《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 5
Advertisement
MAY NGITI sa labing bumaba ng kanyang sasakyan si Demi sa harap ng talyer ni Akeem. Hindi nito alam na pupunta siya roon. Palagi naman niyang ginagawa iyon. Ang bigla na lang sumulpot para makita lang ito.
"Hi manong Gary!" masiglang bati niya sa matandang pinagkakatiwalaan ni Akeem sa talyer.
Nakita niyang nagulat ito pagkakita sa kanya. Saglit na inihinto nito ang ginagawang pag-aayos ng gulong.
"Ma'am Demi, kayo po pala," ngumiti ito.
"Si manong talaga. Sinabi na pong huwag niyo na akong tawaging ma'am," iiling-iling na sabi niya.
Nagkamot ito ng batok. "Pasensya ka na hija," ngingiti-ngiting sabi nito.
"Ahm... si Akeem po? Nandiyan po ba?"
"Si sir Akeem?" ulit nito na biglang nagpalinga-linga sa paligid.
Kumunot ang kanyang noo. "Opo. Nandiyan po ba siya sa opisina niya o nag-aayos ng sasakyan?"
"Ah... oo andiyan si sir Akeem sa opisina," tumatanong sagot nito.
Parang biglang nataranta si manong Gary. Pero hindi na lang niya pinansin iyon.
Ngumiti siya rito. "Sige po, pupuntahan ko na si Akeem."
"Teka lang, sandali lang Demi!"
Napatigil siya sa akmang paglalakad nang magsalita ito.
Takang nilingon niya ito. "Bakit po manong?"
Nagkamot ito ulit ng batok. "Marami kasing ginagawa si sir Akeem sa opisina. Inaayos niya ang ilang mga orders para bukas."
"Ganoon po ba. 'Di bale po, saglit lang po ako at aalis din ako kaagad," nakangiting sabi niya at hindi na hinintay na magsalita pa ito.
Dali-dali siyang naglakad patungo sa opisina ni Akeem. Ayaw siguro nitong maistorbo niya ang binata sa trabahong ginagawa nito. Saglit lang naman siya. Gusto lang niyang makita si Akeem. Hindi na yata buo ang araw niya kapag hindi nakikita ang binata.
Inihanda niya ang kanyang ngiti bago ipinihit ang seradura ng pinto ng opisina ni Akeem. Pero ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita kung ano ang pinagkakaabalahan ng binata. Literal na nawala ang kanyang matamis na ngiti at napalitan iyon ng walang katumbas na sakit. Parang may may mga maliliit na karayom na paulit-ulit na tumutusok sa dibdib niya. Sumikip ang kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga nang sandaling iyon.
Humigpit ang pagkakawak niya sa seradura ng pinto habang damang-dama ang sakit sa puso niya sa tagpong nakita. Hayun si Akeem abalang-abala habang nakikipaghalikan sa babaeng mahaba ang buhok, matangkad at maputi ang kutis. Ngayon niya lubos nainitindihan kung bakit parang ayaw ni manong Gary na puntahan niya si Akeem. Dahil abala ang magaling niyang kaibigan kasama ang babae nito.
Nag-init ang kanyang mga mata pero pinigilan niya ang sariling umiyak. Hindi na niya kaya pang tagalan ang eksenang iyon na dumudurog sa kanyang puso. Aalis na sana siya pero huli na dahil nakita na siya ni Akeem.
"Demi!" gulat na bulalas nito at mabilis na humiwalay sa babae.
Binigyan niya ito ng isang walang emosyong tingin. Dahil iyon ang gusto niyang maramdaman, ang mawalan ng pakiramdam. Kahit na ang totoo ay labis na nasasaktan siya.
Pinilit niyang kalmahin ang sarili at walang babalang inihakbang ang mga paa palabas.
"Demi sandali lang! Demi!"
Hindi niya pinansin ang malakas na pagtawag sa kanya ni Akeem. Lakad-takbo ang ginawa niya makalabas lang ng lugar na iyon at lumayo. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at sumabog lahat ng damdaming itinatago niya.
