《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 2
Advertisement
"SHE'S BEAUTIFUL. I mean, she's so attractive. Maputi siya, mahaba ang buhok at matangkad. Alam mo 'yung gusto ko... ganoon 'di ba? Madali akong ma-attract sa mga babaeng ganoon. Plus! Masarap siyang kausap. Very approachable siya. Ang dami nga naming napagkwentuhan."
Pinipigilan ni Demi ang sarili na ibuhos kay Akeem ang kapeng iniinom niya habang nasa loob sila ng coffee shop. Konting-konti na lang talaga at baka hindi na siya makapagpigil pa.
Kung i-describe nito ang babaeng sinasabi ay parang kilalang-kilala na nito iyon ng lubusan. Napakaganda pa ng ngiti ng bruho. Kung alam lang niya na ganoon ang sasabihin nito kaya niyaya siyang magkape ay hindi na sana siya sumama pa rito. Naiinis siya!
Sumimsim na lang siya ng double chocolate chip frappe with white mocha. Nalasahan niya ang tamis pero ang bitter ng pakiramdam niya.
"What do you think Demi? Should I court her?"
Nasamid siya sa sa kanyang iniinom at nagkanda-ubo sa narinig. Binitiwan niya ang iniinom sa mesa at hinawakan ang kanyang dibdib habang umuubo.
"Are you okay?" Ang nag-aalalang tinig ni Akeem ang narinig niya. Nakita niyang tumayo ito at naramdaman na lang niyang hinahagod nito ang kanyang likod.
Naramdaman niya ang pagsuyo sa mga kamay nitong humahagod sa kanyang likod. Naramdaman niya ang mabilis na pintig ng puso niya. Sinaway niya ang sarili sa damdaming iyon.
"Hindi kasi nagdadahan-dahan eh. Hayan tuloy," malambing ang tinig nitong nanenermon. His voice is soothing to her ears. Marahang humaplos pa ang kamay nito sa kanyang likod at hinawi ang mahabang buhok niya. Tumingin ito sa kanya. Napakasuyo ng mga mata nitong nangingislap sa kanya. Oh! She loves to stare at his beautiful eyes. "Okay ka na?"
Kinalma niya ang sarili at tumango. "Yeah... I'm okay," nakangiting sabi niya.
Bumalik na ito sa pwesto at muling umupo. Huminga siya ng malalim at tiningnan ito.
Tumingin rin ito sa kanya ng mataman. "Ano sa tingin mo?"
Kumunot ang kanyang noo. Alam niya ang tinutukoy nito. "Ano sa tingin ko?" kunwari ay hindi niya nakuha ang sinasabi nito.
Nagkamot ito ng batok. Palagi nitong ginagawa iyon kapag naiinis ito. "Hindi ka naman nakikinig sa akin Demi," inis na sabi nito.
"Teka... ano ba'ng sinasabi mo riyan?" pagmamaang-maangan niya.
"It's about the girl I'm talking to you," mariin nitong sabi.
Bumalik na naman ang inis niya. "Okay! You want to know my opinion about this girl you've just met?" mariin niyang sabi. "Here me out! Una sa lahat, ilang beses mo pa lang nakilala ang babaeng iyon. Nagpagawa lang siya ng sirang sasakyan sa talyer mo. Pangalawa," iminwestra pa niya ang daliri. "Hindi mo pa siya kilala ng lubusan. At pangatlo," pinakadiin niya ang mga salita. "Ayoko sa kanya."
"What?" bulalas nito na hindi makapaniwala ang mukha.
Sumandal siya sa upuan. "Narinig mo ang sinabi ko. Ayoko sa kanya."
"Pero hindi mo pa man siya nakikita at nakikilala," hirit pa nito.
"Alam mo ikaw Akeem," tinuro niya ito. "Hindi mo na ba naaalala ang kaisa-isang babaeng niligawan mo noong college tayo?"
Nakita niyang kumunot ang noo nito at biglang napaisip ang hitsura.
