《Diagnosed》D5

Advertisement

Nagising ako sa isang yugyog. I slowly open my eyes at ang nakangiting mukha agad ni Pia ang sumalubong sakin. "Good morning"

"Good morning." garagal kong bati sa kaniya. tumayo ako tsaka nagtungo sa banyo para maghilamos at magayos ng sarili.

May kumatok sa pinto at bumukas iyon. Sumilip ang ulo ni Pia, "Maligo ka na, papahiramin muna kita ng damit." Sabi niya sabay abot ng damit. Tinanguan ko siya bago tumungo sa shower ng banyo. I started taking my bath at ng matapos ay isinuot ko ang pinahiram niyang gamit. Ang panty at bra ay bago dahil sa amoy at naka-plastic pa to. I wear the maong short she gave me at yung white tee. Lumabas ako ng banyo at hiniram ang blower niya. Matapos ay bumaba ako.

Na-abutan ko silang naghahanda na sa hapag ng almusal. "Good morning po" bati ko sa kanila. "Good morning din iha." nakangiting bati din sakin ng mag-asawa. "Maupo ka na iha at kakain na tayo." Utos sa kin ni tito Hector na sinunod ko naman.

"Tulog pa po ba si kuya? Asan po sila." tanong ko pagka-upo ko.

"Asa labas sila, naghuhuli ng isda." ngiti niya sakin. Tumango na lang ako.

"Dami nating nahuli!" rinig kong sabi ni Chistian. "Ang lalaki pa!"

"Sayang di nakasama si Janelle. Sigurado akong magugustuhan niya maghuli ng mga isda." Malungkot na sabi ni Kim.

"Mamaya, ayain natin siya." sabi ni kuya nakakapasok pa lang sa dining area.

"Oh. Andyan na pala kayo." si tita. "Manang paki kuha nga ho yung timba nila. Halika na kayo, kakain na tayo ng almusal." aya ni tita.

Umupo ang lima sa upuan nila tsaka sinerve ang mga pagkain. Pagkalapag ng lahat ng ppagkain ay agad kaming nagdasal, nagpasalamat sa panginoon sa lahat ng biyaya at pagkatapos ng pagdasal namin ay agad na kaming kumain. Nilagyan ni kuya ang plato ko ng sunny side up egg, bacon, hotdog at fried rice. Nagpasalamat ako sa kaniya bago sinimulang kumain.

Asa kalagitnaan kami ng pagkainan ng tanungin kami ni tito. "Kamusta tulog niyo?" tanong ni tito habang asa kinakain ang tingin.

"Mabuti naman po." sabi naming lahat. Napatingin sakin saglit si tito tsaka binalik ang tingin sa kinakain. "That's good to hear" sabi niya.

Natapos ang almusal namin ay namaalam kami nila Pia na mags-swimming lang kami. We change to our bathing suit bago kami lumabas ng bahay at pumunta sa dalampasigan na parte rin ng pribadong lugar.

"Tara! Huli tayo ng shells, souvenir natin!" sigaw ni Kim na nangunguna na sa dalampasigan.

"Ang ganda talaga nitong private beach niyo Pia" Nakangiting sambit ni Eliza. "Balik ulit tayo dito next time."

Tumango si Christian at Pia sa sinabi ni Eliza. "Huwag kayong mag-alala, makaka-balik kayo rito." Nakangiting sambit ni Pia na bahagyang napatingin sakin.

"Hoy! Anong drina-drama niyo jan! Tara na! Swimming na tayo oh! Ang sarap sa feeling nung tubig!" sigaw ni Kim samin. Napailing na lang kami tsaka tumakbo papalapit sa kaniya. Walang oras ang sinayang namin. Sinulit namin ang bakasyon namin dahil nalaman kong in-excuse din pala ni kuya ang tatlo pero mas maikli ang kanila, siyam na araw lang sila dito.

