《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 1
Advertisement
MAY ngiti sa mga labing sumakay si Akeem sa kanyang itim na Jaguar. Ibinenta lang iyon sa kanya ng isang kaibigan. May kaunting sira noon ang makina at medyo luma na ang pintura. Pero dahil sa galing niyang magbutingting ng iba't-ibang klase ng mga sasakyan ay nagmukha iyong bago.
Ginawa na nga niyang negosyo ang pagkahilig sa mga sasakyan. Nagmamay-ari siya ng isang talyer na nakapwesto sa gilid ng kalsada, ang AC Auto Parts and Repair. Marami siyang naging mga customers at ang iba ay bumabalik dahil na rin sa magandang serbisyo nila. Personal niyang pinamamahalaan ang negosyo. At ang kanyang pangarap ay maging auto company ang talyer niya. Siya na ang pinakamasayang tao sa mundo kapag naging sasakyan na ang mga ibinebenta niya.
In-start niya ang makina ng kotse at pinaharurot ang sasakyan. Maganda pa rin ang tunog at takbo ng kanyang kotse. Isang direksyon ang tinahak niya, ang Laranza Auto Group kung saan nagtatrabaho ang pinakamatalik niyang kaibigan.
Ilang sandali lang ay nasa tapat na siya ng nasabing kumpanya. Pero nawala ang matamis na ngiti niya nang makita ang babaeng nakatayo sa bandang pintuan at may kasamang lalaki. Nakita pa niyang humalik sa pisngi ang lalaki kay Demi, ang bestfriend niya. Biglang nag-init ang ulo niya sa nakita.
Ngingiti-ngiti pa si Demi na lalong nagpainis sa kanya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis, gwapo ang lalaki at halatang edukado. Ngayon lang niya ito nakita. Kilala niya sa mukha ang lahat ng malalapit kay Demi sa trabaho dahil palagi itong nagkukwento sa kanya at ipinapakita ang pictures ng mga kasamahan nito.
Umalis na ang lalaki at sinundan pa ito ng tingin ni Demi hanggang sa makasakay ito sa kotse. Bumusina siya para ipaalam ang presensya niya. Nakita naman niyang lumingon ang dalaga.
She smiled and walked towards his car. Narinig niya ang pagkatok sa bintana.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat pero nakangiting tanong nito nang ibaba niya ang bintana. Halatang masaya ito. Naiinis naman siya dahil roon.
"Obvious ba? 'Edi sinusundo kita," hindi na niya naitago ang inis sa tinig.
Kumurap-kurap ito. God, her eyes are sparkling innocently. Napahigpit ang hawak niya sa manibela.
Tumawa ito, "Bakit parang masama sa loob mong sunduin ako?"
Sumimangot siya. Iiling-iling ito at umalis sa harapan niya. Nakita niyang umikot ito at binuksan ang pintuan ng passenger's seat at sumakay roon.
Dinutdot nito ang tagiliran niya. Napaliyad siya dahil malakas ang kiliti niya roon.
Tiningnan niya ito ng masama. "Stop it Demi," mariing saway niya.
Umaliwalas lang ang ngiti nito at sinundot uli ang tagiliran niya. Pinigilan niya ang kamay nito at hinawakan.
"Ano ba! Tama na!" saway niya.
Tumigil naman ito at tumawa. "Bakit ba sambakol 'yang mukha mo Akeem?"
"Wala," masungit niyang sagot.
Pinakatitigan siya nito. "Ano'ng wala? Tingnan mo nga 'yang mukha mo," hinawakan pa nito ang pisngi niya at kinurot. "Lukot na lukot ang mukha mo."
Alam niyang hindi siya nito titigilan hangga't hindi siya nagsasalita.
Hinuli niya ang kamay nito at hinawakan nang mahigpit. Kapag gagawin niya iyon ay nararamdaman niya ang mainit na paghaplos sa dibdib niya.
He looked at her. Sumeryoso naman ito. "Sino 'yung lalaking kasama mo kanina?"
