《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 35
Advertisement
Madalas ako magtaka noon, kung bakit... Bakit may mga mag-asawa na naghihiwalay at nagkakaroon ng panibagong pamilya?
'Yong tipong kahit may mga anak na sila, naghihiwalay pa rin. Kahit sa mga artista. Bakit karamihan sa mga artista, marami munang napapangasawa bago nila matagpuan ang huli... Or kung iyon nga ang huli?
Not that I am gossiping over someone else's life but because I am curious. Why did they marry each other if their love wasn't strong enough to stay and stick together?
Later on, I realized hindi sapat na mahal niyo ang isa't isa. O baka naman, you both fell out of love and the love that once was strong faded.
Pwede ring, baka hindi na sila nagkakasundo sa mga bagay-bagay o nagiging toxic na ang marriage.
It must really have a reason. Lahat ng pagsasamang nauwi sa hiwalayan, may rason. 'Yong iba naman, nag-cheat.
Sa kaso namin ni Hunter. We didn't fall out. We didn't cheat. We simply decided to separate for good, because our marriage was toxic. Ilang beses akong nasaktan. He emotionally tortured me, at pareho kaming nawalan. We lost ourselves, and I can't see myself with him. Hindi ko na makitang kasama siya habang hinahanap ang sarili namin. Hindi ko na iyon mahanap sa parehong lugar kung saan 'yon nawala.
Yeah, maybe sometimes it's worth saving a relationship, and sometimes it isn't. Love is not enough to save it. And our marriage is past the point of saving.
"Mommy!" Sinalubong ko si Diana mula sa pagtakbo nito.
"You shouldn't have run! Paano kung natisod ka?" ginulo ko ang buhok niya. She's already 9. And it's been five years since.
"Namiss ka kasi niya, kung saan-saan ka nagpunta."
"Of course, business trips kaya 'yon. Sabi ko kasi sa inyo sumama kayo eh! Nakakalungkot nga, isang linggo akong mag-isa habang palipat-lipat ng bansa." Nagtatampo na sabi ko, at tumawa naman siya.
"Huwag ka ngang sumimangot ayoko ng asawang mukhang pato." Mas lalo naman akong napasimangot ay mahina siyang sinuntok sa balikat.
"Halika na Dian, hindi natin bati ang daddy mo. Magluluto ako at ikaw lang kakain huh? Alam kong namiss mo luto ko."
"Yes, mommy! Daddy sa restaurant ka na lang kumain! Ba-bye!" pangaasar pa ni Diana sa ama niya na muntik ko nang ikatawa. Alam ko na ang mukha niyan, nakasimangot nanaman.
"Mahal! Sorry na!" narinig kong paghabol niya. Nangingiti na ako, pero pilit kong isinisimangot ang mukha ko. Gusto ko pa siyang pahirapan. Nasa mood akong maginarte. Namiss ko rin kasi siya.
"Hal! Sorry na! Kasama naman ako sa kakain ng niluto mo 'di ba? 'Di ba? Umuoo ka."
"Ayoko nga." kunwari'y walang emosyon na sabi ko.
"Dian, tell mommy to forgive me... Promise bibilihan kita ng maraming candies."
"Huwag mo ngang gamitin ang anak mo!"
"Bati na kasi tayo, ang tagal mong nawala tapos susungitan mo lang ako?" Nilingon ko ang mukha niya at siya naman ngayon ang halos humaba na ang nguso. I smiled and kissed him.
"Tara na, buksan mo na ang pinto ng kotse at nang makauwi na tayo." Ngingiti-ngiti naman siyang sumunod at pinagbuksan kami ni Diana ng pinto.
It's been five years, na rin pala, since we married each other. Five years ago, while in the US with Tremor, we waited for the decree absolute confirming my divorce, before I we get married.
And so far, masaya ang naging pagsasama namin.
Si Tremor 'yong tipo ng asawa na hindi ko akalaing mapupunta sa akin. I am blessed. He's caring. Halos nga siya na ang mag-volunteer para sa nga gawaing bahay. Gusto ko sana kumuha ng maids, pero tumanggi siya at sabi pa, kaya naman daw niya.
Advertisement
I think he's really a busy person to be a house husband, pero napanindigan niya. Tumutulong naman ako, ako naglalaba ng damit niya at nagluluto, the rest gusto niya siya na gumagawa. Sa pag g-grocery naman may sched kami na every sunday para magkakasama kami after mag attend ng mass. Saktong pang one week lang din kasi ang binibili namin para sure na makakapag grocery kami every Sunday.