"Demi please, wait!"
Ni hindi siya lumingon sa nagmamakaawang tinig ni Akeem. Mabilis na sumakay siya sa kanyang kotse at nanginginig ang mga kamay na pinaandar iyon. Narinig niya ang marahas na pagkatok ni Akeem sa bintana ng kotse. Pero hindi pa rin niya ito pinansin at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Advertisement
Saka lang niya pinakawalan ang masaganang luha sa kanyang mga mata nang makalayo. Nanginginig ang buong katawan niya habang nagmamaneho. Hinayaan niyang maglandas ang kanyang mga luha. Nanlalabo na ang paningin niya. Kinalma niya ang sarili. Baka maaksidente pa siya kung magpapatuloy siya sa ganoong kondisyon.
Natagpuan niya ang sarili na inihihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. At doon ay isinubsob niya ang kanyang mukha sa mga palad. Damn! It hurts so much! The pain in her heart is unbearable. Hindi naman dapat niya maramdaman ang sakit. Pero hindi niya kayang pigilin ang sarili dahil sobrang nasasaktan siya. Napakasakit pa lang makita ang lalaking mahal niya na may kahalikang ibang babae dahil...
"I'm so damn inlove with my bestfriend," mapait niyang sambit habang puno ng luha ang mga mata.
Huminga siya ng malalim at pinuno ng hangin ang dibdib. Mariing humawak siya sa manibela. Sinubukan niyang pigilan ang damdaming iyon pero hindi niya kaya. Dahil sa araw-araw na kasama niya si Akeem ay lalo lang siyang nahuhulog rito. Alam niyang mali ang mahalin ito dahil natatakot siyang masira ang pagkakaibigan nila. Pero sutil ang puso niya dahil iningatan niya ang damdaming iyon nang napakatagal na panahon para lang kay Akeem.
She's been in love with him since she was fifteen. Natagpuan na lang niya ang sariling minamahal nang lihim ang matalik na kaibigan. At ngayon na nakita mismo ng dalawang mata niya na nakikipaghalikan ito sa ibang babae ay dobleng sakit ang nararamdaman niya. Nakaramdam rin siya ng takot na maaring maulit ang nangyari noon... na lalayo na naman si Akeem sa kanya. Hindi niya iyon kakayanin. Pero ano ba'ng magagawa niya? Dakilang bestfriend lang naman siya. Wala siyang karapatang masaktan pero patuloy na pinagpira-piraso ang puso niya.
And what hurts the most is the fact that he lied to her. They have a promise to each other. Na ipapakilala nito sa kanya ang sinomang magugustuhan nito. But he broke their rule.
"DAMN!" Marahas na sigaw ni Akeem habang kuyom ang kanyang mga kamay pagbalik niya sa loob ng talyer.
"Sir pasensya na po kayo," anang tinig ni manong Gary at nilapitan siya.
Umiling siya. "Wala po kayong kasalanan manong."
"Hindi ko napigilan si Demi na huwag ka nang puntahan sa opisina."
Hinilamos niya ang isang kamay sa kanyang mukha. Wala na siyang magagawa dahil alam niyang galit na galit sa kanya si Demi ngayon. Kitang-kita niya kung gaano ang sakit sa mga mata nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili dahil roon.
"Akeem! Who's that bitch?"
Napalingon siya kay Aila sa galit na boses nito. Nagpantig ang kanyang tainga sa sinabi nito. Lumapit ito sa kanya.
"Don't you ever call her that name," puno ng diing sabi niya. "She's Demi."
Pinaikot lang nito ang mga mata. "Wala akong pakialam kung sino man siya," balewalang sabi nito. "I just want to talk about us," lumapit pa ito sa kanya at ikinawit ang mga kamay sa braso niya.
Pumikit siya nang mariin at pilit na tinanggal ang mga kamay nito sa kanyang braso.
