《Spoken Word Poetry (Compilation)》"Paalam Klasmeyt"

Advertisement

Klasmeyt

Isang salita

Walong letra

Dalawang pantig

Sampung buwang nagsama-sama

Nagharutan

Nagmahalan

Nagtulungan

Nagkatampuhan

Nagka aminan

Nagkasiyahan

Pero ngayon ay magpapa-alam na sa isa't-isa

Sa unang araw ay hindi ko alam kung magiging close ko ba ang mga 'to

Pero ngayon sa sobrang close natin ay hindi ko na alam kung paano ko kayo bibitawan

Sa unang araw ay nagkakahiyaan

Pero ngayon 'pag magkakasama ay wala nang hiya sa daan

Sa unang araw ay hindi ko alam kung paano ko kayo pakikisamahan

Pero ngayon ay hindi ko na alam kung paano ako magpapaalam

Nagsimula tayo sa "anong pangalan mo?"

Tatapusin na lang ba natin 'to sa "paalam na kaibigan ko"?

Marami na rin tayong napag daanan bilang isang section

Sana ay 'wag niyong kalimutan ang mga 'yon

Naaalala niyo pa ba ung kaunti lng sa atin ang may assignment?

Ang saya kase mamimili ka na lng doon kung kanino ka kokopya

Naalala niyo pa ba 'yong mga groupings natin?

Ang saya kase tuwing walang pasok ay nag kikita-kita

Naalala niyo pa ba 'yong mga contests na sinalihan natin?

Ang saya kase naranasan natin na mag tagumpay ang isang Pamilya

Oo, Pamilya

Itong section na 'to

Hindi lang mga kaklase ang turing ko sa inyo

Pamilya ko na kayo

Dahil isa na kayo sa mga inspirasyon ko

    people are reading<Spoken Word Poetry (Compilation)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click