Kunwari ay nag-isip ito. "Si Tristan!" nakangiting bulalas nito. Dahan-dahang binitawan niya ang kamay nito dahil sa matamis na ngiti nang banggitin ang pangalan ng lalaki. "Nakilala ko siya nang minsang bumisita ako sa isang auto branch ng kumpanya sa Bataan. May inasikaso lang siya dito at nagkataong nagkita kami. Hayun, nagpaalam na siya na mauuna dahil may imi-meet pa siyang kliyente," tumatangong paliwanag nito.
Advertisement
Marketing professional si Demi sa kumpanya. Bagay na bagay rito ang trabaho dahil magaling ito pagdating sa sales talk. Palagi nitong ipinapakita sa kanya ang mga achievement awards nito sa kumpanya. Mahusay talaga itong magbenta ng mga sasakyan.
Mahilig siya sa mga sasakyan at ito naman ay nagbebenta ng mga sasakyan. Kaya sila lalong nagkakasundo ng kaibigan.
"Nagpaalam lang pala pero bakit may pahalik-halik pa siya sa pisngi na nalalaman?" Hindi na niya napigilan ang pinagpuputok ng butse.
"Hayun lumabas din ang totoo!" malakas na bulalas nito. "Nagseselos ang bestfriend ko," tumatangong sabi nito at tumaas-baba pa ang kilay.
He was caught off guard. He was really damn jealous. "Hindi ako nagseselos," pagkakaila niya. "Ngayon ko lang kasi nakita ang lalaking iyon. At masama bang mag-alala sa bestfriend ko? Siyempre kailangan kong kilatising mabuti ang mga lalaking nagkakagusto sa'yo."
"Alam ko iyon Akeem," nakangiting sabi nito. "That's our rule, 'di ba?"
Tumango siya. Meron silang rule na kailangang ipakilala muna nito sa kanya ang sinomang manliligaw nito at kikilatisin niyang mabuti. Ganoon din siya... kailangan niyang ipakilala kay Demi ang babaeng magugustuhan niya. Pero lahat naman ng nagtatangkang manligaw sa dalaga mula nang high school sila ay hinaharangan niya kaagad.
Sino nga ba ang hindi magkakagusto kay Demi? She's really beautiful. She's tall and her body shape is perfect for a beauty queen. She has straight long hair that he loves to touch. Her pointy nose is so adorable. Na paborito niyang pisilin kapag nangungulit ito. Her bow-shaped lips is so sexy. And he loves her deep set eyes that always smiles whenever she's looking at him.
Magkababata sila ni Demi. Magkapitbahay sila noon sa isang exclusive subdivision na naging dahilan kung bakit naging malapit sa isa't-isa ang kanilang mga magulang. Palagi silang magkasamang naglalaro. Magkaklase mula elementary hanggang sa college. Iisang kurso ang kanilang tinapos, ang Business Administration.
Kaya napakatibay ng kanilang pagsasamahan. Hanggang sa kanilang pagtanda ay dadalhin nila ang pagkakaibigan. Kahit na lumipat na sila ng tirahan ng kanyang mga magulang mula nang tumuntong siya sa kolehiyo ay hindi nawala ang kanilang samahan. Nakatira siya ngayon kasama ang kanyang magulang sa isa ring exclusive subdivision malapit sa kumpanya ng kanyang mommy.
They are both twenty-five years old. And they treat each other as best of friends. Magkasundong-magkasundo sila at pareho silang nag-iisang anak. Nangako siya sa kanyang sarili na aalagaan at poprotektahan niya si Demi. Hindi siya papayag na masaktan ito o may manakit rito. Pero ang totoo ay palagi siyang nagseselos kapag may kasamang ibang lalaki si Demi. Gusto niya na siya lang. Kung kinakailangang bakuran niya ang kaibigan ay gagawin niya. Pero lahat ng iyon sa kanyang sarili ay mga sikreto.
"Kaya ikaw," tinuro niya ang dalaga. "Miss Demi Robles. Huwag kang magkakamali na hindi ipaalam sa akin kung sino ang nanliligaw sa'yo," mariin niyang sabi.
