Mister Santos pa rin ang namamahala ng kumpanya. Ito tuloy ang napala niya... sobrang pagkagulat.
"I'm sorry Mister Claveria," pormal niyang sabi. "Pasensya ka na kung inakala kong si Mister Santos pa rin ang namamahala ng kumpanya niyo." Seryoso ang tinig niya ng sabihin iyon.
"It's okay," nakangiting sabi nito.
Kung makangiti ito ay parang balewala lang rito ang lahat ng nangyari sa kanila noon. Napaka-kalmante nito at nagagawa pang ngumiti sa kanya. But why in the hell she's thinking about those things? Nandito siya para sa kanilang kumpanya wala nang iba pa. Iyon ang paulit-ulit na paalala niya sa sarili.
"Do you mind if we take our sit? Kanina pa kasi tayo nakatayo," nakangiting sabi nito.
"Oh!" bulalas niya saka napagtanto ang sinabi nito.
Muli siyang natigilan nang alalayan siya nitong umupo. At hindi sinasadyang magbungguan ang mga braso nila. Ramdam na ramdam pa rin niya ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Sinaway niya ang sarili. Kailangan niyang asikasuhin ay ang pakay niya.
Kinalma niya ang sarili at humarap rito nang makaupo ito sa kaibayo. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Mister Claveria," pormal na umpisa nito.
Nakita niyang naging seryoso ang mga mata nito. "Yan ang gusto ko... walang pasakalye. Go on... I'm listening."
"I am here on behalf of My Lady's Cosmetic. Here's the track record of the company," iniabot niya rito ang isang folder na dala niya. Tinanggap nito iyon at binuklat. "Nakalagay riyan ang lahat ng naging takbo ng kumpanya sa mga nakalipas na taon. From management, marketing and up to sales. We really wanted to be the distributor of your perfumes."
Ibinaba nito ang hawak na folder sa mesa. "Tatapatin kita Demi..." ipinatong nito ang mga braso sa mesa at tumingin ng diretso sa kanya. Nagwawala na naman ang puso niya. "Napakaraming gustong maging distributor ng kumpanya. Mas lalo pang napaganda ang image namin nang bumitiw sa kontrata ang dati naming distributor dahil marami silang pagkakautang at lumulubog na ang kumpanya nila." Na-researched niya ang tungkol sa bagay na iyon. "This only shows that Universal Perfumes really has a high demand and impact in the market."
Nakikita niya ang kaseryosohan ni Akeem habang sinasabi ang mga iyon. Parang bihasa na nga ito sa larangan ng pagnenegosyo.
"We give you assurance," mariin niyang sabi. "Na magiging successful ang samahan ng mga kumpanya natin. Sinisiguro ko sa inyo na mas lalo pang makikilala ang mga produkto ng Universal Perfumes. Maganda ang sales ng mga cosmetics namin at nakapag-established na kami ng market. Malaki at malawak na ang kumpanya namin," buong-kompiyansang inilahad niya ang magagandang katangian ng kanilang kumpanya. "Please consider our company to your choices."
He just looked at her. Nailang tuloy siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Dahil naliligalig ang puso niya sa mga tingin ng binata sa kanya. Hindi niya alam kung nakikinig ba ito sa kanya o ano.
"Mister Claveria," pukaw niya rito.
Parang bumalik ito sa kasalukuyan at hinawakan ang folder. Ngumiti ito sa kanya. Naiinis na siya sa mga ngiti nito pero hindi niya ipinahalata.
"Bigyan mo ako ng panahon para pag-aralan ang lahat ng nakalagay rito," anitong iminwestra ang folder. "Sa dami ng nakausap kong kumpanya. Kailangan kong piliin ang pinaka-the best. Dahil para ito sa kapakanan ng kumpanya namin," seryosong sabi nito.
Tumango siya rito. "I understand Mister Claveria."
Advertisement
Abot-abot ang dalangin niyang makuha ang deal na iyon.
