《Diagnosed》D3
Advertisement
"Goodbye sir Diwag!"
Sabay sabay naming sabi. Palabas na ang lahat pero nagliligpit pa rin ako ng gamit. "Janelle. Punta tayo Balingit ngayon? Hanap tayo ng oppa!" Excited na sabi ni Cess na tinanguan ko lang.
"Ehhhhh!! Lalandi na naman kayo!" Si Mau.
"Nagsalita yung malandi. Makasabi ng malandi eh mas malandi pa kesa sa amin!" Bulong bulong ni Cess.
"Kaya nga no Cess? Halos minu-minuto may nilalandi siya. Hindi ko alam kung bakit siya pinapatulan." Pagsangayon ko naman.
Matapos kong maiayos ang bag ko ay inilagay ko na to sa likod ko bago niyaya si Cess na pumunta na kami.
Napansin ko ang pagirap nito. "Maganda kasi ako kaya ganun yun"
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng sumigaw si Mau. "Sama niyo ko! Baka makahanap rin ako ng Oppa!" Si Mau na sinungitan namin ni Cess.
"Hindi pwede! Baka agawin mo sa amin" si Cess.
"Hahaha! Marami ka ng oppa dito, bigay mo sa amin yung iba isasama ka namin." Ako.
"Tss. Wala akong mabibigay sa inyo dahil hindi nila kayo papatulan. Sa chaka niyo bang yan papatulan kayo?" Sabay flip hair sa imaginary hair nito.
Napailing na lang ako ng sumbatan siya ni Cess. Kaya habang naglalakad kami palabas ng building ay nagbabangyaan ang dalawa. Nagsasabunutan pa. Tong baklitang to, di man lang huminahon at mahiya. Ang lakas lakas ng boses. Walang laban kay Cess na hindi kayang lakasan ang boses ngayon dahil sa may tonsil siya ngayon at masakit ang lalamunan.
Pagkalabas namin ay nagtawag kami ng tricycle papuntang Balingit. At habang nasa daan, hindi mapigilan ni Mau ang sumigaw ng 'babe' sa mga lalaking nag-gwa-gawapuhan o sa mga lalaking kasama ang jowa. At dahil ako ang nasa maliit na upuan, saakin sila napapatingin.
Pesteng bakla. -_-
~
Pagkababa namin sa tricycle ay nagbayad agad kami bago pumasok sa mall. After the guard inspected our bag ay naglakad ako papuntang nbs na sinundan ni Cess.
"Halla sila! Kala ko ba oppa hahanapin natin?" Takang tanong ni Mau habang sumusunod sa amin. "Eh papunta to sa nbs eh"
"Kaya nga, pero mamaya na yang oppa. Mas importante yung pinapabili ni ma'am Sabado." Si Cess.
"Hmm. Meron na ako nun, nagpabili na 'ko kahapon kay Asonggoy."
Mabilisan lang ang pagbili namin ng 'noli me tanghere' ni Dr. Jose Rizal. Pagkalabas namin ay gumala agad kami.
Marami kaming nakasalubong na taga PU. Maraming nagp-PDA. Maraming tao, maraming kumakain at marami ring lumalandi gaya namin.
"Kain tayo sa McDo. Pagod na ako" si Mau na naupo na sa food court.
"Tara na garud." Paga-aya ko. Ako ang nagorder ng food namin since ako lang naman ang marunong.
Ng makuha ko na ang order namin ay napatigil ako sa paglalakad ng may humarang sa harapan ko. Pagtingin ko kung sino ay hindi ko mapigilang mapangiti.
"Hey. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Nagka-yayaan na gumala, napagod at nagutom kaya napagisipang mag-McDo" nakangiti kong sabi. "Ikaw?"
"May binili lang sa nbs." Kakamot kamot sa batok niyang sabi. "Sino kasama mo? Pwedeng maki-table?"
