《[Filipino] PIRASO》Chapter 1
Advertisement
Nagising akong nakahiga sa sementong sahig. Halos wala akong maaninag at hindi ko rin maalala kung nasaan ako. Batay sa kakaunting ilaw sa paligid, alam kong wala ako sa aking kwarto. Hindi ito ang aking condo sa Quezon City.
Ngunit naramdaman kong parang pamilyar sa akin ang lugar. Kahit anong pilit kong maalala kung ba't ako narito --saan man ito—at kung ano'ng nangyari upang magising akong nakahiga sa sahig, walang bumabalik na alaala sa isip ko. Isa pa, wala akong maibigay na dahilan kung bakit wala akong kahit na anong suot na damit.
Kinapa ko ang aking katawan para siguraduhin ito at tama nga ang aking hinala. Hubad nga ako. Medyo mabagal bago ko ito nasigurado dahil halos manhid na manhid ang pareho kong kamay. Ngunit pagkaraan nang marahil labinlimang segundong pagkapa ay nasabi kong wala nga akong kahit anong saplot sa katawan.
May ilang bagay akong naisip na maaaring rason kung ba't wala akong damit—lahat 'di mabuti ngunit 'di ko masabi kung alin dito ang tama. Hindi naman ako nahihilo o nasusuka kaya't wala naman ako sigurong nainom na gamot na pampatulog. Siguro. Walang masakit sa aking katawan, hindi naman yata ako nabagok. Kinapa ko ang aking noo at bumbunan kung may sugat o bukol ako sa ulo at wala namang nahanap.
Kung sana may bumalik lang sa aking alaala ay maaaring matagpi ko na ang mga pangyayari. Ano nga ba ang huli kong naaalala? Nagda-drive ako papuntang... probinsiya. Para... para saan? May kung anong importanteng dahilan kung bakit ako nagpunta dito. Mahaba-haba rin ang biyahe at nagpunta ako sa... isang bahay. Kaninong bahay? May mali dito. May mga butas sa aking memorya na ayaw pang mapuno kahit anong isip ko.
Unti-unti akong umupo. Kung mabagal ang aking pag-iisip at memorya ay mas mabagal lalo ang paggalaw ng aking katawan. Habang ako'y pabangon upang umupo, pakiramdam ko ay babagsak ako kahit anong sandali. Halos wala akong pakiramdam sa aking mga braso at binti. Sinubukan kong iwagayway nang bahagya ang aking kanang kamay. Kung hindi ko bahagyang naaaninag ang kamay ko sa ilaw ay hindi ko siguro masasabing gumagalaw ito. Gayunpaman, kumpara sa kanina ay mas may pakiramdam na sa mga ito.
Ako'y nasa isang maliit at pahabang kwarto. Nasanay na rin ang aking mga mata sa dilim at nakita kong may kaunting ilaw na nanggagaling sa dalawang bintana. May isang lamesa malapit sa akin. Sa likod ko naman ay isang pader. Mayroon ring isang lababo malapit sa akin. Nasa isang kusina ako.
Kinabahan ako nang nakarinig ako ng isang kaluskos galing sa di kalayuan. Naulit pa ito at nasundan ng isang mabagal na ungol. May kung anong panganib dito, naisip ko.
Sa puntong ito, mga limang minuto na siguro magmula nang ako ay magising. Sinubukan kong tumayo at bagamat mabagal pa rin ang aking paggalaw, nagawa ko ito. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may posibilidad na ako'y mabuwal. Mukhang wala naman. Siguro ay bumabalik na ang lakas sa aking katawan.
Patuloy pa rin ang pag-ungol. Dapat ba akong magtago o dapat akong lumapit sa pinanggagalingan nito? Mula sa kung nasaan ako nakatayo, hindi ko pa rin makita kung sino pa ang kasama ko rito. Wala ring kahit anong mapupulot sa paligid ko na pwedeng gamiting sandata. Kahit na alam kong nasa isang kusina ako, walang kutsilyo o kawali dito. Isa pa, sa panghihinang nararamdaman ko, duda akong may magagawa ako upang protektahan ang sarili ko. Marahil ay kung sino man ang nandito ay ang may dahilan sa pagkawalan ko ng malay kanina.
Advertisement
"Tulong." Mahinang sabi ng kung sinoman ang may gawa ng pag-ungol kanina.
Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad na lang sa kadiliman patungo sa boses. Sa paglapit ko dito ay napansin kong bahagyang mas may liwanag na sa lugar na ito dala na rin ng mga iilang bintana. Kakabit lang rin ng kusina itong isang sala na ito, batay sa mga kagamitan. Pero hindi ko na rin napansin nang maayos ang lugar dahil sa puntong iyon ay nakita ko na ang dalawang katawang nasa sahig.
Ang isa ay nakaupo sa sahig at sa pader. Isang lalake na malaki ang pangangatawan at hindi na gumagalaw. Isang kutsilyo ang nakatarak sa kanyang dibdib. Lumapit ako nang ilang hakbang upang makita nang mas maayos ang kanyang kalagayan. Naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan nang nakita ko ang dami ng dugo sa lapag. Alam kong patay na ang taong ito o kung hindi man ay maliit ang tsansang mabubuhay pa siya ngunit naisip kong kung sakaling makahanap ako ng telepono ay tatawag ako upang may magpunta ritong ambulansya. Kung maalala ko o may mahanap na detalye sa lugar na ito na magsasabi sa akin tungkol sa kung saan man ako naroroon.
Kilala ko ang pangalawang tao na nasa sahig at gumagapang patungo sa akin. Kagaya na unang lalake, mayroong kutsilya rin na nakasaksak sa kanyang katawan, sa kanyang likuran. Nagkatinginan kami. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngunit hindi ako maaaring magkamali. Siya si Joshua Mirasol at nagpunta siya rito upang gampanan ang huling habilin sa kanya ng kanyang namayapang kaibigan. At sa kung anumang dahilan, may nangyari ngayong gabi at dumating ang isang lalakeng hindi niya kilala. Nagawa niyang patayin ang lalake at ngayon, siya naman ay mukhang 'di rin makakaligtas. Siya si Joshua Mirasol. Alam ko ito dahil ako rin si Joshua Mirasol.
Hindi ko siya magagawang lapitan. Alam kong kung hindi ko siya matutulungan ay mamamatay na rin siya ngunit hindi ako makagalaw. Wala akong maisip na matinong eksplenasyon kung bakit nasa sahig ako at gumagapang, habang narito ako't nakatayo. Lumakas ang aking kutob na isang panaginip lang ang lahat na ito. Posible nga ba?
Hindi. Alam kong totoo ang nagaganap na ito. Lumapit ako at lumuhod sa kung saan siya—ako—ewan, at tiningnan kung ano ang pwede kong gawin para sa kanya. Cellphone. Marahil may cellphone siya sa isa sa mga bulsa niya. Naalala ko bigla na ang suot ng Joshua'ng ito ay ang suot ko rin noong nagpunta ako sa probinsya. Kung tama ako, ito'y kaninang umaga. Unti-unti nang bumabalik ang aking mga alaala. marahil dahil sa presensya ng isang Joshua.
Pero teka, wala akong oras para pag-isipan ang mga bagay na 'yan. Cellphone. Ayaw ko siyang hawakan dahil ayokong maisip na totoong tao nga siya. Ngunit napansin ko muli ang kutsilyong nakatarak sa kanyang likod at sa dugong sumisirit mula dito. Kailangang magmadali. Sinalat ko ang kanang harapang bulsa ng pantalon niya kung saan ko kadalasang inilalagay ang aking cellphone. Wala. Sa kabilang bulsa'y wala rin. Nasaan?
Sa labas ng bahay. Tama, ginamit ko ang cellphone kanina, noong kinailangan kong kumonekta sa internet gamit ang laptop. Kasalukuyan akong nasa bahay ni Alexis sa Batangas at may ginawa ako rito, bagay na importante para sa aking namayapang kaibigan.
Advertisement
Okay. Pinagmasdan kong muli ang lugar na kinalalagyan ko ngayon. Mabilis na ngayon ang pagbalik ng aking mga alaala tungkol sa lugar na ito. Halos tumakbo ako palabas ng living room at patungo sa balkonahe kung saan naroon pa rin ang aking laptop at sa tabi nito ang cellphone. Sandaling sumagi sa isipan ko na ako nga pala ay hubo't-hubad pa rin ngunit dahil hindi naman ito ang panahon para maging mahiyain, mabilis kong tinungo ang lamesa at hinablot ang cellphone bago tuluyang bumalik ulit sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung ano ang emergency number sa probinsiyang ito. Subukan ko kaya ang 116? O mas dapat kayang kumonekta ako sa internet upang i-search ang numero nito? Panic. Alam kong hindi ito makakatulong sa akin, literally sa akin, ngunit hindi ko ito mapigilan. Alam kaya niya? Papalapit ako sa kanya nang napansin kong wala na sa kanyang pwesto kanina ang isa pang lalake. Malaking pagkakamali ang aking nagawa. Nagkunwari lang siguro siyang patay dahil hindi ko pa nagagawang lumingon upang hanapin siya ay naramdaman ko na ang isang tuloy-tuloy na pagtulak mula sa aking likuran.
