《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 11
Advertisement
"PWEDE ba tayong mag-usap?"
Ang mga salitang iyon ni Akeem ang bumungad kay Demi pagbukas niya ng pinto ng kanilang bahay.
Minasdan niya ang binata. Seryosong-seryoso ang mukha nito. Naroon ang kagustuhan niyang yakapin ito nang sandaling iyon pero hindi niya magawa. Miss na miss na niya si Akeem. Pakiramdam niya ay napakalayo ng binata sa kanya. Ito na ang pinakamatinding problemang naranasan nila.
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Tumalikod siya at naramdaman niyang sumunod ito sa kanya. Umaasa siyang magkaka-ayos rin sila ngayon. Dahil hindi niya kayang maging ganoon sila ng binata, nasasaktan siya.
Huminga siya nang malalim ay hinarap ito. Nakatingin ito nang mataman sa kanya. Gustung-gusto niyang haplusin ang mga mata nitong parang napakaraming problema.
"Akeem..." mahinang sambit niya.
Nakita niya ang paghugot nito ng malalim na hininga. Parang nahihirapan ito nang sandaling iyon.
"Nandito ka ba para makipag-ayos sa akin?" Hindi na niya naitago ang kagustuhan niyang iyon. Ngumiti siya rito.
"Demi..." malamlam ang mga matang nakatingin ito sa kanya.
Bumikig ang kanyang lalamunan. Hindi na niya kaya pang pigilin ang emosyon. "Handa akong kalimutan ang mga nangyari basta dito ka lang Akeem." Namasa ang kanyang mga mata. "D-Dito ka lang sa tabi ko." Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang paglandas ng kanyang mga luha sa mga mata. "K-Kasi hindi ko kaya na ganito tayo... hindi ko kayang malayo ka sa akin," nasasaktang sambit niya.
"I'm so sorry Demi," malamlam ang mga matang sambit nito. "Sorry kung wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako." Hinayaan niyang maglandas ang kanyang mga luha. "Sorry kung naramdaman mo na wala akong pakialam sa'yo." Hindi nakaligtas sa kanya ang sakit na dumaan sa mga mata nito. Unti-unting lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. Tumingin ito sa kanyang mga mata na puno nang pagsamo. "Sorry kung nasaktan kita. But Demi... please don't make it hard for me," nahihirapang sambit nito. "D-Dahil hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa'yo ang totoong dahilan kung bakit ako nandito." Puno ng paghihirap ang tinig nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Biglang naramdaman ng puso niya ang matinding kaba habang nakatingin sa mga mata ni Akeem na puno ng pagkalito.
"A-Ano'ng sinasabi mo Akeem?" nangangambang tanong niya habang dama ang kaba sa kanyang dibdib.
Unti-unting binitawan nito ang pagkakahawak sa kanya. "Nandito ako para..." dama niya ang paghihirap sa tinig nito. Nakita niya ang paghugot nito ng malalim na hininga bago tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata. "Para magpaalam sa'yo."
Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan sa narinig. Pakiramdam niya nang sandaling iyon ay tuluyan nang mawawala sa kanya si Akeem. Umiling-iling siya... hindi, nagkakamali lang siya sa narinig.
"S-Saan ka pupunta?" abot-abot ang kabang tanong niya.
Iniiwas nito ang tingin sa kanya. "Aalis ako kasama ang mga magulang ko papuntang America."
Para siyang unti-unting pinapatay sa sinabi nitong iyon. Bakit pakiramdam niya ay tuluyan na itong malalayo sa kanya?
"Kaya pala..." nasasaktang sambit niya. "Kaya pala hindi ka nakikipagkita sa akin nitong mga huling araw dahil aalis ka na pala," nahihirapang sambit niya. Iyon pala ang dahilan kung bakit abala ito. Ngayon ay lubos na niyang naiintindihan ang lahat. "Bakit Akeem?" puno ng pagdaramdam ang puso niya. "B-Bakit kailangan mong itago sa akin ang mga plano mo? Akala ko ba walang maglilihim? Hindi ba ang sabi mo, wala tayong dapat itinatago sa isa't-isa?" nasasaktan siya sa isiping naglihim ito. "Akeem hindi naman kita pipigilan eh. Kung gusto mong umalis... papayag ako. Pero babalik ka pa hindi ba?" abot-abot ang kaba niya sa tanong na iyon. "Babalik ka pa rin sa akin hindi ba?" Muling naglandas ang kanyang mga luha sa mga sinabing iyon.
