《PLAYBOY. beomryu》+ O4O. ryujin's

Advertisement

[ RYUJIN ]

"uhm, pinadala po k-kasi ni mama." nahihiyang sabi ko kay tita at binigay 'yung pagkain na niluto ni mama.

"nag-abala pa sya," tumawa parin ako kahit kinakabahan. umupo si tita sa sofa kaya umupo na rin ako.

"kayo na ba?" muntik na akong manghina sa narinig. hindi agad ako nakatingin kay tita dahil sa sobrang hiya.

ide-deny ko ba? baka kasi ayaw ding ipaalam ni beomgyu, e. bahala na nga!

itatanggi ko na sana ang relasyon namin ni beomgyu pero naunahan nya akong magsalita, "opo ma. kami na ni ryujin."

nilingon ko si beomgyu at nakangiti lang sya sakin kaya napangiti na rin ako. kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag, hindi nya ako itinanggi.

noon kasi, kapag may babae sya ay pinapakilala nya kay tita pero bilang kaibigan lang kaya nakakatuwang isipin na hindi ako basta babae lang para kay beomgyu.

--

"aalis ka na agad, ryujin?" tanong ni tita. tatango na sana ako bilang sagot pero nagsalita pa ulit sya.

"pwede ba favor? e kasi, may gagawin pa ako kaso nakalimutan ko bumili ng groceries. pwede samahan mo nalang si beomgyu mamili, alam mo naman na walang alam 'yan sa pamimili ng maayos, e!" tumawa ulit si tita.

hindi naman ako makatanggi kaya pumayag nalang ako. hindi rin naman umangal si beomgyu at kinuha lang ang listahan ng mga bibilhin.

habang naglakakad kami, napansin ko na padilim na. napangiti ako lalo. ito kasi 'yung gusto kong mangyari kapag nagkaroon na ako ng boyfriend, 'yung sabay kayong maglalakad habang padilim na.

hindi ko alam pero ang saya para sakin kahit ganoong klaseng bagay lang.

naramdaman ko na hinawakan ni beomgyu ang kamay ko bago sya nagsalita, "feeling ko sinet-up lang tayo ni mama, ang dami pa kayang groceries sa bahay!"

Advertisement

"ayaw mo ba?" pagsusungit ko sakanya.

"ito naman! syempre, gusto!" tumawa kaming dalawa hanggang sa nakarating din naman sa isang supermarket.

--

"hwag nga 'yan sabi! nasa listahan ba 'yan ng bibilhin? wala, diba?" pinagsasabihan ko si beomgyu, nilalagay kasi sa cart yung mga chichirya, e hindi naman 'yun ang pinapabili ni tita!

baka malaki ang perang magastos namin kapag binili pa 'yun, ako pa ang malalagot kay tita.

"ito na nga e, ibabalik na po." ngumuso si beomgyu at binalik ang chichirya na 'yun sa lalagyanan.

bumalik rin naman agad sya at tinulak ang cart habang ako naman ang pumupili ng mas maayos na products na nakalagay sa listahan.

maglalakad na sana kami para bayaran ang mga pinamili namin nang may pumakaw ng atensyon ko.

isa iyong teddy bear na katulad ng binili sakin ni mama nung bata pa ako at palagi ko pang niyayakap tuwing matutulog ako pero nung lumaki na ako ay pina-donate na 'yun ni mama.

"gusto mo ba?" napatingin ako kay beomgyu na nagsalita. napansin nya rin siguro na nakatitig ako sa teddy bear na 'yun.

gusto ko sanang bilhin kaso hindi naman saaking pera ang gagamitin at saka ang unfair naman para kay beomgyu. pinagbawalan ko sya na bilhin 'yung chichirya na gusto nya kanina tapos ako papayagan nya? ayoko nga.

sa susunod nalang siguro na punta dito, bibilhin ko 'yun.

"hindi. namangha lang ako kasi meron pa palang ganitong teddy bear," palusot ko at naglakad na papunta sa counter.

nakasunod naman sakin si beomgyu habang tinutulak ang cart pero mayamaya ay nag-ring ang cellphone nya kaya nagpaalam sya sakin na ako nalang muna ang magbayad at hintayin ko nalang sya sa labas.

pumayag naman ako at nakatayo lang habang bitbit ang mga pinamili namin.

pagkalabas ni beomgyu ay nakangiti ko syang sinalubong, "sila taehyun. nagyaya mag-inom. hindi ako pumayag, sabi ko bebe time." paliwanag nya at tumawa.

Advertisement

"oh? ano 'yan? may binili ka pa? wala naman tayong nakalimutan, ah." sabi ko nang mapansin ang malaking paper bag na hawak nya.

"ah, ito? ito 'yung bubuhatin mo. ako kasi dapat 'yung nagbubuhat ng mga pinamili, mas mabigat 'yan e." sagot ni beomgyu.

pinagpalit nya ang mga bitbit namin. nang mahawakan ko ang paper bag at sinilip ang laman nun ay hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat.

"sabi mo sasagutin mo lang 'yung tawag? e, bakit mo binili 'tong teddy bear?" naiiyak na tanong ko.

"oo nga kaso baka mabili pa ng iba kaya inunahan ko na sila," tumawa naman sya.

"magkano ba 'to—" hindi ko na natuloy ang pagtatanong nang magsalita ulit si beomgyu.

"sus, para namang hindi tayo mag-jowa! ako na dyan, babayaran ko nalang si mama sa kulang na sukli." paliwanag nya.

"alam ko naman na mahilig ka sa mgd stuff toys atsaka thank you gift ko na 'yan sa'yo." nakangiting sabi ni beomgyu.

agad naman akong nagtaka sa huling sinabi nya, "thank you gift? bakit?"

"thank you. thank you kasi naging tayo. thank you kasi kahit alam mong babaero ako, binigyan mo parin ako ng chance. thank you kasi kahit tayo na, ikaw parin ang best friend ko."

"thank you din, beomgyu. thank you for staying by my side even though i tried to push you away."

    people are reading<PLAYBOY. beomryu>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click