Tremor... He never fails to make us happy. Mahal ko siya, at ramdam kong mahal na mahal niya rin ako.
I found my peace with him. Kontento na ako sa pamilyang binubuo namin.
"Mommy! Look!" Nilingon ko si Dian at napangiti ako ng napakarumi na ng mukha niya dahil sa kung anong ginagawa niya.
"What are you doing, baby?"
"I'm making gravy." I chuckled.
"Alright. Tell your dad to help you." Umiling siya.
"No mommy! Daddy already taught me how."
"Okay, sige. Finish that and wash your face. Nasaan na ba ang daddy mo?"
"Talking on the phone, marami siya kausap mommy, daddy's very busy." I smiled.
Talaga namang busy talaga ang isang 'yon pero ayaw paawat.
Habang nagluluto ay bigla akong nakaramdam ng hindi maganda. I covered my mouth as I rushed through the sink at doon dumuwal. Pumipintig ang ulo ko at halos maghina ako sa pagsusuka. Shit! Did I eat something?!
"Mommy? Are you okay?"
"Yes baby, I am."
"Why are you vomiting?"
"Baka pagod lang si Mommy or may nakain." I washed my mouth and even gargled. Mayamaya lang ay pumasok na si Tremor, and he was about to talk to our daughter when he noticed me.
"Hal? Ayos ka lang?"
"Hmm, may nakain lang ata akong masama."
"You sure?" Tila hindi pa siguradong tanong niya.
"Yeah, tulungan mo na 'yong anak mo, tapusin ko lang niluluto ko." Kaagad naman siyang dumulog sa sinabi ko habang ako naman ay nagpatuloy na lang. Matapos 'yon ay hindi na bumalik sa ayos ang pakiramdam ko. After kumain ay wala ako sa mood na tumungo sa kwarto para matulog. Hinayaan naman ako ng dalawa at tinabihan ngunit hindi ko na rin sila nagawang pansinin pa.
Nagising ako ng muling makaramdam ng pagbaliktad ng sikmura. Mabilis akong tumakbo sa loob ng bathroom at dumuwal sa bowl.
"Dim?" I heard Tremor's footsteps. Lumapit siya sa akin at hinagod ang likod ko, holding my hair. Para hindi humarang sa mukha ko.
"Pa-check up ka na kaya?"
"O-Okay lang ako, hal."
Medyp nahihilo pa ako ng tumayo kaya inalalayan niya ako. He even washed my face for me at siya na rin ang naglagay ng tooth paste sa tooth brush ko.
"Mukhang hindi ka okay, samahan kita magpa check up mamaya para malaman natin. Darating din si Kimmy, we can ask her to babysit Diana while we're away." Hindi na ako kumontra. Siguro tama lang din na magpa-check up ako wala namang mawawala.
"Dimmy! I missed you! Hindi ako na-inform na uuwi pa pala kayo rito sa Phil! Noong malaman ko bumalik ako agad here from Japan!"
Oo, bumalik kami ilang buwan na rin. Nakakuha kasi si Tremor ng magaling na architect to design our dream house tapos, naisip niya na ipatayo sa bakanteng lote na pag-aari niya rito sa Laguna.
Their parents are already gone. When they passed away, they left behind a legacy. Pinanindigan talaga nila 'yong till death do us part. After kasi mamatay ng mom ni nila because of cancer, ilang buwan lang namatay na rin ang dad nila because of cardiac arrest.
Advertisement
Hindi naman kami masyadong nalungkot at mabilis na rin namang natanggap nila. Kasi alam nilang masaya ang mommy at daddy nila. Pareho na rin kasing may pamilya si Kimmy at Tremor. Pero kahit ganoon shempre nakakalungkot din. Tremor loves his parents so much. I witnessed how he cried. I was there, ilang araw din siyang walang ibang ginawa kundi umiyak ganoon din si Kimmy, pero at the end, natanggap na rin nila.
Maybe that's really how life is for us. Sa una masakit mawalan, iiyak ka at magluluksa pero matututunan din naman nating matanggap, kasi parte na ng buhay iyon. That was our reality that anytime, anywhere, p-pwede tayong mawala.
"I missed you too. Pasensya na hindi ka na namin na-inform bago kami bumalik dito. Medyo busy din kasi ako noon sa mga business meetings ko sa iba't ibang country." I am working for Tremor's company as one of the directors. Ako rin ang vice chairman of the board, 20% ng shares ay sa akin, 50% kay Tremor and the rest ay sa iba na.
