《Queen's Poetry》Hindi man ako...

Advertisement

I

Kasabay ng pagtitig sa maamo mong larawan

Ay Ang pagbabalik ng ala-ala sa masakit nating nakaraan

Nakaraan nating dalawa na mag-isa kong nilabanan

Pagmamahal sayo na pilit kong kinakalimutan

II

Mahal ko...,naaalala mo pa kaya ako?

Yung mga panahong nagpapakatanga ako para sayo

Yung mga panahong harap-harapan mo'kong niloloko

Yung mga panahong hindi kita bitawan sapagkat ikaw ay mahal ko

III

Habang nakaupong mag-isa, ika'y aking pinagmamasdan

Mga maiinit mong yakap na sa kanya'y nilalaan

Ang bawat detalye ng inyong malambing na halikan

At bawat 'I love you' mo na sa kanya'y tinuturan

IV

Alam mo ba, mahal ko? Nais na kitang puntahan

Itanong sa iyo kung sino ba syang iyong kalambingan

Sapagkat batid kong sayo ako Ang may karapatan

Ngunit, hindi ko kaya...dahil takot akong mawala ang iyong kasiyahan

V

Umiiyak ang puso ko dahil sa sakit na dulot mo

Hirap huminga...na parang binibigti ako

Mas nakamamatay pa sa pagbaril at sa saksak ng kutsilyo

Ang ginawa mong panloloko sa akin, mahal ko

VI

Pilit kong itinatanim sa aking puso at isipan

Na hindi ako bibitaw datapwat ikaw ay ipaglalaban

Ngunit, pasensya na mahal ko sapagkat tunay pala Ang kasabihan

Na ang pusong nagmamahal, na labis ng nasasaktan ay kusa nalang hihinto at sa pag-iyak ay tatahan

VII

Mahal ko, pagpasensyahan mo sana ako

Pagod na'ko at handa nang bumitaw sa'yo...,Sobrang sakit na kasi mahal ko

Ngunit, pakatandaan mong Ikaw lamang ang mamahalin ko

Hindi man ako ang mahal mo...ngunit, ang puso ko ay iiyak at patuloy na titibok para lamang sa'yo...

    people are reading<Queen's Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click