Advertisement
He just looked at her. Ni wala siyang mabasa sa ekpresyon ng mga mata nito.
"Hindi ko alam," mahinang sambit nito. "Hindi ko alam kung kailan ako babalik." Sumikip ang dibdib niya sa sinabi nitong iyon. "Sa America na ako mag-aaral dahil gusto kong tulungan si mommy sa pagpapatakbo sa kumpanya niya. At gusto kong pamahalaan na ang kumpanya niya."
Tigas siyang umiling sa mga sinabi nito. Mapait siyang ngumiti. "Hindi... hindi mo gustong hawakan ang kumpanya ng mommy mo. Kahit-kailan ay hindi mo iyon ginusto. Hindi iyon ang pangarap mo!" lumakas ang kanyang tinig sa matinding emosyon. Lumuluhang lumapit siya sa binata at sinapo ang mukha nito. Nasasaktan siya sa kalamigang nasa mga mata nito. "A-Ang pangarap mo ay magkaroon ng auto company," puno ng luhang sambit niya. "Iyon ang matagal mo nang pangarap," mariin niyang patuloy.
Parang libo-libong patalim ang bumaon sa dibdib niya nang alisin nito ang kanyang mga kamay sa mukha nito.
"Noon iyon Demi... hindi na ngayon," malamig na sabi nito. "Na-realized ko na wala nang saysay pa ang pangarap kong iyon," mariin ang tiniog nito. "At ang gusto ko na lang gawin ngayon ay ang pamahalaan ang kumpanya ng mommy ko. Iyon na ang pangarap ko ngayon," walang emosyong pahayag nito.
Umiling-iling siya. "Bakit napakadali para sa'yo ang kalimutan ang matagal mo nang pinangarap? Sa isang iglap ay kakalimutan mo na lang ang lahat ng iyon?" puno ng pagdaramdam ang kanyang tinig. Hindi siya makapaniwala na naririnig niya ang mga salitang iyon sa binata. Siya ang higit na nakakaalam noon pa man ng lahat ng pangarap nitong gawin sa buhay. "At iiwan mo ako dahil doon?" nasasaktang sambit niya. "M-Mas mahalaga pa ba sa'yo ang bagay na iyon kaysa sa akin?"
"Oo!" malakas na hiyaw nito na dahilan para matigilan siya. "Mas mahalaga ang pag-alis ko kaysa sa'yo!" Namumula ang mukhang sambit nito. Pinagpira-piraso ang kanyang puso sa masakit na salitang iyon. Lumapit ito sa kanya at muling hinawakan ang kanyang balikat. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa sakit na nararamdaman. "Wala nang mas mahalaga pa sa akin ngayon kundi iyon na lang."
Marahas na bumitiw siya sa pagkakahawak nito. "Hindi... hindi totoo 'yang sinasabi mo," puno ng luhang sambit niya. Ayaw maniwala ng kanyang puso sa mga sinabi nito. "A-Akeem nangako ka sa akin... ang sabi mo kahit ano'ng mangyari hindi mo ako iiwan kahit-kailan," garalgal ang tinig niya. "Akeem hindi ko kaya..." nahihirapan na siya sa sakit na nararamdaman. "H-Hindi ko kayang malayo ka sa akin. Buong-buhay ko ikaw lang ang nasa tabi ko. Paano pa ako mabubuhay kung iiwan mo na ako? Paano na ako Akeem? Paano na ako..." paulit-ulit na sambit niya sa nahihirapang tinig. "Akeem..." lumapit siya rito at hinawakan ang mga kamay nito. Nakayuko lang ito habang pulang-pula ang mukha. Alam niyang kagaya niya ay nahihirapan din ito. "Huwag mo namang gawin sa akin ito. Please huwag mong gawin ito... huwag kang umalis Akeem. Huwag mo akong iiwan," nagmamakawang sambit niya. "M-Mahal na mahal kita Akeem."
