《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 4

Advertisement

"ANO 'YANG dala mo?" usisa ni Demi sa hawak ni Akeem na isang paper bag habang naglalakad sila papunta sa car park.

Akmang kukunin niya iyon nang mabilis nitong iniiwas ang isang kamay.

"Hep! Bawal itong hawakan," pigil nito sa kanya.

Sumimangot siya. "Bakit ba ayaw mong ipakita? Ano ba'ng laman niyan? Saka para kanino ba 'yan?"

Nilingon siya nito at ngumiti. "Para sa'yo," masuyong sabi nito. Napangiti siya sa sinabi nitong iyon. "Pero ipapakita ko sa'yo pagsakay natin sa kotse mo."

Lalong umaliwalas ang kanyang ngiti. Na-excite tuloy siyang malaman ang laman no'n. Pinuntahan pa siya nito sa kanyang pinagtatrabahuan dahil may ibibigay raw ito sa kanya.

"Nasaan na ang susi ng kotse mo?" tanong nito nang nasa harap na sila ng kanyang sasakyan.

Nakangiting iniabot niya iyon rito. Company car ang ginagamit niyang sasakyan. Kahit marunong siyang mag-drive ay hindi siya pinayagan kahit-kailan ng binata na siya ang magmaneho ng kotse kapag magkasama sila. Napaka-gentleman talaga nito.

Ipinagbukas pa siya ng pinto sa passenger's seat bago umikot at pumunta sa driver's seat. May ngiti sa labing ikinabit niya ang kanyang seatbelt.

"Patingin na ako ng dala mo," kaagad na sabi niya nang makaupo ito.

"Alam mo ikaw, napakamainipin mo talaga," iiling-iling na sabi nito.

"Dali na," pamimilit niya. "Para sa akin naman 'yan 'di ba?"

"Okay! Heto na. Para sa'yo," nakangiti ito nang ibigay sa kanya ang paper bag.

Mabilis na binuksan niya ang laman no'n. At natunaw ang kanyang puso nang makita ang laman no'n. Hindi maalis-alis ang kanyang ngiti habang nakatingin roon.

"Chocolate cookies," puno ng ngiting sambit niya habang nakatingin sa mga iyon. Bigla tuloy siyang natakam na matikman ang mga iyon.

"Bata pa lang tayo ay paborito mo na ang chocolate cookies." Narinig niyang sabi ng binata. "Kapag malungkot ka o kaya ay masama ang loob, bibigyan lang kita ng mga iyan ay ngingiti ka na ulit. Alam ko na pagod ka sa trabaho kaya naisipan ko na igawa ka ng chocolate cookies. Matagal-tagal na rin mula noong huli kitang igawa ng mga iyan."

Napuno ng pagsuyo ang kanyang puso sa sinabi nito. Totoo ang sinabi nito. Iyon din ang peace offering nito sa kanya kapag nagkakatampuhan sila.

Umangat ang kanyang tingin rito. "Alam mo talaga kung ano ang makakapagpasaya sa akin," masuyong sambit niya.

"Pinaghirapan ko 'yang gawin para sa'yo. Alam mo naman na espesyal ka sa akin," nagkaroon ng kislap ang mga mata nito na nagpabilis ng pintig ng kanyang puso. "Kaya espesyal din ang cookies na 'yan na para lang sa'yo. Alam mo naman na ikaw ang dahilan kung bakit inaral kong mag-bake ng cookies. Gusto ko kasi na ako mismo ang gagawa ng mga iyan dahil paborito mo."

Nang sabihin nito sa kanya noon ang bagay na iyon at abot-abot ang sayang naramdaman niya. Hindi siya makapaniwala na gagawin nitong mag-aral mag-bake para lang sa kanya. Napakasaya ng pakiramdam niya.

"Hindi lang ang chocolate cookies mismo ang nakapagpapasaya sa akin kundi ang effort mo sa paggawa ng mga ito," masuyong sambit niya.

"Alam ko," nakangiting sabi nito. "Gustung-gusto kong binibigyan ka ng regalo o kahit ano'ng bagay. Dahil kahit maliit man o malaki iyon, nakikita ko kung gaano mo naa-appreciate ang mga ibinibigay ko."

"Kasi alam ko na galing iyon sa puso mo," masayang sambit niya. "Kagaya ng chocolate cookies na ito. Alam ko na ginawa mo ito na bukal sa loob mo at sobrang na-appreciate ko."

"Sapat na sa akin na makita kang masaya," puno ng ngiti ang mukahng sabi nito. "Ikaw pa lang ang pinagbigyan ko ng cookies at pinag-bake."

