《Spoken Word Poetry (Compilation)》"Bagay Kayo"
Advertisement
Normal naman sigurong magselos ako diba?
Tao ako
Nagmamahal din ako
At nasasaktan ako
Nasasaktan ako kapag may ibang lumalapit sayo
Nasasaktan ako kapag may ibang nagpapasaya sayo
Nasasaktan ako kapag may ibang bumubuo ng araw mo
Nasasaktan ako tuwing nagtatawanan kayo
Kayo...
Napapatanong nalang ako sa sarili ko kung bakit?
Bakit merong "kayo"?
Bakit walang "tayo"?
Bakit merong "siya"?
Bakit walang "ako"?
Bakit hindi nalang ba ako?
Ako nalang yung papalit sa pwesto niya kung saan mapapasaya kita
Ako nalang yung bubuo ng araw mo kahit walang siya
Mahal ako nalang, ako naman
Sa mga sinabi ko 'wag mo sanang isipin na nagsasawa na akong maghintay sayo
Mahal hindi ako magsasawang mag hintay sayo
Napapagod lang talaga ako
Alam mo ba girl scout ako
Handa ako palagi
Andito lang ako kapag wala siya sa tabi mo
Handa ako na maging rebound mo
Ang tangi ko lang na hindi napaghandaan ay ang pag-alis mo
Hihintayin ko ang pagbabalik mo
Kung sakali mang hihingi ka ng tawad sakin ay hindi ko matatanggap yan
Mahal simula nang iwan mo 'ko ay wala kang nagawang kasalanan sakin
Nasaktan mo lang ako
At okay lang sakin 'yon
Dahil alam kong babalik ka
'Diba?
Babalikan mo 'ko?
Isang araw ay may nagtanong sakin kung ano ba ang nangyari?
Kung ano ba talaga ang nangyari?
Dahil doon ay bumalik ang mga ala-ala
Naalala ko yung mga panahong inaasar pa kita doon sa crush mo
Ngayon napagtanto ko na totoo palang kapag nagseselos ka ay irereto mo sa iba
Naalala ko yung mga panahong nagtatawanan lang tayo kaya napatanong din ako sa sarili ko kung ano nga ba talaga ang nangyari?
Kase diba dapat ako yung kasama mo?
Kase diba dapat ako yung kaasaran mo?
Eh bakit biglang nawala ako?
Ah! Kase may bago na
Mas maganda ba siya?
Advertisement
Pasensya na, pangit kase ako
Mas matalino ba siya?
Pasensya na, ang bobo kase nito
Mas mabait ba siya?
Pasensya na, ang sama kase ng ugali ko
Eto lang ako eh
Eto lang yung kaya ko
Hindi ba 'yon sapat sayo?
Dati, Ayokong sabihin yung hinanakit ko sayo
Kase baka maging dahilan 'yon para iwasan mo 'ko
Ayokong sabihin sayo na nagseselos ako
Sobra
Tapos isang araw bigla mo nalang nalaman
Ayun, tuluyang iniwasan mo na nga ako
Bakit kailangan mo akong iwasan?
May kasalanan ba 'ko?
Kung kasalanan lang naman pala ang mahalin ka
Sobrang makasalanan ko na pala
Minahal lang naman kita ah
Ang sakit mo namang mahalin
Yung simpleng daanan ay hindi natin malakaran nang sabay
Kung saan ako dadaan, 'yon yung daan na hindi mo lalakaran
Sa bawat post mo sa facebook ay hindi nawawala sa taglist, comment section o mga reactor mo yung pangalan ng isang taong nagpapasaya sayo na dapat ay ako
Wala eh, tinanggal niya na nga 'ko sa puso mo
Tatanggalin nya pa 'ko sa mga simpleng bagay na mapapansin mo 'ko
Mula nung dumating siya ay kinalimutan na ako pati ng mga taong malalapit sa 'yo
Siya na yung palaging kinaka-usap ng pamilya mo
Siya na yung kaasaran ng mga pinsan at kaibigan mo
Siya na yung gusto nila
Siya na yung gusto nila para sayo
Siya na yung dapat ay ako
Tao lang ako eh
Bagay kayo
Advertisement
- In Serial14 Chapters
Morph Genome
A scientist couple go to extremes to protect their child in the face of an apocalyptic event. Will their tears, sweat and blood pay off? Or is it all for nothing? Falling Star Of Evolution - Rewritten
8 106 - In Serial32 Chapters
North Star
The humans slain his friends, destroyed his kingdom, and beheaded him. But then Azar Polaris, the dragon king, was summoned from the dead by God with a simple mission. To save his own world from the edge of extinction … by leading the human … while being a human. The only thing he got on his side was the gift of godlike-luck the God himself granted him. Can he ever find it in his heart to forgive and forget what humans had done to him, or is the fate of the world already set in stone?
8 194 - In Serial9 Chapters
Deus Ex Machina
Narrator Mode On: It is inside. The error, the machine, the program. Now all is broken. Now all is a glitched world. It doesn't remember, it doesn't feel, it doesn't think. Or does it? It arrives at a new land, literally. Now a choice between two gods will be taken. Choose wisely, because your life depends on it. Will it slay the spire, or descend the abyss?
8 59 - In Serial21 Chapters
A Hero Would Not Live a Happy Life
Second person Evolving Story following the experiences of a hero navigating a difficult life full of pitfalls. Handle relationships, obsession and loss while trying to become a figure of legend like the Heroes of old.
8 132 - In Serial42 Chapters
The summoner
Jack is living a normal life with his foster mother but he he is always worried about his father who was captured by an organization. He can't save his father because he is weak but after obtaining the Summoner's heritage he gains unbelievable powers and he starts his journey to save his father.
8 122 - In Serial14 Chapters
It was only love || Hope Mikealson
a human girl in the supernatural world surrounded by the powerful, how far would she go to protect herself, does she stay human for long?
8 158

