《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 38

Advertisement

"Kumain ka na. Shane told me you've been skipping meals since then. Hindi makakabuti sa kalagayan mo at sa kalagayan ng baby mo kung pababayaan mo ang sarili mo." Pinanood ko si Hunter na iayos ang mga pagkaing niluto niya sa maliit na table. He wasn't looking at me. Nakabalot ako ng kumot habang nakasandal sa kama.

Ngayon ko lang natanong, bakit andito siya?

"Why are you here, Hunter?" I asked in a low tone. Ramdam kong maga ang mata ko sa kaiiyak at sinisipon na rin ako.

"I can't leave you here alone. This is the least I can do." Hindi ako sumagot at tumungo na lang. Naramdaman ko ang paglapit niya at bahagyang pag-upo sa harapan ko. He fixed my hair, na medyo magulo na dahil hindi ko pa nasusuklay. Bago muling pinunasan ang pisngi ko.

"Hahayaan kitang umiyak ngayon, dahil makakatulong 'yan para mapabuti ang pakiramdam mo. Pero isipin mo rin ang mga anak niyo. They might have lost their father, but they still have you, at ikaw... Mayroon ka pa ring mga anak. Hindi ka pa rin nag-iisa. Sooner or later, you will be okay. Andito lang kami para sa 'yo. Dim. " again, why are you doing this, Hunter?

"S-Salamat."

"You're pregnant, so eat. Kahit wala kang gana kailangan mo pa ring kumain." nilahad niya ang kamay, para tulungan akong makatayo. Marahan kong tinanggap ang kamay niya at agad na bumangon. The comfort strip down on me as I followed him hanggang sa mapaupo niya ako sa couch.

"Hindi ko alam if you're craving for something to eat, pero sa kalagayan mo ngayon siguro hindi ka muna mamimili." Tumango ako at tahimik na hinayaan siyang ipaglagay ako ng pagkain.

"Diana and Harshley are good together. Mabilis na nagkasundo ang dalawa. Huwag kang masyado munang mag-alala, Shane was taking good care of them." tumango naman ako at marahang kumain. Mamayamaya ay napasulyap ako sa kaniya at may nilabas siyang tila notebook. He was reading something on it, tapos mayroon pa s'yang chinechekan and I came curious.

"A-Ano 'yan?" I asked.

"Humingi ako ng list kay Shane, mga kailangan mo as for your pregnancy. Andito ang list ng vitamins, mga dapat at 'di dapat gawin. Mga dapat kainin at hindi dapat kainin." Pinasadahan niya iyon nang tingin hanggang baba at napatulala ako sa kaniya.

Wala akong ideya kung bakit niya ito ginagawa. Kung tutuusin, hindi naman kami close o ano. Mayroon kaming nakaraan at hanggang doon lang dapat 'yon. Hindi rin naman kami magkaibigan.

Advertisement

Pero ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa kaniya... Sa kanila ni Shane.

"Gaano na kayo katagal na mag-asawa ni Shane?" natahimik siya at natigil sa pag-check ng nakasulat niya sa notebook. Hindi siya lumingon sa akin, nanatili sa sahig ang tingin niya bago sumulyap sa daliri niyang may suot na wedding ring.

"Limang taon na rin," Tumango-tango ako.

"Noong umalis ka, ilang buwan lang noong ikasal na rin kami. She was my nurse back then." yeah, natatandaan ko. Nakit ko si Shane noon. She was hired by Zyc to look after Hunter.

"Natutuwa akong, mabuting babae ang napangasawa mo, Hunter."

"She is... " ngayon tuloy, nag-aalangam na ako kung sasabihin ko pa ba na siya ang tunay na ama ni Diana o huwag na lang?

Dian knew she's adopted. But I can tell her she's really mine and nawala lang siya noon sa amin ni Tremor. Isa pa, David na rin ang dinadala ni Dian at si Tremor na ang nakagisnan niyang ama. Wala ng dahilan para malaman pa ni Hunter, magkakagulo lang ang lahat.

I can feel it. Siguro, wala namang masamang maging magkaibigan kaming dalawa ni Hunter? Isa pa ay malapit na pinsan ni Tremor si Shane, at gusto ko rin naman na magkalapit si Dian at Harshley, kahit paano naman ay magkadugo pa rin sila. Hindi lang sila magpinsan, they're sisters. Ako nga lang ang nakakaalam at si Tremor.

Hunter didn't leave me. Nag-aalala na ako na baka kailangan siya ng asawa't anak niya. He stayed. Attending to my needs. He was checking me from time to time. At kahit paano umayos naman ang pakiramdam ko kaysa nitong nakaraang araw na puro ako iyak.

"Hindi ka pa ba uuwi?" nasa kusina kami at pinaghihiwa niya ako ng prutas.

"Nagpaalam ako kay Shane na pansamantala muna kitang babantayan. Ganoon din naman ang sinabi niya sa akin dahil nag-aalala rin siya sa 'yo at sa kalagayan mo. We want to make sure you and your baby are safe." She is really kind. Mabuti na lang siya ang napunta kay Hunter.

Hindi talaga umalis si Hunter. Sa guest room siya natulog at kapag nagsusuka ako ay dinadaluhan niya ako kahit antok na antok siya. Lumabas pa siya ng madaling araw para humanap ng lansones.

The next day, napilit niya akong pumunta sa burol ni Tremor. Nasa pintuan pa lang kami ay nanghihina na ako kaya mabilis niya akong inalalayan. Naroroon sila Shane, si Dian naman ay nakita kong kausap ang nakababatang kapatid na si Harsh. Hindi mapagkakaila na anak talaga ni Hunter pareho. Nakuha ni Dian ang hugis ng mukha, at mga mata ni Hunter. Habang si Harshley, nakuha niya ang tangos at porma ng ilong ni Hunter, ganoon na rin ang shape ng mga labi nito.

