《Spoken Word Poetry (Compilation)》"Sarili"

Advertisement

Pagdilat ng aking mga mata ay agad akong bumangon sa kama.

Nakita kong nagsasapatos si Papa,

Papasok na siguro sa trabaho niya.

Pumunta 'ko ng kusina,

Tiningnan kung anong niluluto ni Mama.

Nagsimula siyang maghain sa mesa,

Tapos ay nagsimula na silang kumain ni Papa.

"Ma, Pa," Tawag ko sa kanila,

Ngunit walang lumingon ni isa.

Paanong nakatayo ako sa harap nila ngunit nagsisigawan pa rin sila?

"Tama na, tama na po," Paulit-ulit kong sambitla,

Ngunit walang gustong magbigay ng tainga,

At hindi nila ako nakikita...

Natakot ako kaya agad akong tumakbo.

Gusto kong manghingi ng saklolo,

Ngunit bakit nakatakip sa tainga at mata ang mga tao?

Nagpatuloy ako kahit na may mabanggang kahit na sino,

Dahil walang nakakakita sa katawan ko.

Hindi ako tumigil hanggang sa may makita akong kwarto,

Narinig ko ang hikbi ng isang tao,

Binuksan ko ang pinto nito.

Madilim at may lamesang magulo, tambak ng trabaho.

Nakita ko siyang umiiyak habang nakayuko ang ulo.

Lumapit ako,

At nanlaki ang mga mata nang tingnan niya 'ko.

Ang pawis niya ay patuloy sa pagtulo,

Ang mga kamay at paa ay puro na dugo,

At may butas ang kanyang puso.

Naupo ako at tinanong kung nakikita niya ako,

Ang sagot niya ay, "Nahihirapan na 'ko."

Tumulo ang luha ko nang mapagtantong salamin ang kaharap ko.

    people are reading<Spoken Word Poetry (Compilation)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click