"Ganyan na ganyan din ang deskripsyon mo sa akin noon. Maputi, mahabang-buhok, matangkad at masarap kausap. Ilang araw mo lang nakilala tapos niligawan mo. Naging kayo, tapos ano? Iniwanan ka," mariin niyang sabi. "Ipinagpalit ka sa iba. Ano na nga ba ang pangalan ng bruhang babaeng iyon?" kunot ang kanyang noong nag-isip.
Advertisement
"Pwede ba, huwag mo nang ipaalala pa iyon," masungit na sabi nito na hindi maipinta ang mukha.
Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Unang girlfriend nito ang babaeng iyon na sikat sa kanilang campus at maraming nagkakagusto. Marami din naman ang nagkakagusto kay Akeem dahil napakagwapo ng kaibigan niya. He's a gentleman and oozing with sex appeal. Ang malapad na dibdib nito ay paborito niyang sandalan kapag nalulungkot siya. She likes to pinch his cute pointed nose. His natural red full lips is so sexy. At ang mas lalong nagustuhan niya ay ang itim at bilugin nitong mga mata. Na kapag tumitingin sa kanya ay napakasarap sa pakiramdam.
Kung alam lang nito kung ano ang naramdaman niya nang magkaroon ito girlfriend. Dumistansya siya kay Akeem dahil alam niyang sa ibang tao na umiikot ang mundo nito. Nasaktan siya noon pero hindi niya ipinaramdam sa binata. Bagkus ay ipinakita niyang masaya siya dahil masaya ito sa tabi ng girlfriend.
Kaya naman nasaktan rin siya ng malamang niloko ito ng babaeng iyon. May iba pa lang boyfriend ang babae bukod sa kaibigan niya. Nasaktan si Akeem dahil roon. Kaya naman gustung-gusto niyang sugurin ang babaeng iyon dahil sa panloloko sa bestfriend niya. But Akeem just hugged her tightly that time. Sinabi nito na nasaktan lang ang ego nito at hindi ang puso. Natuwa naman siya dahil roon.
"Ayoko na kasing mangyari pa iyon ulit," seyosong sabi niya. "Ayoko nang masaktan ka. Lalong ayoko na saktan ka nila."
Pero ang totoo ay natatakot siya. Ayaw na niyang mangyari ulit ang araw na kailangan niyang lumayo kay Akeem dahil hindi na siya ang prayoridad nito. Dahil may iba ng babae sa buhay nito. At hindi na siya iyon.
Ngumiti ito ng matamis sa kanya. Iyon ang pinakamagandang ngiting nakita niya.
Naramdaman niyang ipinatong nito ang kamay sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa.
"Ako dapat ang nagsasabi niyan sa'yo. Hindi ako papayag na masaktan ka at saktan nila," mariin pero puno ng pagsuyo ang tinig nito. "Walang pwedeng manakit sa'yo. Dahil nangako ako sa sarili ko na 'di baleng ako ang masaktan... huwag lang ikaw Demi."
Dama niya ang sinseridad nito. "Ginawa mo iyon Akeem. Mula pagkabata natin ay inalagaan mo ako at palagi akong ligtas dahil alam ko na nandiyan ka. Gusto ko ring maramdaman mo na nandito ako para sa'yo. Ayokong dumating ulit ang araw na lalapit ka sa akin at makikita kong nasasaktan ka. Baka hindi ako makapagpigil at masugod ko ang nanakit sa'yo," matapang na sabi niya.
Susuklian niya ang pag-aalaga nito sa kanya. Ipaglalaban rin niya ito sa mananakit rito.
"Hindi na uli mangyayari iyon," masuyong sambit nito. "Darating din naman ang para sa akin sa tamang panahon," nangingiting sabi nito.
Hindi niya alam kung kakayanin niya kapag dumating na ang panahong sinasabi nito.
"Kapag kasama kita... nagiging kuntento na ako. Na hindi ko na kailagan pang maghanap ng iba."
Binundol ng malakas na pintig ang puso niya sa sinabi nito. Iyon lang naman ang gusto niya... ang siya lang sa buhay nito.
"Akeem..."