Ngumiti ito sa kanya. Iniiwas niya ang tingin. Gusto na sana niyang umalis pero hindi niya magawa. Naroon ang kagustuhan niyang umiwas sa binata. Pero paano niya gagawin iyon kung napakalaking bagay ang kailangan niya rito?
She will just remind herself that she's doing this for her career.
"KUMAIN ka na Demi, pinagluto kita ng paborito mong kare-kare."
Napangiti si Demi sa sinabi ng mama niya pagpasok niya sa bahay galing trabaho. Lumapit siya rito at humalik sa pisngi. Umupo siya sa tabi nito sa mahabang sofa.
Hinawakan niya ang mga kamay nito. Masuyong nakangiti ito sa kanya. Ipinagpapasalamat niyang bumalik na ito sa dating sigla sa kabila ng problema nito noon.
"Ma, sinabi ko naman po sa inyo na huwag kayong masyadong nagpapa-pagod. Ako na lang po sana ang nagluto pagdating ko."
Umiling ito. "Ikaw talagang bata ka. Hindi naman ako napagod ha. Ikaw ang alam kong pagod sa trabaho kaya nagluto na ako ng hapunan natin."
Napangiti naman siya sa sinabi nito. "Ma, maraming salamat po," masuyong sambit niya.
Naramdaman niya ang pagganti nito ng pisil sa kanyang mga kamay. "Para saan anak?"
"Sa pag-aalaga niyo po sa akin. At sa pagmamahal," tugon niya. "Dahil hindi niyo po ako iniwan noong mga panahong kailangan na kailangan ko kayo."
Ngumiti ito ng matamis. She can still remember and feel the pain she had gone then. Ang sakit at paghihirap ng kanyang puso ay hindi na niya alam kung kaya pa niyang dalhin noon. Pero dahil sa mama niya ay pinilit niyang maging matatag at magsimula ulit.
Kahit alam niyang mahirap ay pinilit niyang kayanin. Sa mga panahon na akala niya ay mahina siya, doon siya naging lalong malakas. Naging manhid na yata ang buong pagkatao niya nang masaktan siya. Pagkatapos niyang ibuhos lahat ng luha niya ay nagpasya siyang maghanap ng trabaho. At sa My Lady's Cosmetics siya nakapagtrabaho. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang atensyon sa trabaho. Dahil ayaw niyang magkaroon pa ng panahon para maalala ang masakit na nakaraan na pilit niyang tinatakasan.
Hinaplos nito ang kanyang buhok. "Nagpapasalamat din ako sa'yo dahil nandiyan ka anak. Naramdaman ko na may dahilan pa para bumangon muli. Na kailangan kong maging malakas para sa'yo."
"Pareho tayong nanatili sa isa't-isa at sabay na naging malakas para makabangon ulit," saad niya.
"Sa isa't-isa tayo humugot ng lakas ng mga panahong iyon, anak."
Hindi nito sinabi sa kanya kung ano ang naging problema nito noon. Pero hindi na mahalaga pa sa kanya iyon. Ang importante ay maayos na ang kalagayan nito. Bumalik sila sa dating masayang buhay nila. Tumigil na ang mommy niya sa negosyo nito at pinili na lang na manatili sa bahay. Gusto raw nito na ibuhos na lang ang atensyon sa pag-aalaga sa kanya. Sinuportahan naman niya ito sa gusto.
Huminga siya ng malalim at ngumiti rito. "Mahal na mahal kita ma. Kahit anoman ang dumating na problema sa atin, hindi ko po kayo iiwan." Buong-pusong pangako niya.
Nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito. Pero saglit lang iyon at napalitan ng ngiti ang mukha nito.
"Mahal na mahal din kita Demi... 'yan ang palagi mong tatandaan," masuyong sambit nito.
Gumanti siya ng matamis na ngiti. Pero kaagad din iyong nawala pagka-alala niya sa lalaking muli niyang nakita makalipas ang tatlong taon, si Akeem. Kahit ano ang pilit niya sa sarili ay hindi niya magawang hindi isipin ang muling pagkikita nila.
