《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 30

Advertisement

Damon Dankworth.

"Hunter... Are you sure you want to succeed my position?"

Nilingon ko si Dad at tumango. Buo na ang loob ko.

Wala sana akong plano na tahakin ang landas na dinaanan ni dad, pero sa mga nangyari, sa pagkawala ng anak at ng babaeng mahal ko. Pinili ko ring pasukin ang madilim na mundo.

Through my dad's help, I became a mafia boss. I gained power, I earned connections and people. And this is my way of taking everything away from Dankworths. Makakaya ko siyang labanan kung nasa pareho kaming mundo.

"I want to transfer in Damon's school."

I am an engineering student sa school na pag-aari ng pamilya ko. Pero mas pinili kong ipagpatuloy 'yon sa kung nasaan si Damon. I started being competitive with him. Wala akong pakialam kung makahalata siyang tila may itinatago akong galit sa kaniya, dahil mayroon naman talaga at sobra-sobra pa.

I am just collecting information, na pwede niyang ikasira.

Una kong pinaplano ay akitin si Katherine Reiss, ng malaman kong ito ang nag-iisang babaeng kinahuhumalingan niya.

Gusto ko siyang alisan ng kinabukasan. Gusto ko siyang mawalan ng babaeng minamahal. Balak ko na rin sanang ipadukot na lang si Reiss, ngunit pinigilan ko muna ang sarili.

May kung ano sa akin na kahit paano ay hindi pa rin makayang saktan ang isang inosenteng babae.

Pero hindi ko alam kung bakit...

Pagkalipas ng ilang taon... Nang dumating si Dimaria sa school at nalaman kong siya ang nag-iisang kapatid ni Damon ay mas nagka interes akong sa kaniya ibaling lahat ng plano ko.

"I h-hate you..." She mumbled. I can feel her fear. As much as possible, I still want to be easy with her. I even felt a pang when she said that.

"I am allowing you to hate me, despise me, Divecca. Just don't try to make a move na ikauubos ng pasensya ko." Wala sana akong balak na takutin o tutukan siya ng baril, pero wala akong choice, hindi ko siya mapapasama ng kusa at ayokong maggawa siya ng iskandalo.

I was really trying to be patient with her. But she's just pushing it...

"Oh so I am right, you're just bitter and jealous of someone's achievement, and of course, maybe you're too shallow for---"

"Shut the fuck up bitch if you don't want me to kill you and your fucking brother! Behave yourself before I do something you'll never like! Bullshit!"

Damn! I'm trying! Fuck! I am trying not to hurt her, hindi ko alam kung bakit parang ayoko siyang saktan pero kapag naaalala ko ang nasaksihan sa nangyari kay Amber at sa pagkawala ng anak namin, ng anak ko, para akong mababaliw at inuunahan ng galit.

I forced Dimaria into a marriage from which she can't escape.

Seven years. I need her to be with me for seven years.

I will let her suffer, and I will try to love her. Baka sa loob ng pitong taon na 'yon, mawala ang galit ko kay Damon, mapatawad ko siya at magawa kong magmahal ulit. I want to love her sister. Hindi ko alam... Masama o mali man ang paraang ginawa ko.

Advertisement

It was just hitting two birds with one stone. I want Damon to feel the pain of losing his sister. Ang pagkawala bigla ni Dimaria sapat na para baliwin siya. At the same time, I want her only for me. That blue-haired guy can't have her. I'll make sure she'll fall for me. I made her my wife. Sa akin lang siya.

I don't share. I will never let anyone get her away from me. Unang kita ko pa lang sa kaniya, itinatak ko na sa kailaliman ng isip ko na mapapasakin siya, na walang makakakuha sa kaniya dahil akin siya. Ikinulong ko siya sa akin, itinali ko siya sa pangalan ko. I am selfish. Hindi ako katulad ng iba na handang magpalaya. Minsan na akong nawalan and I will make sure Dimaria will stay. Hindi niya ako iiwan at hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.

