《The Platinum Tales #TheWattys2018》The Player's Tale

Advertisement

"Kung natalo ka sa laro, Aba! Wag ka pumayag besh! Sugurin mo at kunin ang corona!"

-Besh

Tawagin niyo na lang ako sa pangalan na Besh. Besh kasi minsan babae o lalaki ako. Minsan bakla at tomboy ako. Kahit anong kasarian ay kaya mag adjust ng katawan ko sa tipo mo na kasintahan.

Simula ng malayo ako sa laruan, tsaka lamang ako natuto makipaglaro sa kapwa tao. Tila ba lahat ng tao sa paligid ko ay hawak ko sa leeg mapababae man o lalaki. Akala ko normal lang yun. Akala ko normal lang ang malalim na tingin ng lahat sakin. Hindi ko alam, may halong kapusukan na pala ang bawat tingin na ibinabato nila sa akin. Hindi naman ako attractive at hindi ako maharot. Pero sabi nga ng isang taong kakilala ko, 'ingat, may ganda pala akong hindi agad nakita'.

Pero hawak ko man ang tibok ng puso nila, hindi lahat ng gusto ko ay nasusunod. Pero di bale, wala rin naman akong sineryoso. At kung hindi nga lintek si kupido, maraming napana at nahulog sa patibong. Mailalagay ko ang sarili sa kapahamakan pero ang laro ay hindi na makakapaghintay. Sa hapag nakahain ang player, isang gago at isang inosenteng babae. Minsan na rin na may bumalik na akala ko ay patay na dahil baka hindi na kinaya ang bagsak niyang grades. Pero sa hain ng pag-ibig niya, rebound lang ang hanap niya.

"Sige, maglaro tayo... at umasa ka na aasa ka lang" sabay seen lang ng messages niya

Ang mga Totoy naman na ang hilig mag-deny. Yung isa nagawa na akong kulitin, at yung isa naman ay nagpa-pansin

Yung iba naman ay tsundere at siya ang mahirap sakalin sa leeg.

Kaya bago pa makawala ang aso ay dapat iligaw na.

Ang mapupusok na kabataan, madalas paiba-iba ang tibok ng puso? O sidhi ng damdamin? o mas appropriate yata na sabihin ko na lukso ng laman at katawan ang hanap.

Advertisement

Hindi naman perfect ang katawan ko kaya hindi ko alam paano ako nasama sa laro ng mga batang mahaharot. Libro lang naman ang alam kong basahin at hindi ang kinakalam ng sikmura ng modernong kabataan ngayon.

Siguro mga nalilito sa kasarian. Pero maging ako rin naman diba. At minsan sa hapag hindi ko inasahan na laman sa laman ako mababastos. Siguro hindi big deal sa iba yun pero besh, sa akin mahalagang hindi madapuan ng kahit anong laman ang katawan ko lalo na yung malapit sa pribadong parte. Pero nakalimutan ko yata ang kasarian ko maging ang mga tao sa paligid ko. Nasanay sila na kaya ko magblend in sa lahat.

Nagising na lang ako isang araw na pakiramdam ko ang dumi dumi ko. Pakiramdam ko wala na akong maihaharap na handog sa mapapangasawa ko. Oo ang OA ko talaga. Ikaw ba naman kahit balot na balot ka na lumabas ramdam mo yung tingin ng mga kalalakihan sa labas na tila hinuhubaran ka na sa isipan nila.

Naalala ko ang isang kakilala na napagusapan namin ang mga kababaihan na tahimik lang at hindi sumasabat sa usapang kapusukan. Napagtanto namin na ito ang mga kababaihan na mapupusok pagdating sa kama. Aba siguro ay kaya ko patunayan ito at para lamang sa lalaking mamahalin ko.

Lalaki nga ba ang mamahalin ko?

Natawa na lang ako sa biglang tanong ko sa sarili. Oo, babae ako.

Siguro?

At binalik ang hapag kung saan nakapwesto ang player,ang gago at ang inosenteng dalagita. Natuloy ang laro. Ang dapat na may relasyon na ngayon ay nasira ko.

Masyado pa silang bata...

Ang dapat na nagmamahalan ay sumuko na

Dahil mga kabataan pa

Oh, thirdwheel lang talaga ako?

Kahit ano pa ako love triangle sa hapag, ang player ang laging constant. Ang mga variables ang kailangan lumaban sa giyera. Ang player guguluhin lamang ang laro niyo. Ang tunay na kalaban ay ang akalo niyo na kakampi. Oh diba totoo naman yun? Para mashook ka na lang kasi besh nagtiwala ka sa taong yun. And yea, wag mo ibibigay ang tiwala mo sakin kasi wala akong sineseryoso. Player at gamer ka. At isang dipa ang pagitan natin.

Advertisement

Pero besh,

sa lahat ng laro ko,

Sa sariling laro ko ako'y natalo

Natalo ako sa sarili kong laro

At kung sino man ang ako, bibigyan kita ng clue.

Lalaki?Bakla?

Kung sino ang unang tao na maiisip mo na loner, ako na yun

hahahahahaha sana

    people are reading<The Platinum Tales #TheWattys2018>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click