"I'm so sorry Demi..."
Nanigas siya sa kinalalagyan sa labis na sakit na nararamdaman. Unti-unti nitong inalis ang kanyang mga kamay sa kamay nito. Pakiramdam iya ay unti-unti siyang pinapatay sa ginawa nitong iyon.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib sa paghihirap. Pakiramdam niya ay mabubuwal na siya anomang sandali.
"S-Sorry?" puno ng hinanakit na sambit niya. "Hindi ko kailangan ng sorry mo Akeem," matigas ang tinig niya. "Ang kailangan ko ay ikaw!" malakas na hiyaw niya. "At ang pangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan kahit-kailan!" nasasaktang sigaw niya. "Napakasinungaling mo!" marahas na hiyaw niya. Hindi niya napigilan ang sarili at pinagbabayo niya ang dibdib nito. Doon niya ibinuhos lahat ng sakit at paghihirap na nararamdaman niya. Hinayaan lang siya ng binata. Hanggang sa maging hagulgol ang kanyang mga pag-iyak. "A-Ang sabi mo hindi mo ako iiwan pero ano? Ipagpapalit mo ako sa pangarap mo!" Wala siyang pakialam kahit maubos ang boses niya sa pagsigaw. Gusto niyang pakawalan lahat ng sakit na nararamdaman niya. Hanggang sa mapagod siya at hindi niya napigilan ang sariling dumausdos pababa at napaluhod siya sa sahig habang puno ng luha ang kanyang mga mata. "I-iiwan mo akong mag-isa..." mahinang bulong niya.
Advertisement
"P-Patawarin mo ako Demi..."
Ramdam niya ang paghihirap sa tinig nito. At wala nang sasakit pa ang sandaling iyon nang makita niya ang mg paa nitong unti-unting tumalikod sa kanya.
Nataranta siya. Hindi niya kaya na mawala si Akeem nang tuluyan sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at ang papalayong pigura nito ang kanyang nakita.
"A-Akeem..." pagtawag niya. Huminto ito pero hindi tumingin sa kanya. "B-Bumalik ka please?" nagsusumamong hiling niya. "N-Nakikiusap ako... huwag mo akong iiwan."
Lumingon lang ito sa kanya ay buong-puso niya itong yayakapin. Pero nawasak ang mundo niya nang nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa mawala sa kanyang paningin.
Wala siyang ibang magawa kundi ang humagulgol. Sinapo niya ang dibdib, nahihirapan siyang huminga. Parang wala nang paglagyan pa ang sakit na nararamdaman niya.
HINDI maampat ang mga luha sa mga mata ni Demi habang nakahiga at nakasubsob ang kanyang mukha sa unan sa loob ng kanyang kwarto.
Ang sakit at paghihirap na nararamdaman ng kanyang puso ay hindi niya alam kung kaya pa niyang dalhin. At ang lahat ng iyon ay si Akeem ang dahilan. Hindi niya kayang tanggapin na mawawala na ito sa kanya. Mahal na mahal niya ang binata. Paano siya mabubuhay kung iiwan na siya nito?
Ipinagpalit siya ni Akeem sa sinasabi nitong pangarap na nito ngayon. Hindi siya makapaniwalang magagawa nito iyon sa kanya. Nawala na ang lahat ng pangako nito sa kanya. At ang pinakamasakit roon ay binalewala nito ang pagmamahal niya para rito.
Inalis niya ang unan sa kanyang mukha at dahan-dahang umupo. Pinahid niya ng kanyang mga kamay ang mga luha sa pisngi. Hahayaan na lang ba niyang mawala nang tuluyan sa kanya ang pinakamamahal? Alam niya na mahal na mahal rin siya ni Akeem. At ipaglalaban niya ito.
Hindi na siya nagdalawang-isip at mabilis na tumayo mula sa kama. Iisang direksyon ang tinahak ng kanyang mga paa. Ang kinaroroonan ni Akeem. Payapa siyang nakarating sa bahay ng mga ito. Naabutan niya ang isang kasambahay na isinasara ang gate.