"Sus! Wala ka namang nagustuhan sa mga nanligaw sa akin noon. Paano ay tinatakot mo silang lahat Mister Akeem Claveria," nakangusong sabi nito.
Natawa siya dahil totoo ang sinabi nito. "Aba! Ano'ng magagawa ko eh mga duwag silang lahat. Pinatunayan lang nila na hindi sila karapat-dapat sa'yo."
Sinisindak niya ang mga manliligaw nito. Natatakot ang mga ito sa kanya at kusang nilalayuan si Demi.
Advertisement
Sinisiguro lang niya na mapupunta si Demi sa tamang lalaki. Ayaw niyang masaktan ang matalik na kaibigan. Kung dadaan sila sa puntong magmamahal ito ng isang lalaki... ay kusang bibitawan niya si Demi kung iyon ang makakapagpasaya rito. Pero parang pinagpira-piraso ang puso niya sa isiping iyon. Dahil gusto niyang siya lang ang ang nag-iisang lalaki sa buhay nito.
"Kunsabagay... wala naman akong nagustuhan sa mga nanligaw sa akin."
Tiningnan niya ito. Masaya siya sa sinabi nito. "Ang mabuti pa ay kumain na tayo at sigurado akong gutom ka na," pinasigla niya ang tinig.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Napakaganda talaga ng ngiti nito na aabot sa mga mata. "Kaya ka ba nandito para..."
"Para yayain kang mag-lunch. Alam ko kasi na pagod ka sa trabaho at ako ang gusto mong kasamang kumain," natatawang kinindatan pa niya ito.
Tumawa ito at hindi niya inaasahan ang susunod nitong gagawin. Naramdaman na lang niyang niyakap siya ni Demi. Natigilan siya sa ginawa nito. Kapag yayakapin siya nito ay napupuno ng pagsuyo ang puso niya.
"Thank you Akeem. You're the best bestfriend in the world," masayang sambit nito.
Tumugon siya sa yakap. Kuntento na siya sa yakap na iyon na parang tinutunaw ang kanyang puso.
"ANG BANGO-BANGO naman ng niluluto ng anak ko."
Napalingon si Demi sa kanyang likuran nang marinig ang boses ng kanyang Mama Helga.
"Ma!" masayang bulalas niya habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa. Nilapitan niya ito at humalik sa pisngi. "Tamang-tama ang dating niyo... handa na ang hapunan."
"Bigla tuloy akong nagutom. Nasa sala pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang sarap ng niluluto mo anak." Nakangiting sabi nito habang umuupo.
"Nagluto talaga ako para sa'yo ma. Tuwing Linggo ko lang naman ito nagagawa dahil wala akong pasok sa trabaho."
Naging kasanayan na niya na pagsilbihan ito kapag wala siyang pasok.
"Ikaw talagang bata ka, hindi mo naman kailangang gawin ito. Ikaw dapat ang nagpapahinga dahil alam kong pagod ka sa trabaho," naging malamlam ang mga mata nito.
Umupo siya sa kaibayo. "Ma, hayaan mo na ako. Ito lang naman ang alam kong gawin para magpasalamat sa inyo."
Naramdaman niya ang pagpatong nito ng kamay sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa.
"Napakabait mo talaga Demi," masuyong sambit nito. "Nagpapasalamat ako at nagkaroon ako ng anak na katulad mo. Mabait at mapagmahal."
"Nagpapasalamat din po ako na kayo ang naging mama ko," masayang tugon niya. "At ipinaramdam niyo sa akin ang sobra-sobrang pagmamahal."
She was twelve when her father died of lung cancer. From then, she was raised alone by her mother. Sobrang sakit sa kanya ang mawala ang papa niya. Lalo na at nakita niya kung paano ito nahirapan sa pakikipaglaban sa sakit. Wala silang magawa kundi ang damayan ito at mahalin.
