《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 9

Advertisement

PAGPASOK ni Demi sa kanilang unit ay dumiretso siya sa sala at umupo sa couch. Hinagod niya ng kanyang daliri ang bagong gupit na buhok. Konti lang ang pinabawas niya roon dahil gustung-gusto niyang panatilihin ang mahabang buhok.

Sinulit niya ang pagpunta sa salon nang araw na iyon. Nagpa-foot spa rin siya at nagpa-pedicure and manicure. Pagkatapos ay nagpunta pa siya sa mall para mamasyal at bumili ng damit. Minsan lang naman niya i-treat ang sarili kaya sinulit na niya.

Iginala niya ang paningin sa bahay. Hindi niya maramdaman na naroon si Akeem. Napasimangot siya nang maisip ang binata. Nagpapasama siya rito kanina na magpunta sa salon pero tumanggi ito at sinabing sa unit na lang ito at hihintayin na lang siyang dumating. Hindi tuloy niya maiwasang magtampo dahil 'di siya nito sinamahan. Balak pa sana niyang mamasyal sa mall kasama ito. Alam niyang mas mag-e-enjoy siya kung kasama niya ito.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Akeem na bakas ang gulat nang makita siya.

"Demi! Ang aga mo yatang nakauwi?"

Saka niya napansin ang hawak nitong isang pumpon ng bulaklak na hindi nito alam kung paano itatago sa likuran.

Para sa kanya ba ang bulaklak na iyon? Bigla siyang kinilig sa isiping iyon. Pero teka... nagtatampo pa rin siya rito.

Sumimangot siya. Hindi na niya itinago ang tampo. "Magga-gabi na kaya," masungit na sabi niya.

Ngingiti-ngiti pa ito habang lumalapit sa kanya. Nagawa pa nitong ngumiti samantalang siya ay nagtatampo. Sarap kutusin ng lalaking ito.

"Bakit ba ang sungit mo?" nakangiti pa ring tanong nito habang nakatayo sa paanan niya.

Inirapan niya ito at narinig niya ang malutong nitong pagtawa. Hindi niya ito pinansin. Para siyang batang nagtatampo sa iniaakto niya.

Naramdaman niyang lumuhod ito sa kanyang paanan. "Huwag ka nang magtampo," malambing nitong sabi. "Para sa'yo oh... bulaklak."

Saka lang niya ito tiningnan. Natunaw ang kanyang puso sa masuyong ngiti nito at lumipat ang kanyang tingin sa bungkos ng pulang bulaklak sa harapan niya. Napakaganda ng mga iyon.

Tiningnan niya ito at tinanggap ang mga bulaklak. "Peace offering mo ba ang mga bulaklak na ito?"

"Sa totoong lang ay hindi. Pero alam ko na nagtatampo ka dahil 'di kita nasamahan kanina. Kaya sorry na ha? Huwag ka nang magalit sa akin, please?" malambing ang tinig nito. Sino nga ba naman ang hindi makakatanggi sa suyo ng tinig nito?

Sa pagkakataong iyon ay ngumiti na siya.Tuluyan nang nawala ang kanyang pagtatampo rito.

"Oo na, bati na tayo," nakangiting sabi niya.

Lumapad ang ngiti nito. "Kaya lang naman 'di kita sinamahan ay dahil may inihanda ako para sa'yo." Nahimigan niya ang excitement sa tinig nito.

"Ano naman iyon?"

"Come and I'll show you," iginaya nito ang kanyang kamay at inakay siyang tumayo. Ito ang humawak ng bulaklak na dala niya.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong niya.

"Basta, huwag ka nang magtanong." Hinawakan nito ang kanyang kamay at naglakad sila. Hindi na siya nag-usisa pa. Nae-excite din ang kanyang pakiramdam.

Dinala siya nito sa dining area. At hinaplos ang kanyang puso nang makitang naka-ayos ang mesa. It's a candlelight dinner. Maraming mga pagkain ang nakahanda. The most touching part is the fact that she knew Akeem did all these for her.

"Gustung-gusto kong sorpresahin ka kaya sinamantala ko ang pagkakataon kanina habang wala ka. Naghanda ako ng espesyal na dinner para sa atin. Para kapag umuwi ka na dito, magkasama tayong kakain ng espesyal na dinner."