"Si Cess lang naman at si Mau" ngiti ko. "Sure. Kilala ka naman na ng mga nun."
"Sino kasama mo?" Tanong ko.
"Si Prince." Ngisi niya. "Princess de Salvador totoong pangalan nung Cess diba?"
Advertisement
Tumango tango ako. Pero napangisi rin dahil kasama niya si Prince. Siguradong tatalak na naman ng bala mamaya.
Sabay kaming pumunta sa table namin. Kasama si Prince na may nginingitian sa cellphone niya.
Zen Montemayor ay isa sa mga kaibigan ko na naka-MU ko rin. I know that I'm too young to know this feeling pero wala eh, naramdaman ko na. We feel the same, but we decided to be friends only. I am not yet ready, so do he.
He's two years older than me, dati rin siyang estudyante ng PU na lumipat sa MNHS. Matalik niyang kaibigan si Prince Hermoza, na ex ni Cess. It isn't a puppy love nor infatuation. It is true, dahil nagtagal rin sila ng isang taon. They just broke up ng dahil kay Prince. He cheated on Cess.
At dahil mag-best friend sila, sinundan ni Prince si Zen. Wala pa lang kami sa table ay matutulis ng tingin ang binato sa akin ni Cess. I just shrug it off and grin to her widely.
'Pambawi ko to sa paglalagay ng ipis sa bag ko' I mentally said.
"Ay may oppa kang nabingwit Janelle. Dalawa pa. Haba ng hair ah" nangingislap na sabi ni Mau habang nakatingin kay Zen. Mau's new this year so he doesn't know about Zen and Prince but he know Cess's history.
"But yeah. I smell something fishey. Mwahahahah" sabay tabi niya sa gilid ni Zen.
"Papa Prince, upo sa tabi ni mama Cess." Nangaasar na sabi ni Mau na hindi ko na lang pinansin at sinimulan ng lantakin ang fries.
"Okay ka na?" Napaangat ako ng tingin kay Zen na mataman na nakatingin sa akin.
I smile "oo naman. Okay na okay" bago binalik ang paningin sa kinakain.
"Mukhang hindi ah. Puno ng sugat yang braso mo." Bulong niya sa tenga ko.
Wala sa sariling napakapit ako sa sleeves ng gala ko at marahang tinakpan ang nakikitang sugat. "Gusto kong maramdaman yung sakit eh."
Napansin ko ang pagbuntong hininga niya. "You don't need to feel the pain Janelle. You're already feeling it, dinadagdagan mo lang yung sakit kasi sinusugatan mo sarili mo. Voice it out, pwede mo namang sabihin sa akin eh." Malamlam ang mga matang sabi niya.
"You know I can't voice it out. Everytime na sasabihin ko sayo, hindi ko masabi ng maayos. Everytime na ibubuka ko bibig ko, nangungunahan ako ng takot." Mahinang sabi ko.
"It's okay kahit mabulol-bulol ka pa kapag sinasabi mo sa akin. Ang importante ay nasabi mo sa akin.
"Hindi yung kelangan mo pang sugatan sarili mo. Andito naman ako eh. Andito lang ako."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Sige. Sasabihin ko sayo pag umandar na naman ka-dramahan ko."
"It is not ka-dramahan Janelle. You're at risk..." gusto niyang ituloy kung ano man ang sasabihin niya pero itinigil niya yon.
Wala sa sariling napatingin ako sa kaniya. "At risk of what?"
Mataman muna niya akong tinitigan bago ngumiti at umiling. "Wala"
"Ano nga?" Nakakunot noong sabi ko.
"Wala nga eh."
"Sabihin mo na kasi"
He chuckled. "Don't think about it. It's nothing" sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.
Like what he said, hindi ko na lang inisip yun.
-
"Babye guys! Una na ako. Hinahanap na ako sa bahay" paalam ni Cess na nakangiti abot hanggang sa tenga.
