《El Filibusterismo Script (Buod)》ikalabing isang tagpo

Advertisement

Basilio at Simoun

Mabilis na lumipas ang oras. Nakalaya sa piitan si Basilio sa tulong ni Simoun. Araw na ng kasal ni Paulita kay Juanito. Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun. Ipinaliwanag at ibinahagi na ni Simoun ang kaniyang plano kay Basilio.

(open curtain)

(pinuntahan ni Basilio si Simoun na nakatingin lamang sa kawalan)

Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid. Nakalimutan kong pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Ngayo'y pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong nararamdaman kundi galit at paghihiganti!

(hindi kumikibo si Simoun, nanatili lang itong nakatingin sa kawalan. Walang ekspresyon ang ipinapakita ng kanyang mukha)

Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan!

Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon,dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para umatras.Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo ako'y magtatagumpay. Magsasabog ako ngkamatayan sa gitna ng bango at rangya, ikaw nama'y gigising sa mga kabataan sa gitna ng Dugo.

(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang kanyangmga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratoryo ay makikita ang isang lamparana may kakaibang hugis.)

Para saan naman po ang lamparang iyan?

Hintayin mo.

(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na nitrogliserina, isang pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)

Dinamita!

Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mgakagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog angPilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang parusahan!

(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)

Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna nghandaan. Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang.pagkaraan ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang mitsa,sasabog ang bomba!

Advertisement

Kung gayo'y hindi na pala ninyo ako kailangan.

Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang kinasundo ko noon. Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon nakaimbak ang mga baril at pulbura. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi handa!

Lahat? Kahit ang mga walang laban?

Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit kailan ay hindi na magpapa-api!

At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?

Pupurihin tayo ng daigdaig!

Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito o hindi? Bakit ko kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa akin!

Tama ka (Iniabot ang rebolber kay Basilio) Magkita na lamang tayo mamaya..

(close curtain)

    people are reading<El Filibusterismo Script (Buod)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click