《[Filipino] PIRASO》Chapter 4
Advertisement
Ang kauna-unahang instruction galing kay Ben ukol sa flash drive ay hindi ko maaari itong gamitin bago ang nakatakdang oras. At ang nakatakdang oras na iyon ay kinse minutos bago mag-hatinggabi ng August 24, 2033. Kagabi.
Nang nabasa ko ang tungkol sa instruction na ito ay inisip ko kung may paraan nga ba ang sinumang nautusan niyang mamahala na ma-detect kung ginamit ko ang flash drive bago ang panahong iyon. Hindi naman techy si Ben dati noong kami ay magkaibigan pa pero dati pa iyon. Maraming maaaring nagbago sa mga taong hindi kami nagkasama.
Hindi rin imposible na isa itong test at madi-disqualify ako kung hindi ko susundin ang instructions niya. Maaaring may program na magde-delete ng mga laman ng drive sakaling madetect nito na isinaksak ko ito sa anumang computer nang mas maaga sa inaasahan.
Maaari ko raw gamitin ang kahit anong computer para mapanood ang video na nilalaman ng flash drive. Kung wala raw akong available na kagamitan ay maaari kong gamitin ang laptop na kanyang iniwan dito sa beachhouse.
Ang sumunod na instruction ay kailangang kapag pinanood ko ang laman ng flash drive ay connected ako sa Internet.
Bukod dito ay may ilan pang instructions at advice tungkol sa kung paano magpunta sa beach house, ang mga pwede at hindi pwede kong gawin dito. Lahat ng mga instructions ay nakalagay sa liham na ipinadala niya sa akin bago ang kanyang pagkamatay.
Kung paano ko natanggap ang liham ay sa pamamagitan ng family lawyer nila. Isang tanghali dalawang buwan na ang nakakaraan ay tumawag ito sa aming kumpanya at kinonekta ng HR ang kanyang tawag sa aking office phone. Sandali lang ang naging pag-uusap namin sa telepono. Wala akong ideya na ang pag-uusap naming iyon ang magiging dahilan ng lahat ng ito.
"Mr. Montalla? This is Attorney Punzalan. Before we begin, I'd just like to make sure you're Ben Henares?"
"Uhhh, yes ho."
"The reason why I called you is to deliver some bad news about a good friend of yours, Mr. Ben Henares."
"Ho? Ben Henares? I know a Ben Henares pero I haven't talked with him in years ho. Are we talking about the same person ho?"
"The son of Senator Henares. You were college friends in UP Diliman, right?"
"Oh, okay. Yes ho, I know him. Bakit ho, anong balita ho sa kanya?"
"I'm sorry to tell you that Ben Henares has passed away."
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Patay na si Ben.
Dapat bang mas naapektuhan ako sa balita? Siguro nagulat lang ako dahil sa puntong iyon, mas nagtaka ako kung bakit ako tinawagan ng isang abogado tungkol sa kanyang pagkamatay.
Advertisement
Alam kong close kami dati pero ilang taon ko na rin siyang hindi nakakausap. Sa nakaraang ilang taon ay paminsan-minsan ko na lang siyang naaalala.
Inimbitahan ako ni Attorney Punzalan na pumunta sa kanyang opisina upang mapag-usapan namin ang tungkol sa ilang habilin ni Ben. Teka, huling habilin? Sumaglit sa aking isipan kung posible bang may ipinamana sa akin si Ben. Bente otso pa lamang ako at bago sa akin ang ideya na posibleng mayroon akong mga kasing-edad na maaaring mamatay. Mas lalong hindi ko pa naisip na ang isa sa mga ito ay maaaring mag-iwan ng mana. Sinubukan kong alisin sa isipan ko ang anumang tungkol sa mana bilang respeto sa patay pero nagtaka talaga ako sa itinatakbo ng usapan namin ng abogado.
Nalaman kong si Atty. Punzalan ay kasalukuyang nasa kanyang opisina na nasa isang law firm ilang kalye lang ang layo mula sa aking pinagtratrabahuhan. Tinanong niya ako ko kung pwede akong makapag-set ng schedule para kami ay makapag-usap. Tiningnan ko ang aking relos. "Attorney, baka maging busy ako ngayong linggo pero kung pupunta ba ako diyan ngayong hapon pagkatapos ng trabaho ko, okay lang kaya?"
Ilang oras makalipas nito ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng kanyang opisina. Hindi naman ganoon kagara pero 'di rin pipitsugin. Si Attorney ay nasa late 50s siguro. Isang maliit na lalake. Ilang beses ko ring kailangang ipaulit sa kanya ang kanyang sinasabi dahil medyo mahinang magsalita.
Nang tanungin ko kay Attorney kung paano siya namatay, nagkwento siya tungkol sa mga huling buwan ni Ben. Limang buwan rin palang nasa ospital ito bago siya tuluyang namatay sa kanser. Bago siya nagkasakit ay ilang taon rin siyang wala sa Pilipinas. Nagkaroon siya ng ilang negosyo sa Europa at sa South East Asia. Ang iba rito ay lumago, ang karamihan ay nalugi, pero on average ay hindi na raw masama ang naging resulta ng mga ito. Pinipilit ng ama at ng mga kapatid itong pumasok rin sa politika ngunit ayaw talaga ni Ben. Nagulat na lang ang pamilya nang umuwi ito dalawang taon na ang nakakaraan at matagal na nanatili sa bansa. May sakit na pala itong kanser sa buto. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-confine na sa St. Luke's sa Manila at sa puntong iyon ay binantayan na ng pamilya.