Advertisement
"Sige" nakangiting paalam ko. "Ingat ka" sabay naming sabi ni Zen habang tumatango tango.
"Ay!! Power met garud!!" Maarteng sabi ni Mau sa aming dalawa ni Zen. "Hahaha. Una na rin ako mga oppa." Sabay kindat niya sa dalawang lalaki na asa magkabilaang tabi ko.
Lumapit maman siya sa akin at hinalikan ako sa cheeks "bye Janelle. Ingat ka lagi" malsmbing niyang sabi bago tuluyang umalis pero bago yun... "hoy Cess!! Hintayin mo ko!" Malakas niyang sigaw na ikinailing na lang namin.
"I'm happy for her" salita ni Prince na nakatingin sa kung saan dumaan si Cess. "She found a man who can love her more than I did."
"You should be" casual ko namang sabi sa kaniya. "Pero wag kang makampante na naka-move on na siya Prince. You caused her so much pain that caused her to change."
"Alam ko." Buntong hininga niya sabay yuko.
Hindi rin nagtagal ay umuwi na kami. Tahimik akong nakaupo sa likuran ng kausapin ako ni manong. Mukhang sasabihin na niya kung ano man ang sasabihin niya dahil kanina pa siya pasulyap-sulyap sa akin mula sa salamin at tila may gustong sabihin.
"Asa bahay na ang ate't kuya mo"
Bumuntong hininga na lang ako bago tumingin sa bintana. Sobrang dilim na ng ulap. Mukhang babagsak na maya maya ang ulan.
"Kanina pa po ba sila nakarating o kakarating lang ho?"
"Kanina pa iha." Nagaalinlangan niyang sabi. He was about to speak again ng unahan ko siya.
"Ideretso niyo na po sa bahay." Mahinang sabi ko na ikinatahimik at ikinatikom ng bibig niya.
Pagkarating sa bahay ay ang bunganga agad ni ate at kuya ang narinig ko.
"Ano ba kuya?! Sabi ko naman sayo diba? Magha-hang-out lang kami ng mga kaibigan ko! Saglit lang naman!"
"Hindi ka aalis Olivia hanggat hindi ko sinasabibg oo!!"
"Bakit ba ang strikto mo sa akin ha?! Saglit lang naman!
Tsaka uuwi rin lang ako."
"Hindi ka aalis Olivia! Pinauwi tayo dito para bisitahin ang kapatid natin hindi para mag-lakwatsa!! Tsaka hindi kita papalabasin ng ganyan ang suot mo!!"
"Palibhasa si Janelle na lang palagi! Bakit ba kasi pinanganak pa ang babaeng yun?! Bakit niyo pa kasi siya inampon!!
Siya na lang palagi eh wala namang naitutulong yon sa pamilya kundi sakit sa ulo!!
Eh hindi nga niya makuha yung top sa school eh!! Lagi na lang siyang pangalawa!!
Sabagay! Eh bobo naman yung babaeng yun! Walang alam kundi lumandi!!"
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa sala ng marinig ang mga sinabing iyon ng ate ko. Gulat naman ang mga katulong na asa gilid lang ganun na din si manong na nakasunod lang sa akin.
Napayuko ako at pinigilang tumulo ang mga luha ko. Fuck, it stings like hell. Parang sinasaksak yung puso ko- no, parang sinasaksak buong kalamnan ko. Hindi naman na kasi kailangang ipaglandakan ni ate o isigaw. Alam ko naman sa sarili ko na ampon ako, na wala akong dugong maharlika, na hindi naman talaga ako mayaman, na hindi ako parte ng pamilya.
Alam ko namang ampon ako, ipinamigay ako para lang sa pera. Hahahaha pera! Putanginang pera yan, masunog sana lahat ng pera sa mundo. Pati kasi anak, tinitinda na para lang sa pera.
Tsaka I'm trying my best naman to get the top, sila ate at kua kasi eh, laging top. I am trying my best to make it on top kaso hanggang second lang talaga ako. Ano bang magagawa ko? Eh hanggang doon lang ang makakaya ko.