"Kasi mahalaga ka sa akin," masuyong sambit nito. "Dahil ikaw ang nag-iisang girl friend ko," naging seryoso ang mukha nito.
Lalong lumakas ang pintig ng kanyang dibdib. "G-Girlfriend?" nauutal na ulit niya.
Tumango ito. "Oo, girl friend. Babaeng kaibigan."
Nakuha naman niya ang sinabi nito. Akala naman niya...
"Dahil napakaswerte ko at meron isang Demi sa buhay ko." Patuloy nito na halata ang saya sa mukha. "Hindi ko na nga yata alam kung paano mabuhay kapag wala ka."
Advertisement
Ganoon din siya. Mula pagkabata ay si Akeem ang kasa-kasama niya. Kasama sa saya at lungkot sa buhay niya. Kaya hindi niya makakaya kung mawala ito sa kanya.
"Nasanay na rin ako na nariyan ka sa tabi ko. Kaya huwag kang mawawala sa akin ha?" may takot ang kanyang tinig nang sabihin iyon.
Naramdaman niyang masuyong pinisil nito ang kanyang kamay.
"Sino'ng nagsabing mawawala ako sa'yo?" mariing tanong nito. "Dito lang ako... at dito ka rin sa tabi ko. Dito ako sa babaeng alam kong hindi ako iiwan. Na hindi ako ipagpapalit sa kahit ano pa man." Tumingin ito ng tuwid sa kanyang mga mata. Ang puso niya ay naging triple na yata ang pagtibok sa kakaibang tingin ni Akeem. "Dito ako sa tabi mo Demi."
"Nandito lang din ako para sa'yo," masuyong tugon niya.
"KUMUSTA naman ang talyer mo hijo?"
Binitawan ni Akeem ang hawak na kubyertos at pinunasan ang bibig bago hinarap ang kanyang Daddy Ricardo. Kasalukuyan silang nag-aalmusal sa kanilang mansion.
"Maayos naman po dad," nakangiting sagot niya. "Malakas naman ang kita."
Tumango-tango ito. "That's good. You really know how to handle your business."
"Yes dad, kasi gusto kong palaguin pa ang talyer."
"Pwede mo namang gawin iyon noon pa man kung pumayag ka sa tulong na iniaalok sa'yo ng mommy mo."
Ngumiti siya. "Dad, hindi po mababago ang desisyon ko pagdating sa bagay na iyan."
Ilang beses na siyang in-o-offer-an ng mommy niya na pahihiramin siya ng kapital para palakihin ang talyer. At kung gusto niya ay ipagtatayo siya nito ng isang auto company na pangarap niya. Kayang-kaya siyang tulungan ng mommy niya pero palagi siyang tumatanggi. Sapat na sa kanya na pinahiram siya nito ng puhunan para maipatayo ang talyer.
Ang dahilan ay gusto niyang manggaling mismo sa kanyang paghihirap, pagod at pawis ang perang gagamitin niya sa pagpapatayo ng pangarap niyang negosyo, ang auto company. Gusto niyang maabot ang pangarap sa sariling pagsisikap. Nang walang kahit tulong ng iba. Iyon ang kanyang paninindigan.
"Well, I always respect your decision, son," sabi ng daddy niya. "I'm always here to support you... me and your mom."
Napangiti siya sa sinabi nito. Mayaman ang kanyang pamilya. Her mother owns Universal Perfumes Corporation, one of the makers of leading perfumes in the country. Nage-export rin ito sa iba't-ibang bansa. Minana pa nito ang kumpanya sa kanilang angkan. Kaya naman palaging abala ang mommy niya dahil pinagbubuti nito ang pamamalakad sa kumpanya.
Ang daddy naman niya ay abala rin sa pag-aasikaso sa franchising fast food chain business nito. May kanya-kanya silang negosyo. They are really a family of business minded persons.
Nag-iisang anak siya at kung gugustuhin lang niya ay makukuha niya ang lahat ng gusto. Pero pinalaki siya ng mga magulang na pahalagaan ang mga bagay na meron siya. Kaya naman gusto niyang magsumikap rin para maging proud sa kanya ang mga magulang.