Kilala niya ito. "Manang Chona," tawag niya.
"Oh Demi!" gulat na sabi nito at huminto sa pagsara sa gate. Hinarap siya nito. "Ano'ng ginagawa mo rito hija?"
Humiga siya ng malalim at pinagsalikop ang mga kamay. "Manang... nandiyan po ba si Akeem? Gusto ko po sana siyang makausap."
Nakita niyang natigilan ito sa kanya. Bigla siyang kinabahan sa inaakto nito.
"Hindi ba nagpaalam sa'yo si Akeem hija?" Napalunok siya nang mariin. "Kahapon pa sila umalis papuntang America kasama ang mga magulang niya. Ako at ang ilang mga kasambahay ang pinagkatiwalaan nilang maiwan sa mansion."
Pinanlamigan si Demi sa narinig. Namasa ang kanyang mga mata sa labis na sakit na naramdaman. Wala na... wala na ang lalaking mahal niya. Tuluyan na siyang iniwan ni Akeem. Sa isiping iyon naramdaman niya ang paglandas ng kanyang mga luha sa pisngi.
"I-Iniwan na ako ni Akeem," puno ng sakit ang pusong sambit niya.
"Demi, hija..." Narinig niya ang nag-aalalang tinig ni manang Chona. Dinaluhan siya nito. "Bakit ka umiiyak? Hindi ba nagpaalam sa'yo si Akeem?"
Pinahid niya ang mga luha at pilit na ngumiti rito. "Pasensya na po kayo. Sige po, aalis na ako. Maraming salamat po."
Tumango lang ito at mabigat ang mga paang naglakad siya palayo. Pero dinala pa rin siya ng kanyang mga paa sa isang lugar na nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay nila ni Akeem. Namalayan na lang niya ang sarili na nasa tapat ng talyer.
Lalo lang nadurog ang puso niya nang makitang sarado na iyon at ibinebenta na ang pwesto ng talyer. Ayaw tanggapin ng puso niya na iniwan na siya ni Akeem. Pero mariing sinisigaw ng isip niya na iniwan na siya nito.
Mahal na mahal kita Akeem. Ikaw lang sa puso ko. Pero bakit hindi mo nagawang pahalagaan ang pagmamahal na iyon? Bakit kung sino pa ang inaasahan kong hindi ako iiwan kahit-kailan ay siya pang nang-iwan sa akin? Piping sambit niya sa kanyang isip.
Iniwan niya ang lugar na iyon at umuwi sa kanilang bahay. Gusto niyang magkulong sa kanyang kwarto at matulog. Para kahit papaano ay makalimutan niya ang bigat na nararamdaman ng puso niya.
Natigilan siya nang makita ang mama niya na pababa ng hagdan. Nanlalalim ang mga mata nito at napakaputla ng mukha. Nagpapasalamat siya dahil nakakausap na niya ito. Pero napapansin pa rin niya ang madalas na pananahimik nito at palaging nakatulala.
Bakas ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang problema nito kaya sasarilinin na lang niya ang lahat.
Hindi niya napigilan ang sarili, lumapit siya rito at yumakap nang mahigpit. Doon ay pinakawalan niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit ano'ng pilit niyang maging malakas ay naging mahina pa rin siya nang maramdaman ang pagganti ng yakap nito.
Hinayaan niyang maglandas ang kanyang mga luha habang nakayakap rito.
"W-Wala na siya ma... iniwan na niya ako. I-Iniwan na ako ni Akeem," puno ng sakit at paghihirap na sambit niya. Hindi na nga niya naitago ang tunay na nararamdaman.
Ramdam niya ang masuyong pag-alo ng ina sa kanya. "Shh... tahan na anak," nanginig ang tinig nito. "I'm sorry... I'm sorry Demi," umiiyak na sambit nito. "Ito lang ang alam kong gawin ngayon para damayan ka... ang yakapin ka at iparamdam ko sa'yo na nandito ako. Mahal na mahal kita anak at hindi ka nag-iisa."