Sometimes, hinihiling ko na lang na sana, hindi na talaga ako pinanganak, na sana, hindi na lang nila ako inampon at hinayaang mag-trabaho sa bar, na sana, di na lang ako nahanap ni kuya.
"Ma'am buha--"
Hindi na natuloy nung isang katulong namin ang sasabihin niya ng inangat ko ang ulo ko at itinapat sa aking bibig ang hintuturo senyas na huwag siyang maingay.e
"Putangina Olivia. Kung ipagco-compare kayo ni Janelle mas matalino pa yun kesa sayo. Mas matinong mag-isip kesa sayo at mas mabait kesa sayo." Malutong na mura ni kuya.
"Eh ikaw? Nasa top ka nga pero sobrang kitid naman ng utak mo. Matalino ka nga kaso iba ka naman mag-isip, lagi inuuna ang galit kesa sa pagintindi. Ni wala ka ngang kahit katiting na kabaitan sa katawan eh. Puro kalandian. Gala dito, gala diyan. Magpapa-alam na saglit lang kaso aabutin ng magdamagan, minsan kinabukasan na kung umuwi. Pag-umuuwi naman eh may mga hickeys sa leeg, maga rin ang labi. Papalit palit rin ng lalaki." Nangigigil na dagdag ni kuya.
Katahimikan ang namayani sa buong bahay. Pero hindi nagtagal, isang malakas na sampal at mumunting hikbi ang namayani.
"I hate you kuya! I hate you! Magsama kayo ng ampon mo! Mamatay na sana yung babaeng yun!"
Napailing na lang ako at tuloy tuloy na naglakad papunta sa sala para ilagay ang gamit ko roon. Pero bago pa ako makalampas ay binalaan ko ang mga katulong. "wag niyong sasabihin kay kuya na narinig ko yung sinabi ni ate. Paniguradong magkakasakitan at magtatampuan na naman sila. Tama na yung masasakit na salitang natanggap ni ate kay kuya."
"Pag nalaman ni kuya na may narinig ako, gagawa ako ng paraan para tanggalin kung sino man nagsumbong sa kaniya."
"Yes ma'am."
Pagdating ko sa sala ay kita ko si kuya na nakaupo sa couch habang hilot hilot ang sintido. "I'm home" mahina kong sabi.
Napamulat naman si kuya at ngumuti sa akin bago tinap ang tabing upuan. Umupo ako sa tabi niya at nginitian siya "sabi ni manong na nakauwi na kayo kaya mas minadali ko ang paguwi."
"Kakarating mo lang?" Kunot noong sabi niya. Tumango ako na ikinaginhawa niya.
"Asan pala si ate, kuya?"
"Asa kwarto niya. Ayun, nagtatampo kasi di ko na naman pinalabas."
Tumango na lang ako sa sinabi niya at namaalam na magbibihis muna. Iniwan ko na rin sa sala yung ibang gamit ko pati yung sapatos ko. Pagka-akyat ko papunta sa kwarto ko at pagkasara ng pinto ko ay hindi ko na napigilan ang hikbi ko. Napatakip ako ng bunganga para walang makarinig.
Dumeretso ako sa balkonahe ng kwarto ko at pinakalma ang sarili. Ang malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin. Kumikidlat na at halatang uulan na talaga. Tumingala ako.
Makikisama na naman sa pakikipagdalamhati ang ulap sa akin.
Suminghot at pinunasan ko ang mga tumutulong luha ko. Hindi maganda sa isang babae ang umiiyak. Kaya mo to Janelle.
Kakayanin mo kahit sobrang hirap. Kahit nakakamatay na yung sakit, kakayanin mo, dahil matapang ka.
