《Hymns of my Heart [collection of my poems]》Basura

Advertisement

Tapon dito, at tapon doon, mga basura saan paroroon,

Iba't-ibang klase, hugis, at kulay na wala pa naman noon.

Ngunit, nang ang tao ay nagsimulang dumami,

Mga basura din ay parami na nang parami.

Mula sa mga nabubulok na dahon, pinagbalatan, at pinagkainan,

Atin ay hindi man lamang naiisip ito ay merong kapakinabangan.

Pataba sa mga gulayan, bulaklak, at halamanan,

Ating lupa't kapaligiran, maganda pa pagtamnan.

Ang mga boteng plastik o babasagin at wala ng laman,

Pwede pa namang magamit ulit bilang mga lalagyan.

Mga papel na magagamit ay pwede pang masulatan,

O mga lumang dyaryo, sa junkshop mapagkakakitaan.

Ang mga plastik na supot na kung saan-saan nakukuha,

Paulit-ulit man nating gamitin ay di masisira.

Ngunit, ang pagsunog sa mga ito ay ating iwasan,

Pagkat di na maganda sa hangin at sa kalusugan.

Ito ring mga basura ay dahilan ng mga pagbaha,

Kung saan mga epidemya at sakit ay nagmumula.

May polusyon sa hangin,madumi pa tubig at lupa,

Kung magpapatuloy kapaligiran ay masisira.

Habang ang lahat ay hindi pa huli,

Basura mo ay itapong mabuti.

Para sa magandang kapaligiran,

Sa kabataan ng kinabukasan.

-----------------------------------------------------------------

I composed this poem like almost 10 years ago!

For the English readers: I apologize since this one is in Tagalog, written in our local dialect.

Maybe someday I would be able to write an English version of this.

I wrote this when I was finally convinced that there are many Filipinos who just don't care about our environment. They are throwing their garbage /litters just anywhere, on the creek/river, sidewalk,and even public places like terminals. I felt like they intended not to dispose it properly, being lazy is not the main reason however I find how our parents brought us up that would reflect to what we are now.

    people are reading<Hymns of my Heart [collection of my poems]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click