Sa tatlong taon matapos naming maikasal sa Vegas, hinayaan ko siya kailanman hinawakan o ginalaw.

Ayoko magmadali, hindi ko siya kailanman ginalaw pero binabantayan ko siya. Itinutuon ko lahat ng uhaw ko sa ibang babae, para lang hindi ko siya makibo. I am always in control whenever she's near or whenever I'm in the house. I want her, but not now... Hindi pa niya ako mahal. I wasn't doing anything to hurt her. Wala naman na sa plano ko ang saktan siya. The last time na pagtaasan ko siya ng boses ay noong pilitin ko siyang pumirma.

One time, naabutan niya akong may kahalikan sa couch. It's really my intention to show it, not because I am lusting over someone, but because... I want to know if... If ... Fuck! If she likes me already! Alam kong ang lalaking may asul pa rin ang buhok ang gusto niya. Kahit ilang taon na. Hindi ko hahayaang tumagal pa ng ilang taon hanggang sa mahalin niya 'yon. 'Di pwede. I want to trigger her emotions. I am bad. Hate me all you want, but that is my way of knowing the fucking truth!

Halos mapamura ako ng masulyapan ang sakit na dumaan sa mga mata niya. That fucking made me stone for a moment. She's hurt? Does that mean... She likes me already?

Pinaalis ko ang babae. Inayos ko ang sarili at nagmadaling sumunod kay Dimaria sa kwarto na tinutuluyan niya at nasa may tapat pa lang ako ng pintuan ay kaagad ko nang narinig ang humikibi niyang hanggang sa may tumawag sa kaniya at kinausap niya. It was her friend, slash her manager. Kilala ko 'yon.

I heard her talking about accepting the job Prett offered her. Nag-init ang ulo ko. That rascal has an eye for my wife! I won't give him a chance to make a move.

"Bakit ba laging ang dilim ng kwarto mo?" Mabilis kong binuhay ang ilaw at kaagad naman siyang napatayo.

This is my first time here. Hindi ako kailanman pumasok sa kwarto niya. Ayoko hindi dahil sa ayoko sa kaniya, kundi dahil pinipigilan ko ang sariling angkinin siya. I am not that kind of guy. Yes, I fucked women. Pero hindi naman ako 'yong klase ng lalaking puro libog at kamanyakan ang nasa isip. Hindi ako madaling matukso pero pagdating sa babaeng 'to, she's a freaking living temptation! Hindi ko alam kung bakit rumurupok ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit may kung anong naglalaro sa isip ko sa t'wing nakikita ko siya. Damn! Dumbass, calm your fucking hormones! She doesn't deserve to be lusted.

Advertisement

"Sanay ako sa madilim." tipid na sabi niya sa mababang boses at kaagad na naglakad palapit sa side table.

"Don't you have class tomorrow?" I let her study here, and I also let her do her passion. Hindi naman ako ganoon kasama para pigilan siya, kahit doon man lang mapasaya ko siya... Dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya mapapasaya gayong alam kong iniisip niyang masama ako. I just can't be expressive with her. Hindi ko maipakita ang emosyon ko, ang nararamdaman ko. Funny. I was caging her to me... While I am also a prison of myself. Matagal ko nang ikinulong ang sarili ko at hindi ko alam king kailan at kung paano makalaya.

"Mayroon, 3 subjects." tipid ulit na sagot niya.

"Free your sched after your class. We will go to attend one of my business partners' parties. I'll take you with me." Actually, hindi naman kailangan na isama ko siya pero dahil sa narinig ko kanina, ginawa ko na lang 'yong excuse para hindi siya matuloy.

"You don't have the right to say no. Dimaria." Nang mapansin kong magrereklamo siya'y sumagot ako at umayos na ng tayo para umalis.

"Don't accept Prett Vinezon's offer to you. Kung gusto mo pang ituloy ang pag m-modelo mo." I warned her. Damn that Prett.

"Bakit hindi?! And why are you so controlling!? That's my job. Hindi naman kita pinakikialaman sa lahat ng gusto at ginagawa mo hindi ba?!"