"It's okay! Ganoon talaga, kahit naman ako busy din sa kambal ko e. Masyado rin kasing abala sa work niya ang asawa ko."
"Kimmy, ikaw na muna magbantay kay Dian. Pa-check up lang si Dim." Singit ni Tremor na nakalabas na mula sa kwarto namin.
"Oh bakit? Hindi ba maganda pakiramdam mo?" baling nito sa akon at tumango ako.
"Okie! Sige ako na munang bahala, ingat kayo."
Nagpaalam na rin kami ni Tremor kay Dian at kay Kimmy ulit bago kami umalis. May kilala siyang Doctor kaya roon na lang kami pumunta.
Iniisip ko kung anong mayroon sa akin, and some things are now playing in my mind.
Am I...
"Andito na tayo." Napatingin ako sa bahay na nasa tapat namin. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto bago inalalayan.
"Kaninong bahay 'to?"
"Sa pinsan ko, dati siyang nurse tapos naging doctor. Ang alam ko may asawa't anak na siya. Pero hindi ko pa nakikilala. Minsan inaya niya ako kaso hindi ko napapaunlakan dahil busy. Kaya rito na lang din kita dinala." Tumango naman ako at sumabay na sa kaniya papasok.
The house was big. Mukhang hindi basta ang may-ari.
Si Tremor na ang nagpindot ng door bell button at ilang segundo lang bumukas na iyon, revealing a woman at my age, nakasuot ng plain white dress.
Kumunot ang noo ko ng mapansin na tila pamilyar siya.
"Chris" he looked at Tremor and smiled, bago sa akin. Pansin kong nagulat pa siya at bahagyang lumiit ang ngiti pero muli rin naman iyong lumawak.
"You must be my cousin's wife?"
"Yes..." Nakangiti na sabi ko.
"Pasok kayo..." Iginiya niya kami papasok.
"Ako nga pala si Chrishane, pasensya na kayo off ng maid namin ngayon e, pero no worries. Ano gusto niyo inumin?"
"Okay lang, and no need. By the way, I'm Divecca Marianne. Dimaria na lang." Ngumiti ito sa akin nang makaupo kami sa couch.
Umupo na rin naman siya at nagpalitpalit ang tingin sa amin.
"We came here, para magpa-check up."
"Why? Anong nangyari? Sino sa inyo ikaw? Or si Dimaria?"
"Ako, bigla na lang kasi ako nagsusuka kahit wala namang mali sa kinain ko. Medyo nahihilo hilo rin ako."
"Oh maraming pwedeng rason pero may isang mas possible na sagot."
"Hon." Nagulat kami ng biglang may humalik sa ulo niya. And when I look at the man, na tila hindi pa rin kami napapansin, agad na namilog ang mata ko sa gulat.
"Hey! Bigla ka na lang sumusulpot. I have a visitor pala. Remember my cousin na palagi kong kinikwento sa 'yo? Kasama asawa niya." She held her husband's hand. At tila slow mo ang pangyayari na umangat ang tingin nito sa amin at nagtama ang paningin naming dalawa.
"Hunt, meet my cousin Tremor and his wife Dimaria. Guys, meet my hubby, Hunter. You're right, hon!Lagi ko ini-invite 'yang si Tremor kaso laging busy." wala kaming kibi ni Tremor tila maging siya ay gulat na malamang ang ex-husband ko ay ang asawa ng pinsan niya.
Si Hunter naman ay nanatiling tahimik at nakamasid sa amin. He has this gentle expression but unreadable eyes.
"Hon, can you get two pieces of pregnancy kit for me? Nasa loob ng office ko, sa may ibabang drawer." nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
"Pregnancy kit? Are you pregnant?" Hunter asked.
Tumawa si Chris at hinampas ang asawa sa braso.
"Gags hindi! For her, nandito sila para mag pa-check up... I have a feeling na buntis siya, so she needs to try." b-buntis? Nagkatinginan kami ni Tremor at bumaba ang tingin nito sa tiyan ko. I saw how his face paled.
Napasulyap ako kay Hunter na nakatingin pala sa akin, ngunit wala akong natanggap na kahit anong reaction.
"Okay," He turned his back on us as Chris turned her face to look at us again.
"Buti na lang nasa parents niya ang anak namin, kundi baka nangungulit lang 'yon dito. Pero sayang din hindi ko sa inyo maipapakilala ngayon si Hashley." So they have a daughter. I swallowed hard.