Hindi niya inaasahan na magkikita sila ulit. Ibang-iba na si Akeem ngayon. She can see how dedicated he was in his company. Natupad nga nito ang pangarap na siyang dahilan kung bakit siya iniwan noon. Mapait niyang turan sa sarili.
Hindi na niya dapat isipin ito. May sarili na itong buhay, ganoon din siya. Pero sa kaibuturan ng puso niya ay naroon pa rin ang mapait na nakaraan. Dahil hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang sakit. At sa pagkikita nila ulit ni Akeem ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
Pero kailangan niyang pagtakpan ang sarili. Magkunwari na wala na siyang pakialam pa rito. At alalahanin na lang ang malaking pakay niya. Kahit na alam niya sa sarili na napakalakas pa rin ng epekto nito sa kanya.
"May problema ka ba anak? Bakit bigla ka na lang natigilan?"
Ang nag-aalalang tinig na iyon ng mama niya ang pumukaw sa kanya. Kaagad siyang ngumiti rito. Hindi na niya dapat pang sabihin rito ang pagkikita nila ni Akeem. Ayaw na niyang mag-alala pa ito sa kanya.
"Wala po ma, okay lang po ako," nakangiting tugon niya.
Hinaplos nito ang kanyang buhok at yumakap siya rito.
"YOU'RE late Demi."
Napalunok si Demi sa kaseryosohan ng boses ni Akeem. Humihingal pa siya nang makarating sa loob ng opisina nito.
Sinikap niyang makarating sa tamang oras pero hindi pa rin niya nagawa. Paano ay biglaan na lang itong tumawag sa kanya at sinabing magpunta siya sa opisina nito. Binigyan lang siya nito ng labing-limang minuto para magpunta roon. Paano niya gagawin iyon sa tindi ng traffic? Magpapaliwanag sana siya nang babaan siya nito ng telepono. Gusto niyang singhalan ito pero hindi niya magawa.
Tiningnan niya ito habang prenteng nakaupo sa swivel chair. Nakita niya ang naglalarong ngiti sa labi nito. Mukhang pinaglalaruan siya ng lalaking ito at sinadya talagang inisin siya.
Gusto niyang pandilatan ito pero hindi niya magawa. Nakakainis! Kung wala lang siyang kailangan sa lalaking ito ay aalis na siya ngayundin.
Kinalma niya ang sarili. "I'm really sorry Mister Claveria," hinging paumanhin niya.
"Maupo ka," iminwestra nito ang upuan sa tapat ng mesa.
Tumalima naman siya. Bakit ba tinatawag siya nito sa unang pangalan niya? Nakakainis! Nagwawala tuloy ang puso niya sa paraan ng pagbanggit nito sa pangalan niya.
Sinaway niya ang sarili. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang ipinunta niya roon. Abot-abot ang dalangin niya na ang kumpanya nila ang napili nitong distributor.
"Nabasa ko na ang folder na ibinigay mo sa akin. Gusto ko lang i-congratulate ang kumpanya niyo sa magandang performance sa mga nakalipas na taon. Magaling ang presidente ng kumpanya niyo," tumatangong sabi nito.
Nalaglag naman ang balikat niya. Akala naman niya ay makukuha na niya ang deal na inaasam niya.
Pilit pa rin siyang ngumiti. "Maraming salamat Mister Claveria. Makakarating ito kay ma'am Katherine," tukoy niya sa kanyang boss.
"Magaganda rin ang mga promotions niyo. Mahusay ang marketing niyo. At ikaw ang may hawak no'n 'di ba Demi? Noon pa man ay magaling ka na talaga pagdating roon."
Ang mabilis na pintig ng kanyang puso ay hindi kayang awatin nang maging masuyo ang mga mata ni Akeem sa kanya. At bigla na lang nagkaroon ng pagsamo. Naroon ang kagustuhan niyang haplusin ang mga mata nito. Kaagad rin niyang sinaway ang sarili sa isiping iyon.
