《El Filibusterismo Script (Buod)》Unang Tagpo

Advertisement

Donya Victorina, Kapitan, Ben Zayb, Padre Camorra, Don Custodio at Simoun

alon

Buwan ng Disyembre, ang bapor Tabo na naghahatid ng mga sakay sa Laguna ay mabagal na umuusad sa mabilis na agos ng tubig ng ilog Pasig. Sakay nito ang lahat ng uri ng tao sa lipunan. Makikita sa bapor ang hindi pantay na pagtingin sa mga mamamayan. Sapagkat ito ay nahahati sa dalawang bahagi-- ang ilalim at ang ibabaw. Ang mga mahihirap ay nasa ibaba ng kubyerta, kung saan makikita rito ang mga Indio, mga Tsino at mga Mestizo na pawisang nagsisiksikan kasama ang mga baul at kalakal samantala ang mga mayayaman naman ang nasa kubyerta kung saan makikitang prenteng nakupo ang ilang prayle at iba pang may sinasabi sa lipunan.

Jusko! Ang kupad kupad ng takbo ng bapor na ito!

(reklamo ng donya habang ikinukumpas ang kayang abaniko. Matapos niya rin itong sabihin ay lumapit siya sa kapitan at sinabing...)

Buenos dias a todos ustedes! Kalahati lamang ang takbo ng makina, Kapitan. Bakit hindi tulinan nang husto ang takbo nito?

Marahil kapag bumilis pa'y masasadsad na tayo sa malawak na bukirin na iyon, Ginang

Hay nako! Iyang mga nagdaraang kasko at mga indiong naliligo at naglalaba ay nakasisira lamang ng kagandan ng paligid. Mabibilisan sana ang takbo ng bapor tabo kung walang mga indio na nasa pampang o sa ano pang bahagi ng daigdig! Mga basura lamang sila na kakalat-kalat sa daan!

(Tinig iyon ng donya habang kinukumpas ang kanyang abaniko ng tila walang pumapansin sa kanya at nagdadaldalan lang ibang kasamahan sa mga kasamahan maliban sa kanya ay natigil sa pag-imik at nanahimik sa isang tabi)

(Nakahawak ang isang kamay sa kanyang baba; tila nag-iisip) Mga ginoo at donya naisip ko lamang na mas kailangan nating bigyang pagpapahalaga ang pag-aaral ang siyensya dahil kapag walang mga ekspertong syenista, wala tayong pag-unlad kaya kailangang 'yong pag-aralan ng mga tao rito!

Advertisement

Matigil ka Ben Zayb! Karanasan lamang ang kailangan upang mapaganda ang Ilog Pasig. Kaya hindi na dapat mag-aral ng siyensya!

: (Napailing) Hindi. Matalinong pag-iisip ang kailangan. Dapat mong isipin na malaking suliranin ang liku-liko at mabuhangin na Ilog Pasig.

(Bago pa man may makapag salita sa isa sa mga grupo ay sumulpot na lang bigla si Simoun)

Ang lunas ay napaka dali, hindi ko nga lang mawari kung bakit walang sinuman ang nakaisip nito.

(Napatingin ang grupo kay Simoun na tila'y nagtataka. Tumuro si Simoun sa Isang dako at sinundan naman ng tingin ng mga kasama kung saan nakaturo si Simoun )

Ano naman ang nais mong ipahiwatig ginoo? (pataray na tanong habang nakataas ang kanyang isang kilay, kasabay ang pagkumpas sa kanyang abaniko)

(Sumilay sa mukha nito ang isang ngisi) Dapat lamang humukay ng isang malalim na kanal mula sa bunganga ng ilog Pasig hanggang sa labasan na maglalagos sa Maynila, at ang lupang mahuhukay ay itatabon sa dating ilog. Kapag nagawa ito, tiyak na mapapaikli ang paglalakbay. Napaka simple hindi ba? (Nakangiting pahayag ni Simoun ngunit tila hindi sang-ayon sa kanya ang mga kasama)

Ngunit saan ka kukuha ng salaping gagastahin sa mga manggagawa?

Walang magugugol, Don Custodio, pagka't mga bilanggo ang gagawa

Walang sapat na bilanggo!

Kung gayo'y piliting gumawa ang mamamayan. bata man o matanda!

Kaguluhan lamang ang ibubuga niyan!

(tatalikod) Mga kaguluhan? Ha! Ha! Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayang Ehipto?

Nag-alsa na ba ang mga bilanggong Hudeo laban sa banal na Tito? Tao kayo, akala ko'y lalo kayong nakauunawa sa kasaysayan!

Ngunit, hindi taga-Ehipto, ni Hudyo ang iyong kaharap! At ang mga Pilipino ay hindi miniminsang naghimagsok, kung hindi dahil sa mga pari..

Ang mga panahong yaon ay nakalipas na. Hindi na muling maghihimagsik ang bansang ito. Dagsaan man nila ang mga gawain at patawan man ng higit na mataas na buwis.

Advertisement

(Walang nag-imik sa grupo tila lahat ay pnagiisipan ang mga sinabi ni Simoun)

Kung wala na kayong maisip na solusyon sa problemang ito ay maari niyo namang pag-isipan ng mabuti ang aking suwesyon, wala rin namang mawawala kung susubukan ito hindi ba? (Mapapangiti ng bahagya si Simoun dahilan upang magkatinginan ang lahat na animo'y nag-uusap sila sa kanilang mga isip...) Sana'y pag-isipan niyo ng mabuti kung ano ang tama, mauna na ako sa inyo mga ginoo at donya.

(Nang makaalis na si Simoun)

Isang mulatong Amerikano!

Indiong Ingles!

(close curtains)

    people are reading<El Filibusterismo Script (Buod)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click