《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 10
Advertisement
"HEP! You forgot something!"
Takang tiningnan ni Demi si Akeem. Naibaba na nila sa kotse nito ang lahat ng kanyang gamit.
"Nandito na lahat ng gamit ko ha," aniya.
Nasa kanilang bahay na siya. Nagpaalam sila kay Miss Elvira at nagpasalamat rito. Naging masaya ang kanilang pagbabakasyon sa San Diego Compound. Kagaya ng sinabi ng binata, ay babalik pa sila roon.
"Oo nga," nakangiting sabi nito.
"Iyon naman pala. Ano pang nakalimutan ko ang pinagsasabi mo riyan?"
"This!" Napasinghap siya nang halikan siya nito ng mabilis sa labi.
Paborito talaga nitong gawin iyon. Gustung-gusto naman niya.
Pinalo niya ang braso nito. "Nakakainis ka talaga!" kunwari ay asar na sabi niya.
Tumawa ito. "Tulungan na kitang mag-ayos ng mga gamit mo."
Umiling siya. "Huwag na, umuwi ka na sa inyo at magpahinga. Alam ko bukas babalik ka na sa trabaho mo sa talyer. Pagkatapos ako naman ay magsisimula nang maghanap ng trabaho."
"Okay. Magtatrabaho akong maayos para sa'yo," nakangiting sabi nito. "Para sa kinabukasan natin," kinindatan pa siya nito na ikinatawa niya. "Gagawin ko pang auto company ang talyer ko. Gusto ko kasi na maging proud ka sa akin."
Tinapik niya ang pisngi nito. "Ngayon pa lang ay proud na ako sa'yo. At alam ko na matutupad mo rin ang pangarap mong magkaroon ng sariling auto company. Ikaw pa, ang galing-galing kaya ng boyfriend ko."
Hinuli nito ang kanyang kamay. "Basta gagawin ko ang lahat para magkaroon tayo ng magandang buhay. Para kapag mag-asawa na tayo... hindi tayo mahihirapan. Tapos... para na rin sa mga anak natin. Mabigyan natin sila ng magandang kinabukasan."
Napakasarap sa pandinig ang mga sinabi nito. Na pinaplano na nito ang kinabukasan nila.
"Naniniwala ako sa'yo Akeem," buong-pusong sabi niya. "At hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon."
"Sandali na lang iyon Demi. Basta akin ka lang," naging mariin ang tinig nito.
"At sa'yo lang din ako," ganti niya.
Parehong sila may matamis na ngiti sa labi.
"Ayoko pa sanang umuwi pero alam ko na kailangan mo na ring magpahinga. Mauuna na ako ha, magpahinga ka ring mabuti. Tatawagan kita agad kapag nakauwi na ako. I love you," matamis ang tinig na sabi nito.
"I love you too," masuyong ganti niya.
Hinalikan pa nito ang kanyang labi bago tuluyang nagpaalam. Naiwan siyang may ngiti sa kanyang mga labi. Napaka-sweet talaga ng boyfriend niya.
Binitbit niya ang kanyang mga gamit at dinala sa sala. Wala ang mama niya. Siguro ay may inihatid itong mga orders. Mabuti na lang at may susi siya ng kanilang bahay at nakapasok siya. Hindi rin alam ng mama niya na ngayon ang dating niya. Sigurado siyang magugulat ito kapag nakita siya.
Advertisement
Umakyat siya sa kanyang silid at inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Hindi niya namalayan ang oras hanggang sa marinig niya ang ugong ng sasakyan. Siguro siyang ang mama na niya ang dumating.
Bumaba siya sa kanyang silid. Pero natigilan siya nang makarinig ng impit na pag-iyak.
Bigla siyang kinabahan. "Ma? Ma, ikaw na ba 'yan?"
At bumungad sa kanya ang luhaang mukha ng ina. Nahabag ang kanyang puso sa nakikitang paghihirap na nasa mukha nito. Kaagad na dinaluhan niya ito.