"M-Maraming salamat." Hindi pa rin niya naitago ang kaba sa dibdib niya.
Narinig niya ang pagtikhim nito at tumingin sa wrist watch. "Lunch time na pala," masigla ang tinig nito. "Halika ka... samahan mo akong mag-lunch."
Natigilan siya sa sinabi nito. Kung papayag siya ay makakasama pa niya ito nang matagal. Pero...
"Pasensya ka na Mister Claveria pero kailangan ko nang bumalik sa opisina," pagtanggi niya. Hindi na niya kaya pang tagalan na makasama ang binata. Baka maipagkanulo siya ng sariling damdamin.
"Bakit Demi... may magagalit ba kung makita kang kasama akong nagla-lunch?" madilim ang mukhang tanong nito.
Bigla siyang kinabahan sa uri ng tingin nito sa kanya. Seryoso at salubong ang mga kilay nito sa kanya.
"May boyfriend ka na ba Demi?" mariing tanong pa nito.
Napalunok siya ng mariin sa kakaibang tingin nito sa kanya. Kinalma niya ang sarili. "I'm sorry Mister Claveria pero sa tingin ko ay personal na ang tanong mo," kalmanteng saad niya. Tumingin siya rito. Sinikap niyang patatagin ang sarili. "Excuse me pero kailangan ko nang umalis."
Hindi na niya ito hinintay na magsalita pa. Kaagad siyang tumayo at naglakad. Hindi na niya kakayanin pa kung mananatili siya roon. Dahil naaapektuhan siya ng mga tingin ni Akeem.
"Demi..."
Natigilan ang akmang pagbukas niya ng pinto nang tawagin siya nito.
Dahan-dahan siyang lumingon. Tumayo ang binata at lumapit sa kanya. Ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso ay hindi niya mapigilan nang makalapit ito sa kanya. Kaunti na lang ang pagitan ng kanilang kinatatayuan. Tumingin siya rito. Gusto niyang magsisi dahil sinalubong siya ng pamilyar na kislap sa mga mata ni Akeem. Puno iyon ng damdamin na noon ay gustung-gusto niyang makita.
At parang natunaw ang puso niya nang maramdaman na lang ang pagkabig nito sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Bumikig ang kanyang lalamunan sa pagsuyong nadama sa yakap na iyon. Nadama niya ang paghaplos nito sa kanyang buhok. Kapayapaan ang naramdaman niya roon. Niyakap siya nang napakahigpit na parang ayaw na siyang bitawan pa kahit-kailan. Napakalakas pa rin ng epekto ng yakap nito sa kanya.
Hindi niya kayang pigilan ang isinisigaw ng puso niya. Namalayan na lang niya ang sariling tumutugon sa yakap ni Akeem. Nagsumiksik siya sa mga bisig nito at naramdaman niya ang lalong paghigpit nito ng yakap sa kanya. Dahil aaminin niya sa sarili na napakatagal niyang hinanap ang yakap na iyon. Yakap na punung-puno ng pagsuyo.
"Ito ang gustung-gusto kong gawin mula nang magkita tayo ulit, Demi," paanas na sambit nito. "Dahil miss na miss na kita. Kung alam mo lang kung gaano ko hiniling ang sandaling ito... ang mayakap ka nang ganito kahigpit."
Ramdam niya sa yakap na iyon ang mabilis na pintig ng puso nito. Ganoon rin siya... ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya.
Pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang lahat ng sakit at hirap na naranasan niya noon nang dahil kay Akeem.
Sa isiping iyon ay kumalas siya sa binata at malakas na itinulak ito. Nakita niya ang sakit na dumaan sa mga mata nito sa kanyang ginawa.
"Wala kang karapatang yakapin ako," mariin at mapait niyang sambit bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.
