《El Filibusterismo Script (Buod)》Ikalimang Tagpo

Advertisement

Simoun, Basilio, Sisa, Dalawang lalaki

Nagtungo si Basilio sa libingan ng mga Ibarra upang dalawin ang kaniyang ina. Doon ay nagunita niya ang maraming karanasan na nagdaan sa kaniyang buhay.

Matagal na rin ang huling punta ko rito. Naaalala ko pa rin ang mga pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip. Parang kailan lang ang mga sakit na sinapi ko.

Ano iyon?! Si ginoong Simoun! Ngunit ano ang ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?

(Nakita niya si Simou na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon.

Isang pagbabalik tanaw ang nangyare kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may labintatlong taon na ang nakalipas, isang lalaking duguan at di niya kilalang lalaki.

(ipinasyang magpakita kay Simpun) Maari ko po ba kayong matulungan, ginoo?

(Gulat na liningon si Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa) Anong ginagawa mo sa gubat na ito?

Kung naaalala niyo pa, sa mismong pook ding ito tayo nagkita, may labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay-

(kinasa at itinutok ni Simoun ang rebolber kay Basilio)

At sa palagay mo'y sino ako? (Humakbang ito ng pasulong at aatras naman si Basilio)

Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Kayo po si Crisostomo Ibarra na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.

Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maari mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maari kang masawi sa aking palad? Ang pagbunyag ng aking tunay na pagkatao ang sisira sa mga plano ko! At hindi ko hahayaan na mapunta na lang sa wala ang mga plinano ko!

Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo

totoong ako'y naparito may labing tatlong tao na ang nakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo'y nagbalik ako upang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinapakinggan!

Advertisement

hindi ginoong Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.

Isang pagkakamali! Kailan ma'y hindi ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao!

Ginoong Simoun, mali kayo ng iniisip!

At ano?! Anong mapapala mo kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang malaya ang iyong bayan? Makikita mo bang masaya ang mga tao? Hahayaan mo nalang bang mabulok ang bangkay ng iyong ina at kapatid sa ilalim ng lupa na tinatakpan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila?

Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun?! Kaya ko ba silang ipaglaban gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay! Hindi maaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyang bangkay at pagkatapoos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila!

Ngayong nalaman mo ang isang lihim na kung mabubunyag ay ikakasawi ko. Ngayon, buong buhay ko ay nasa kamay mo. Basilio, tayo ay nabibilang sa mga taong uhaw sa katwiran. Tulungan mo akong pabagsakin ang pamahalaan!

Pag-iisipan ko muna ginoong Simoun.

(umalis na si Basilio habang si Simoun ay nanatili sa kanyang kinatatayuan tinatanaw si Basilio sa kanayang pag-alis)

(kausap ang sarili) Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang...

(close curtain)

    people are reading<El Filibusterismo Script (Buod)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click