"Kyyaahhhh! Ahas! Ilayo niyo sakin yan! Putaaaa!!!!!!" Tumatakbong sigaw ni Kim habang hinahabol siya ni Christian na may ahas na hawak. Natatawa kaming tatlo dito sa kubo. Matapos ang dalawang oras na walang tigil sa paglangoy ay napagpasyahan namin na mamahinga muna saglit. Tumawag naman si Pia ng katulong para magpadala ng pagkain dito. Ng biglang sumulpot sa likod ni Kim si Christian na may hawak na ahas at hayun, naghabulan ang dalawa.

Advertisement

"Guyss!!! Iligtas niyo ko sa impaktong tooo!! AHHHH!" Matilis na sigaw ni Kim ng maabutan siya ni Christian. "Christian!! Ano ba! AHH! Ialis mo yan sakin! TIITTAAA!!" tili ni Kim ng ilagay ni Christian ang ahas sa leeg neto. Napahalagapak naman sa tawa si Christian habang nakatingin kay Kim.

"Tangina mo Christian!!" Malakas na sigaw ni Kim tsaka lakas loob na tinanggal ang ahas sa leeg at ng maalis na niya ito ay agad niyang sianakayan si Christian na tawang tawa pa rin na nakahandusay sa buhangin at sinabunutan ito ng pagkanda-lakas lakas. "A-aray!" sigaw nito habang nakahawak sa kamay ni Kim na asa buhok nito."Kim! Masakit! A-aray! Urgh!!!! KIMMM!"

"Makalbo ka ng impakto ka!" Sigaw ni Kim at mas malakas na sinabunutan si Christian.

"Woi! Tama na yan! Meryenda na tayo!" sigaw ni Pia na nagpatigil sa kanila pagkarinig na pagkarinig ng salitang meryenda. Nagunahan silang tumakbo palapit sa kubo at nagtutulakan pa.

Pagkarating sa kubo ay malakas na katos ang nakuha ni Kim kay Christian. Isang sapak naman ang nakuha ni Christian mula kay Kim.

"Tumigil nga kayo. Para kayong mga bata!" Suway ko sa dalawa.

"Asan yung pagkain?" tanong ni Christian na may kunot sa noo.

"OTW pa lang!" Si Eliza na nakangisi na dumudukdok sa phone niya. Napanguso na lang si Christian at umupo sa tabi ni Pia at naglaro ng flappy bird. Umupo sa tabi ko si Kim na kinakamot ang leeg. Hindi nagtagal ay tumayo ulit ito at namaalam na una ng maliligo.

"Uy! Mga besh! Ip-publish na yung story ni Mallow pati na din yung story ni CandidFaith." Excited na sabi ni Eliza, kumikislap pa ang mga mata.

"Really?" Excited din na sabi ni Pia. "Oh my god! Bibili ako niyan!" Nagtatalon talon na sabi ni Pia! Napabaling siya sakin ng may ngiti. "Diba binabasa mo yung No Escape ni Mallow at yung The Collision Of Us ni CandidFaith?"

Napakunot noo ako. Pano niya nalaman? "Oo" tango ko na lang. "Di ka bibili nung libro?" tanong niya na iniligan ko na lang. "Naka-order na ako" ngiti kong sabi.

"Bilis mo teh!" si Pia na nakangising nakatingin sakin. "Anv ganda nung story noh?"

"Yep! I actually love the plot nung story nilang dalawa. First story nila yun pero nag-hit na sa buong mundo sa sobrang ganda." Ngiting sabi ko.

Yes, I really love their books lalo na yung No Escape ni Mallow. It's about the girl na tinatalambuhay yung buhay niya. Kung gano siya namulat ng maaga at natutong tumayo ng mag isa. Naka-saad din dun yung mga nangyari sa buhay niya. May bonus din na poet yung story niya. Ang story niya ay tamang tama sa title nito. In her story, there's really no escape.

Ang The Collision Of Us naman ni CandidFaith ay istorya ng dalagang pinagkakitaan ang katawan upang mabuhay. One day she met this guy that accept and loved her wholly for who she is and for what she is. But when their love collide, one of them crashed. Tragic ang story at nakaka-iyak talaga dahil maf-feel mo ang pagmamahalan nilang dalawa.

