《Spoken Word Poetry (Compilation)》"Gabi"

Advertisement

Wala nang tao

Hindi na magulo

Ang payapa mo

Sana ganito na lang palagi ang mundo

Kaso darating ang araw na panibago

Dahil saglit na oras lang naman ito

Saglit na oras lang naman ang gabing inaabangan mo

Tapos ay tapos na

Andiyan na ulit sila

Wala kang takas sa magulong umaga

Sigawan sa harap ng lamesa

Pagsapit ng tanghali ay bagsak ka

Pero may nagawa ka na ba?

Kailangan ay may gawin ka

Para pagsapit ng hapon ay bawas na

Huwag kang mag-alala

Kaunting oras na lang ay andiyan na siya

Darating na ulit ang gabing inaasam mo

Hindi mo na kailangan matakot sa sasabihin ng ibang tao

Dahil wala nang kakausap sa'yo

Ito na ang kapayapaan mo

Umiyak ka kung gusto mo

Sa'yo ang gabing 'to

Kung masaya ka sa oras na 'to

Sana gabi na lang palagi sa mundo

    people are reading<Spoken Word Poetry (Compilation)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click