《[Filipino] PIRASO》Chapter 8
Advertisement
Labinlimang minuto kaming naglakad sa bituka. Habang papunta sa susunod na lokasyon ay nanatiling tahimik si Ben, kakaiba sa kaninang paraan niya ng pananalita. Tuwing tatanungin ko naman siya tungkol sa mga bagay na nakikita namin ay sasagutin niya akong sasagutin. "Of course, hindi talaga ako sigurado kung ganoon kalaki nga ang nilalang na ito. Pero batay sa lahat ng aking pag-aaral ay malaki ang posibilidad na ganun na nga."
Sa sobrang dami ng gusto kong itanong, 'di ko maisip kung ano ang uunahin. "Sabi mo kaninang Diyos ito?" tanong ko kay Ben. "Di ba atheist ka dati?"
"Diyos ng Universe nila. Hindi natin."
"So may Diyos nga? Possible magkaroon ng Diyos."
"Sure. Posibleng magkaroon ng Diyos. Posibleng magkaroon ng Diyos na 51 x 10^26 meters in diameter, floating carcass. Pero sa totoo lang, Klinasify ko lang itong bagay na 'to bilang Diyos dahil, well, what else can you call it? Nag-iisang bagay sa sarili niyang Universe. And I mean it. Walang outer space dito. Literally, ito lang ang bagay na nag-eexist dito."
"Paano mo naman nalaman 'yan? 'yung tungkol sa laki nito? At na walang nasa labas nito?" tinanong ko siya. Sandaling naalala ko ang mga dati naming kwentuhan nung kami ay nasa kolehiyo pa. Isa sa mga bagay na na-miss ko sa barkada namin noong mga panahong iyon. "I mean, didn't you consider na malaki lang ito dahil maliit tayo dito? What if elephant-sized lang pala ito at kapag nandito tayo, tayo lang pala ang kasinglaki ng atoms?"
"Well, Joshua, alam ko ang mga 'yan because of the exact circumstances kung paano ako initially nakarating dito. Kung paano ko nalaman ang itsura nito, hell, kung paano ko nalaman how this entire thing exists at all. Itinuro sa akin. Ikwekwento ko ang lahat ng iyan sa'yo, Joshua, pero ito ang una mong kailangang makita at maunawaan." Tinuro ni Ben ang isang lugar sa aming harapan. Dahil sa dilim ay 'di ko napansing papalapit na kami sa isang mas malapad na parte ng tunnel. Ngunit ilang hakbang lamang pagkatapos ng mas malaking bukanang ito ay tumigil ang daanan sa isang dead end. Patuloy na naglakad si Ben tungo sa dulo nito at sinundan ko pa rin siya. Ang pader, sahig at kisame dito ay gawa pa rin sa kung anong organic na bagay ngunit kakaiba sa kanina pa namin nakikitang pulang kalamnan.
Advertisement
Kinurot ni Ben ang ibabaw ng pader at hinila. Nakita kong mukha itong kung anong itim na goma. O plastic. Itim at may kaunting naaaninag mula sa kabilang gilid ng pader. May dinukot si Ben mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Isang ordinaryong box cutter. Gamit ito, hiniwa niya ang maliit na parte ng balat na kanyang hawak at gumawa ng butas. Pagkatapos ay ibinaba niya ang ulo niya at sinilip ito. "Right on time," sabi niya.
Sinitsitan niya ako upang lumapit sa kanya at sumilip sa butas.
"Ano 'yan?" tanong ko. "Isa na naman sa body horror na makikita dito?"
"Basta, tingnan mo. "
Lumapit ako at yumuko tungo sa butas. Bago ko nailapat ang mata ko dito ay nakita kong gumawa ulit si Ben ng isa pang masisilipan para sa sarili niya.
