《PLAYBOY. beomryu》+ O39. ryujin's

Advertisement

[ ]

"magugustuhan kaya 'to ni beomgyu?" tanong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa bahay nila.

matagal na kasi nang ipagluto ni mama ang pamilya ni beomgyu kaya medyo kinakabahan ako.

iba rin pala ang pakiramdam kapag kami na. mas kinabahan ako sa ideyang pupunta ako sa bahay nila.

normal lang naman sakin 'to dati pero ngayon, pakiramdam ko sasabog na ng puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. ang cringe pero totoo.

nang makapasok ako sa gate ng bahay nila beomgyu ay agad akong kumatok sa pintuan nila. hindi ko na tinawag pa si beomgyu dahil parang natuyo ang lalamunan ko at natatakot na baka mag-crack lang boses ko kapag nagsalita ako.

"saglit lang!" rinig kong sigaw ni beomgyu.

inayos ko na ang sarili ko pero sumigaw ulit si beomgyu, "bukas naman 'yang pinto, pasok na!"

dahil doon ay sinunod ko naman ang sinabi nya, binuksan ko ang pintuan nila at nagpunta sa sala nila. hindi naman nagbago ang loob ng bahay nila kaya napangiti nalang ako.

nakatayo lang ako habang bitbit ang pinadala ni mama pero nawala ang ngiti ko nang makita ko si beomgyu.

pajama lang ang suot nya at walang pang-itaas, dahilan para manlaki ang mata ko.

aminado akong hindi 'yon ang unang beses na makita ko si beomgyu na ganoon pero ngayon na magkasintahan na kami, parang hindi ko kaya na makita sya na ganoon lang ang suot.

"a-akala ko si mama..." rinig kong sabi nya.

tumalikod ako sakanya para hindi ko sya makita, "kaya pala walang nagsasalita kanina."

ilang minutong katahimikan bago ako nagsalita, "magsuot ka na ng d-damit mo." sabi ko parin habang nakatalikod.

"ah, oo nga pala! sige, dyan ka lang ah." tumango ako kahit hindi ko sya nakikita.

naramdaman ko na umalis na sya kaya nakahinga ako ng maluwag. pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

Advertisement

bakit ang init?

"okay na!" pagkalingon ko kay beomgyu ay nakasuot sya ng tshirt na kulay white. naupo sya sa sofa katabi ko pero wala ni-isa samin ang nagsalita.

nang makaramdam ng awkwardness ay tumingin ako sakanya pero nakatingin na pala sya sakin kaya agad syang umiwas. natawa naman ako dahil doon.

"hwag na tayo mag-away ulit ah?" hinawakan ko ang kamay ni beomgyu at pinisil 'yon.

shit, first time ko 'tong maging clingy.

ngumiti naman sya saka tumango, "pwede pa-hug?" tanong nya.

ngumiti din ako at niyakap sya ng mahigpit. ilang minuto rin kaming nanatiling ganoon, walang nagsasalita samin.

"ryujin? beomgyu?"

sabay kaming napalingon ni beomgyu sa nagsalita at agad na napabitaw sa isa't isa nang mapagtanto na si tita pala 'yun.

    people are reading<PLAYBOY. beomryu>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click