《PLAYBOY. beomryu》+ O25. beomgyu's

Advertisement

[ ]

"linta ka ba, beomgyu?" tinakpan ko na ulit ang tenga ko nang sunod-sunod na naman ang pagmumura ni ryujin.

"pang-fifteen mo nang tanong sa'kin 'yan," pagpapaalala ko sakanya pero sinamaan nya lang ako ng tingin.

nakaupo lang ako habang pinapanood si ryujin na nilalagyan ng make-up 'yung mga hickeys na naiwan dahil sa paghalik ko sakanya kagabi.

meron din naman akong chikinini na galing sakanya pero hindi naman ako nagreklamo, ah?

"bakit ka ba kasi nasa bar kagbi? argh!" napapikit ako nang sumigaw na naman sya.

"e, ikaw? ba't ka nasa bar kagabi? 'di mo naman trip mga gano'n, 'di ba?" pagtatanong ko sakanya pabalik pero umiwas lang sya ng tingin.

ayan na naman sya sa pag-iwas nya sa'kin, hindi naman ako tanga para hindi mapansin na iniiwasan nya na ako dahil sa chinat ko sakanya noon.

sincere naman ako sa part na 'yon. matagal na kaming magkaibigan kaya dapat alam nya na seryoso ako pero bakit nagmamaang-maangan lang sya?

hindi ako manhid para hindi mapansin na may gusto sya sa'kin, sa dami ba naman ng babae na ganyan umakto hindi ko pa ba malalaman?

pero gusto kong manggaling rin kay ryujin ang tungkol sa bagay na 'yon, gusto kong malaman kung ano ba talagang bumabangabag sakanya.

"wala ka na talagang matandaan tungkol sa nangyari kagabi?" tanong ko ulit.

"wala nga, ang kulit!"

tumango nalang ako at pinilit ang sariling isipin na kalimutan nalang ang sinabi ni ryujin kagabi. hindi ganoon kadaling kalimutan 'yon pero kailangan, kaysa naman mag-mukhang tanga ako sakanya.

"bakit ba kanina mo pa tinatanong 'yan? ano bang meron kagabi... bukod sa pinapak natin ang isa't isa?"

nabulunan ako sa sarili kong laway nang marinig 'yon. p-pinapak? tangina, napakagandang paraan para ilarawan ang halikan na naganap samin kagabi.

"wala, natanong ko lang," palusot ko.

Advertisement

"weh? wala ka na bang ibang ginalaw na parte ng katawan ko maliban sa bibig at leeg ko?" umiwas ako bigla ng tingin.

bakit parang napakadali lang para sakanya itanong ang ganoong bagay?

"wala! promise, wala! wala pa nga akong naiikamang babae sa buong buhay ko e, virgin pa ako-" tinakpan ko agad ang bibig ko nang makita ang nandidiring itsura ni ryujin.

"beomgyu." napalingon ako kay ryujin na nakatingin parin sa salamin para tignan kung natakpan ng maayos ang mga hickeys na nasa leeg nya.

"bakit?"

"masarap ba 'ko?"

mahabagin. anong tanong 'yon? anong isasagot ko sa tanong na 'yon?

"joke lang," nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

"your birthday's coming up, anong gusto mo?" napangiti ako nang tanungin ni ryujin 'yon.

akala ko galit parin sya sa'kin. akala ko hindi nya na natatandaan pa ang birthday ko.

tumayo ako at lumapit kay ryujin, mas lalong lumapad ang ngiti ko nang makita ang pisngi nya na mamula. darecho akong tumingin sa mga mata nya bago nagsalita.

"what if i want you, ryujin?"

    people are reading<PLAYBOY. beomryu>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click