《Short Story poems》Halik sa Hangin

Advertisement

|•|•|•|•|•|•|

Nagsasayaw ang ating katawan

Sumasabay sa musika,

Mga mukhang kontento

At masaya

Ngunit bakit pinipilit?

Bakit naiipit?

Isang maling pagiibig

Mahaba-habang panaginip

Halik sa hangin

Na lamang ba?

Mali sa paningin

Hindi titigilin

Ang bugso ng ating damdamin

Gusto kita, pero hindi na lamang

Pwede bang kalimutan na lamang

Ang ating nararamdaman??

Bakit pinipilit pa?

Sana'y humaba pa ang gabi,

Inaalala ang dati,

Kahit patago,

Kahit walang tayo

Hanggang ganito na lamang ba?

Hanggang dito na lamang ba?

Pareho tayo,

Ngunit wala na tayo,

Ipagpapatuloy ang sayaw

Gustong-gustong humiyaw

Sana'y muling maglapat

Pero baka ito na lang ang sapat,

Ang Halik sa Hangin.

|•|•|•|•|•|•|

A/n:

Bakit mali sa paningin ng ibang tao?

    people are reading<Short Story poems>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click