Advertisement

Kinakatakot ko na baka kapag nagsimula nang mag dalaga si Dian mas makita ang pagkakahawig nila ni Hunter.

Siguro nakatulong sa akin ang comfort ni Hunter at ang mga sinabi nito, dahil kahit nanghihina ay hindi ko na nagawang umiyak. Masakit pa rin. Sino ba namang hindi masasaktan kapag nawalan ka ng asawa? Pero hindi tulad noong mga nauna, ngayon unti-unti ko nang tinatanggap. Wala akong choice. I need to be strong. Para kay Diana at sa baby sa sinapupunan ko.

I stayed there until midnight. Hindi ko binalak umalis, and Hunter stayed with me. Inutusan din siya ni Shane na alagaan muna ako and he said yes. Si Kimmy ay maagang umalis, at tulad ko'y mukhang unti-unti na rin niyang tinatanggap.

Habang tinititigan ang malaking litrato ni Tremor na nakangiti ay napasulyap ako kay Hunter sa tabi ko. Nagulat ako ng makita ang pwesto niya. Nakaupo siya at nakahalukipkip habang medyo bagsak ang ulo at napapabaling. Mukhang antok na siya.

Muli kong nilingon si Tremor at malungkot na ngumiti.

Uuwi muna ako, Tremor. Babalik ako bukas, para sa huling sandali.

I took a deep breath. Tumayo na ako at huminto sa harapan ni Hunter. Marahan kong tinapik ang balikat niya at unti-unti naman siyang napataas ng mukha at nagmulat ng mata.

"Uwi na tayo?" I asked.

"Sure ka ba?"

"Hmm." Tumango naman siya at tumayo na. Kinuha niya ang gamit ko at binuhat bago ako inayang lumabas na. After namin makasakay sa kotse niya ay tahimik kaming bumiyahe patungo sa bahay.

I checked my phone, at nakita ang ilang missed calls at messages ni Damon. Nag-reply lang ako sa kaniya bago iyon muling itinago at tahimik na sumilip sa labas ng bintana.

Nang makauwi ay hinatid lang ako ni Hunter sa kwarto bago ito nagpaalam na matutulog na.

"If you need something, just knock."

"Salamat, Hunter." Kaagad siyang tumango. He patted my head first before he left.

Buong oras akong nanatiling gising at nag-iisip. I was reminiscing about memories I made with Tremor. Hindi ko maiwasang hindi siya ma-miss.

Maybe, this is the reason why we are afraid to lose someone. Because of the truth that we fear, whatever memories we make with them won't happen again. Na kahit anong gawin natin, ang nawala ng buhay, hindi na maibabalik.

I just thought, I have found my forever in him. But he left... For good at kailangan ko iyong matutunang tanggapin.

It was a rainy afternoon in Kinabukasan. Dumalo kami sa libing ni Tremor. Hindi ko maiwasang hindi maiyak. Pero ipinangako ko na huli na 'yon.

It was so hard to forget someone who walked in the dark with a torch in his hand, giving you light to go on the path. He was the one who helped me out. He was the one who took care of me when I was in the dark. He's my light... the light who has now stopped burning.

You may now rest in peace, Tremor. Fly free... from paradise without pain. Hinding hindi ka namin makakalimutan. Hindi kahit kailan.

After that day, doon na rin natapos ang pag-aalaga sa akin ni Hunter. I told him I was okay.

At isang Linggo ang nakalipas ng piliin kong kunin na sa kanila si Dian, para magsimula ulit.

I couldn't handle Tremor's business, so I asked Kimmy if her husband could take it over and, with her help, pumayag sila. Habang ang savings naman ni Tremor pinatayo ko ng school. Ang ilan naman ay ginamit ko upang makapag paaral ng ilang kabataan. Nagpatayo rin ako ng business, it's a high class restaurant. Mas madali kasi iyong i-manage kaysa sa mga negosyo ni Tremor.

"Nakakalungkot naman, napamahal na rin sa amin si Dian. Pangako niyo bibisita kayo lagi rito ha? Kapag busy ka, pwede mo namang iwan si Dian dito." Pinakatitigan ko si Shane na nakangiti sa akin, sa kabila ng maputla niyang balat at mga labi. Wala siyang suot na make up at napaka natural ng itsura niya.

"Walang problema... Maraming salamat sa inyo, saka kay Hunter." Nilingon ko si Hunter na kalaro si Harshley. Sumulyap ito sa amin at tumango bago ngumiti ng maliit.

"The notebook, I left it on your side table... Nakalista roon lahat." Ngumiti ako.

"Maraming salamat Hunter, Shane, Mauuna na rin kami."

"Sige, mag-iingat kayo." niyakap ako ni Shane at ganoon din si Dian, hinalikan pa niya ito sa pisngi bago kami hinatid papalabas.

Nang sandaling makapasok kami sa kotse ko, ay napabuntong hininga na lang ako.

"We can do this, Dian. Hindi mo naman iiwan si mommy 'di ba?"

"Yes, mommy! I will be with you until you're old! Pinangako ko 'yon kay daddy." Ngumiti ako.

Tama, andito si Dian, at ang baby ko na nasa sinapupunan ko. Kakayanin namin 'to. Kakayanin ko para sa kanila at para na rin kay Tremor.

    people are reading<Hunter's Wrath (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click