Bumangga ako sa pader una ang aking dibdib. Halos maubusan ako ng hininga sa baga dito. Hindi pa ako nakakaisip ng maaari kong gawin para protektahan ang sarili ko nang maramdaman ko ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat na humila sa akin para lamang muli akong itulak tungo sa pader. Sa puntong ito ay nauntog rin ang aking noo sa simento at panandaliang namuti ang aking paningin. Hindi kaagad na tinuloy ng lalake ang ginawa niyang pag-atake sa akin kaya't nagawa kong magpumiglas at nabitawan niya ang kanan kong balikat. Mabilis akong umikot upang magkaharap kami at kasama ng aksyong ito ay sinipa ko siya palayo. O sinubukan ko dahil halos walang pwersa ang pagsipa kong ito. Nagawa nitong itulak siya palayo ngunit hindi ko masabing may nagawang pinsala sa kanya. Tangina. Sa puntong ito'y naramdaman kong parang isa lang itong panaginip. 'yung klase na kahit gaano ka naiinis sa iyong kaaway, parang tapik lang ang pwersa ng mga suntok at sipa mo. Pero hindi ito panaginip. Totoong buhay ito at ang taong nasa harap ko'y marahil walang intensyong payagan akong mabuhay.
Hindi pwedeng panghinaan ng loob, sabi ko sa aking sarili. Bilis, mag-isip ka. Ano ang pwede mong gawin? Kausapin siya? Tanungin kung sino siya at ano ang putanginang nangyari kung bakit ako hubad at kung siya nga ba, marahil siya nga, ang sumaksak sa isa pang Joshua. Bakit ako nakahubad? Kahit ano basta mabigyan ko lang ang sarili ko ng dagdag na oras.
Dahil liwanag lang ng buwan ang nakakapasok na ilaw, ilang detalye lang sa lalake ang aking napansin. Ang isang kutsilyo'y nakatusok pa rin sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Matipuno ang kanyang pangangatawan. Napansin ko ring may edad na siya dahil sa kulay ng kanyang buhok. Siguro nasa 50s o 60s na siya. Dinig na dinig ang kanyang patuloy na hingal.
Walang ibang tutulong sa akin. Sa gilid ng aking paningin ay nakita ko si Joshua na hindi na gumagalaw. Sa puntong ito higit na nananaig sa akin ang intensiyong tumakbo na lamang at iwanan ang lalakeng ito at ang sarili ko ngunit hindi ko rin matantya kung kaya ko itong gawin. Bumalik na nang kaunti ang aking lakas ngunit hindi ko masabi kung makakatakbo ako nang tuloy-tuloy o magagawa pa ring habulin ng lalake. Malubha ang kanyang sugat, ngunit ramdam ko pa rin ang kanyang lakas sa ginawa niyang nakaraang pag-atake. Malamang ay naghihintay lang ito ng pagkakataon kung kailan niya ako muling dadambahin.
Tangina. Sige, gawin na natin ito.
"Manong. Teka lang. Hindi mo ako kaaway. Hindi ko kayo kilala. Hindi ko alam ang nangyayari dito. Nagising na lang ako dito. Hindi ako kasali sa away niyo nung lalake diyan. Payagan niyo na lang akong umalis o kaya itatawag ko ho kayo ng ambulan—"
Sinuntok niya ako gamit ang kanyang kanang kamao. Ang totoo ay hindi naman ako umasa na makikinig siya sa akin pero mabuti na ring masubukan. Habang nagsasalita ako ay handa ako sa anumang maaari niyang gawing biglaang pag-atake. Napansin ko kaagad ang paghanda niya upang suntukin ako. Pero kahit inabangan ko ito, hindi ibig sabihin ay kaya kong iwasan. Tumama sa aking panga ang mabigat na kamao ng matandang lalake at ako ay nawalan ng balanse.