"D-Demi..." garalgal ang tinig na sambit ng ina.
"Ma, ano'ng nangyari sa inyo? Bakit kayo umiiyak?" puno ng pag-aalalang tanong niya.
Umiling-iling ito habang pinapahid ang mga luha. "W-Wala anak... wala."
"Wala?" kunot-noong sabi niya. "Ma, alam ko meron. Kaya sabihin niyo na sa akin kung bakit kayo umiiyak."
Tumingin ito sa kanya habang patuloy sa pag-iyak. Abot-abot ang bilis ng pintig ng puso niya sa nakikitang sakit at paghihirap na nasa mga mata nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng kaba.
"D-Demi... anak," nahihirapang sambit nito. Nagkaroon ng pag-aalinlangan ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Pinahid niya ang mga luha nito. "Ma please..." nagmamakawa ang tinig niya. "Ano'ng problema ma? Nandito ako... makikinig ako," masuyong inalo niya ito. "May nanakit ba sa inyo ma? Sabihin niyo sa akin kung sino?" Naging mariin ang kanyang tinig.
Hindi siya makakapayag na may manakit sa mama niya.
Umiling ito. "Walang nanakit sa akin anak. Okay lang ako... magiging maayos din ang lahat alam ko," lulumuhang sabi nito.
Ramdam niya na may mabigat na dahilan ito at gusto niyang malaman iyon. Gusto niyang makatulong rito.
"Basta nandito lang ako para sa'yo ma," masuyong sambit niya. "Ayokong nakikita kang nahihirapan at umiiyak ng ganito." Bumikig ang kanyang lalamunan habang nakatingin sa ina. "Mahal na mahal kita ma."
Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Ngumiti nang hindi aabot sa mga mata.
"Tandaan mo rin anak na... m-mahal na mahal kita," garalgal ang tinig na sambit nito. "Mahal na mahal kita anak. A-At patawarin mo rin ako... sa lahat ng nagawa kong pagkukulang sa'yo. I'm sorry Demi... I'm sorry anak," paulit-ulit na sambit nito.
Nabasag ang puso niya nang marinig ang paghikbi nito at niyakap siya nang mahigpit. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. Hindi niya kayang makitang mahirapan ang mama niya nang ganoon. Tumugon siya nang mahigpit na yakap. Maiparamdam niya roon ang kanyang pagmamahal at maging lakas nito sa sandaling iyon.
"For me... you're the best mother in the world ma," masuyong sambit niya habang yakap-yakap ito.
Advertisement
PALAKAD-LAKAD si Demi sa harap ng kwarto ng mama niya. Hindi na niya alam ang gagawin. Ilang araw na itong nagkukulong sa kwarto at ayaw kumain.
Palagi naman niya itong kinakausap at tinatanong kung ano ang problema nito. Pero ayaw nitong magsalita. Naalala niya noong namatay ang papa niya, madalas rin itong magkulong noon sa kwarto dahil sa pagkawala ng papa niya. Alam niyang nagdamdam ito ng husto. Pero nakabangon ito at naramdaman niya ang pag-aalaga nito sa kanya.
Ngayon ay muling naulit iyon at mas lalo pang lumala. Naririnig niya kapag gabi ang paghihirap nito habang umiiyak. Nasasaktan siya sa kalagayan ng mama niya. Natatakot siya sa maaring mangyari rito. Hindi niya kayang makita ito sa ganoong kalagayan.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa pinto.
"Ma... please buksan mo ang pinto." Ngayon lang din ito nag-lock ng pinto kaya natatakot siya.
"I said leave me alone!" malakas na sigaw nito.
Namasa ang kanyang mga mata. "M-Ma..." nahihirapang sambit niya. "Paano kita tutulungan kung ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo?"
Wala siyang narinig na tugon mula rito. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Hindi dapat siya magpakita ng kahinaan. Kailangang maging malakas siya para rito. Pero paano niya gagawin iyon?