"Pwede ba Aila, umalis ka na," mariing sabi niya.
"What?" galit na sigaw nito.
"You heard me right. Just damn go and never come back here."
Tumalim ang mga mata nito sa kanya. "I know you like me too Akeem. You've even enjoyed my kiss."
Kinalma niya ang sarili at baka hindi siya makapagpigil at tuluyang ibunton rito ang inis niya.
"I have never like you Aila," mariing sabi niya. "Ikaw itong pilit na pinagsisiksikan ang sarili sa akin. Ilang beses ko nang inulit sa'yo na hindi kita gusto. Kaya pwede ba, umalis ka na."
Advertisement
Nagtagis ang mga bagang nito. "Wala pang lalaking tumanggi sa akin Akeem," marahas at puno ng diing sabi nito.
"Am I lucky to be the first?" pagak siyang tumawa.
"Bastard!" sigaw nito at sinampal siya ng malakas at walang lingong-likod na naglakad palayo.
Huminga siya ng malalim. Sumasakit na talaga ang ulo niya sa babaeng iyon.
"Ibang klase rin ang babaeng iyon ano sir?" si manong Gary na nakalapit na sa kanya.
Alam nito kung gaano kakulit si Aila na hayagang ipinakita ang pagkagusto sa kanya. Kaya palagi niyang binibilinan si manong Gary na sabihing abala siya sa trabaho kapag pupunta roon si Aila. Pero alam niyang mapilit ito at pinuntahan pa talaga siya sa opisina. Ayaw naman niya itong bastusin kaya hinayaan na lang niya.
She's so liberated and wants to get what she wants. Naging customer niya ito sa talyer. Hanggang sa napansin niyang palaging pumupunta ito sa talyer nang walang dahilan. At inamin sa kanyang gusto siya nito. Pero tinapat niya ito na hindi niya ito gusto. Pero makulit pa rin ito at palaging nagpupunta roon.
At kapag naroon ito ay sinasabi niya kay manong Gary na huwag magpapapasok ng tao sa kanyang opisina. Lalo na si Demi. Ayaw niyang makita nito si Aila. Pero hindi niya inasahan na darating si Demi at naabutan sila sa tagpong 'di kagusto-gusto. Wala siyang nagawa nang bigla na lang siyang hablutin ni Aila at halikan. Sinubukan niya itong itulak pero niyakap siya nito nang mahigpit. At iyon ang nakita ni Demi.
Hindi siya papayag na magalit nang tuluyan sa kanya si Demi. Ni ayaw niyang makitang nasasaktan ito. Parang dinudurog ang puso niya nang makita ang kislap ng sakit sa mga mata nito. Alam niya kung ano ang naglalaro sa isipan nito... their rule. But it was never his intention to make her feel betrayed. Ang saktan si Demi ang huling bagay na gagawin niya sa buong-buhay niya. Hindi niya magagawang saktan ang pumapangalawa sa mommy niya na pinakamahalagang babae sa buhay niya. Kailangan niyang magpaliwanag.
"Manong, kayo na po ang bahala rito. Kailangan kong puntahan si Demi."
Tumango naman ito at mabilis na sumakay siya ng kanyang sasakyan at iisang direksyon ang tinahak niya.
MABIGAT ang mga paang naglakad si Demi sa loob ng kanilang bahay. Iginala niya ang paningin. Mukhang wala pa ang mama niya. Siguro ay nakipagkita ito sa mga customers nito.
Pabagsak na umupo siya sa mahabang sofa. Mabuti na lang at wala pa ang mama niya dahil sigurado siyang magtatanong ito kung bakit mugto ang mga mata niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. At parang patalim na muling bumaon sa kanyang dibdib ang tagpong iyon. Bumikig ang kanyang lalamunan sa paghihirap na nararamdaman.
"Demi..."
Maging ang masuyong tinig ni Akeem ay naririnig niya. Masokista na yata siya. Mapait siyang umiling.
"Demi... I'm so sorry."
