《Spoken Word Poetry (Compilation)》"Ma, Pa"

Advertisement

Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa,

Dahil gusto ko na lang ay matapos na.

Gusto ko nang magpahinga.

Ayoko nang magkamali pa,

Nakakatakot na.

Bawat galaw ay mahalaga,

Kailangan perpekto para hindi makarinig ng mura.

Pero paano ba ang perpekto?

Kailangan kong malaman para maging proud kayo.

Bawat gabi ay iniiyak ko,

Na hindi ko mabigay ang gusto niyo.

Perpektong anak lang naman ang gusto niyo pero hindi pa mabigay ng tulad ko.

May nakakaalam ba kung paano maging perpekto?

Kung meron, pakituruan naman ako.

Gusto kong maging perpekto para sa inyo.

Siguro hindi na kayo magagalit sa'kin kapag perpekto na 'ko.

Siguro magiging proud na kayo sa akin kapag wala ng mali sa ginagawa ko.

Sigurado akong mararamdaman ko ang pagmamahal niyo kapag perpekto na 'ko.

Kaso pasensya na kasi hindi perpekto 'yung anak niyo.

Mahal niyo pa rin ba ako kahit hindi ako perpekto?

Mahal niyo pa rin ba ako kahit ito lang 'yung kaya ko?

Ma, Pa, napapagod na po ako.

Pwede po ba akong magkamali kahit minsan?

Hindi po kasi ako perpekto.

Pwede po ba akong masaktan?

Mahina lang po kasi ako.

Huwag niyo na po akong pagalitan.

Sugatan na ang aking palapulsuhan,

Gusto nang bumigay ng aking katawan,

At ayaw ko nang lumaban,

Pero hindi pwede dahil alam kong hindi niyo naman ako maiintindihan,

Baka magtaka kayo kung bakit ko winakasan.

Sana kahit minsan,

Sinubukan niyong isipin ang aking nararamdaman,

Baka doon ay inyong maintidihan,

Na kayo mismo ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

    people are reading<Spoken Word Poetry (Compilation)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click