"Nakaka-ingit nga sila eh. Ang galing nila gumawa ng story." Nakabusangot na sabi ni Pia na naupo pa sa tabi ko. "Eh samantalang ako! Nakakagawa nga pero hanggang prologue lang. Tss!"

"Hahaha! Agree ako teh!" Tawang-tawa na sabi ni Eliza. "Lam mo yung feel na buo na siya sa isip mo pero pag-sinimulan mo, di mo alam kung pano." Iiling-iling niya pang dagdag.

Advertisement

"Andito na po pinapakuha niyong food ma'am!" Salita ng isang maid na kakarating lang sa harapan namin. Tinanguan siya ni Pia senyales na ibaba ang pagkain. Hindi nagtagal ay sinimulan na namin ang kumain.

~

Natapos ang pagliligo namin sa karagatan at lunch ay nandito naman kami ni Pia ngayon sa gazebo ng beach house ng mga Jesli. Sa likuran ito ng napakalawak na bahay. Mula rito ay kitang kita ang paglubog ng kahel na araw. The skies were painted yellow, orange and a little bit touch of pink and purple. Pasado alas kwatro ng hapon at malakas na ang alon ng tubig.

I inhale the relaxing scent of the beach and feel it's refreshing air. Napaka-tahimik. Napaka-ganda.

"Bakit kayo lang? Asan si Eliza at Kim?" Basag ng kakarating na si Christian.

"Asa loob. Tulog. Mukhang napagod." Tipid na sagot ni Pia. Tumango tango naman si Christian bago tumabi sakin.

"Hey." He whispered.

"Hey." Baling ko sa kaniya bago binalik ang paningin sa harapan ko.

"Layo ng tinatanaw natin ha." Pabiro niyang sabi. Ngiting iling lang ang sinagot ko.

"Diba..." he paused at bahagyang lumunok pa. "Naikwento mo samin si Chrystel at Christine?"

"Si bess at babes?" Nakangiti kobg sabi. Tumango siya. "Hmm. Oo. Sila yung naging best friend ko noong mga panahong asa purgatoryo pa ako."

Napangiti ako ng maalala ko sila. They're my friends ng asa purgatoryo pa ako. Noong binenta ako ng mga magulang ko sa isang lalaki, sa purgatoryo niya ako dinala para magtrabaho bilang dancer. I remember that times, hilaw pa yun sa puso't isipan ko. It just happened when I was seven years old. Doon ko nakilala si Christine at Chrystel.

"Bakit mo natanong?" Ngiwi kong sabi dahil naalala ko na naman ang nakaraan kong ayaw ko ng maalala pa.

"Pwede ka bang magkwento tungkol sa kanila?" He asked na may paga-alinlangan.

"Interesado ka noh?!" Tukso ko.

"Di ah! Gusto ko lang malaman kung naging mabuti naman sila sayo."

"They are." Simpleng sagot ko. "Chrystel was 13 same as Christine. 7 naman ako noon. We were roommates sa purgatoryo. We're best of friends. Nililigtas namin ang isa't isa. Sabay sabay kaming napaparusahan. Wala dapat naiiwan samin. Pero hindi namin masyado kilala ang isa't isa." Malungkot kong sabi.

"What do you mean?"

"Christine was broken before she came to purgatoryo while chrystel were wild. Ang ibig sabihin kong wild ay palaban at di papatalo. But she always hurt herself. Wound her own skin. She hates herself for being a whore when she's not."

"Hmm. Your parents sells you to a man when you were seven right?" Tumango ako. "Tapos dinala ka nung lalaki sa purgatoryo sa isang tago at liblib na bar para maging dancer nila roon. Then you met the two there and became best friends."

"Oo. Tapos nine ako noong inampon ako ni kuya." Malungkot kong dagdag sa sasabihin niya.

You knew everyone that in the very first part na ampon lang ako. I'm not a pure blooded Acosta, I don't had any percent of it neither.