Natigilan siya. Hindi siya maaaring magkamali. Boses ni Akeem ang naririnig niya. Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata. At doon ay nakita niya si Akeem na nakatayo 'di kalayuan sa kanya habang ang mga mata ay malamlam.
Right there and then she wanted to run and hugged him tightly. But she doesn't have the courage to do so. Muli niyang naalala ang tagpong nakita na nagpapahirap sa kanya. Lalo na ang pagsisinungaling ni Akeem sa kanya. Sa isiping iyon ay mabilis siyang tumayo at tinalukuran ito.
"Demi!" malakas na tawag nito sa kanya. "Demi makinig ka naman sa akin oh," nagmamakawa ang tinig nito at naramdaman niyang sinundan siya nito. "Demi please... huwag mo naman akong talikuran."
Marahas na humarap siya. Ngayon ay nasa harapan na niya ito. "You lied to me," nasasaktang sambit niya. At sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata.
"Demi..." nagkaroon ng kislap ang mga mata nito sa kanya.
"N-Nangako ka sa akin hindi ba?" garalgal ang tinig niya. "Ang sabi mo kung sinoman ang babaeng magugustuhan mo at liligawan ay ipapakilala mo sa akin at magiging ganoon rin ako sa'yo," nasasaktang patuloy niya. Kailangan na niyang masabi lahat ng kanyang hinanakit. "Pero ano?" napalakas ang boses niya. "Hayun ka at nakikipaghalikan sa babaeng iyon. Akeem hindi naman kita pipigilan eh. Kung... kung gusto mong lumayo ako para maging malaya kang gawin lahat ng gusto mo ay lalayo ako." Nabasag ang tinig niya sa paglalakas-loob na sabihin ang mga salitang iyon na dobleng sakit ang balik sa kanya. "Hindi mo na kailangan pang maglihim sa akin na may g-girlfriend ka na. H-Hahayaan na kita," nasasaktan ang kanyang puso habang sinasabi ang mga iyon. "P-Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasakit roon?" mapait niyang tanong. "Nagsinungaling ka sa akin. Na sa kabila ng lahat ng pangako natin sa isa't-isa ay nagawa mo pa ring magsinungaling sa akin."
Hindi niya kayang basahin ang kislap sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Isang bagay lang ang alam kong nagsinungaling ako sa'yo Demi," paanas na sambit nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Habang nakatingin siya sa mga mata nito ay biglang lumakas ang pintig ng kanyang puso. Napalunok siya ng mariin sa kakaibang tingin ng binata sa kanya.
"A-Anong sinasabi mo?" abot-abot ang kabang tanong niya.
"This!"
Hindi niya napaghandaan ang susunod nitong gagawin. Hinila nito ang kanyang kamay at kinabig siya. Natagpuan na lang niya ang sariling bihag ni Akeem ang labi niya. Nanigas siya sa kanyang kinalalagyan nang maglapat ang kanilang labi. Pero kusang pumikit ang kanyang mga mata habang ang mga kamay nito ay naglakbay sa baywang niya at hinapit pa siyang lalo.
Mabagal ang paraan ng paghalik ni Akeem sa kanya. Masuyo at parang naghahanap. Na inuuduyakan siyang tumugon. Ang lambot ng labi nito ay ramdam na ramdam niya na nagbibigay ng kakaibang init sa buong katawan niya. She almost lost her breath when she felt him nibbled her lower lip. She arched her back with that sweet tingling sensation across her spine.
Hindi na niya kayang pigilin pa ang nararandaman ng puso niya. Tinugon niya ang gusto ng puso. Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa balikat ng binata. Parang iyon lang ang hinihintay ni Akeem at hinapit pa siya nang tuluyan. Wala ng hangin ang makakadaan sa higpit ng kanilang yakap. Ibinuka niya ang bibig at naging masuyo ang bawat dampi ng labi ng binata sa kanya. Tumugon siya sa mabagal na paghalik. Hanggang sa naging mapaghanap at mabilis ang paraan ng bawat dampi ng labi nito sa kanya. Pero puno iyon ng pag-iingat. Na parang isa siyang babasaging kristal na pinakaiingat-ingatan nito.