"Do what I say, kung ayaw mong pagsisihan na sumuway ka sa akin." Mariin na sabi ko. Bakit ba hindi na lang siya sumunod? May gusto ba siya sa gagong 'yon?

"That's my job, I have my own mind to decide. Labas ka na sa kung ano ang gusto ko sa trabaho ko Hunter." marahas ko siyang nilapitan at hinawakan ng mariin ang braso para bahagyang hilahin at paglapitin ang katawan naming dalawa. Naiinis ako at nauubos ang pasensya ko.

"You're my wife. Kahit na baliktarin mo ang mundo asawa kita sa papel at hawak kita Dimaria. Pumerma ka ng kontrata, and the moment you signed it...binigyan mo na ako ng karapatan na hawakan ka sa leeg, pati ang desisyon mo naiintindihan mo ba?" Damn! What am I doing? Did I reallynhabe to go this far?! Kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng makitang nangilid ang mga luha niya. Dumbass! I have to stop this!

"Sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong huminto sa pag m-modelo. Huwag mong sagarin ang pasensya ko," marahas ko siyang binitawan at mabilis na lumabas. Galit na galit ako sa sarili ko! Sinaktan ko nanaman siya! Argh! Nakakainis tangina naman! Bakit ba ang hirap-hirap magmahal!? At bakit ba mas mahirap umamin?!

Hindi naman ganito noong kami ni Amber. Nanlamig ang katawan ko ng maalala ang dating kasintahan. I shook my head and walked into my room. Maybe I just need a cold shower. Real cold shower.

I was trying to fix myself and to be good to her. I am tired. Noong una akala ko, makakaya kong panindigan ang kagustuhan kong makaganti pero habang tumatagal nilalamon ako ng kagustuhan na magpakabuting asawa kay Dimaria. I even want us to have a child already... Not when Amari started to mess around.

"What the fuck is your problem?" She stares at me coldly.

"Baka nakakalimutan mo Hunte. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kakambal ko. Hindi mo siya pwedeng palitan na lang basta-basta hangga't hindi mo napapagbayad ang pamilya ng Damon na 'yon!"

"I know, okay?! So leave me alone!" babalik na sana ako sa loob to get Dimaria, but Amari pulled me back.

"Hurt her, wala pa 'yon sa sakit na dinulot sa pamilya ko ng pagkawala ng kakambal ko."

"Amari!"

"Hurt her! Or I'll make sure she'll suffer! At ipapakulong naman kita! My uncle is a freaking General! And my father is a politician and a lawyer too. Kayang-kaya ka naming ipakulong sa kasalanang hindi mo ginawa. Kayang-kaya kong masira ang pangalan mo sa kanila kung gugustuhin ko. Paano kaya kung sabihin ko kay Dad na ikaw talaga ang dahilan kaya nangyari 'yon kay Amber?" fuck! She's challenging me and trying to hold my neck!

"Oh! One more thing, I can also make Dimaria suffer. Kaya ko siyang ipaalis sa trabaho niya, at saktan emotionally. Remember, noong nilasing kita and you mistook me for her... two years ago? May video pa rin ako noon Hunter. I am sure hindi pa siya nakakanood ng porn, so I can show our make out video instead... 'Yon nga lang, ikaw 'yong lalaki roon."

"What the fuck you exactly want!?" she smiled at me. A wicked smile. Noon pa man salungat na talaga ang ugali niya kay Amber. That is why I never liked her.

"I want you to pretend to be my boyfriend. I want us to act like we're together. In front of Dimaria. I want you to help me get revenge for my sister, and I will just stop when I am satisfied enough. Kasi mukhang lumalambot ka na talaga sa kaniya."

Tangina!

"Promise me after that, you'll leave us alone... "

"Yeah, I'll keep my words." pagkatapos noon ay hinila na niya ako palayo.

Damn, I'm sorry baby. I have to fix this first. Babawi ako sa 'yo... I'll tell you I love you. I'll just... Handle this wicked witch first.

    people are reading<Hunter's Wrath (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click