My parents sells me. The man who bought me let me worked in the purgatoryo. Two years after I worked there, me and the two had the chance to escape. Napadpad kami sa isang bahay ampunan di kalayuan. Doon ako nakita ni kuya at inampon. That's how my story goes. That's my past na gustong gusto ko ng kalimutan, but the wound and flesh of pain is still embedded inside and out of me.

Hanggang ngayon, takot at duwag pa rin ako dahil sa nangyari sakin. Hanggang ngayon, I'm still longing for the love and care my parents should've gave me. I'm still longing for something I can't possess.

"I'm prertty sure it still hurts?" May awa sa boses na sabi ni Christian.

"Of course Christian. Pinaalala mo pa kaya yan tuloy. Ang lungkot na naman niya." Irap sa kaniya ni Pia. I just chuckled.

"Curious lang naman ako sa kaniya. Syempre, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari kaniya iyon after what happened in this freaking world!" Singhal ni Christian.

"How I wish sana hindi na lang nangyari iyon. Na sana, hindi na lang siya binenta ng mga magulang niya... but..."

"....That's how life goes on Christian. We just need to accept the fact that we can't bring back what already happened." Si Pia.

"Asan na pala sila ngayon?"

"Asa kani-kanilang foster parents. After akong naampon, three months ay nabalitaan kong naampon na rin sila." Ngiti ko. "We still see each other though." Hagikgik ko.

~

Gabi na bago namin napag-pasiyahan na pumasok na sa loob ng bahay. Tututol pa sana ako dahil ang ganda din ng view roon, kitang kita ang nagga-gandahang bitwin at ang bilugang buwan pero kelangan na naming bumalik dahil dinner na.

Pagpasok sa bahay ay tawanan ang naririnig namin sa malawak na salas. Naabutan namin roon si tita't tito na nakikipagtawanan kay kuya, Eliza, Kim at si ate. Napatikom bibig ako. Anong ginagawa niya rito?

"Oh! Andito na pala sila!" Masayang sabi ni tita pagka-kita samin. "Halikayo rito umupo kayo mga anak." Nakangiting sabi ni tito.

Lumingon ako kay ate na ngayon ay ang sama ng tingin sakin. Napayuko na lamang ako. Lumapit kami sa pwesto nila at umupo.

"Kamusta ang pagsa-sight seeing niyo sa gazebo?" Si tita.

"Okay lang naman po. Ang ganda nga po ng view ng sunset mula roon eh." I said as I remember the scenario earlier.

"Since nandito na kayo. Kumain na tayo." Si tito.

Tumayo kami at tumungo na sa dining hall. The food were already served. Kumain kami ng tahimik at halos mga kubyertos lang ang maririnig. Matapos kumain ay namaalam ako na matutulog na kahit hindi pa. I can't bare ate's piercing eyes on me. Nakaka-patay.

Pagkarating sa kuwarto ay humilata ako roon... at hindi kalaunan ay nakatulog ako.

I woke up in a feeling na may ibang tao sa kuwarto namin. Tumayo ako upang buksan ang ilaw pero hindi ko pa man nabubuksan ay may humila na ng buhok ko. Impit akong napatili dahil sa sakit. I want to scream but the person who's dragging my hair were covering my mouth.

Hindi ko alam kung saan niya ako hinila at saan niya ko dinala. All I can sense is the tiles on my bare foot and at my back. She's pinning me at wall.

"Isa ka talagang pahamak sa ngalan ng pamilya namin!" Pabulong niyang sita. Her voice were full of anger and agony. Ramdam ko rin ang paghigpit ng kapit niya sa buhok ko at pagdiin sakin sa pader. It pained me pero wala akong kalaban-laban dahil mas matanda pa rin siya kesa sakin. All I can do is pray to gods na sana, hindi na naman niya uulitin ang ginawa niya sakin.

"Ate." Her smell and voice says it all that she's my ate.

And I can't help but to whimper in fear.

***

    people are reading<Diagnosed>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click