Gayunpaman, kahit hindi ko ito naiwasan ay 'di rin ito tumama ng solid sa akin. Nagawa kong bumalikwas patagilid upang mabawasan ang pwersang dulot ng suntok. Ang problema ay isa palang kombinasyon ang plano niyang gawin. Isang left uppercut ang sumikmura sa akin dahilan upang halos masuka na ako sa lakas ng suntok. Posible ring hindi lamang imahinasyon ang naramdaman kong pag-angat ng pareho kong paa mula sa lupa dahil sa lakas ng pangalawang suntok na ito.
Hindi ako makahinga. Nanlaki ang aking mga mata. Tumulo ang aking laway sa braso ng lalakeng ito. Kabaliktaran ng kanina, ngayon naman ay nagdilim ang aking paningin. Kung mawalan rin ako muli ng ulirat ay sigurado akong hindi na ako papayagang magising ng taong ito.
Kaya't bago pa ako mawalan ng malay ay hinawakan ko na ang kutsilyo sa kanyang dibdib. Ito rin naman talaga ang plano kong gawin ngunit hindi ko naisip na makakalapit ako sa ganitong paraan. Di bale, ang importante lang ay ang kamay ko na mahigpit kong isinara sa hawakan ng kutsilyo.
Narinig ko ang dagliang pag-igik niya pagkahawak na pagkahawak ko dito. Panalo na ako. Kung hugutin ko ito ay siguradong magtutuloy-tuloy ang pagkaubos ng dugo sa kanyang katawan. Kapag diniinan ko naman ito lalo ay malamang aabot na ito sa higit na parte ng kanyang puso. Sa halip, binigatan ko ang buo kong katawan at dumausdos ako pababa hawak pa rin ang patalim.
Dumausdos rin pababa ang kutsilyo at sumirit ang dugo ng lalake sa kanyang harapan. Karamihan dito ang pumaligo sa akin. Halos sabay kaming bumagsak. Ako na napaluhod sa sahig. Siya naman ay nahulog patalikod, napaupo at napahiga nang nakatiyaya. Nang inangat ko ang aking leeg upang tingnan siya, nakita kong wala nang buhay sa kanyang katawan. Ang kanyang mga mata ay nakatingin na lamang sa itaas tungo sa kisame. Nanalo ako.
Advertisement
- In Serial25 Chapters
Lonely Apocalypse: Left Out By The System
Sometimes you wake up and just know your day is gonna suck. Now imagine waking from a three-year coma in an abandoned hospital, on an Earth that has recently fused with a different dimension. Yeah, it’s one of those days. The last I remember I was valiantly saving my high school crush from the path of an oncoming truck. Now I’m a skin and bones patient in recovery wearing nothing but my hospital gown. Has anyone seen my pants? Oh yeah, the world is also full of monsters, and I’m the only human left. Anyone ready for Spring break? It turns out a godlike System evacuated humanity, but decided to leave the vegetable in the bed. I can hardly blame it. From the moment my parents named me Lex Lurker, I was destined to be ignored. I could crawl into a corner and wait to get eaten by a freaking kobold but after years of being asleep I have a new appreciation for feeling alive. And for all the chaos, there are game-like rules and magical powers that could help me avoid becoming a meal, and perhaps even thrive in this hellscape. But first I’ll have to find the tenacity to survive, the courage to fight, and the strength to face some dark truths about myself. Whispered voices call me the Hope of Humanity, but it turns out I might be the villain of this story.
8 262 - In Serial7 Chapters
Computerman
I've always loved playing games, I played them so much that the world bend to my will and allowed me to play them for eternity. Please don't be afraid I was human once let me tell you the tales of old times where everything was convoluted mess. The tale of my life and how I became Computerman. Cover art is from wombo art app, with prompt of "neutron Star" in synthwave category.
