《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 12
Advertisement
After three years
"LET'S ALL welcome the President of Universal Perfumes Corporation, Mister Akeem Claveria."
Ngumiti si Akeem pagpasok niya sa executive room ng kumpanya nang ipakilala siya ni Mister Santos, ang vice-president ng kumpanya. Naroon ang lahat ng matataas na opisyal ng kumpanya na ngayon ay pamamahalaan niya.
Isa-isang nagpakilala ang mga ito sa kanya. Kilala na niya ang lahat ng mga ito sa mga pictures na ipinakita ng mommy niya sa kanya. At napag-aralan na niya ang bawat trabahong nakaugnay sa mga ito.
"Thank you so much everyone. Please take your sit now."
Tumalima naman ang mga ito. Nanatili siyang nakatayo. Ngayon ang unang araw niya para ganap na hawakan ang kumpanyang ipinagkatiwala sa kanya ng mommy niya.
"I like to introduce myself formally. I'm Akeem Claveria and I, being the president of this company from now on will do nothing but for the goodness of our company," nakangiting sabi niya.
Kampante siya na magagawa niya nang mahusay ang trabaho dahil ang mommy niya mismo ang nagturo ng mga dapat niyang gawin. Pinag-aral siya nito ng master's degree sa America at isang taon siyang sinabak sa kumpanya na pag-aari ng isang kaibigan nito sa America. Para magkaroon siya ng proper training. At ngayon ay ito na ang tamang panahon para hawakan niya ang kumpanya nila.
"Your mother loves this company so much. And we all know that you'll take care of this company, too," nakangiting sabi sa kanya ni Mister Canlas, ang head ng production department.
"Makakaasa po kayo," matatag niyang ganti.
Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa kalagayan ng kumpanya. Karamihan sa mga naroroon ay matagal nang nanilbihan sa kumpanya. At kahit bata siya para sa kanyang posisyon ay buong-husay niyang gagampanan ang trabaho. Ayaw niyang mabigo ang mommy niya sa kanya.
"That's all for today. Maraming salamat sa inyong lahat," nakangiting sabi niya.
Nakipag-kamay ang mga ito sa kanya bago isa-isang umalis at bumalik sa kani-kanilang trabaho. Nagpunta naman siya sa kanyang opisina kasama si Mister Santos at ipinakilala ang kanyang sekretarya. Ito rin ang dating sekretarya ng mommy niya.
"Good morning po sir. Ako po si Sandra," magalang na pagpapakilala nito sa kanya.
Nakipagkamay siya rito ang gumanti ng ngiti. "Hi Sandra. Huwag mo na akong tawaging sir, Akeem na lang." Alam niya na mas matanda ito sa kanya ng apat na taon at may asawa't anak na.
Ngumiti ito, "Yes, Akeem."
"That's good. Pwede ka nang bumalik sa pwesto mo."
"Okay. Tawagan niyo na lang po ako kapag may iuutos kayo."
Tumango siya at tumalikod na ito. "Sandali lang Sandra." Huminto naman ito. "Huwag mo na akong 'po-po-in' Goodness! I'm just twenty-eight," natatawang sabi niya. "Pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na."
Natawa rin ito sa sinabi niya. Maging ang katabi niyang si Mister Santos.
"Okay. Copy Akeem," masiglang sabi naman nito at bumalik na sa pwesto.
Naiwan silang dalawa ni Mister Santos. "Maraming salamat po sa inyo," magalang na sabi niya rito. "Naramdaman ko ang mainit na pagtanggap sa akin ng mga tao dito."
Ngumiti ito. Isa ito sa mga pinagkakatiwalaan ng mommy niya na matagal na sa kumpanya. Matanda lang ng dalawang taon ang mommy niya rito. Fifty-two years old na ito.
"Sobra-sobra ang paggalang ng lahat ng tao dito sa kumpanya sa mommy mo. Hindi biro ang ipinuhunan niyang pagod para lumago ito. At naniniwala kaming lahat na mas magiging maganda ang takbo ng kumpanya sa pamumuno mo. You are ma'am Agatha's son, and we all know that you can do it."
Advertisement
Napangiti siya sa sinabi nito. "Mamahalin ko po ang kumpanya kagaya ng pagmamahal ni mommy rito," buong-pusong pangako niya.
Tinapik nito ang kanyang balikat. "Naniniwala kami sa'yo, Akeem."
Ngumiti siya. "Maraming salamat po. Sige po, pwede niyo na akong iwan at asikasuhin ang trabaho niyo."
Tumango. "Kung may mga tanong ka tungkol sa kumpanya. Just ask me okay?"
"Opo," magalang na sabi niya bago ito nagpaalam.
