《El Filibusterismo Script (Buod)》WAKAS

Advertisement

Nabigo si Simoun. Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Siya ay pinag-usig ng maykapangyarihan at nang di madakip ay tumakas at nagtuloy sa tahanan ni Pari Florentino. Subalit masugid pa rin siyang pinaghahanap kung kaya't naisipan na niya ang uminom ng lason pagkatapos na humingi ng tawad sa lahat ng kanyang mga nagawa sa pamamagitan ni Pari Florentino. Ikinumpisal niya sa pati ang buo niyang pagkatao

Masama ba ang inyong pakiramdam?

Wala ito, Padre. Mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan.

Diyos ko!

Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim.

Handa akong makinig Don Simoun

Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, na malaon nang ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ay umuwi ako rito upang pakasalan ang babaeng iniibig kong si Maria Clara. Ngunit ito'y hindi natupad. Plinano ko po ang lahat dahil galit na galit ako sa mundo nuon. Bumalik ako upang maghiganti at balikan lahat ng umapi sa akin.

Patawarin ka ng Diyos. Anak, lagi mong tatandaan na ang buhay ay hindi laging masaya, minsan ay kailangan din nating makaranas ng sakit upang matuto hindi upang magpoot. Walang magagawa ang paghihiganti dahil ito ay magbubunga lamang ng panibagong kamalian.

Palagay niyo po ba Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailan man ay hindi siya naghangad ng masama para sa atin.

Kung gayon, bakit hindi niya ako tinulungan?

Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng dakila

Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walangdulot kundi kasamaan?

kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.

(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni Simounang kamay ng pari.)

Advertisement

Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.

(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno satalampas. Inihagis ni padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.

(close curtain)

(open curtain)

Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat... ngunit kung kakailanganin ka

ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sasinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindimag-uudyok ng kasakiman.

(close curtain)

W A K A S

    people are reading<El Filibusterismo Script (Buod)>
      Close message
      Advertisement
      To Be Continued...
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click