Nakita ko ang isang malaking yungib na kaagad nagpaalala sa akin ng isang stadium—kung ang mga stadium ay mga higanteng kwebang gawa sa karne. Isang malaking-malaking pigura ang nakadikit sa parteng pinakamalayo sa akin. Kung titingnan ay may outline ito na katulad ng tao o gorilya kung ang ulo ay matatagpuan sa harap ng dibdib. Nang obserbahan ko ito nang mas mabuti ay napansin ko rin ang apat na pakpak mula sa likod nito na nakaplasta sa mga dingding ng pader. Ang ulo sa dibdib nito ay kalahati ng diameter ng dibdib. Kakaiba ito sa ulo ng isang tao ngunit may ilang elemento na maaaring masabing may katugma sa physiology ng isang tao: Ilang maliliit na bilog na marahil ay mga mata, isang nakabukas na pahabang butas na malamang ay bunganga. Pagkaraan ng ilang sandali ay napansin ko ang mga sugat sa katawan nito. Halos kakulay lang ng dark brown na balat ng higante. Siyempre, lahat ito'y hula ko lamang batay sa impression sa akin ng nilalang ngunit malaki ang suspetsa kong ito'y nakakulong sa yungib na ito. Nakatali ito sa pader gawa ng mga hula ko ay daan-daang pulang bakal na kadena na tumutuhog sa kung saan-saang parte ng katawan at tuluyang naka-angkla sa iba't-ibang lugar sa pader.
Advertisement
"Isa sa mga nilalang sa sa loob ng nilalang na ito," sabi ni Ben.
Biglang yumanig ang paligid at kinailangang kong sumandar sa pader upang hindi mawalan ng balanse. Halos kasabay nito ay sumigaw ang higante nang ubod ng lakas. Isang tunog na pinaghalong pagsabog at ang matinis na tonong madalas naririnig pagkatapos ng pagsabog. Malakas na hangin ang tumagos sa pader na aming pinagsisilipan na naging dahilan ng pagkawarat ng itim na balat na nagtatago sa amin. Dito, ang paningin ko'y napalitan ng puting pagkislap dahil sa pwersa ng pagsigaw. Pagbalik ng aking paningin ay naramdaman kong may tumutulo sa aking mga tenga. Hinawakan ko ito at naramdaman ang kung anong likido. Tiningnan ko ang aking mga daliri at nakitang basa ang mga ito ng dugo.
"Nangyari rin sa akin 'yan, noong una akong nakarating dito," sabi ni Ben. Nagbalik ang lahat sa kalagayan nito kani-kanina lamang bago ang pagsabog o sigaw. Dalawang maliit na butas lang ang nasa itim na balat na aming pinagsisilipan. Hinaplos ko ang kanang tenga ko at hindi ko muling naramdaman ang dugo sa aking tenga. Tuyo ang daliri ko. "Ni-rewind ko lang ng kaunti at binago. Hindi tayo magkakaintindihan kung sabog ang pareho mong eardrums."
Naalala kong hindi ko talaga kasama ngayon si Ben at isa lang itong simulation.
"Anong klaseng nilalang 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Shhhh. Teka, hintay ka lang. Tingnan mo ulit." utos niya sa akin.
Sumilip muli ako sa butas at nakita ang parehong eksena. Yumanig muli ang buong paligid kasama na ang kinatatayuan ko ngunit di-kasing lakas ng sa kanina. Pagkaraan ay bumukas nang mas malaki ang bunganga ng higante at mula sa butas na ito, may lumabas na iba pang nilalang. Di lang sa bunganga, pati sa ilang butas sa katawan ng higante ay may lumabas ring dagdag na bilang. Ang estima ko ay may isang dosena nito na lumabas at sumabit mula sa higante.
Mas mahirap ilarawan ang mga bagong nilalang. Ang mga katawan nila ay parehong solid at transparent. May outlines na magkakaiba sa isa't-isa ngunit magkakalapit rin—sapat para masabing miyembro ng iisang species ang mga ito. Tao, ibon, pugita, uod: ang mga katawan nila'y tila pinaghalong mga karakteristik ng mga ito. Tila nababalot ang mga katawan nila ng itim na madikit tinta na minsan ay tumutulo mula sa mga kamao at pakpak nila at dumudumi sa katawan ng higante. Itim na tinta ngunit maliwanag sa kaitiman. Isang klase ng dilim na nagdudulot ng sariling liwanag, kung posible man iyon.
"Sila ang masasabing nagpapatakbo ng buong bagay na ito," sabi ni Ben. Tinaas niya ang hintuturo at inikot-ikot. "Sila ang kumokontrol sa Diyos. Sila ang dahilan kung bakit papunta ang lugar na ito sa Mundo natin. Ang higanteng dragon na 'yan ay galing rin sa ibang dimensyon, sila ang nag-iisang sentient species doon. Dumating ang Diyos sa dimension nila at lahat ng sentient beings doon ay ipinasok dito, at kinulong ng mga bagay na iyan. Milyon-milyong kweba katulad ng isang 'yan. Bawat isang kweba rito ay ginawa para mahanap ang optimal way para sa torture."
