《Unspoken Poetry》"Walang kalatoy-latoy naman pinagdradrawing mo"

Advertisement

"Walang kalatoy-latoy naman pinag dradrawing mo"

Pito.

Pitong salita.

Pitong salita na sinabi ni Mama.

Pitong salita na tumagos sa pagkatao ko.

Siguro oo nga, ma.

Siguro nga tama ka, ma.

Siguro nga walang kwenta ginagawa ko, ma.

Siguro nakita mo, ma.

Siguro nakita mong natigulan ako at nasaktan ako,

Kaya

Siguro sinabi mo na biro lang, pero biro nga lang ba, ma?

Ewan ko.

Di ko galit sayo, ma.

Kasi baka, baka tama ka.

Galit ako sa sarili ko.

Kasi baka, baka tama ka, ma.

Pito.

Pitong salita.

Pitong salita na sinabi ni Mama.

Pitong salita na gumising sa pagkatao ko.

    people are reading<Unspoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click