Kahit na gusto ng mommy niya na siya ang magmana ng kumpanya nito pagka-graduate niya ay nirespeto nito ang desisyon niya. Gusto niyang magkaroon ng sariling negosyo. Gusto niyang matupad ang pangarap. At nagpapasalamat siyang naiintindihan siya ng kanyang magulang.
"Maraming salamat dad," nakangiting tugon niya. "I will make you proud... that's a promise."
"Ngayon pa lang ay proud na ako sa'yo anak. Humahanga ako sa'yo dahil riyan sa prinsipyo mo." Bakas sa mukha nito ang paghanga. "Alam ko na darating ang araw at matutupad mo rin ang pangarap mo."
"Wala namang imposible kung gugustuhin dad," masayang tugon niya.
Nasa ganoon silang pag-uusap nang marinig ang papalapit na yabag sa dining area.
"Good morning boys!" masiglang bati ng mommy Agatha niya at lumapit sa kanila.
"Good morning mom," ganting bati niya.
Tumayo siya at humalik sa pisngi nito. Pagkatapos ay lumapit naman ito sa daddy niya at humalik rin sa pisngi.
Nakabihis na ito at handang-handa na sa pagpasok sa opisina. His mom is still beautiful despite her age. She is still sophisticated in her own fashion.
Pinaghila niya ito ng upuan. "Kain ka na mom," masiglang sabi niya.
"No, don't bother anak," pigil nito sa kanya. "May appointment pa ako at sa opisina na lang ako kakain. I have to go. Ingat kayong dalawa. 'Bye!" Nagpaalam na ito sa kanila at lumabas ng bahay.
Ipinatong niya ang mga kamay sa sandalan ng upuan habang nakatayo. Lumipat ang kanyang tingin sa daddy niya.
Nakita niya ang pagbuntong-hininga nito. "Your mom is always busy. Wala na nga siyang panahon para sa atin. Kahit sa simpleng almusal ay hindi pa niya tayo masamahan." May pait sa tinig na sabi pa nito.
Ramdam niya iyon. Alam niyang malaki ang responsibilidad ng mommy niya sa kumpanya. Lumalawak ang negosyo nito at kasabay rin no'n ay mas lalong nawawalan ito ng panahon sa kanila. Iniintindi na lang niya ang sitwasyon nito. Kahit na nakakaramdam rin siya ng pagtatampo rito kagaya ng nararamdaman ng daddy niya.
"Intindihin na lang natin si mommy, dad," nakangiting sabi niya. "Masyado lang marami at malaki ang trabahong nakaatang sa balikat niya."
"Pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon anak," nagkaroon ng lungkot ang tinig nito. "Abala rin naman ako sa negosyo ko pero sinisiguro ko na kahit paminsan-minsan ay nakakausap kita at nakakamusta."
Ngumiti siya. "Naiintindihan ko naman kayo ni mommy, dad. Alam ko naman na ginagawa niyo ito para sa pamilya natin."
Sanay naman siya mula noon na kapag umuuwi siya sa mansion ay katahimikan ang sasalubong sa kanya. Sa laki ng kanilang bahay ay minsan na nga lang sila nagkikita-kita. Tama ang daddy niya na paminsan-minsan ay nakakasabay niya ito sa pagkain at kukumustahin siya. Ang mommy naman niya ay mas lalong naging abala sa negosyo kaya 'di sila masyadong nakakapag-usap. At mas madalas na mag-isa lang siyang kumakain sa umaga. Kahit sa gabi ay 'di niya alam kung anong oras dumarating ang mga magulang.
Nagtatampo man siya at pilit niyang iniintindi ang sitwasyon. Ang mahalaga ay ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang magulang para sa kanya. Mahal na mahal rin niya ang mga ito. At hindi ipagpapalit ang pamilya kahit sa ano pa man.