Inisip ko ang mga sinabi sa akin ni Ben.
"Ang buong lugar na ito," sabi ko kay Ben. "Ang Diyos na ito. Dinala mo ako sa Impyerno."
"Tama" sagot niya sa akin.
Advertisement
- In Serial12 Chapters
Stacking The Deck!
Waking up in an unfamiliar body within the Slifer Red dorm, what's a teen to do? Especially when there was no deck in sight and no currency to spend on new cards. Thankfully, an avid fan such as himself knew all about the discarded cards in a well deep within the forest of Duel Academy Island. With those spirits by his side, he'd fight his way to victory and survive! Self-Insert!
8 115 - In Serial20 Chapters
Second Life's Game: Hell
(LitRPG/Fantasy) *** Disclaimer: I changed the title of this fiction because I realised that religious people may be offended by it. This fiction is purely intended to entertain and is not based upon any religion. *** What comes after death? The Afterlife. A world split into three layers. Heaven, Nexus and Hell. The Afterlife is harsh, cruel, and sometimes downright unfair, with everything based upon luck. A world with a game system, which enables the residents to level up, and gain special attributes. A tower lies in the middle of it all, named the Core, which provides passage to God, who will bestow on you your greatest desires. Unfortunately, to get to God, one must conquer 27 stages and battle against others wishing to meet him too. Ikite, a young teenager, gets killed by a gang of criminals and reawakens in Hell with a different body and life. As his two new personalities meld into one, he becomes an 'Awakener', someone who has their previous life's personality sharing their mind. However, he realises he has no combat perks, a bad class and a peasant's life in Hell, the lowest layer. At first, he decides on a hardworking, yet peaceful life with his mother, but bad luck wouldn' leave him alone. Forced to journey where he doesn't want to journey, will he overcome his obstacles, change his perspectives, and climb the tower? Or will he sink into the lifeless state, just like many of those around him... Kick back and relax with this book as it's your traditional LitRPG, with a twist or two here and there. New chapter at least every two days (unless previously stated).
8 140 - In Serial6 Chapters
Qi research logs. Volume 1
These are my original research notes from when I first fell to this forsaken place.I apologize for the earlier notes, all I had was the clothes on my back, my notebooks, and a box of pencils.I hope one day this book will make it home.I hope it is I who deliver them.I miss you all so dearly.
8 86 - In Serial129 Chapters
What We Do to Survive
Orion had never asked for any of this. He would have been happy living out his life in obscurity as son, brother, husband, maybe even father and grandfather. Unfortunately, life and a cruel world had other plans for him. Years later, he joins Avalon Academy, the greatest school of mages in the known world. Unfortunately, Avalon is better known for its incredible lethality and the cutthroat attitude it promotes among its students. The Academy's graduates number among the strongest mages in the world, but only a rare few live long enough to join that illustrious number. Updates every Mon/Fri and some Wednesdays. Absolutely horrible, screwed up things can and will happen, do not read if you are uncomfortable with that sort of content. On a similar note, please be advised that the story contains explicit content. If you do not want to read that sort of thing, then this story is not for you.
8 1690 - In Serial20 Chapters
The Exodus Project
This is the original version of Origin before I rewrote it. It's much more simpler, some names and personalities are a little different. THere's nowhere near as much back story or character development/interaction. But the story is essentially at the end of book one. I wrote this 15 odd years ago, and with a bit of polish it doesn't look too bad. The story like Origin is about a group of college students who find a ship that is the last remnant of an ancient human space faring civilisation, they fix her up and go back into space. Along they way they'll meet alot of aliens, religious fundamentalists and conmen.
8 154 - In Serial16 Chapters
Possessed: book 1 {COMPLETE}
Alya, Nino, Adrien, and Marinette have a sleepover that they will remember for a lifetime. Alya brings an Ouija board and the decide to use it.Suddenly, Marinette's eyes are changing from blue to horrifying black, and she seems to have a terrible head ache. There is a black aura around her and Alya, Nino, and Adrien thinks something is wrong with her.What happened to Marinette? Can they get her back to her old self?
8 159