Lumipat ang tingin niya sa binata. Nakangiti ito ng matamis sa kanya. Ngayon ay naiintindihan niya kung bakit hindi siya nito sinamahan kanina.

Advertisement

Hindi niya inaasahan na iyon ang sorpresang maghihintay sa kanya.

"Nagawa mong maghanda ng lahat ng ito nang mag-isa?" masayang tanong niya.

"Oo naman, alam mo naman na magaling ako sa kusina." Iyon ang isang hinangahan niya rito. Marunong itong magluto. "At ginawa ko ang lahat ng ito para sa'yo. Kasi mahal kita at kaya kong gawin ang lahat para sa'yo."

Napakasarap sa pandinig ang mga salitang iyon. Inalalayan siya nitong umupo at ito rin ay umupo sa kaibayo. Hindi mawala-wala ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Sinubuan siya nito at habang kumakain ay masaya silang nagku-kwentuhan.

She looked at him intently. Napakasaya ng puso niya.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" nalilitong tanong ng binata sa kanya pero naroon ang matamis na ngiti.

Gumanti siya ng matamis na ngiti. Hindi na niya napigilan ang sarili, tumayo siya at lumapit rito. Iginaya niya itong tumayo.Nagtataka man ay tumayo ito. Hindi na siya nakapagpigil pa at niyakap niya ang binata. Iyon ang gustung-gusto niyang gawin kanina pa. Naramdaman niya ang pagtugon nito nang walang kasing-higpit na yakap.

Napakabilis na lumipas ang mga araw nila sa compound. Ayaw na niyang matapos pa ang sandali na kasama niya ang binata. Kung pwede lang na doon na lang sila habang-buhay.

Ayaw na niyang mahiwalay pa sa tabi ni Akeem. Sa mga yakap nito ay napakapayapa ng kanyang pakiramdam.

"Maraming salamat Akeem. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya mula nang maging tayo," masuyong sambit niya habang nakayakap rito.

"Ako din Demi. I've never been this happy in my life. The love we found in each other is the greatest thing that happened in my life." Lalo pa siya nitong niyakap nang mahigpit. Napapikit siya sa pagsuyo. "Gustung-gusto ko na lang na yakapin ka at halikan nang buong-pagmamahal."

Nagmulat siya ng mga mata. Napakabilis ng pintig ng kanyang puso nang makita ang namumungay na mga mata ng binata sa kanya. Nakita niya ang mariing paglunok nito habang nakatingin sa labi niya.

"A-Akeem..." paanas niyang sambit.

Unti-unting bumaba ang labi nito at sinakop ang labi niya. Napasinghap siya nang hapitin siya nito at pinalalim ang halik. Tumugon siya ng buong pagmamahal. Damang-dama niya ang mabilis na ritmo ng kanilang mga puso. Ganoon ang nagagawa ng mga halik ni Akeem sa kanya.

She almost lost her breath when his tongue conquers her mouth. He playfully kissed her hard and fast. She felt inside her... he was teasing her with his tongue as if drowning her to respond. She willingly opens her mouth and responds to the equal heat and passion he's giving her. Ang kakaibang init ay naramdaman niya sa kanyang buong katawan. Ikinawit niya ang mga kamay sa balikat nito at lalo lang siyang hinapit at pinalalim ang halik. His hands are caressing her back up to her hair that gives her this tingling sensation down to her veins. Now, they are kissing fast, hard and intense. She succumb herself to the sweet lingering feeling.

"Oh Demi... I love you so much," he murmured against her lips.

She heard that little moan from him that made them ignite the fire more. She wanted more of his kiss. At hinalikan siya nito nang paulit-ulit na damang-dama niya ang pagmamahalan nila.

Saka lang sila naghiwalay nang parehong kapusin nang hininga. Parehong hinihingil na nagtama ang kanilang mga mata. She can see the desire in his eyes. His hand moved to her cheek.

"Everytime I'm kissing you... it was pure heaven. I just wanted to kiss you for the rest of my lives," pananas nitong sambit.

Advertisement

She smiled sweetly and threw herself to him. Ganoon din ang nararamdaman niya sa mga halik nito. Naramdaman niya ang pagyakap nito nang mahigpit sa kanya at pagkintal ng masuyong halik sa kanyang buhok.

"I love you my Demi," masuyong sambit nito.