"Kung ang tanging alam kong makakatulong at magpapalakas sa akin ay hindi ko man lang makausap." Mapait niyang sambit.
Tiningnan niya ang hawak na cellphone. Ilang beses na siyang nagpadala ng text messages kay Akeem pero isang tugon lang ang nakuha niya mula rito. Abala raw ito at may inaasikasong importanteng bagay. Tinatawagan rin niya ito pero hindi ito sumasagot.
Hindi tuloy niya maiwasang magdamdam. Mas mahalaga pa ba ang ibang bagay kaysa sa kanya? Na ang tanging gusto lang naman niya ay nasa tabi niya ito. Dahil alam niyang kakayanin niya kapag nasa tabi niya si Akeem. Pero wala ito at mukhang walang pakialam sa kanya.
Ayaw niyang isipin iyon. Gusto na lang niyang intindihin ang sinabi nito na may mahalaga itong inaasikaso. Kahit na dinudurog ang puso niya sa parang pambabalewala sa kanya ni Akeem. Pakiramdam niya ay napakalayo nito. Pero bakit? Wala siyang maisip na nagawang mali sa binata. Napakasaya nila nang huling maghiwalay at inihatid siya sa kanilang bahay galing sa pagbabakasyon. Pero bakit naging ganoon ang lahat?
Ang sabi nito ay kaya nitong iwan ang lahat para sa kanya. Na mahal na mahal siya nito. Pero nasaan na ito ngayon? Ang mga katanungang iyon ang gumugulo sa isipan niya.
Sinubukan niyang muli itong tawagan. Nag-ring lang iyon. Ngumiti siya ng mapait. She's starting to feel helpless. Pakiramdam niya ay mag-isa siya. Akmang papatayin na niya ang tawag nang makitang sinagot nito iyon.
Kaagad na itinapat niya ang telepono sa tainga.
"Hello."
Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan sa malamig na tinig ni Akeem sa kabilang linya.
Namasa ang kanyang mga mata. Lumunok siya ng mariin at pinipigilan ang pagbuhos ng kanyang emosyon.
"A-Akeem..." pero hindi niya anitago ang paggaralgal ng tinig.
"Demi, marami pa akong gagawin. Mamaya na lang tayo mag-usap," walang emosyon ang tinig nito sa kabilang linya.
"B-Bakit ba ganyan ka Akeem?" Hindi na niya napigilan ang pagkawala ng kanyang mga luha. "May nagawa ba akong mali? Bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako?" nasasaktang tanong niya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib sa paghihirap. "O-Oo alam ko na abala ka sa kung anomang ginagawa mo. Pero Akeem... sana kahit konti lang ipakita mo naman sa akin na hindi ako nag-iisa sa problema ko." Hinayaan niyang maglandas ang kanyang mga luha. "I-Iparamdam mo naman sa akin na hindi ako nag-iisa," puno ng luhang sambit niya. "G-Gusto ko lang naman marinig ang boses mo... gusto ko lang naman na sabihin mo sa akin na magiging.... magiging maayos din ang lahat at huwag na akong mag-alala pa. Na kahit wala kang panahon para makipagkita saken ayos lang kasi... kasi narinig ko na ang pag-aalala mo para sa akin. Nararamdaman ko na nandito ka lang malapit sa akin. Na hindi mo ako iiwan. Iyon lang Akeem... sapat na sa akin."
"Demi..." mahinang sambit nito. Ni wala siyang maramdam sa tinig nitong iyon.
Marahas na pinahid niya ang mga luha sa pisngi. "Pero alam mo ba ang pinakamasakit roon?" mapait niyang saad. "Hindi ko ramdam na mahal na mahal mo ako kagaya ng palagi mong sinasabi sa akin," nadudurog ang pusong sambit niya.
Hindi na niya hinintay pang magsalita ito. Pinutol niya ang tawag at nanghihinang sinapo ang bibig. Pero kumawala pa rin roon ang hikbing pinipigilan niya.
