《Short Story poems》Tabing dagat

Advertisement

|•|•|•|•|•|•|•|•|

Ang hampas ng alon

Ang init ng araw

Ang bawat bakas

Ng mga paang nagbabaklas

Ang pagihip ng hangin,

At pagsayaw ng puno,

May mararating pa kaya?

O hihinto na?

Ang pagtanaw sa dagat,

Ang pagpikit ng mata

Ang mga alaala niyang

Pinipilit na kalimutan

May mga bakas pa ng kahapon

Ang lugar na aking tinutuntungan

Mga luhang nagbabadyang umagos

Na unti unting bumubuhos.

Paano nga ba malilimutan,

Ang taong nagbigay sayo ng maraming ala-ala?

Na sa sobrang rami'y

Hindi mo talaga maaalis sa isipan.

Sa bawat luhang tumutulo

Ay parang karayom na tumutusok sa puso,

Sa bawat paghuni ng dagat,

Inaalala ang mga panahong nasa tabi ka pa.

Ang mga ibon sa himapapawid,

Ang araw na unti unting lumulubog,

Ang pagtanaw sa buwang

Unti-unting umuusbong.

Ipipikit na lang ang mga mata at tatalikod,

Bibigkas ng isang hiling,

Na sana'y tuparin.

Ang paghakbang ng mga paa,

Ang papahinang tunog ng alon,

Ang mukhang nakangiti,

Ang wakas ng istorya.

|•|•|•|•|•|•|•|•|

A/n:

A story in the seaside. A girl who's reminiscing the memories of the man she loves who is already dead.

Ang tabing dagat kung saan sina unang nagkita at kung saan natapos rin ang kanilang istorya na hindi man lang umusbong.

Walang closure kaya hindi makalimot, pero kahit wala nito hinding hindi pa rin naman siya makakalimot dahil sa bawat lalakeng naging kasintahan niya.

Ito lang ang lalakeng natutong pahalagahan siya kahit hindi naging sila.

    people are reading<Short Story poems>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click