Namasa ang kanyang mga mata. Sa kabila ng mga taon na lumipas ay naroon pa rin ang damdamin niya para kay Akeem na pilit niyang kinakalimutan. Sa yakap na iyon ay alam niyang hindi naitago ang tunay na nararamdaman niya. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili. Ayaw na niyang masaktan pa ulit.
Advertisement
Realm of Myths and Legends
Jin, a hardcore gamer who still lives with his mom at the age of 24. He could never hold down a steady job since graduating, his girlfriend since high school dumped him for his best friend and he's constantly getting beat up by a group of local gang members. His dad left him and his mom when he became rich from the lottery and got a new family, one free of debt and burdens as he called it. His mom works 3 jobs to keep everything from falling apart, except for herself slowly. One day on his way home with the very first and new fully immersive VRMMORPG called Realm of Myths and Legends or RML for short, he died from a hit and run car accident. RML was advertised as the worlds first fully immersive VRMMORPG, allowing for players with skill sets in the real world, like sword training, martial arts, archery or reaction time, to benefit in the game itself! Though Jin died and at that moment a soul from another world crossed over into his body and inherited his memories. The man known as Izroth once hailed as the greatest cultivator in the seven realms, soul reincarnates into the modern world year 20xx in the body of Jin.
8 2906The Godking's Legacy
A legendary sword is left behind as a legacy by his master, the Godking. Trapped for millennia, the sword's spirit awaits the day he'll be set free. Will his new master be worthy of inheriting the Godking's legacy? _________________ Written by the author of The Blue Mage Raised by Dragons and Demon's Journey.
8 1315Scavenger
Only the ruins of vast mega-cities remain of the old world after everything went down the drain… Well several times at that, but who cares? It’s what is left behind that is important - secrets, wealth, knowledge, technologies, food and the occasional pack of mutants. There is also Axion, the last of the floating cities, but only the privileged leave there. Only those who have obtained the expensive permits can dive into the locked sectors. Those who cannot afford such a luxury, become Scavengers. Dubbed criminals, they are mostly ignored by Axion’s law enforcers. But not Grey. No, Grey is a wanted man, for being the only one who has entered Sector 7 and come out to tell about it. In other words, nothing that out of the usual day to day life of a Scavenger. So, who are these Axion teen wannabe Tech-hunters? Why do they want to get in Sector 7? But most important of all, what do they hope to find there? Cover image done as commission by revismissing.
8 251Black Cloak, White Art
New chapter every other day! Veteran wizard Greylsan Amberglass, ostensibly on a mission to gather chronicles from The Fourth Council's entowered wizards, follows the trail of a doomed borderland margrave in search of his corrupted and dying land's missing Arcory Stones. The search leads him through the Alliance of the Thirteen Greater and Lesser Kingdoms to frightening truths about how the magic is being conducted in the kingdoms and disturbing answers to own his quest. But nothing is going to stop him. Not wyrms, giants, witches, the source behind his faltering magic or even threats of one of his own. He will finish his quest, no matter the cost. For it may be his last.
8 123Space Voyage | VKOOK by LARRYVGL
REPUBLISHEDWhen 7 boys who barely know each other get stuck in a spaceship hurling through the galaxy for 6 months, things are bound to get messylarryvgl © 2018 i posted space voyage here for those who misses this book & since it would be more convenient if its on wattpad. i DO NOT own this masterpiece, Niv does. Don't come to my account lying and harassing me & my followers, spitting words like niv doesn't want this reposted coz they literally disappeared years ago saying they don't care about their works anymore & left without a trace. if you don't like it, better yet mute this account or I'll be the one to block you, thank you.
8 136AMBITIONZ AZ a RIDAH
❛ you can run the streets with your thugs. i'll be waiting for you, until you get through. i'll be waiting. ❜#1 𝐮𝐫𝐛𝐚𝐧𝐟𝐚𝐧𝐟𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧.#229 𝐠𝐚𝐧𝐠.#342 𝐮𝐫𝐛𝐚𝐧𝐟𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧.
8 144