Advertisement

"Ako at ako lang ba ang bibigyan at gagawan mo ng cookies?" may ngiti sa labing tanong niya.

"Oo naman," mabilis nitong sagot. "Ikaw lang Demi." Naging seryoso ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Napupuno ng pagsuyo ang puso niya. Napakaswerte niya kung ganoon.

"Ang mabuti pa tikman na natin ang ginawa mong cookies," binuksan niya ang lalagyan at kumuha ng isa roon.

Pero natigilan siya ng kunin ni Akeem sa kanyang kamay ang isang cookie. Takang tiningnan niya ito. Nakangiti lang ito sa kanya.

"Say ah..." iniumang nito sa kanya ang cookie.

Tumalima siya at kumagat ng piraso ng cookie habang abot-abot ang bilis ng pintig ng kanyang puso. Hindi alam ng lalaking ito na sobra-sobra ang ginagawa nito para sa kanya.

"Alagang-alaga mo talaga ako Akeem," hindi niya napigilang sabihin. He's always there to take care of her.

"Siyempre naman!" masiglang tugon nito. "Ikaw ang bestfriend ko eh."

Tama ito, bestfriend siya. Pero sa likod ng salitang iyon ay parang sumisikip ang didbib niya. Dahil alam niyang mananatili siyang kaibigan lang sa paningin ng binata.

Tumingin siya nang mataman rito. Abot-abot ang bilis ng pintig ng kanyang puso.

"H-Higit pa sa pagkakaibigan ang turing ko sa'yo," mahinang sambit niya.

Nakita niyang natigilan ang binata sa kanyang sinabi. Lumunok siya ng mariin. Hindi niya alam kung kaya pa niyang pigilan ang sariling damdamin. Dahil kapag malapit lang si Akeem sa kanya ay parang sasabog na ang dibdib niya sa matinding emosyon.

"Demi..." kumikislap ang mga matang sambit nito sa pangalan niya. The way he called her name, it was full of care.

Kinalma niya ang sarili at pilit na ngumiti. "D-Dahil... dahil para na rin kitang kapatid," mabilis niyang sabi ng makabawi. Sinikap niya ang sariling itago ang malakas na damdamin sa kanyang puso. "You're the sweet, caring brother I've never had."

Tama ba ang nakita niyang sakit na dumaan sa mga mata ng binata sa kanyang sinabi? Hindi, nagkakamali lang siya.

Ngumiti ito at kumagat ng hawak na cookie. "Yeah... I'm your brother who will take care of you for the rest of my life," nakangiting sabi nito.

Huminga siya ng malalim. "Alam mo Akeem... napakaswerte ng babaeng magiging g-girlfriend mo." Pinilit niyang ngumiti kahit na parang may malaking patalim na sumasaksak sa dibdib niya.

"Talaga?" nakangiting tanong nito. "Magiging swerte ba talaga siya sa akin?" tumawa ito ng mahina.

"Oo naman," pinasigla niya ang tinig. "Kasi sigurado ako na aalagaan mo siya nang buong-buhay mo."

Akeem looked at her intently. Hindi niya kayang basahin ang kislap na nasa mga mata nito. Mariin siyang napalunok.

"Hindi ko lang siya aalagaan nang buong-buo. Kung hindi mamahalin habang-buhay," paanas na sambit nito na puno ng kislap ang mga mata.

Ang pait na naramdaman niya sa dibdib nang sabihin nito iyon ay walang katumbas. Parang sumikip ang kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga.

Kinalma niya ang sarili at pilit na ngumiti. Tumingin siya sa mga cookies na ginawa ni Akeem para sa kanya. Sana ay totoo ang sinabi nito na siya lang ang bibigyan nito ng mga iyon. Dahil hindi kakayanin ng puso niya na may ibang babaeng magiging espesyal sa buhay nito.

Kumuha siya ng isa at kumagat. Tumingin siya kay Akeem. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Ngumiti siya ng matamis at hindi ipinahalata ang tunay na nararamdaman.

"Tara na," masiglang sabi niya.

Tumango ito at pinaadar na ang makina ng sasakyan.

Hindi niya alam kung hanggang kailan niya itatago ang sikretong ito na para lang kay Akeem.

Advertisement

"ANO BA Akeem, huwag ka ngang magulo," saway ni Demi sa binata habang abala siya sa paghihiwa ng mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto ng sinigang sa loob ng kanilang bahay.

Linggo at wala siyang pasok. Hindi pa siya nakapag-resign sa trabaho dahil tinatapos pa niya ang mga nakabinbin niyang trabaho. Naghahanap rin siya ng tiyempo para sabihin iyon sa boss niya. Pero nakahanda na ang resignation letter niya at anomang sandali ay ibibigay na niya iyon rito.