"I love you too, my Akeem," buong-pusong tugon niya.

HINDI makatulog nang gabing iyon si Demi. Paano ay iyon na ang huling gabi nila sa compound. Napakabilis talagang lumipas ng mga araw. Ayaw pa niyang umalis dahil gustung-gusto pa niyang manatili roon.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang lugar na iyon. Marami silang pinagsaluhang magagandang pangyayari roon ng binata. At higit sa lahat, masaya siya dahil nakasama niya si Akeem. Nagkaroon sila ng pagkakataong makapiling ang isa't-isa sa iisang unit sa bakasyong iyon. Gusto pa niyang bumalik roon at siyempre kasama si Akeem.

Bumangon siya at tumayo. Bigla siyang nauhaw. Binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto at napatili siya nang mabungaran ang malaking bulto ni Akeem.

Kinapa niya ang dibdib. "Ano ka ba naman Akeem, nagulat ako sa'yo."

"Sorry," nakangiwing sabi nito. "Kakatok pa lang sana ako. Nagbabakasakali ako kung gising ka pa. Hindi kasi ako makatulog eh."

"Pareho tayong 'di makatulog," nakangiting sabi niya. "Pababa na sana ako para kumuha ng tubig, bigla kasi akong nauhaw."

"Ako na ang kukuha ng tubig mo," prisinta nito.

"Huwag na, ako na lang," aniya.

Umiling ito. "Ako na, para 'di ka na mapagod sa pagbaba."

Natawa siya. "Para namang ang layo ng kusina eh."

"Ako na nga ang kukuha," pamimilit pa nito.

"Ako na Ake----"

Natigilan siya nang bigla na lang itong dumukwang at halikan siya ng matunog sa labi. Awtomatikong napatingin siya rito habang dama ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa ginawa nito. Napakalakas talaga ng epekto ng halik ng binata sa kanya.

"Ayaw pa kasi paawat eh, sinabi nang ako na," iiling-iling na sabi nito habang nakapaskil ang matamis na ngiti. "Ang kulit-kulit mo."

"Ikaw kaya ang makul---"

"Hep!" pigil nito sa kanya. "Kapag nangulit ka pa, hahalikan ulit kita. This time..." Napasinghap siya ng ilapit ito ang mukha sa kanya. Naamoy niya ang mabangong hininga nito. "Hard and fast until you lose your breath," paanas na sabi nito at tumaas-baba pa ang mga kilay.

Napalunok siya ng mariin. Nakapilyo talaga ng boyfriend niya. Kinalma niya ang sarili at bahagyang tinulak ito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Humalakhak ito. "Tumigil ka nga riyan Akeem!" saway niya.

"Kunwari pa 'to, gusto namang pahalik," nanunudyong sabi nito. Pinandilatan lang niya ito. "Bababa na ako at ikukuha muna kita ng tubig. Pero bago iyon, good bye kiss muna."

Akmang hahalikan siya nitong muli nang mabilis na tumalikod siya. Tiningnan niya ito. Nakasimangot ito.

"Hala! Bilis na ikuha mo na ako tubig," pagtataboy niya rito.

Iiling-iling na bumaba ito. Nakangiti siyang umupo sa gilid ng kama. Hindi niya makakalimutan ang mga ganoong sandali sa kanila ng binata.

Ilang saglit lang at bumalik na ang binata dala ang isang basong tubig niya. Nakangiting nagpasalamat siya rito. Alagang-alaga talaga siya ni Akeem. Uminom siya at ito pa rin ang kumuha ng baso mula sa kanya at ipinatong iyon sa mesa.

Umupo ang binata sa tabi niya.

"Bakit hindi ka makatulog?" tanong nito.

Tiningnan niya ito. "Dahil aalis na tayo bukas," hindi niya naitago ang lungkot. "Mami-miss ko kasi ang lugar na ito. Ikaw? Bakit 'di ka makatulog."

"Iniisip kasi kita," nakangiting sagot nito. "Iniisip ko kung kailan kaya kita ulit makakasama sa ganito kagandang lugar."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Pwede naman tayong bumalik dito 'di ba?"

Nagliwanag ang mukha nito. "Ako pa rin ba ang gusto mong isama rito kung babalik ka ulit?"

"Oo naman," masayang sagot niya. "Ikaw lang ang gusto kong makasama... sa habang-buhay," masuyong saad niya.

