《[Filipino] PIRASO》Chapter 2

Advertisement

Tatlumpung minuto ang layo ng pinakamalapit na ospital. Habang pinapatakbo ko ang kotse sa pinakamabilis na kakayanin ng makina nito ay nakahiga naman si Joshua sa likod, gising isang sandali at walang malay sa susunod. Patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang tagiliran. Mabuti na lang at hindi pala kasing sama ng aking unang nakita ang pagkakasaksak sa kanya at karamihan ng dugo sa kanyang damit ay galing sa lalakeng umatake sa kanya. Natandaan rin ni Joshua na huwag hilahin palabas ang kutsilyo mula sa kanyang sugat upang hindi bumilis ang pagkaubos ng dugo mula sa kanyang katawan. Siguro alam niya ito dahil alam ko ito. Dahil wala akong ibang maisip na sagot sa mga katanungan ko kundi ang pinaka-simple. Iisang tao kami.

Sa puntong ito lamang ako nagkaroon ng oras para pag-isipang at pagdikit-dikitin ang mga clue at mga ala-alang bumabalik sa akin mula sa mga pangyayari kagabi. Hubad akong nagising, mahina, may mga butas sa aking memorya. Ang isang Joshua na kasama ko ngayon sa kotse, na maaaring mamatay kahit anong segundo ngayon, suot niya ang aking mga damit. Ang aking suot sa pagpunta sa bahay na iyon. Kamukhang-kamukha ko siya katulad ng masasabi na kahit sinong 'di nakakakilala sa akin, na kami'y fraternal twins. Ang pagkakaiba lang namin ay ang saksak sa kanyang tagiliran at ang maraming pasa sa kanyang katawan. Ang huli ko nang naaalala bago ako magising na nakahiga sa sahig, ay ang video na aking pinanood sa laptop ko sa veranda ng bahay. Ang video.

Hindi buo ang aking memorya sa mga nakita ko sa video pero plano kong bumalik sa bahay ni Ben pagkatapos kong dalhin sa ospital si Joshua. Sampung minuto na lang ang layo, sabi ng Waze. Alam kong kung simpleng ihahatid ko lamang siya sa ospital ay marami akong kakailanganing sagutin. Isa na rito ay kung bakit puno ng dugo ang aking mga damit. Kinailangan kong nakawin ang damit ng lalakeng aking pinatay para lamang may maisuot. Bukod sa dugo ay gula-gulanit ang harap ng gray na T-shirt dahil na rin sa ginawang pagsaksak ni Joshua sa lalake, at sa paghatak ko pababa ng kutsilyo.

Advertisement

Isang clue rin ang kutsilyong iyon. Katulad nang patalim na nakabaon sa tagiliran ni Joshua—parehong gawa lamang sa itim na bakal at di-katulad ng kung anumang kutsilyong nakita ko. Hindi para sa kusina at hindi rin dagger o combat knife. Parang isa lamang malaking rektangulo itim na bakal na pinatalas ang mga gilid maliban sa hawakan. At para sa laki nito, magaan ang kutsilyo. Nang hugutin ko ito mula sa dibdib ng lalake ay halos hindi ko maramdaman ang bigat nito sa aking kamay.

Saka ko na muling pag-iisipan ang tungkol sa patalim kapag nakabalik na ako sa bahay ni Ben.

Si Ben ang susi sa lahat ng ito at malamang ay may kinalaman rin siya sa nangyari kagabi. Teka, nadidiskaril ulit ako.

Lumingon ako sandali sa likod upang tingnan ang kasalukuyang kalagayan ng aking kasama. Bukas ang kanyang mga mata at mabilis ang kanyang paghinga. Hawak niya ang kanyang sugat at sinusubukang takpan ito gamit ang isang kamay upang pigilan ang pagdurugo. "Joshua. Ikaw rin si Joshua, di ba? I mean, hindi ito mental breakdown lang? Ano ang nangyari kagabi? Sino ang lalakeng iyon? Bakit... nangyari ito? Please lang. Sabi ng Waze malapit na tayo sa ospital. Iiwanan kita sa gate o kung saan man ang ligtas para sa atin. Pero bago tayo makarating doon, please lang. Kailangan ko ng mga sagot. Kung kaya mo akong sagutin, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari kagabi?"

Hindi siya sumagot. Nilingon ko muli siya. Nakapikit siya at nakakunot ang mukha. Mukhang kumikirot ang sugat niya. Medyo lawa na rin ang dugo sa sahig ng kotse malapit sa kanya. "Sige. Magpahinga ka lang diyan" sinabi ko sa kanya. Mukhang wala akong makukuhang mga sagot.

"'yung video na nasa flash drive" ang sabi ni Joshua sa likuran. Mahina at patigil-tigil ang kanyang pananalita, halos bulong na lang ang naririnig ko. Kinabahan ako na hindi siya makakaligtas sa saksak niya. Mamamatay siya bago pa kami makarating sa ospital. Kung mangyari iyon, hindi ba't mas mabuting huwag ko na lang siyang ihatid sa emergency? Gagawa lang ako ng problema para sa sarili ko. Iisipin ng mga awtoridad na patay na ang isang Joshua Claveria at hindi na ako makakabalik sa dati kong buhay. Ano ang iisipin ng aking mga magulang. At ni Stella? "Panuorin mo ulit. Si Ben. Setup. Ewan. Hindi ko alam kung bakit. Pinanood ko kagabi. Instructions. Tapos... ikaw. Dumating ka. Lumabas. Ewan."

Advertisement

"Teka hindi kita maintindihan. Anong ginawa ko? Anong nangyari sa akin kagabi. Tangina, bakit dalawa tayo?"

"Totoo 'yung video. Kailangan lang tanggapin mo sa isip mo. Naisip ko, sige, susubukan ko. Walang mawawala. Pagkatapos nun, nagawa kita. Clone. Nakagawa ako ng clone. Isa kang clone."

Nanlamig ako sa aking narinig. Fuck.

    people are reading<[Filipino] PIRASO>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click