She felt his hands caressing her back while kissing her passionately. Those little butterflies in her stomach are making her wanting more of his kiss. And he gave her the most wonderful kiss she had never taste. The fast beating of her heart is an evident that she's happy... kissing the man he loves.
"Hmmm..." it was him who uttered that moan.
Nang halos maubusan sila ng hininga ay saka lang sila humiwalay sa isa't-isa. Yumuko siya habang abot-abot ang bilis ng pintig ng kanyang puso. Nang mga sandaling iyon ay alam niyang hindi na niya kaya pang itago ang kanyang nararamdamang pagmamahal para kay Akeem.
Naramdaman niyang iniangat nito ang kanyang ulo. Namasa ang mga mata niya nang makita ang mapupungaw na mata ng binata. Nangingislap rin ang mga iyon at parang natunaw ang kanyang puso nang makita ang mga luhang masaganang naglandas sa pisngi nito.
"P-Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sa totoong nararamdaman ko para sa'yo," garalgal ang tinig na sambit nito at sinapo ang kanyang mukha. Ito na ba ang pagkakataong matagal na niyang hinihintay? "H-Hindi ko na kayang pigilin pa ang sarili ko," nahihirapan ang tinig nito. "M-Mahal kita Demi. Mahal na mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan kung hindi bilang ikaw. Mahal na mahal kita... noon pa."
At doon ay nakita niya ang kislap ng pagmamahal sa mga mata nito na para lang sa kanya. Napakatagal niyang hinintay na marinig ang mga salitang iyon mula rito. At ngayon ay narinig na niya ang mga salitang iyon mula kay Akeem. At doble-dobleng saya ang nararamdaman niya. Damang-dama niya ang pagmamahal ni Akeem para sa kanya. That was the sweetest lied he ever did... loving her.
Hindi na rin niya napigilan ang mga luha niya sa pagdaloy. Luha ng kaligayahan.
"A-Akeem..."
Ngumiti ito ng matamis sa kanya habang ang mga kamay ay maingat na humahaplos sa mukha niya.
"Bata pa lang tayo ay napakalaki na ng parte mo sa buhay ko," masuyong ngumiti ito. "Hanggang sa isang araw ay naramdaman ko na lang na mahal na pala kita Demi," ang kislap sa mga mata nito ay puno ng pagmamahal. "We we're fourteen when my heart started to beat strange for you. Then I realized I was in love with my bestfriend. I'm inlove with you," buong-suyong sambit nito. "Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero hindi ko kinaya dahil kung kailan ko pinipigilan ang sarili kong huwag kang mahalin ay saka naman kita lalong minamahal."
Napatamis ng mga salitang iyon.
"Hanggang sa nagdesisyon na lang ako na itago ang nararamdaman ko para sa'yo. Dahil natatakot ako," dumaan ang kakaibang takot sa mga mata nito. "Alam kong mali na mahalin kita dahil alam kong magkaibigan tayo. Ayokong masira ang pagkakaibigang inalagaan natin pareho. Pero ngayon..." lumipat ang mga kamay nito at masuyong hinawakan ang kanyang mga kamay. Tumingin ito ng tuwid sa kanyang mga mata. "Hindi ko na kayang magtago pa Demi," mariing sambit nito. "Parang sasabog na ang puso ko sa matinding pagmamahal ko para sa'yo," nangislap ang mga mata nito. "K-Kung... kung pagkatapos nito ay lalayuan mo ako. H-Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay," puno ng paghihirap ang mga mata nito at hinigpitan ang hawak sa kanyang mga kamay. Dama niya ang takot na mawala siya rito.
Binitawan niya ang mga kamay nito at kusang umangat ang mga kamay niya at hinawakan nang masuyo ang mukha nito. Ngumiti siya ng walang kasing-tamis.
