《El Filibusterismo Script (Buod)》Ikalawang Tagpo

Advertisement

Basilio, Isagani, Kapitan, Simoun

(open curatins)

Higit na pangmansa ang kinaroroonan ng ilalim ng kubyerta. Karamihan sa mga pasahero ay nangakaupo lamang. May mga naglalaro ng baraha, maingay na nagkwekwentuhan, ang mga instsik na mangangalakal ay pawing nakupo rin at ang lahat ay pawang pawisan. Kung magmamasid pa tayo sa paligid makikita natin ang mga manlalakbay na sina Basilio at Isagani na may kausap na kung makatindig ay animo'y Don.

(maglalakad papunta sa gitna sina Basilio, Isagani at ang Kapitan. Habang naglalakad ay nag-uusap sila)

Kumusta na ang kalagayan ni Kapitan Tiyago?

Mabuti naman po ang kaniyang kalagayan. Ngunit tulad ng dati, ayaw niyang magpatingin sa mediko.

(Pailing na sumagot) Napaka tigas talaga ng ulo niyang si Kapitan Tiyago.

Kapitan, nais po sana naming ipaalam sa inyo na nagbabalak po kaming mga kabataan na magtayo ng isang institusyon gamit ang wikang Kastilla

Institusyon na may wikang Kastilla? (hahawak ito sa kaniyang baba) Hmm.. Mukhang magandang ideya iyan ngunit natitiyak kong hindi ninyo iyan maisasakatuparan dahil alam niyo namang tutol diyan si Padre Sibyla.

Nagkakamali po kayo. Matututpad po ang panukala namin sapagkat tutulungan kami ni Padre Irene. Niregaluhan po namin siya ng dalawang kastanyo at nangako siyang tutulungan kami sa Kapitan Heneral.

Saan naman kayo kukuha ng perang gagastahain?

Nag-ambag-ambag na po ang mga estudyante. May mga propesor na rin po. Ang kalahati ay Pilipino at ang iba naman ay mga Kastilla. Kilala niyo po ba si Makaraig? Bukas palad po niyang inalok ang isa nilang bahay para gawing paaralan.

(Ngiti-ngiting napatango si Kapitan)

(Hawak sa balikat ni Basilio) Mabuti kung ganoon. Sana'y magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano mauna na ako sa inyo. Kailangan ko ng pumunta sa itaas. Balitaan niyo na lamang ako kung may pag-unlad sa inyong panukala.

Makakaasa po kayo kapitan. Salamat po sa pakikinig sa amin

Advertisement

(Ngumiti na lamang ang kapitan at agad din ding lumisan. Nang makalayo na ito ay..)

Maiba nga ako, ano nga pala ang sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita?

(Napangiti lamang si Isagani)

Teka, kaibigan.. (natatawa) tila yata ikaw ay namula nang ating mapagusapan ang iyong kasintahan! Ang umiibig nga naman!! Sabagay ay talaga namang kaibig-ibig ang iyong kasintahan, maganda na'y mayaman pa. Kaya lang ay..

kaya lang ay ano? (kinabahan at umarko ang kilay ni Isagani)

Teka, wag kang kabahan.. ang gusto ko lamang sabihin ay kaya lang, lagi niyang kasama ang tiya niyang ubod ng sungit (bubulong ngunit malakas pa rin) Palibhasa'y matanda na!

(sabay na tumawa si Isagani at Basilio)

(dumating si Simoun at nakisalo sa usapan ng dalawang binata)

Magandang araw sa inyo. Maari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayo'y nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?

Ganoon na nga po Ginoong Simoun

At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?

Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang amig bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila?

Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo'y hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.

Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi namin kailangan

(ngumiti ng pilit si Simoun ngunit bakas ang kanyang inis)

Bueno heto saluhan niya na lamang ako sa pag-inom ng serbesa.

Salamat Ginoo ngunit hindi kami umiinom ng alak

Hindi umiinom? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom

(gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani)

Hindi tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay nagalit, iyon ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak at pumatay, kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay handang tumunaw

Advertisement

(Natigilan si Simoun at halatang namangha. Tinakpan ang bibig at nagkunwaring umuubo. Tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si Isagani)

Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kami'y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na

sa amin doon sa may dakong hulihan.

Walang anuman. Pangarap, Basilio pawang mga pangarap!

(Nang makaalis si Simoun. Tumalikod at ngumiti)

Nakakapangilabot ang taong iyon.

Hindi mo ba alam na siya ang tagapayo ng Kapitan Heneral?

(napanganga) Talaga?

(maglalakad na ang dalawa palabas ng stage)

    people are reading<El Filibusterismo Script (Buod)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click