She's silently waiting for him to call back. Tumawag lang ito ay kakalimutan niya ang lahat ng pagdaramdam rito. Pero lumipas ang sandali ay wala siyang narinig na anomang tawag. Mapait siyang ngumiti. Sino nga ba siya para gawin iyon ni Akeem?
Sa isiping iyon ay nasasaktan siya nang sobra-sobra. Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Ano na ang gagawin niya sa kalagayan ng mama niya? Paano na ang puso niyang unti-unting nadudurog nang dahil kay Akeem?
Advertisement
Star Captain Annie
After a mysterious ship kidnaps the crew of the starship Nightingale, the ship’s nav computer transfers command of the ship to the only survivor – a six-month-old baby girl. Nine years later, Star Captain Annie still commands the Nightingale, searching for the mysterious relic that her family sought when they went missing; the Elder Crown. Hey eager readers, did you know we're always one chapter in the future on my website? Take a look if you want to read ahead! https://starcaptainannie.com/
8 248Risky Sailing
Gabe was weak.. he was destined to die at an early age... and his clan had discarded him like scrap paper. with only his servant Colin at his side, he has been forced to trek accross the unending face of the world simply to grasp at the hope of survining past 20. But really, there was no hope at all he would make it. that is untill Destiny, chance, and Doom hand deliver a package to his doorstep. a package that should he accept would allow him to lead a better life. who would have thought however that Gabe would not be satisfied with just that, and instead sets his sights on the very heavens themselves, risking everything time and time again to gain what no-one ever thought was posible to gain. And while this young man is stealing his own fate back from the hands of higherpowers, A greater danger is lurking beyond the world he calls home. a danger Gabe will have to colide with one way or another.
8 138ပြန်လည်မွေးဖွားလာသောဧက္ကရာဇ်နှင့်သူ၏ချစ်သည်းညှာပေါက်ဆီလုံးလေး
Title - Didn't Love You EnoughChinese Title - 重生之寵你不夠Author - 最愛喵喵 (Zui Ai Miao Miao)Status - 56 Chapters (Completed)English Translate - Vanilla Muse, SnownovelsWebsite - Shubl.com , Novel Update⚠️ Mpreg/Ger Novel မို့လို့ အဆင်မပြေတဲ့သူတွေ Warning ပေးပါတယ်နော်...Start Date - 7/11/2021End Date - ?I don't own this novel so full credit to original author ✍️ This is my first time translation, plz bear with me 🐯အသုံးပြုသည့် photos အားလုံးသည် Pinterest မှကူးယူထားခြင်းဖြစ်သည်။ # crd to original artist
8 125Pentagram
Melanie Donald was born in 2000: a less than average, ordinary girl struggling through school and stumbling through life as a square peg in a round hole.Blaze Thompson was born in 2008: a girl of immeasurable talent, who surpasses everyone around her and conquers every challenge set before her. In 2016, the city in which they lived was destroyed, and Melanie was killed. It is now 2024. Blaze is as old as Melanie was when she died, and attends a private school that was once a naval academy. She seeks answers about the true nature of the disaster she survived.What caused it? How could it destroy an entire city? How can this school, of all places, be so important? And if Melanie is dead, how can she be here? Of course, her search for answers grows just a little more complicated when a secret society makes the first move in its hunt for the two girls. A work in progress. This is only a first draft of a final story, and it'll be refined before it's finally released. Thanks for your patience. Updates: Later.
8 69My famous boss (gxg)
In the last 5 years of working behind a desk in the New York Times, Lena Adams sees an opportunity to be an assistant to one of the most paid actresses today.What will come out of it...Highest rankings:#1 lesbian#1 Scarlett Johansson#3 Fanfiction#62 wlw#1 Scarjo#34 Marvel#3 Black widow
8 140Inquisitor Master Groupchat
i don't know what im doing anymore.
8 105