"Tutulungan na kasi kitang maghanda ng niluluto mo," pamimilit nito at tumabi sa kanya.

Kanina pa siya nito kinukulit na tutulong ito sa ginagawa niya. Laking gulat niya nang mapagbuksan niya ito ng pinto. Niyaya siya nitong mamasyal sa mall. Pero nakapangako na siya sa mama niya na ipagluluto niya ito at sabay silang kakain.

Naisip na lang niyang imbitahin ito at makisalo sa kanila sa tanghalian. Pumayag naman ang binata. Magluluto siya ng sinigang. Paborito iyon ni Akeem. Sigurado siyang magiging masaya ang tanghalian nilang iyon. Matagal na ring hindi nakakapagkwentuhan ang mama niya at si Akeem.

"Huwag na, umupo ka na lang diyan oh," nginuso niya ang upuan. "O kaya doon ka muna sa sala at manood ng programs sa T.V."

"Ayoko nga," parang batang tanggi nito. "Marunong naman akong magluto kaya tutulungan na kita. Para naman hindi ka masyadong mapagod. Alam mo naman na ayokong napapagod ka."

Tumigil siya sa paghiwa at tumingin rito na nasa tabi niya. Kinindatan pa siya nito. Natawa siya sa ginawa nito.

"Dahil makulit ka. Sige, hayan maghiwa ka ng labanos," ibinigay niya rito ang labanos. Kumuha naman ito ng kutsilyo at nagsimulang maghiwa.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang marinig niya ang pagtawag ng mama niya.

"Demi anak!"

"Ma!" nag-angat siya ng tingin at natigilan siya nang makitang may hawak na bag ang mama niya at bihis na bihis. "Aalis ka ma?"

"I'm sorry anak pero hindi na ako makakasabay sa lunch niyo ni Akeem. Tumawag sa akin ang isang customer ko at kailangan naming magkita para maibigay ko ang mga orders niya. Dapat bukas pa lang ito pero kailangan na niya ang mga iyon ngayon. Alam mo naman na hindi ko pwedeng tanggihan, customer iyon."

Ngayon na nga lang sila magkakasamang kumain na nandoon si Akeem ay aalis naman ito. Pero wala naman siyang magagawa roon.

Ngumiti siya. "Naiintindihan ko po ma."

Ngumiti ito. "Salamat anak. Pasensya ka na ha."

"Opo, okay lang ma," pinasigla niya ang tinig.

Lumipat ang tingin nito kay Akeem. "Pasensya ka na rin Akeem, hijo."

"No problem tita," masiglang sabi ng binata. "Mag-iingat po kayo."

"Salamat, hijo. Bueno, mauuna na ako." Humalik ito sa pinsgi niya at nagpaalam rin kay Akeem bago ito tuluyang umalis.

Bumuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang ginagawang paghiwa ng kamatis.

"Huwag ka nang sumimangot riyan." Narinig niyang sabi ni Akeem.

Tumigil siya sa paghihiwa at tiningnan ito. Kumunot ang kanyang noo. "Hindi naman ako nakasimangot ha."

Tumawa ito. "Nakasimangot ka at nakakunot ang noo," tinuro pa siya nito. "Halika nga dito."

Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kutsilyong hawak niya at itinabi iyon. Hindi niya napaghandaan ang susunod nitong gagawin. Hinuli ang dalawang kamay niya at inakay siyang umupo. Umupo rin ito sa kaibayo habang hawak-hawak pa rin ang kanyang mga kamay.

Ramdam niya ang lambot ng kamay nito. Na nagbibigay sa kanya ng masuyong pakiramdam.

"Huwag ka nang malungkot. Nandito naman ako," masuyong sambit nito.

Tumingin siya rito. Puno ng ngiti ang mga mata nito sa kanya. Alam talaga ni Akeem kung ano ang nasa loob niya. At sa mga salitang iyon ay napupuno ng saya ang puso niya.

Huminga siya nang malalim. "Mabuti na lang at nandito ka." Kusang sumilay ang matamis niyang ngiti. "Kung hindi masasayang lang ang lulutuin ko dahil umalis si mama," nakalabing sabi niya.

"Shh... tama na. Huwag ka nang malungkot pa. Ano ba'ng gusto mong gawin ko para sumaya ka ulit?"

Umiling siya. "Wala."

"Ah alam ko na!" malakas na sabi nito. Napatingin siya rito nang tumayo ito. "You want me to dance?" tumaas-baba pa ang kilay nito.

Hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi nito. "Sasayaw ka? Hay naku Akeem, don't you dare," nanlalaking mga matang sabi niya.