8 93 - In Serial89 Chapters
Property Of Vittore Martinelli ✓
When she was 14, Dalia was sold to Matteo Martinelli, the former leader of the largest Italian mafia. Flash forward with his son, Vittore Martinelli as the new leader, Dalia is given to him as a birthday present after years in spent in the "safe house". Dalia struggles to fulfill a promise she made and get her old self back as Vittore tries not to fall for the black beauty. Will they go through all the lies, jealousy, betrayal, envy, lust and murder together all in the name of love?Because at the end of it all, she is still Property Of Vittore Martinelli.* * * "Lift your hand," I said looking at how he held onto his bicep with a tight grip. "Let me take a look at the bullet wound.""No tesoro. I can do this myself," Vittore grumbled and I gave him incredulous look. "Don't start that bullshit with me Vittore. Remove your arm and let me help you or..." I trailed off, not able to say more. I was still in shock but I could do this. "Just... just let me help.""No."I glared at Vittore. "Why are you being so damn egotistic?! Let me help you! Do you know what it was like to find you like... and to..." I couldn't even get all the words out. "Let me help you. Please."Begging wasn't something I'd ever do but I just needed him to let me help him. "No-""Why?!" I suddenly exploded. "Why won't you just let me help you?!""Because I don't know how to handle it ok?!" Vittore suddenly exploded, his dark eyes glaring at me. "I don't know how to handle these... feelings. Fuck tesoro you drive me crazy! Don't you see that? You make me question everything I've ever known and... I can't..." I watched Vittore as his expression turned determined. "Fuck it."He leaned forward and pressed his lips on mine.* * *WARNING! Mentions of death, torture, gore, abuse and other things related to the mafia.
8 258 - In Serial34 Chapters
Rise of a Scarlet Devil (Regular+Draft Version)
A young girl slain during a war was brought back to life by some unknown force millennia later. She could only remember a vague face within her memories, uncertain as to who it was but there was one thing she did know. She needed to kill that person. But she was too weak, she needed to hide, to grow. She needed to flee from the battlefield her enemy reigns over. And to do so, she needed to run eastward, towards Helios, a safe haven for those who have lost their homes in the war. And where she would grow to become the strongest Hunter under her own strength. What was it that brought her back? Only time will tell. #Author's Note The novel is organized like this:Regular Chapters (Act, Title, Part (ranging from 1 to 9))Draft Chapter DisclaimerDraft Chapters (Entry Number, Perspective, Title, Part (ranging from i to ii)) Regular chapters are edited chapters that reflect the story aspect more while Draft chapters reflect plot progression more. An occasional interactive chapter will appear in the drafts but nowhere in the regular chapters. Expect changes when reading between Regular and Draft chapters as some events in the story may change in length or entirely removed/changed. Only read the draft version if you want a future view and/or opinion on the story and design elements. The main character is a human from a fantasy world reincarnated as a devil. The story possesses Reincarnators, Transmigrators, and Summoned Persons. though mainly focusing on Magic and other abilities such as Aura and Skills. Wizards (those who prepare arcane spells) and Mages (those who use elemental magic) are separate but seen as the same by common inhabitants of the world but clearly defined as different by more influential persons and by the circles themselves. The main character WILL not be a Mage or Wizard but will incorporate mana into her attacks to aid her as does any high-rank combatants. The system in the novel quantifies a person's abilities and keeps record of them but does not define natural ability, occasionally granting special abilities as skills to a person once prerequisites are met. There is no leveling system and no occupational systems in the novel featuring only a stat based and skill based system. Also, this novel is my first and will most likely be trash.
8 200 - In Serial13 Chapters
Ready, Set, Go! - GameLit Isekai
Meet the skeptical, ironical, slightly sadistic and manganime-loving -but definitively not otaku- fifteen years old junior high student: Eugene. He hates bothersome things. He hates bothersome people. But the thing he hates the most is... People talking about me behind my back. Oops... I got found out? What do you want? Also, who gave you permission to write about me, huh? Isn't that a crime? You are using my persona as a character without consent, isn't that illegal? I can, though? Because, I want to...? What kind of logic is that?! That's not a good reason at all! You'll understand when you grow older... What do you mean...? Hey... Hey! Don't ignore me! Stop raising your hand... What's up with that cliched magic circle?! This isn't funny! Don't, don't you dare casting that spell...! Hey, I'm talking to you, you bas—!!! *Fwip!* ...Ahem. Anyways. Watch in amuse as Eugene lives exciting adventures in the world I totally didn't send him to against his own will just now... A world of magic, monsters, and an oh-so cliched System that everyone seems to be going nuts about these days on. Ready, set, Go! Run, jump, till you can no more! Fight or flight, love and lie to live your life! Walk through this exciting GameLit Isekai from the start, and make company to this lonely God that is its author in the strive for true entertainment! And more important. Don't talk about what you saw here with anyone.
8 159 - In Serial14 Chapters
A 24th Century Ship In Azur Lane
After Dealing with the Borg in the late 21st century, Enterprise NCC 1701 E was about to return to his own time but an anomaly sends him further into not only the past but in a world where ships become human
8 183