Nagsumiksik siya sa mga yakap nito. Ito na lang ang meron niya. Iyon ang kailangan niya ngayon, ang pansamantalang maramdaman na hindi siya nag-iisa. Dahil alam niya kapag kumalas na siya sa yakap ng mama niya ay mag-iisa na naman siya.
Advertisement
Rise of a Rogue Dungeon
Following the unfortunate, or fortunate birth of a Dungeon, in the world Ilyeus where Dragons claim the skies. Titans wander the world. Drakes boast their majestic pride. Wyrms sleep beneath the earth. Humans, Elves, Dwarves, Beast-kin, and many other sapient races mingle amongst each other, for good or bad. Gods descend among mortals with their Divine Vessels. The Dungeon treads unrestricted by the links other Dungeons have. Down a path never walked by any other Dungeon in the world of Ilyeus. Down, A Path of Freedom! A Path of Dominance! A Path of a Savior! A Path that would make Spirits shudder in fear! But first, it must survive, expand, evolve, and create an army that would do its bidding. This is my first time writing something like this, so if you see any grammar or spelling errors, pointing them out would be appreciated. Any constructive criticism is also appreciated! My update schedule is currently as I write them. So that means every time I finish writing a chapter, I will post it after it gets edited. I also release a chapter of A Lone Automaton's Journey To Find Its Operator infrequently as a side thing.
8 219A Wolf among Dogs
A drug infested city. A society riddled with conformity One sixteen-year-old kid tells the world to fuck itself So the world tries to fuck him first This is the story of Kallix Rane, the wolf among dogs
8 71the 701
701 alien cases remain unsolved -- until now
8 95Micro-Management: Survival Base
Duncan is a highschooler who is bored with his life, He goes through his daily life, wondering if anything exciting will happen when one day, while shifting through the app store looking for a game to play, he stumbles across an interesting game.The synopsis? To manage a den of survivors ranging from simple insects to intelligent A.I, Duncan downloads the game to try it out and is now stuck in a game where he has to keep the survivors alive from all ranges of dangers from unknown diseases to an alien invasion.Can Duncan handle this new pressure in his life?
8 69My Mother Runs With Wolves
A genetically unique but emotionally lost teenager must figure out who she is within her mixed-up, warring world of Shifters and Wolfstalkers. *****It wasn't Maddie's choice to be born a half-breed, half Shifter, half Wolfstalker -- a hunter of Shifters -- and it wasn't her choice to keep her identity a secret. But after trying to attend high school like any normal sixteen-year-old, things quickly spiral south when her Stalker uncle finds out about her and catapults her out of anonymity and into the awareness--or possibly the crosshairs--of The Order of the Wolfstalker. Maddie must think fast and figure out a way to keep herself and her family safe, or risk losing everything. Including her life.[[word count: 70,000-80,000 words]]
8 76The Healer Demands Payment!
THIS STORY IS NOT MINEFOR OFFLINE READING PURPOSES ONLY我們醫修救人要錢Author: Tang Shan Yue 糖山月Translation from: Aerial Rain(aerialrain.com)In the past, there was a small cannon fodder who wholeheartedly dedicated herself to the medicinal path.Only after dying once did she learned that even if she was brilliant, she could only be an insignificant side character used to emphasize the female lead's limelight. Any relationship with the male lead and other supporting male characters would bring her bad luck.When going out to collect some medicinal herbs in Qingfeng Valley, she kindly rescued a male side character. The man woke up and saw the female lead and became eternally grateful to her instead. He thought that the monster that hurt him was brought by the small cannon fodder so she was punished.The cycle repeated and eventually everyone she saved blindly loved the righteous female lead. Ultimately she was killed by one of the men who was entangled with the female lead.......So after her rebirth, she began to firmly adhere to the principle of 'pay me first, then I'll cure you'.Male cannon fodders who love the female lead, charge them triple fee!Male side characters who ambiguously entangled with the female lead, charge them 10 times!Male lead, the most important one, charged him 100 times!She single heartedly insisted on using money to distance herself from those men and drew a clear boundary between them. But her ability was too high, that the male lead and side characters from all over the world always came to her for help...She finally became the richest person in cultivation world!***If you can, please read this on (aerialrain.com) and support the translator❤.
8 143