***
Advertisement
- In Serial29 Chapters
Drinker of the Yew: A Necromancer's Tale
Updates Once a Week next update 10/5 Wracked with misfortune, a nameless village along the edge of the Gray Spine rejoiced at the arrival of a paladin. Those celebrations, though, turned to wary tension as the paladin brought an unknown into their midst - his wife Nayinis, who wears the markings of a necromancer. Who is this woman? Why has she come to their village? Nayinis divulges her shadowed past, for she needs the village's trust to defeat the powerful foe that she has been summoned by the divine to face. What to expect: This is a slow-paced, dark, epic-fantasy book written mostly in an archaic first-person style, remniscent of fariy-tale at times. I am expecting the final product to be close to 600-700 pages. The first few chapters introduce a somewhat-steep learning curve of names and mythology of the world that plateaus at aroud chapter 5. The Cover is by youthartwork on Fiverr
8 131 - In Serial35 Chapters
Sleeping Through the Apocalypse
Our 'valiant hero' Mark just finished a 72-hour VRMMO marathon and passed out as soon as he reached his goal. His rest is disturbed by patch notes, but he sleeps as the world he knows ends, and a terrifying game begins. Join Mark as he discovers the wonders and horrors of the new world that awaits him. This is 'realistic' and chaotic. There is cursing and gore. I do my best to imagine how a person would actually handle the apocalypse, and the answer is "not well."
8 164 - In Serial7 Chapters
Chromanorel
Go to work. Stare at your screen. They'll steal your soul to power their world. Lauren was having a bad week at work, and that was before a giant dragon turned up and attacked her horrible boss. Running from the fire-spewing beast, she escapes into a strange tunnel in the bathroom. Where does it lead to? Has she shaken off the dragon for good? And has she really gained the terrifying power of harming people by thought? Lauren is about to find out that everything she thought she knew about the rat race is wrong. Lost and confused in a strange new world, she stumbles into a quest that threatens to take everything she has... including her life. Chromanorel will be updated every Wednesday, and sometimes on other days if I have time. Author's note: In case you're wondering about the -"our"s and -"ise"s, they're because I'm British :)
8 144 - In Serial29 Chapters
I'm Not An Emperor's Sweetie Pie! (BL)
(Inspired by Chinese novels) Original Story(Unedited)Xiao Lin, a 17 years old youth, dies and transmigrates into the body of 18 years old boy.From good life to poor one. From pampered little brother to responsible Elder brother.And what happens when he catches the eyes of royalties? And Emperor? And other country's Emperor too?!Xiao Lin: "Oh heavens, what I've gotten myself into!"***Note: It's not a system novel.Copyright: Story is my own creation and not a translation. DONOT repost or translate.©2020 Mona Li. All rights reserved. ***Mature content in future.Story Started: 09/01/2020Notable Rankings:02 / 5k Danmei (23/03/2020)04 / 40.9k bxb (21/06/2020)02 / 19k Boyslove (13/09/2020)03 / 8.6k Original story (19/09/2020)01 / 1.78k Yaoi story (02/10/2020)07 / 29.7k Historical fiction (27/09/2020)2 in Chinesebl (2/5/2020)2 in Emperor (9/5/2020)2 in mxb (27/8/2020)
8 113 - In Serial10 Chapters
The Nightmare's Dream {Morpheus x Reader}
You are Lucifer's younger sibling, which was imprisoned by Lucifer herself for a century. When she learned that Morpheus, or the renowned 'Sandman' has been released from his imprisonment, she frees you, but with one condition, you have to make Morpheus fall in love with you so Lucifer could take over the dream world and the waking world in the process in return for endless freedom for you.Will you complete this request of Lucifer? or face the gruesome consequences?All the characters here aren't mine they are a property of Neil Gaiman, I only own some oc's here and Y/N. (All Rights Reserved)
8 340 - In Serial23 Chapters
♡~Garrence One Shots~♡
A collection of one shots of my OTP: Garrence!~ Please feel free to request any ideas you have! My only rule is no lemons!
8 86