Huminga siya ng malalim at inihakbang ang kanyang mga paa. Mula sa glass wall ay tinanaw niya ang mga sasakyan sa gitna ng kalsada. He turned his head to the blue sky.
Namulsa siya sa suot na itim na pants. He's wearing a coat and tie like a professional. Kagalang-galang ang tingin sa kanya sa suot. Three years had passed by... so fast. Parang kailan lang noong ang hilig niyang isuot ay kupas na maong at hinahayaan na madumihan iyon ng grasa habang nagbubutingting siya ng sasakyan. Wala siyang pakialam kahit na marumihan pati ang mukha niya. Dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.
Ngumiti siya ng mapait. Noon iyon. Hindi na siya ang Akeem na iyon. Siya na ngayon ang Akeem na matatag at napakalaki ng responsibilidad ang nakaatang sa balikat. Hindi biro ang naging hirap at pagod niya sa America. Pinagbuti niya ang kanyang master's degree at naipasa iyon. Nagtrabaho siya at nakisalamuha sa iba't-ibang klase ng mga tao. Marami siyang natutuhan sa larangan ng pagnenegosyo. Tinulungan at ginabayan siya mommy niya na ngayon ay nasa America pa rin kasama ang daddy niya. Nagdesisyon ang mga ito na doon na manirahan. Natutuwa siya dahil nagkaayos na ang mga ito. Namuhay sila ng tahimik at masaya roon.
Nagawa niyang maging matatag at walang ibang inisip kundi paano magtagumpay. Para kapag buo na ang loob niya, nagawa na niya ang lahat ay siya na ang mamahala sa kumpanya ng mommy niya. The company belongs to no one but him. He chose the company because that was the only thing for him. Iyon ang kapalaran niya. Iyon ang pangarap niya.
Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi na dapat niya inalala pa ang mga iyon. Pero sutil ang isip at puso niya. Dahil nahahanap niya ang sarili na palaging inaalala ang mga iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang tagpong iyon sa nakaraan. Kahit ano'ng pilit niyang kalimutan ang lahat ay hindi niya magawa. He always found himself thinking about... her.
Napangiti siya nang maalala ang mga mata nito na puno ng kislap. Kung gaano kasarap haplusin ang mahaba nitong buhok. Ang matangos nitong ilong na nakakagigil pisilin. At ang labi nitong napakaganda. Kapag naalala niya ito ay napupuno ng pagsuyo ang puso niya. Pero naroon rin ang matinding lungkot.
Pero ano nga ba ang magagawa niya? Wala... dahil mas pinili niyang iwan ang babaeng minamahal.
"Demi..." mahinang bulong niya sa sarili.
He sighed. He should not be thinking about her anymore. Pero hindi niya kayang pigilin ang puso.
NATIGILAN si Demi sa katabing establishment ng kanyang pinagtatrabahuan. Hindi niya alam kung bakit sa araw-araw na pagdaan niya roon ay napapahinto pa rin siya.
She always found herself from thinking about that particular person. Ipinilig niya ang ulo habang nakatingin sa isa na ngayong fast food chain na dating isang talyer. Some bittersweet memories suddenly flashed through her mind.
Naalala niya ang masasayang pinagsamahan nila sa San Diego Compound. Hindi niya lubos akalain na pagkatapos ng masasayang sandali nila sa napakagandang lugar na iyon ay siya ring pagtatapos sa relasyon nila ni Akeem. She remembered the curse he told her. The curse was real, it happened to them. Pagkatapos nilang tumira roon ay naghiwalay sila ni Akeem. She never wanted to go back in that place anymore because it will just reminds her how painful she have gone.
Advertisement
Gustung-gusto na niyang kalimutan ang lahat pero 'di niya mapigil ang sarili. Dahil nahahanap pa rin niya ang sarili na naalala ang lahat ng iyon. Nagiging kalbaryo pa ang araw-araw na pagpasok niya sa trabaho dahil hindi pwedeng 'di niya madaanan ang lugar na iyon.
It was funny to think na katabi pa ng dating talyer kung saan siya nagtatrabaho ngayon. Doon pa sila ibinababa ng kanilang company service. She's working at My Lady's Cosmetics as a marketing manager.
Huminga siya ng malalim. Tatlong taon na ang lumipas. Hindi na dapat niya inaalala pa ang lahat ng iyon. But she can still feel the bitterness in her heart. Ang magkahalong sakit at galit na nandito pa rin sa puso niya.
Naglakad siya papunta sa building ng kumpanya. Nakangiting binati niya ang guwardiya na naroon. Nagpunta siya sa opisina ng may-ari ng kumpanya. Naabutan niya ang sekretarya nito. Binati niya ito at tumuloy siya sa opisina
Inihanda niya ang matamis na ngiti bago kumatok at binuksan ang pinto.