My last condition. It really did happen. Masaya ako. 'Di ba? Finally, buo na siya. Para sa akin kasi, ang pagkakaroon ng anak ang bumubuo sa amin at sa kanila. And I know that he has a daughter now... Alam kong nabawi na nito ang mga nawala niya noon and I am happy to see it. I am happy to see him again already fulfilled, complete and happy.
He built a family. Natutuwa ako. Masaya ako para sa 'yo Hunter. Natupad na rin ang pangarap mong pamilya. And you have already found your peace. Matatahimik na ako, knowing you're doing great now. What happened in our past is all worth it.
Right?
I tried the two PTs as Chris told me. Hanggang sa lumabas ang result at halos maluha ako ng makita ang resulta nito.
Nanginginig ang kamay na lumabas ako ng bathroom, and there the three are waiting for me. Tremor, na namumutla, Chris, na excited at Hunter na walang reaction, habang nakahalukipkip.
"So?! What's the result?" excited, na tanong ni Chris.
"P-Positive."
"Yes! God, Yes!" Napatayo si Tremor at naluluhang nagsisigaw bago lumapit sa akin at niyakap ako. He was even laughing out of joy. Tumili si Chris, ngumiti ako... Ngunit ang mga mata ko nanatili kay Hunter na wala pa ring reaction na nakatingin din sa akin.
"Thank you, Hal. Thank you, matagal kong hinintay 'to."
"Congrats, insan! And Dimaria! Omg! I am so happy for the both of you!"
Nanatili akong nakangiti.
Hunter stood up, still staring at me.
At hindi ko alam kung bakit.
"Congratulations," nang sabihin niya 'yon... Tila may isang bagay na gumuho sa loob ko at unti-unting nadurog ng pinong-pino.
Advertisement
I Know Everything
If heavens will not acknowledge Shen Huan, there will be millennia of darkness. This is a novel about a transmigrator that desires to achieve ultimate freedom, acquiring an unreliable System with a humorous effect.
8 410Love is Beautiful (She's so Ugly)
How would you know if you keep looking the other way? •••Merida Love Hollyn is a normal girl who lacks self confidence and she never fights back. And because of that, she often gets bullied by the mean girls at school, earning the nicknames, "Goldfish" "Ugly Duckling" and "Trash". Her days was always bad as she describes it until a handsome basketball player named Jacob started to get curious about her ugliness. 2•12•205•27•20
8 257Innocence
"So goddamn tiny," He muttered to himself, making a blush rise to Freya's cheeks."I am not," She defended herself quietly. "You're just huge."~🎀~Freya Karol was the epitome of innocence.She was small, sheltered, and fiercely protected by her millionare father. Going out after 8pm was a no.Drinking alcohol or doing drugs was a no.Skipping school without reason was a no.And boys were a big no.But if there was one thing that attracted Falcon Anders, it was innocence.~🎀~"All the synonyms of perfect. This book is absolutely beautiful, the plot, the writing and the characters are so addicting. Literally fell in love within reading the first paragraph of the book. I honestly truly hope you update more often, because you're very talented and this book is literally beautiful💙" - NajmaCopyright © 2019 N.E. LorimerAll rights reserved.
8 330The Gang Leader
"What are you doing on my territory?!" He snarled in my face in anger."I don't see your name anywhere" I say looking around.------------------------------------------- Cecilia Adams Was walking down the dark streets of London, after that long, hard shift at Sainsbury's, meeting Reece Dennings was the last thing on her mind. All she wanted was to go home, and sleep. But nooooooo she had to run into the gang leader of one of London's biggest gang. One encounter leads to another.9th in teen fiction (highest rank)BE WARNED THIS BOOK IS REALLY CHEESY!!!!Cover By : LUCIJA1409
8 194Running | (GxG) (Darlentina)
In a world where Darna and Valentina never existed, only a pair named Narda and Regina."Stop running, I've caught you now"
8 120Fuck Me: Better
"Has your husband ever fucked you like me, Miss White?""No... You fuck me better."___________________________________________________________Kenya is left beaten and broke after trying to scam some money from a rich, perversed man. She then finds herself conversing with an eight year old boy who announced himself her saviour. Which wasn't completely off the market since he opened a door for her to get a job. But drama stirs when her self proclaimed saviour's mother, returns home. Just when Kenya slips out of one troubled situation, she gets yanked into another.Let's see how Kenya deals with her saviour's sexy, crazy pair of parents and their brewing feud.STATUS: COMPLETED (rough draft)Started: January 20, 2021Ended: March 18, 2021Word Count: 60,000 - 70,000
8 203