Pero dumating ang araw na iniwan rin sila ng kanyang papa. Saksi siya kung paano nasaktan ang mama niya dahil lakas nito ang papa niya. Halos ma-depress ito. Pero sa kanyang batang edad ay ipinaramdam niya sa mama niya na naroon pa siya at hinding-hindi ito iiwan. Sabay silang bumangon sa pinakamalaking pagsubok sa kanilang buhay. Nagpapasalamat rin siya dahil naroon si Akeem at ang pamilya nito para tulungan sila. Napangiti siya ng lihim pagkaalala sa binata.
Naging maayos ang kanilang buhay. Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa tulong na rin ng educational plan ng papa niya para sa kanya at ang mga naiwang ari-arian nito. May online business ang mama niya at nagbebenta ng mga bags at sapatos.
Sinuportahan naman niya ang mama niya dahil gustung-gusto nito ang ginagawa. Kagaya ng araw na iyon ay nakipag-meet ito sa isang customer. Kung minsan ay siya na ang nagpi-prisintang magpadala ng mga orders sa malalayong lugar o kaya ay nakikipagkita sa mga customers nito para huwag na itong mapagod.
May maayos rin siyang trabaho sa Laranza Auto Group. Kahit nakaka-pressure ang trabaho niya dahil kailangan niyang maka-quota sa mga kotseng ibinebenta niya ay nagagawa naman niya ng maayos ang trabaho. Hindi nga siya nawawala sa mga nasa top five best marketing professionals sa kanilang kumpanya sa loob ng halos limang taong pagtatrabaho niya sa kumpanya. Pagka-graduate niya ay doon na rin siya nagtrabaho. Maraming nagsasabi na malakas raw ang kanyang charisma at magaling sa sales talk kaya nakakarami siya ng benta ng sasakyan.
Ganoon din ang mama niya, magaling din itong magbenta ng mga bags at sapatos. Dito nga niya namana ang galing niya sa sales talk.
"Mahal na mahal kita Demi, palagi mo 'yang tatandaan," masuyong sambit ng ina.
Gumanti siya ng pisil sa kamay nito. "Mahal na mahal din kita ma. At ikaw ang pinakaperpektong nanay para sa akin."
Nakita niyang lumamlam ang mga mata nito sa kanyang sinabi. Pero saglit lang iyon at biglang nagliwanag ang mukha. Siguro ay naalala nito ang papa niya.
"At ikaw ang pinakaperpektong anak, Demi," masayang ganti nito. "Sa sobrang bait ng anak ko palagi kitang ipinagmamalaki sa mga kaibigan at kakilala ko," proud pang sabi nito.
"Kanino pa ba ako magmamana kundi sa'yo ma," masayang tugon niya.
Ngumiti ito ng matamis. "Ang mabuti pa kumain na tayo anak. Tikman na natin itong kare-kare mo."
Nagsimula silang kumain.
"Kuhang-kuha mo talaga ang sarap ng timpla ng kare-kare ko anak," nakangiting komento nito nang tikman ang luto niya.
Paborito niya ang kare-kare kaya inaral niyang lutuin iyon na mismo ang nanay niya ang nagturo sa kanya.
"Siyempre ma, ikaw ang nagturo eh," masiglang sabi niya.
Tumawa ito at nagpatuloy sila sa pagkain. Natigilan siya nang lumipat ang kanyang tingin sa bakanteng upuan. Bigla niyang naalala ang papa niya. Iyon ang upuan nito nang nabubuhay pa ito. At palagi silang masaya noon kapag kumakain. Hindi sila nauubusan ng kwento.
"Kung nandito lang si papa... mas lalong magiging masaya tayo," hindi niya napigilang sabihin. Madalas na nami-miss niya pa rin ito.
Tumingin siya sa mama niya. Naging malamlam ang mga mata nito. "Kung nasaan man ang papa mo ngayon... alam kong masaya siya," nahihirapang sambit nito.
Huminga siya ng malalim. "At magiging masaya tayo palagi ma," pinasigla niya ang tinig. "Dahil iyon ang pangako natin kay papa."
Nakangiting tumango ito bago sila nagpatuloy sa maganang pagkain.