"Good morning ma'am Katherine," magalang na bati niya.
Umangat ang tingin nito mula sa binabasang papeles. "Good morning Demi," nakangiting tugon nito. "Come here. Have a sit."
Tumalima siya at umupo. "Ma'am heto na po ang hinihingi niyo sa akin na marketing report."
"Oh! May I see."
Inabot niya rito ang isang folder na dala niya.
Binuklat nito iyon at binasa. Nakita niyang tumango-tango ito habang naroon ang tingin.
Isinara nito iyon at ipinatong sa mesa. Tumingin ito sa kanya. "Maasahan ka talaga Demi. You never failed me to all the works I assigned you."
Na-appreciate niya ang sinabi nitong iyon. "Mahal ko po kasi ang trabaho ko ma'am."
Ngumiti ito. "Isa ka sa mga assets ng kumpanya kaya huwag na huwag kang aalis dito sa kumpanya ko ha?" mariing sabi nito pero nakapaskil ang ngiti.
Natawa siya sa biro nito. Palagi nitong sinasabi iyon sa kanya... na asset siya sa kumpanya nito.
"Wala pong dahilan para umalis ako dito ma'am. Kasi po napamahal na sa akin ang trabaho at ang kumpanya. Isa pa, mabait po kasi ang boss ko."
Tumawa ito sa sinabi niya. Totoo iyon. Napakabait ni ma'am Katherine. Hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng empleyado nito. Pamilya ang turing sa kanila. Napakagiliw nito sa lahat. Kaya 'di mapagkakailang matagumpay ang negosyo nito.
Bilib na bilib siya rito dahil nagawa nitong palawakin ang negosyo nang mag-isa sa batang edad nito. She's just in her early thirties. May asawa na ito at isang anak na sampung taong gulang.
Halos tatlong taon na siyang nagtatrabaho roon. Sikat at kilala ang kanilang mga produkto at tinatangkilik iyon ng masa. Karamihan sa mga produkto nila ay nasa mga malls. Napakalaki na nga ng My Lady's Cosmetics. Lumago iyon ng matagumpay.
May kasanayan siya sa marketing kaya pinagkatiwalan siya ni ma'am Katherine sa kanyang posisyon. Maganda ang pasweldo sa kanya. At higit sa lahat masaya siya sa trabaho.
"Bolera ka rin pala kung minsan Demi," iiling-iling na sabi nito. "And by the way!" bulalas nito na parang may naalala. "Since I know how good you are in terms of marketing strategies. I need you to discuss our proposal from our new target."
"Okay ma'am. Ano po iyon?" Naging seryoso ang tinig niya. Pagdating sa trabaho ay seryoso siya.
"Are you familiar with Universal Perfumes Corporation?"
Natigilan siya sa sinabi nito. Kilalang-kilala niya ang kumpanyang iyon. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Bakit bigla siyang kinabahan? Sinaway niya ang sarili. Matagal nang wala ang pamilyang nagpapalakad no'n. At hindi niya alam ngayon kung sino ang humahawak ng kumpanya. At wala na siyang pakialam pa roon.
"Are you with me Demi? Bakit bigla kang natigilan riyan?"
Saka lang siya bumalik sa kasalukuyan sa tinig ni ma'am Katherine.
Tumikhim siya. "Yes, ma'am I'm listening."
Tumango-tango ito. "I just found out that their major distributor ended their contract with them. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pero 'wag na nating isipin pa iyon. Dahil ito ang gusto kong mangyari." Naging seryoso ito. Alam niyang pagdating sa kumpanya ay seryoso ang boss niya. "I want My Lady's Cosmetics to be the distributor of Universal Perfumes."
Nadagdagan ang kabang nararamdaman niya sa sinabi nito. Napakalaking trabaho 'non para sa kanya. Hindi iyon biro. Humarap na siya sa maraming kliyente. At madalas ay siya ang ipinapadala ng boss niya sa mga may sinasabi sa larangan ng pagnenegosyo. Pero ngayon ay parang nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili.
Malaking kumpanya ang Universal Perfumes. Sigurado siya na kahit nawalan ang mga ito ng distributor ay marami ang mag-aagawan makuha lang ang deal sa mga ito na gustung-gusto ng boss niya. They are not selling any perfumes in the company. And she knew very well that once they got Universal Perfumes, it would be the greatest thing that happened in the company.
"Alam ko na hindi biro ang ipinapagawa ko sa'yo Demi." Nakita niyang seryoso itong nakatingin sa kanya. "But I always believe in your strength. I want you take this as a challenge."