At lingid sa kaalaman ng mga magulang ay alam niya na iyon ang madalas na pagtalunan ng mga ito. Sa gabi ay naririnig niyang nagtatalo ang kanyang mga magulang dahil sa kawalan ng oras ng mommy niya sa kanila. Alam niyang maayos din naman iyon. Sa tulong ng tamang pang-unawa.
"Ewan ko ba sa mommy mo." Kumunot ang noo nito. "Pakiramdam ko masyado na siyang malayo sa atin ngayon."
Nakaramdam siya ng kaba sa sinabi nito. "Dad, huwag mong sabihin 'yan,
mariin niyang sabi.
Tumingin ito sa kanya at nagbuga ng hangin. "Huwag mo akong pansinin anak, masasanay din siguro ako."
Alam niyang maayos din ang anomang problema nila.
Advertisement
- In Serial6 Chapters
Re: Rise of a Side Character
Narutoverse Fanfic Usual Rencarnation Game interface Good grammar Good plot Good MC Good time killer Read bruh Sex maybe, violence yes, swearing yes.
8 138 - In Serial94 Chapters
Wet world wonderland.
A young girl of 16 years dies by drowning, and is reincarnated as a living Puddle of Water.Through many fantastical fun filled and wacky adventures our Protagonist will lead a better life than her last.Thank you for your time. Something I want to add, is that this story is written in first person, and I plan to carry on with it for a LONG time.-(Maybe thousands of chapters in size, until the story literally runs out of any potential to keep going.) So yes, there's still a lot of mystery and build up I have planned for future adventures. Wet World Wonderland is a story primarily concerned with the depth and complexity of its world and characters. So forgive me if something seems off, or isn't made immediately clear. I would love to talk, but try and consider that I might have something planned.(Not that you can't still criticize, of course. If you've got an opinion on something, I'd love to hear it.) If you plan on rating WWW, please read until chapter 20. WWW isn't the kind of story you can start judging from the first five chapters. Although, I admit I'm not so sure if 20 chapters in is good enough to judge it either, but I would still advise reading to at least that point. Also, if you have a problem with something in the story, please PM me, and I would love to talk about it. As of 1/19/2021 I have just added WWW's (Wet World Wonderland's) New Cover-Art. I know it's a bit weird, and probably sudden. And with all things considered, it may never make sense. But canonically with lore and info that has, or will be revealed in coming chapters, you might be able to put something together. Anyways, I hope you like it. Also, new symbol, at the top left of the image, hope you all like that too.As of 5/16/2022 the revised cover art for WWW has been uploaded, same as before with the first cover art. I hope you like it. Cover Art Credit goes to Itreallyisyaboi. They're on Instragram.
8 132 - In Serial7 Chapters
Samayō senshi
Story revolves around Lou a normal guy who lost everything and because of that he chooses to take everything with the hatred he has, his special body, the stone of konton and his determination.
8 203 - In Serial61 Chapters
Pride and Prejudice (1813)
The story follows the main character Elizabeth Bennet as she deals with issues of manners, upbringing, morality, education, and marriage in the society of the landed gentry of early 19th-century England. Elizabeth is the second of five daughters of a country gentleman living near the fictional town of Meryton in Hertfordshire, near London.
8 175 - In Serial6 Chapters
One more message
Неизвестный: Привет Эль. Прости меня, повел себя как идиот. Не надо было мне тогда сосаться с Майклом. Софи: Чувак я конечно не Эль, но сосаться с парнем, если ты парень это уже слишком! Она - девушка с непонимающими родителями и старшим братом. Она - открылась миру благодаря ему.Он - её кумир. Он - человек который поможет ей. Он - однажды ошибся номером и поменял её жизнь. Он - Люк Роберт ХеммингсОна- София Элизабет АдамсонВсего одно сообщение и так много изменений в жизни.Если я хоть немного вас заинтересовала, то страницы моего фанфика открыты для вас.
8 209 - In Serial15 Chapters
charlie - corbyn besson
"there's one thing that might ruin this.""what?" "i want you to be her mom, but i also want you to be my girl."to my favorite corbyn besson fan, i hope you enjoy.*COMPLETED 1/26/20*
8 183