"Sino'ng nagsabi sa'yong lalayuan ko ang lalaking mahal ko?" puno ng suyong sambit niya.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito sa kanyang sinabi. Pero kaagad na napalitan ng kislap ng pagmamahal ang mga mata.
"Mahal mo rin ako?" 'di makapaniwalang sambit nito.
Puno ng ngiting tumango siya. "Mahal na mahal rin kita Akeem," buong-pusong sambit niya.
Naramdaman na lang niyang kinabig siya at niyakap nang mahigpit. Marahang hinaplos nito ang kanyang buhok habang damang-dama niya ang kasiyahan nito.
Kumalas sila sa yakap na parehong may ngiti sa mga labi.
"Naunahan mo lang ako ng isang taon. Dahil minahal kita... when I was fifteen. Kagaya mo, natakot rin ako na sabihin sa'yo ang totoong nararamdaman ko. Kaya itinago ko na lang ito sa sarili ko. Pero ngayon habang sinasabi mo sa akin ang mga salitang napakatagal ko nang gustong marinig ay hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko," buong-suyong sambit niya. "Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na ito. Na mamahalin rin ako ng lalaking mahal ko."
Hinuli nito ang kanyang mga kamay at mariing pinisil ang mga iyon.
"Wala ring katumbas ang sayang nararamdaman ng puso ko Demi," nangingislap ang mga mata nito sa labis na saya.
"Habang ikaw ang kasama ko ay hindi ako matatakot kahit-kailan. At alam kong magiging masaya ako sa piling mo."
Advertisement
Aiming To Be The Best Magician In The World!
Vol 2 is where stuff will get serious.
8 325Khiral (A LitRPG Dungeon Adventure)
A slave wishing for freedom in a dungeon made to keep her oppressed. Verity Stonefist is a half-monster hybrid who will find herself escaping the only life she has ever known for one filled with danger and adventure. Her goal is to find any members of her tribe that may have survived the attack that caused her family to be sentenced to a life of slavery serving the human kingdom located in the depths of the Khiral dungeon system. She will have to fight her way up through dungeon after dungeon in the hopes of meeting one of her people. Alone she is just a girl, but together her people might be able to shake the very foundations of their world.
8 203The life of a Soldier
Raised by abnormal parents, he goes to join the army. However somethings seem to be out of place. Memories of people are fuzzy, things seem wrong. Making friends is easy in the army, what if they are not what they seem. Abilities that make you strong, can also make you reckless. this story is one of betrayels, twists, and confusion. The story is dark and some parts are brutal and gory to an extent which people might find off-putting.
8 178Blessed with a curse (BwC) [Tryout.]
The gods of the planet Gamma having endless time and nothing better to do then to argue among each other, thankfully they have found an mutual escape goat to vent their anger on,God of chaos and trickery, also the so called human god. The least powerful among them is being sent into exile by the other gods…And on the other hand we got a fat and lazy fella, Sam. Nearing his 30's. He isn't the most hard working person and tend to slip away from reality.How can this person come to be a key person to change the world of Gamma.Is it for the better or the worse? Only time can tell, and Sam will have a lot of it.…..A fantasy novel with some humor, gore, adventuring and romance and perhaps in a near future more mature content. My first Novel, so be kind. English ain't my native langue and I am happy to take critic if it helps improve my story.Read and enjoy!(Been put on hold or dispended. )
8 79His Unexpected Marriage
What happens when two opposites wake up to discover they're married?Kaycee has always tried to be the perfect daughter, sister and girlfriend. But her life falls apart when her stepsister steals her boyfriend and she realises she's never been able to compete.Jake has always been the ultimate playboy and has never obeyed a rule in his life but when his father sets him an ultimatum he knows he has to change his ways.It all changes when they wake up married!
8 191KA THINLUNG HMUTU SEASON 1 (Complete)
he story hi 2021 a Facebook Gayrobawm a ka ziah min tawn leh ka suangtuahna in kawp a ka ziah chhuah ani e..
8 90