"Ano po'ng ibig niyong sabihin ma'am?" kinakabahang tanong niya.
"If you'll get the deal with Universal Perfumes, I'll promote you... as the vice-president of my company."
Nalula siya sa sinabi nitong iyon. Napalunok siya nang mariin. Ang posisyong iyon ang gugustuhin na makuha ng kahit na sinong nagtatrabaho roon. And here's the tempting offer that will going change her career.
"Ang kasalukuyang vice-president natin ay magre-resign na. Kailangan niya ng kapalit. Ikaw ang naisip ko kaagad Demi." Nakatingin sa kanyang sabi nito. "Umpisa pa lang ay nakita ko na ang dedikasyon at galing mo sa trabaho. Kaya sa'yo ko iniaalok ang posisyong ito dahil mapagkakatiwalaan kita. All you have to say is a yes or no."
Huminga siya ng malalim. Walang masama kung susubukan niya. Hindi siya dapat mag-alala o matakot. Pero alam niya sa kanyang sarili na dahil iyon sa kaalamang kilala niya ang nagmamay-ari ng Universal Perfumes.
Tumingin siya ng tuwid sa mga mata nito. "It's a yes ma'am." She will do this for herself. Gusto niyang makuha ang posisyon. At ayaw niyang mabigo ang boss niya sa kanya.
Sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito sa kanyang sinabi.
Advertisement
Magick Alive
Ken was a normal millenial nerd renting a room from some friends and working at a local fast food shop.. until today. When he woke up to glowing magick and fire responding to his very thought he was excited. So many possibilities lay ahead of him and his new powers. His excitement lasted about 5 minutes before a dark warning and miscast magic made everything more real. Now he's had a vision of horrors in his future, died (he got better), talked to an ancient dragon, met more than one God, killed over a dozen people on purpose and a couple on accident, and has completely lost himself into utter despair... and that was just today.What the hell does tomorrow promise in a world with Magick Alive?
8 145New World to Experience
YGGDRASIL was ending, and Apoc was hoping to see the game as it ends. And fortunately, he did. But he was transported into a world that is back in the past, yet seemingly not the same world, and coincidentally in an island that was cut off from the mainlands. What should he do? Find a way back home? Or stay and change the flow of time? A little note here; this story is a bit rushed. Considered that it is old and I have little time to revise the story whole. But unless you dont mind it and decided to just read it for the sakes out of it, then be my guest... Not in a offending way obviously.
8 211The Ultimate Car Enthusiast
The bond between man and machine is often a complicated one. Everyone believes that every machine are tools to be used as a means to an end - well, almost everyone. When a mechanic discovers that her love for vehicles is validated by her discovery of a magical, hidden world, it's up to her and a group of eccentric, otherworldly friends she'll meet along the way to save it. DISCLAIMER. The story, all names, characters, and incidents portrayed in this book are fictitious. No identification with actual persons (living or deceased) and places is intended or should be inferred.
8 78Casual Heroing
Chapters come out on Monday, Wednesday, Friday around 9PM CET A Slice-of-Life LitRPG that will make you laugh and, hopefully, warm your heart. "I have never read anything like this so far, and it's damn fu***** interesting" - Beta reader 1 (the excited one) "It is very funny and it will climb the ranking fast" - Beta reader 2 (the one with few words) "A good balance between satire and drama with a touch of action to keep the plot moving" - Beta reader 3 (the fair one) Synopsis: Why does everyone think that you have to become a hero if you get a supreme relic? TO HELL WITH THAT. I'm getting none of that adventuring bull. What do you say? Ranks? Tiers? Bronze, Silver, and Gold adventuring teams? Sure, keep it. It’s all yours. I'll be opening a lovely pastry shop and using Fireballs to cook creme brulée, for your information. And, oh, that’s so interesting, teleporting, you say? Yeah, sure, I'll teleport a cup of coffee on my nightstand in the morning, thank-you-very-much! Stop bothering me with your quests, legendary adventures, and all that nonsense! You either buy some pastry, or I’m going to report you to the watch for loitering! So, do you want to know what I’m going to do in this fantasy world? Well, I’m going to get a girlfriend, that’s what I’m going to do! No Pizzas Were Harmed in the Making of This Novel.
8 291What I Didn't Say [Tae Kwang's Unsent Letters]
[School 2015:Who Are You based]Tae Kwang hasn't forgotten about Eun Bi, even through the long time she's been dating Yi An. He lost his courage to talk to her, but his mind is full of things he wants to say.His hidden words become unsent letters.Will Eun Bi end up knowing everything on his mind? Or will his mind continue to be the only person to know about his emotions?
8 131Arshi FF Friendship to love
ipkknd
8 182