Advertisement
The Child of Ebon
Wealth and power, what would you do to gain such possessions as that? Would you murder? Would you steal? Would you scheme? Would you utterly use people in order to get those things? What if you needed wealth and power to save those you hold dear? Your loved ones who can't survive unless you take that single step into oblivion. To be a criminal, a murderer, or a plotter who would do anything to achieve one's own goals. What lies before you is that kind of story; a young man who seeks to climb the fierce ladder to nobility. To ease his loved one's pains, to do what must be done, even if he has to become the most loathed man in his own aching heart. — WARNING: A VERY slow paced story. —
8 105Dungeon of the Dead [hiatus]
The dungeons in this realm usually do not develop truely sentient personalities until much later on in their life. As such they are unable to generate the power the Dungeon God needs to function. Plus when they do develop their personalities, they are usually sociopathic killing machines because...well...their dungeons. Because of this the Dungeon God isn't doing so hot, and in a latch ditch attempt to preserve his Godhood he creates one final dungeon that will have a personality immediately. Unfortunately this particular dungeons seems to be just a little.....incredibly stupid. Due to the dungeon not paying attention during its earliest moments it ends up being a dungeon of the undead. This dungeon is the Dungeons Gods last chance and if it fails he will be stripped of his power by the other deitys and his creations will be exterminated. As the sentient races throughout the land despise undead and seek to destroy them where possible, this could well mean the extinction of the dungeon race...
8 156Kill the Joker: Survival Game
Redemption is a fickle thing. Nine detectives and nine serial killers find themselves playing a dangerous survival game of deductions, pretending, and - murder. With your life and alias on the line, what would you give up for a shot at redemption? ... The main premise and kick of KtJ is that it is a guessing game of sorts. 18 high school students of various ages and backgrounds come together and are given aliases, such as "King", "Killer", or as the protagonist is aptly named - "Protagonist". They do not know each others' identities, and what's more - 9 of them are anonymous detectives, and 9 of them are serial killers. The cast is given a list of their names, and a list of the identities of the serial killers and detectives they are being held hostage with, and are forced to interact to guess the identities. The people who are able to connect all identities will get "a special advantage" in the killing game, but it isn't specified what. Alongside this, each cast member is given three secrets they are able to reveal at any point for an advantage in the killing game as well. However, one of these secrets is their name, and revealing that secret will result in a minor "punishment" as well. [COVER ART DONE BY RILIE @kisikils] [Illustrated]
8 176The Lord of Staves
"Where do we go when we die?" "To Drasil, of course!" You all know the story by now. Protagonist dies and gets sent to another fantasy world with video game mechanics and proceeds to either stomp everyone at the get-go due to how strong he already is, or ascend to god-hood at blinding speed because he got some kind of ability that enable him to advance faster than everyone else. This isn't a story about that. In fact, our protagonist doesn't even have combat abilities! Follow his story as he fend himself off against entire nations as a mere craftsman. ---------- Old Synopsis ---------- Follow the adventures of a young(?) man, who after dying from being run over by a train, finds himself reincarnated into a world of magic, mystical creatures and the all too familiar game mechanics. Unfortunately for him, he will have to make do with the class randomly chosen for him.
8 130Ronny McKitty
Ronny McKitty is a lazy, uninspired man coming up on his 30th birthday. He’s never had a job, a lover, not even a passion. This state of things upsets the narrator, a god responsible for creating his bloodline, who decides to shake things up by hiring a hitman to kill the guy. Soon afterwards, Ronny finds himself stranded in another world, just in time to learn that the city he arrived in was going to be attacked by monsters in a month's time. Penniless and afraid, he finds himself with no choice but to prepare for the oncoming calamity by taking advantage of the ‘System’ our narrator installed into his soul. Surviving his second death will be a challenge, but he might just pull it off!
8 127Bleach: The Shadow Shinigami
One day in the Kurosaki family instead of giving birth to one child the family had two sons at a very young age and that child went down a rode which he follows to become strong.I don't own bleach.
8 215