Pinaliwanag sa akin ni Attorney ang tungkol sa habilin ni Ben na nabanggit niya sa telepono. Hindi raw ito talaga parte ng last will and testament. Isa lamang itong bagay na naiutos sa kanya ni Ben bago ang pagkamatay nito. Sa katunayan, naganap na noong nakaraang linggo ang opisyal na pagbasa ng kanyang will.
Advertisement
Binuksan ni Attorney ang isang drawer sa kanyang desk at kumuha ng isang sobre, pagkatapos ay binigay sa akin.
"Sige, hijo. Buksan mo na muna 'yan at basahin mo. Pinaliwanag na rin sa akin ni Ben ang mga kailangan kong malaman tungkol sa mga instructions sa iyo kaya't pagkatapos mo diyan, sabihin mo lang sa akin kung may mga hindi ka pa naiintindihan."
Tiningnan ko ang sobreng hawak ko. Ordinaryong puting sobre. Naramdaman ko na may bagay sa loob na umalog nang inabot sa akin ni Attorney. Pagkaraan ng ilang segundo ay binuksan ko na ito.
Ang laman ng sobre ay isang liham ni Ben, isang flash drive at isang mapa patungo sa beach house.
********
Pinuntahan ko ang beach house sa nakatakdang araw dalawang buwan mula nang matanggap ko ang sulat ni Ben. Sa puntong ito, iniisip ko pa rin na baka isang prank lang ang lahat. Hindi, ibig sabihin, na iniisip kong buhay pa si Ben at isang laro lang ang lahat ng mga sinabi niya sa liham. Kahit na kakatwa ang marami sa mga nabanggit niya rito. Ngunit posible kayang may nagawa akong kasalanan sa kanya dati at ito ang paraan niya para paikutin ako? Paasahin na... ano? Na may kung ano akong makukuha kung susundin ko lahat ng mga instructions na binanggit niya?
Nang hapong nagpunta ako sa opisina ni Attorney Punzalan ay binanggit rin niya sa akin ang state ng finances ni Ben. Hindi siya kahit kailan nakapag-asawa o nagkaroon ng anak kahit na may suspetya rin ang pamilya niya na maaaring nagkaroon siya ng isa o iilang illegitimate na mga anak.
Alinsunod sa kanyang formal will, napunta ang kanyang mga pag-aari sa kanyang mga kapatid at kay Senator Henares. Ang ina ni Ben ay namatay noong bata pa lamang siya.
Ang beach house ay officially pag-aari ngayon ng nakatatandang babaeng kapatid ni Ben. Pero nakapag-usap na sila nito na sa natitirang mga araw ng taong ito ay, in essence, ako lamang ang maaaring bumisita at manatili sa beach house. Wala namang kaso raw ito sa kapatid ni Ben dahil busy rin ito sa taong ito bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon. Magpapadala lamang ang ate ni Ben ng katiwala upang maglinis sa lugar isa o dalawang beses bawat buwan. Bahala na rin ang taong ito kung may mga bagay na kailangang kumpunihin dahil sa mga bagyong regular na tumatama sa lugar.
Apat na oras mula sa Maynila ang layo ng beach house ni Ben sa Calatagan, Batangas. Dito raw siya nanirahang mag-isa nang dalawang buwan bago siya bumalik sa Maynila at nagpa-confine sa ospital. Madali kong natunton ang lugar kahit hindi ko masyadong ginamit ang mapa na ginawa ni Ben dahil nahanap ko rin ito sa Waze gamit ang address nito. Nang iwanan ko ang main road, isang minuto rin akong nagmaneho sa isang mabatong kalye bago tuluyang kumipot ang daan at narating ko ang isang maliit na kahoy na gate. Bumaba ako upang buksan ito. Sabi sa sulat ay 'di ito sinasara at nakita kong wala nga itong padlock o kadena at madali ko itong naitulak pabukas.
Kaunting andar na lang ng kotse ay nakarating na ako sa bahay. Maliit lamang ang beach house. Inakyat ko ang maikling steps tungo sa veranda kung saan naroon ang isang maliit na lamesita at isang kahoy na upuan. Sumilip muna ako sa jalousie window upang makita ang loob at upang malaman kung may tao dito. Pagkatapos ay kumatok ako sa pinto. Ayon kay Attorney, wala naman akong dapat problemahin dito dahil naipaalam na sa katiwala na ako'y pupunta rito, at isa pa ay bihira ang pagdaan ng katiwala dito. Malaki nga ang posibilidad na kung isang araw lang akong mananatili ay hindi ko rin ito maaabutan. Nang walang sumagot sa aking pagkatok ay kunuha ko na ang susi sa aking bulsa at binuksan ito.