Nakita niya ang kislap sa mga mata ng binata. Umangat ang kamay nito patungo sa kanyang pisngi. Pagsuyo ang naramdaman ng kanyang puso.

"Ang tagal kong hinintay ang sandali na maiparamdam sa'yo na mahal na mahal kita at maramdaman ko na mahal na mahal mo rin ako," nangingislap ang mga matang sambit nito.

"Mahal na mahal natin ang isa't-isa at walang hindi kayang gawin ang pagmamahalan natin."

Umangat pa ang isang kamay nito. At ngayon ay sapo na nito ang kanyang mukha. "Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

Napapikit siya nang maramdaman ang pagkintal nito ng halik sa kanyang noo. Pababa sa kanyang ilong at sa kanyang pisngi. Ang mabilis na pintig ng kanyang puso ay hindi kayang awatin. Nahigit niya ang hininga nang sakupin nito ang naghihintay niyang labi. Kapag hinahalikan siya ng binata ay para siyang dinuduyan sa masarap na pakiramdam. His kisses can make her loss and just want to savor the moment with him.

Kinagat nito ang ilalim niyang labi at nilaro-laro iyon. He's teasing her inch by inch. She just closed her eyes and waited him to kiss her more. And the long wait was over when he started to move his lips. Ibinuka niya ang kanyang bibig at tuluyang tumugon sa halik. He's now kissing her slowly and passionately. She moved her hands into his shoulders and their bodies met closer.

Those butterflies in her stomach are starting to fly. Naging mabilis ang paraan ng paghalik ng binata sa kanya. Pero naroon ang pagsuyo at pagmamahal. Dinama nila ang sandaling iyon at pinalasap sa isa't-isa ang matamis na halik.

She was loss when he conquers her mouth with his tongue again. Noong unang gawin nito iyon sa kanya ay para siyang matutunaw sa sensasyon. Pero tumugon siya kagaya ng paraan ng paghalik nito sa kanya.

"Oh Demi!" impit na anas ng binata.

Naramdaman niya ang init sa kanyang buong katawan habang magkahinang ang kanilang mga labi. Unti-unting naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama. Napaungol siya nang maramdaman ang matatag na katawan ng binata sa kanyang ibabaw. Ang bigat ng katawan nito ay hindi niya inalintana.

"Akeem!" paanas na sambit niya sa pangalan nito. Ang init na dumadaloy sa buong katawan niya ay damang-dama niya.

Now, he's on top of her kissing her hungrily. She can feel the tension of his body on top of her. She was loss when his lips moved down to her neck and kiss it sweetly. Naging mapaghanap at mapusok ang halik nito. Napaungol siya at napakapit sa balikat nito habang hinahalikan ang kanyang leeg.

She want more... more of his kiss.

Saka lang siya nagmulat ng mga mata nang maramdamang tumigil si Akeem sa paghalik sa kanya.

She saw the desire in his eyes. Ang mapupungay na mga mata nito ay isinisigaw iyon. Hindi mapagkakaila iyon habang nakatingin sa kanya. Alam niyang ganoon din ang mababasa sa kanyang mga mata.

"A-Akeem..." mahinang bulong niya.

"I should stop now before I'll lose my senses," nahihirapang sambit nito.

Nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin. Napangiti siya sa sinabi ng binata. Naramdaman niya ang matinding pagrespeto nito sa kanya.

Tumango siya. Hinalikan nito ang kanyang noo bago umalis sa kanyang ibabaw at humiga sa tabi niya. Iniyakap niya ang kanyang mga kamay rito. Ibinaon nito ang mukha sa kanyang buhok at inamoy iyon.

"Pwede ba akong matulog dito sa tabi mo?" malambing na sambit nito.

"Oo naman," tugon niya. Gustung-gusto niya ang ideyang iyon.

Tumingin ito sa kanya na may ngiti sa labi. "Promise... yayakapin lang kita buong magdamag. Gusto ko kasi na paggising ko ay mukha mo agad ang makikita ko."

Iniunan nito ang kanyang ulo sa braso nito at hinalikan ang kanyang ulo.

"Kung gano'n ay yayakapin din kita nang buong-higpit," buong-pusong ganti niya.

    people are reading<The Present Series 5: If Only (COMPLETED)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click