《Spoken Word Poetry (Compilation)》"Ayos Lang Ba?"

Advertisement

May nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako

Awtomatikong sumagot ang mga labi ko na "oo, ayos lang ako."

Dahil doon ay napa-isip ako,

Ayos lang ba talaga 'ko?

Ayos lang bang gumising nang madaling araw para kumustahin ang sarili ko?

Ayos lang ba na mahirapan matulog kakaisip kung ano bang nangyayari sa buhay ko?

Ayos lang ba na pigilang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko?

Ayos lang ba 'ko?

Oo, siguro ayos lang ako.

O baka hindi? Kasi sumusuko na 'ko.

Ayoko nang humiga sa mga basang unan.

Ayoko nang makarinig ng mga sigawan.

Ayaw ko nang may nagaganap na awayan,

Nakakatakot silang pakinggan.

O baka ayos lang naman ako?

Kasi normal namang mangyari 'to.

O hindi? Baka hindi ako ayos kasi ayaw ko na.

O baka ayos lang?

Ayos lang ba...na ayaw ko na?

    people are reading<Spoken Word Poetry (Compilation)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click