Tinaasan siya nito ng kilay. "I dare you," mariing sabi pa nito. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Na dahilan para mapasinghap siya. Naamoy niya ang mabangong hininga nitong tumatama sa kanyang mukha. Ano ba'ng ginagawa ni Akeem, naliligalig ang katawan niya. "Watch me," mariin nitong sabi. "Watch me whip, watch me nae, nae."

Kahit anong pigil niya ay napahagalpak siya ng tawa nang sumaway ito ng 'nae, nae dance' Kahit na ang tigas-tigas ng katawan nito ay kuntodo pa ito sa pagsayaw habang kumakanta. Nawala na nang tuluyan ang lungkot niya at napalitan ng matunog na tawa sa pagsasayaw ni Akeem.

Maluha-luha na siya habang pinapanood ito.

"Akeem tama na please, parang poste ang katawan mo sa sobrang tigas," natatawang sabi niya.

Pero hindi pa rin ito nagpaawat sa pagsasayaw. Namumula na ang mukha nito dahil tumatawa rin ito sa sariling kalokohan. Tumigil lang ito nang mapagod. Muli itong umupo. Pinaghahampas niya ang braso nito sa sobrang tawa niya. Ang sakit na nang tiyan niya sa kakatawa.

"Ano? Ang galing kong sumayaw 'di ba?" nakangiting sabi nito.

"Ang tigas ng katawan mo," pasaring niya habang pinupunasan ang luha sa gilid ng mata dahil sa sobrang pagtawa.

Sumimangot ito at naramdaman niyang hinuli ang kanyang mga kamay. "Okay lang. Basta alam ko na napasaya kita at narinig ko ang tawa mo." Naging masuyo ang mga mata nito sa kanya.

May ngiti sa labing tumingin siya rito. "Alam na alam mo talaga kung paano ako aliwin at pasayahin."

Kaya hindi niya alam kung paano mabuhay kung wala si Akeem na tanging nagpapasaya sa kanya.

"Hindi ba sabi ko sa'yo na ayokong nalulungkot ka. Kaya hayan, napasayaw tuloy ako," tumawa ito at nagkamot ng batok. "Alam mo Demi, kahit naman wala ako rito basta tawagan mo lang ako ay pupuntahan kita kaagad," masiglang sabi nito. "Kung kailangan mo ng magpapasaya sa'yo, palagi akong nandito. Matitiis ko bang makita kang malungkot? Siyempre hindi!" Umangat ang isang kamay nito at pinisil ang ilong niya. Paborito talaga nitong gawin iyon sa kanya. "Hindi ko kayang makitang nalulungkot ang babaeng ito!" natatawang pinangigilan pa nito ang ilong niya.

Natawa siya sa sinabi nito. Hinuli niya ang kamay nito at pinisil iyon. Tuluyang nawala ang lungkot niya at napalitan ng saya dahil kay Akeem.

Napakasarap sa pandinig ng mga sinasabi nito. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. At parang may pakpak ang kanyang katawan at natagpuan na lang niya ang sariling niyakakap ang binata.

Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa balikat nito. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito. Pero mayamaya lang ay naramdaman niyang itinayo siya ng binata at malaya nilang niyakap ang isa't-isa. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas para gawin iyon. But one thing for sure, she likes the feeling of warmth in his embrace.

"Maraming salamat Akeem," buong-suyong sambit niya.

"You're always welcome Demi." Masuyo ang tinig nito habang ramdam niya ang kamay nito na humaplos sa kanyang buhok. Napapikit siya sa pagsuyong naramdaman. "Kahit ano'ng ginagawa ko, iiwan ko iyon para sa'yo." Nagmulat siya ng mga mata at naramdaman na bahagyang kumalas ito sa yakap. Nagtama ang kanilang mga mata. At doon ay nakita niya ang kakaibang pagsuyo sa mga mata nito na para lang sa kanya.

Muling naramdaman niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. "Talaga?" mahinang sambit niya.

Tumango ito habang ang mga mata ay nasa kanya. "Ganoon ka kahalaga sa akin," masuyong sambit nito. "Na kaya kong gawin ang lahat para sa'yo. Lalo na kung para iyon sa ikasasaya mo."

"Palagi akong masaya kapag ikaw ang kasama ko," puno ng suyong sambit niya.

"At lalong masaya ako kapag naririnig ko sa'yo iyan. Iyon naman ang mahalaga, ang maging masaya tayo pareho," naging paanas ang tinig nito. Lalong lumakas ang tambol ng dibdib niya. Ngumiti ito ng matamis at muli siyang kinabig at niyakap nang mahigpit.

    people are reading<The Present Series 5: If Only (COMPLETED)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click