*****
Naaalala ko na ang halos lahat ng mga pangyayari kahapon maliban ang mga naganap pagkatapos kong buksan ang video. Sinaksak ko sa charger ang laptop at binuksan. Napansin ko ang lens ng camera ng laptop at mabilis itong hinarangan ng wallet ni Luis Torres galing sa pantalong suot ko. 'di ko ito ginawa kahapon ngunit ngayong duguan ang aking t-shit at sa dami ng kakaibang nangyari, mabuti na ang maging mas maingat.
Kung anuman ang nangyari pagkatapos kong panoorin ang video kahapon ay 'di ko na nagawang i-shutdown ang laptop ni Ben. Isa pa sa mga instructions ay kinakailangang nakakonekta ako sa internet habang pinapanood ko ang video. Sa puntong ito, marahil ay mas ligtas kung hindi ko muna ito gagawin. Kung sakaling hindi gagana ang video sa anumang dahilan ay kokonekta na ako sa internet. Isa pa, posibleng kahapon lang nag-aapply ang rule na iyon. Ngayong ire-replay ko lamang ang video ay wala sigurong masamang hindi ko na sundin ang ibang instructions.
Tiningnan ko ang laman ng flash drive. Isang video file lang na pinangalanang PIRASO.
Advertisement
- In Serial41 Chapters
Dream Game: Fighting for my Desires
Kira Anderson has never had it easy. He finally worked up the courage to admit his feelings to his crush since middle school only to be shot down cold. He has always had a tall and frail body structure causing him to be picked on a lot, his name didn't help any either. His parents are divorced and he lives with his dad's ex-wife who is not even his real mother, but treats him like more of a son than his biological parents ever did. The only thing that has brought him sanity in his depressing life is his ex-stepmom and video games. One night, while he is sleeping, he is given the chance to grasp what he desires. Authors Note: Cover Art is a picture from Google Images. Feel free to submit some drawings if you want (even though I really like this picture) This is another story that I have been thinking about writing and I haven't been able to get some of it out of my head. I am going to write this one along with my other story. (Warning story is partially wish fullfilment.) Chapter release times and daters are honsetly whenever I can. Also, if any one has anything to add that they feel would make this story better please let me know although I can't promise that I will add it in or change something I will at least take your ideas into consideration as long as it don't change my view for the story too much. Please read all the chapters posted before getting mad over something that doens't make sense, it may have been explained in the next chapter or a later chapter. If it has not been explained feel free to comment or pm me and I will do my best to explain it in a future chapter or in a reply for you.
8 194 - In Serial30 Chapters
OriginStory the VRMMO: The advent of AxeBear
Narumi Ando, a former delinquent gone gamer, is a total VRMMO addict who just can’t find the perfect VRMMO to get comfortable with. But Origin Story, a VRMMO that’s just about to go live, just might change all that. … Not just your skills, your backstory as well will shape the world you step out into! Love it, live by it, fight it, or deny it; whatever you choose to do, you can’t erase it, you and your world’s: OriginStory (the VRMMO) Main Site: https://honyakusite.wordpress.com/originstory-the-vrmmo-the-advent-of-axebear/ (Illustrations and the latest chapters - and a more aggressive update - rate found on the main site) Author's description: Basically a gaming story about a game (aka no weird ai sentience, voodo sci fi magic, yada yada), centering around an aggressive axe-player who enjoys chaos and a little leeroy jenkins-ing. As it is written for the audience who also reads translated LNs, there is a strong J-light novel influence as well as Japanese jargon thrown in. You have now been forewarned.This is also written for gamers, so yeah, gaming jargon and game-world building in the extras. The previous description of the MC being a bit of a ladies' lady has been scrapped, since the MC basically gave me an 'F you' and went and did her own thing.
8 164 - In Serial10 Chapters
A Go Go Squid story
Gun comes back from a competition with the squad and finds out that their place has been broken into and that Tong Nian has lost her beautiful smile...
8 219 - In Serial9 Chapters
Havenbrook
Thriller anthologies. Read at your own risk.
8 110 - In Serial20 Chapters
The Spice of Strife
[Participant in the Royal Road writathon.] Hanabi Hanaya, a recent highschool graduate from Japan, crosses the sea to seek a cooking apprenticeship under the spice-master chef Goro Ohno in the American metropolis of New Medeo City. Unknown to her, Muhamed Wangui, the world’s strongest man, and the greatest practitioner of enlightened martial arts alive, is hosting a tournament to find an apprentice to teach after being confronted by his own mortality. When a display of Hanabi’s ki mastery catches the attention of tournament organizers, their ambitions crash together, and her life becomes inundated with eager combatants, freaky fighters, and vicious powerseekers, all with the hope of earning their place as a student of the world’s strongest.
8 128 - In Serial41 Chapters
I Am The One Eyed Owl (RWBY X Abused OC)
You were once a member of the Rose/Brawnen/Xialong family. But however they abused and neglected you. When you left for beacon things didn't get better since you were bullied. So you went into the Emerald Forest to kill your self until you discovered your semblance. Now you are back for revenge.
8 97

